CHAPTER 3: A FATHER THEY LONG FOR

1539 Words
Tinitigan ni Monica ang papalayong likod ni Alexander, at labis siyang naguluhan. Umaasa siyang hindi basta-basta papayag sa annulment ang asawa nito, para mas malaki ang kikitain niya kapag nauwi sa demanda. Isa pa tulad ni Alexander, mukhang mahirap pakawalan lalo na at napakayaman nito. Pero naisip din niyang imposibleng may taong hindi matatakot kay Alexander. Ang rason nitong infidelity ay parang nakakapagtaka. Isang babae, lolokohin lamang ang tulad nito? Napabuntong-hininga siya at tumalikod para hanapin ang kanyang mga anak na iniwan niya kanina. ANG dahilan kung bakit nagmamadali si Alexander ay dahil pinauna na niyang palabasin ang anak na si Hazel sa ibang exit dahil ayaw niya may makaalam na may anak na siya, at hinihintay siya nito sa kotse. Naglakad siya nang mabilis at hindi sinasadyang mabangga ang isang maliit na bata na nagmamadali rin. “Araayyy—” napa-upo si Charles at kinuskos ang kanyang pwet gamit ang bilugang mga kamay. Sa laki ng katawan niya at talagang natumba ito. Naka-nguso siya sa sakit at nakatingala sa lalaking bumangga sa kanya. Isang tingin pa lang ay napatigil na si Clarence…Ang itsura ng taong ito kamukha ni Clarence!” sa isip-isip ko. “Pasensya na. Hindi kita napansin.” Nakakunot ang noo ni Alexander. Hindi talaga siya mahilig sa maliliit na bata. Sa tuwing nasa school si Hazel, madalas siyang maistorbo ng kung sino-sinong pasaway na batang lalaki ang nakakasama niya. Pero bago pa man siya nakatalikod, napansin niyang nakaupo pa rin ang batang lalaki sa sahig, mapulang mga labi, maputi at makinis na mukha, at malaking itim na mata. May kung anong pamilyar na pakiramdam ang biglang sumilay sa kanya, kaya’t kusa niyang inalalayan ang bata. “Ayos ka lang ba?” Natulala si Charles sa lalaki na para bang bumalik siya sa hinaharap at nakatingin ngayon sa mga mata ng kanyang Kuya. Sabi ni Mommy, sila raw ay kambal pero hindi magkamukha. At ang lalaking nasa harap niya—bigla na lang niyang nasambit, “Daddy!” Ang malinaw at inosenteng boses na iyon ay parang batong bumagsak sa dibdib ni Alexander, at bigla siyang nakaramdam ng kung anong kakaibang init sa puso. Napakunot ang noo niya sa sinabi ng bata sa harapan niya. “Nagkakamali ka, hindi ako ang daddy mo.” Tinapik niya ang balikat ng bata at tumingin sa paligid. “Nasaan ang mga magulang mo?” Nakatingin lang ang bata sa kanya na kumikislap na mga mata at biglang nagtanong.. “Ikaw ba ang Daddy namin?” tanong pa nito pero hindi ito pinansin ni Alexander.. “Ihahatid na lang kita sa information desk.” Tumayo siya at hinawakan ang kamay ng bata. “Hindi, andoon lang si Mommy naghihintay sa akin!” sagot pa ng bata sa kanya. Gusto sanang bawiin ni Charles ang kamay niya, pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Hindi mapigilan ni Alexander na napatitig sa pilyong bata…Bago pa siya makapagsalita, tumunog ang cellphone niya—ang espesyal na ringtone ng anak niyang si Hazel. Alam niyang naiinip na ang anak, kaya agad niyang binitawan ang kamay ng bata at inilabas ang isang business card mula sa kanyang bulsa. “Kung may masakit sayo magpatingin ka sa doctor okay? Call me…At kung may problema, bumalik ka sa akin. Pero hanapin mo muna ang mga magulang mo,” ani niya pa sa bata. Hindi na niya inabala ang paghatid sa mga magulang nito. Iniwan niya ang business card at mabilis na umalis dahil kilala niya ang tantrums ng anak. Nakatitig si Charles sa hawak niyang card, at biglang nakaramdam ng pagkabitin habang pinagmamasdan ang papalayong lalaki. Malakas ang kutob niya baka ito ang daddy niya. “Charles?” lumabas mula sa banyo si Clarence at kumaway. “Ano bang tinitingnan mo? Nakaihi ka ba?” “Kuya!” dali-daling iniabot ni Charles ang business card. “Tingnan mo, si Daddy ito, hindi ba?” Nakasulat ang pangalang Alexander Ferrer pero hindi naman marunong bumasa si Charles kaya inabot niya na lamang kay Clarence. Sinundan ni Clarence ang tingin ng kapatid at nakita lang ang papalayong likod ng lalaki. Nang makita niya ang card, umiling siya. “Ferrer ang apelyido niya, hindi siya ang daddy.” Napangiwi si Charles. Hindi man siya marunong magbasa, marunong naman siyang kumilala ng mukha. Kahit hindi ito si Daddy, siguradong may kaugnayan ito kay Daddy dahil kamukha mo siya,” giit pa ng batang si Charles sa kapatid na akala mo ay mga matanda na ang mga nag-uusap. Itinago niya ang business card sa bulsa at nagpasya. Gagawa siya ng paraan para makita niya ulit ang lalaking yun. “Halika na, bumalik na tayo kay Mommy, siguradong nag-aalala na siya.” Hinila siya ni Clarence, habang si Charles ay hawak-hawak pa rin ang masakit na puwet. Pagbalik nila, abala ang ina sa pakikipag-usap sa staff ng information desk at hinahanap na rin sila. “Kambal silang dalawa, parehong maputi at bilugan, magkapareho ang tangkad. Ang Kuya naka-itim, ang bunso naman makukulay ang suot—” Tumango ang staff…..“Oo, ma’am, naalala ko sila. Sinabi nilang hinahanap sila ng tatay nila, si Mr. Miguel Natividad. Tinawag ko nga kanina. Nainip siguro kaya nagpunta muna sa banyo…” Natigilan si Monica sa sinabi ng staff na kanyang tinaungan. Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang bag. Kaya pala nagpumilit ang mga ito na sumama sa kanya ay dahil may plano ang mga ito. Hindi na siya magtataka dahil talagang matanda na kung mag-isip ang mga anak niya… “Mommy, nandito na kami!” sigaw ni Clarence.. Narinig ni Monica ang tinig ng anak pero hindi pa rin niya nilingon ang staff. “Sino raw ang hinahanap nila? Miguel Natividad? ” ulit pa niya sa staff upang iparinig sa kanyang mga anak na natigilan. “Opo, hindi ba’t iyon ang pangalan ng ama ng mga bata? Natagpuan na ba ninyo ang asawa ninyo?” ngumiti ang staff at itinuro ang dalawang bata, “Ma’am, nandiyan na po pala ang mga anak ninyo!” Kaya pala parang pamilyar ang narinig niyang pangalan kanina at hindi nga siya nagkamali. Kagagawan pala ng mga anak niya. Nagpasalamat siya nang pilit sa staff na kanyang pinagtanungan, saka agad hinawakan ang dalawang anak at mabilis na tumungo sa parking lot. Pagkabukas ng kotse, kusa nang sumampa ang dalawa sa likuran, nag-seatbelt, nagtitipon ng lakas ng loob, at sabay na umamin sa kasalanan. “Mommy, nagkamali kami.” Si Clarence ang unang nagsalita at inako ang lahat ng sisi. “Ako ang nagpilit na hanapin si Daddy.” Mabilis namang sumabat si Charles. “Kasama ako, Mommy. Kung paparusahan mo kami, pareho na kami!” Nakita ni Monica sa salamin ang dalawang batang sobrang magkadikit at magkasundo. “Sino’ng nagsabi sa inyo na babalik ang Daddy ninyo ngayon?” tanong ni Monica. Sumagot si Clarence ng tapat, “Si Lolo po.” “Naiintindihan ko.” Mabilis niyang pinaandar ang kotse. “Si Lolo ninyo ang sisingilin ko sa kalokohan ‘yan,” ani niya pang hindi naman galit pero pinakita niya sa mga anak niya na hindi niya gusto ang ideyang iyon… Maliwanag sa tono niya na hindi niya gusto ang paghahanap ng mga anak sa kanilang ama. Tahimik na pinisil ni Charles ang business card sa kanyang bulsa. Mukhang kailangan ko siyang hanapin ng palihim! SA ISANG malawak na lupain sa Tanay doon nakatira si Papa Carlo. Ang taong kumupkop sa kanya simula nang maglayas siya….Sa gitna ng malawak na lupain, may bahay na parang lumang courtyard, napapalibutan ng mga halaman, prutas, at bulaklak. Huminto ang kotse ni Monica sa tapat. Tumakbo agad ang mga bata papasok. “Lolo, ingatan mo sarili mo!” sigaw ni Charles ng makita nito ang abuelo bago niya hinatak si Clarence palayo. “Pa,” tawag ni Monica habang may dalang kahon ng pagkain. Simula ng kupkupin siya nito itunuring niya na itong tunay na ama. Nag-aayos pa ng paso si Carlo nang dumating ang mag-iina kaya hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng tinawag ni Charles.. Paglingon ni Carlo sa mga apo ay tumambad ang mapanuring tingin ni Monica habang may bahagyang ngiti. Kinabahan agad siya. “Monica, sakto ang dating mo. Masakit ang ulo ko, baka pwede mo akong tulungan—” “Nakabalik na ba ang anak mong si Miguel?” putol ni Monica agad, inilapag ang pagkain sa mesa at dumiretso sa punto. Hindi niya binigyan ng pagkakataon ni Papa Carlo na umiwas. Anim na taon na ang nakalipas nang makita siya nito na nawalan ng malay sa daan. Makalipas ang kalahating buwan, natuklasan niyang buntis siya at kambal pa. Ito ang naging takbuhan niya ng mga panahon na yun. Dahil manipis ang kanyang matris, malaki ang posibilidad na hindi na siya muling magdalang-tao pa pero nang panahon na yun ay wala siyang pera. Wala pa ngang kasiguraduhan kung paano niya mapapalaki ang mga bata. At simula nang mamatay ang kanyang ina, hindi na niya nararamdaman ang pagmamahal ng ama... Kaya’t hindi niya maatim na mawala ang dalawang buhay na tumutubo sa kanyang sinapupunan. Sa gitna ng kanyang pag-aalala, biglang inalok siya ni Papa Carlo na ipakasal na lang siya sa anak nitong si Miguel Natividad. Hindi na siya tumanggi pa lalo na at walang ama ang kanyang ipinagbubuntis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD