CHAPTER 3: FIRST DAY

1199 Words
Wednesday So ayun na nga. It's already 6 am, and hell yeah, gising na ako hihe. Di naman ako excited, pero Ewan dapat di ako excited. Feel ko ngang di pumunta sa camp kuno, kaya ang aga Kong nagising, dzuh~ Nakaligo na rin ako btw, yes hello? Sinong di excited? 3 days camp lang din naman kaya dalawang maleta dala ko. ----- Beeeeep! Beeeep! And andiyan na nga ang sunsundo sakin, si kuya Reyn. Syempre. Baka San pa ako magpunta pag di niya ako sinundo, lolzsxc. "Ano Kirs? Ready ka na ba?," tanong pa ni kuya Reyn na nakatingin sa mga gamit ko. Luh? Gagu haha, pag na gets niyo tropa na tayo. "Hindi pa kuya Reyn, mukhang di pa kasi sapat yang dalawang maletang dala ko eh? Ha ha." Pagbibiro ko pa, yes Biro yan, makitawa kayo. "San ka nga ulit mag-a-abroad?" At yun ang Simula ng paggagaguhan namin nitong kausap ko--- actually kanina pa. "Sabi ko nga titigil na ako," sabi ko nalang. "So yan na nga kuya ready na ako, buhatin mo na lahat yan kuya, lagay mo na sa sasakyan mo," dagdag ko pa. "Yan, haha kala mo naman, oh siya sige na, sumakay ka na-- nga pala Kirs, nasan kuya mo?" Dire-diretsong sabi ni kuya Reyn. "Ah, si kuya, ayun humihilik pa ang pwet. Tulog mantika, winisik wisikan ko na nga ng tubig kaso di pa rin gumigising eh, napunta na ata sa other dimension world," pagbibiro ko pa. Napalinga na lang si kuya Reyn at ngumiti. Shems ang lalim. Yun di na siya sumagot pa dahil alam niyang maaabutan kami ng bukas kapag nagpatuloy pa ang pag-uusap namin. "Matutuwa ka sa magiging location ng camp Kids, alam Kong magugustuhan mo talaga." Biglang imik ni kuya Reyn. Wao, mahubay! ----- At ilang minuto lang ang lumipas, nakarating na kami sa campsite, at sobrang unique sa paningin ko. Nga naman. It's very refreshing in my sight because it's my first time to be here. "Dito na tayo Kirs," sabi pa ni Kuya Reyn ng nakangiti. "Kuya, napakabago naman pala nito sa paningin ko hehe," ang ganda talaga ng campsite. "Sabi ko na nga bang magugustuhan mo eh," tugon niya. "Welcome to Janina High School," proud na sabi ni Kuya Reyn. Yes, you read it right, Janina High mga atih. Very refreshing and unique. Wow. Hindi ko talaga alam kung maiinis ba ako or ano. Dalawang maleta pa dinala ko eh limang kilometro lang pala layo nito mula samin, jusko. Sinimulan ng buhatin ni kuya Reyn ang mga gamit ko papasok ng school. Bawal daw kasing pumasok mga sasakyan kapag summer. Ang saya. Hinatid ni kuya Reyn ang mga gamit ko hanggang guard house lang kaya sobrang saya talaga. Pagdating namin ng guard house agad akong nag-hi kay manong guard na lodi ko haha. Naka jeans, black and white striped longsleeve at sneakers lang ako. Yung airport look, ganun. Di ko naman kasi alam anubaaaaa. Napansin kong medyo natupi yung sidsiran ng jeans ko kaya naman umupo ako para ayusin iyon. "Uy kuya Reyn," sabi ng di pamilyar na boses. Kilala ata ni kuya, bahala nga sila. "Uy Lance, nauna ka na pala," rinig kong sagot ni kuya Reyn. "Nga pala nandito na si Kirsten, isa sa mga participants, inaantay ko pa yung isa." Matapos kong ayusin yung jeans ko agad akong tumayo at humarap kina kuya Reyn at ng kausap niya. Syempre ano pa bang bago be? Slow-mo agad, ano pa? Be, ang gwapo ng nasa harap ko. Di ko alam kung may lahi 'to o ano, maputi. Matangkad. Basta gwapo. Bahala na kayo mag-isip kung gaano siya kagwapo, isipin niyo crush niyo 'to. Shet na malagket. Syempre walang snap snap na magaganap, yung iho-hoy ako kasi nawala sa isip, mali yon. Ayun, kahit nagwapuhan naman ako, parang wala lang, bare face? Normal bored face be, ganun tayo. Feeling ko isa sa mga staff or facilitator kasi sobrang formal niya tingnan, though naka scarf siya (yung pang kepap na 2011 era be). Formal pa rin eh.  "Oh Kirsten, si Lance pala," pakilala ni kuya. "Hi Kirsten," sabi naman ng Lance sabay abot ng kamay niya sa'kin, at be ngumiti siya be. Nginitian ko lang din siya, ayokong magsalita. "Participant din siya kagaya mo Kirs, galing sa kabilang barangay," tugon ni kuya Reyn. Tumango lang ako. Be, participant din siya, so makakasama ko siya lagi, chour. "Labas na muna ako, may aantayin pa ako na participant," paalam ni kuya Reyn. "Tulungan na kita," agad namang kinuha ni Lance yung mga gamit ko. Hindi na ako nagsalita pa, role ko kasing maging pipi sa sarili kong istorya, kaya enjoy. "Nga pala, tatlong barangay tayong magme-merge, ika-apat yung barangay ko bilang salimpusa, haha," masayahin pala. Hindi ko nalang siya pinansin, at tumango tango lang ako. Ilang saglit lang ay nasa harap na kami ng building ng Grade 10, nakita ko ring may mga tao na sa loob ng isang klasrum, mga teenager, kagaya ko. "Salamat," yan nalang sinabi ko. Ano pa ba? Di pa kami close, Later na, hehez. "You're welcome. Nga pala sunod ka na sa kabilang klasrum, the program will start 20 minutes from now." Char inglesiyero mga mamser. Nilagay ko nalang muna yung dalawang maleta ko sa loob ng room at sumunod sa kaniya, syempre di niya alam na sinundan ko siya. Nakita ko naman si Kuya Reyn na papunta sa direksiyon ko kaya kumaway nalang ako. Parang tanga lang. Nang makalapit na si kuya Reyn agad naman niya akong tinanong, "Kirs? May kilala ka bang mga ka edaran mo? Di kasi pinayagan yung isang participant, kailangan kasing umabot ng fifteen ang participant ng bawat barangay." Paliwanag pa ni kuya. Agad namang sumagi sa isip ko yung pinaka-close kong pinsan na si Jocky. "Ya, yung pinsan ko, tawagan ko na ha?" Di ko na pinasagot pa si kuya Reyn at agad-agad kong dinial ang pinsan ko, for me not to feel so alone during this camp.  Nakakaisang ring pa lang ako at sinagot agad ng pinsan ko at sinabi lahat ng details. Syempre di ko sinabing may gwapo.  Wala pang 12 minutes nakarating na yung pinsan ko, nag bagpack lang siya at may dalang tent hahahahahaha. Syempre para di lang ako yung magmukhang tanga. Sinabi ko kase na nag-aantay yung sasakyan namin sa school, kunwari sa ibang place yung camp. Akonademonyo oo. Tawang tawa lang ako sa kagagahan ko, inis na inis siya nong malaman niyang dito lang sa school namin yung camp. So yun pumasok na kami sa klasrum kung saan daw may program. Nakatingin lang yung ibang participant from other barangays. Ang natitirang upuan nalang ay yung sa harap, wow. Nakaupo doon si Lance. Syempre pinaupo ko yung pinsan ko sa gilid ni Lance, di ako mahilig chumika kaya ayon. Ilang saglit pa ay pumasok na yung limang alam mong magmomonitor sa inyo at magbibigay ng lectures na kadalasang nangyayari sa camp. Ngumiti sila sa amin. "Magandang umaga sa inyong lahat. Paticipants, Welcome to the Future Leaders Camp"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD