NAGMAMADALING sumabay si Darwin sa hakbang ng boss na si Alexander. Personal Assistant siya nito.
“Wala pa pong balita, boss.”
Tumigil si Alexander, halatang hindi nasisiyahan at tinitigan nang mariin si Darwin.
“Wala ka man lang kahit anong palatandaan?”
Umiling agad si Darwin pawis na pawis at kinakabahan sa amo.
“Boss, ang birthmark na hugis paru-paro sa ibabang likod ay masyadong tago. Mahirap hanapin at kung isang birthmark lang ang batayan, hindi madali ang paghahanap,” sagot nito na nakayuko.
Isinuksok ni Alexander ang mga kamay sa bulsa, at biglang umangat ang gilid ng labi.
“Limang taon na. Hindi madali, oo, pero sawa na ako sa mga palusot na ‘yan Darwin. Ano ba naman.. Wala na bang bago? Anong sasabihin ko sa anak?”
Si Hazel ay limang taong gulang na anak ni Alexander.
Limang taon na ang nakalipas, plinano siya ng sariling pamilya at pinainom ng gamot. Sa gabing iyon, nakatagpo siya ng isang babae at may nangyari sa kanila. Binitiwan niya ang pangakong pananagutan ito, pero agad siyang kinuha ng kanyang lolo pagkaraan ng gabing iyon.
Pagkatapos ay wala na siyang nagawa. Pinilit siyang magpakasal sa isang estranghera at agad na ipadala sa ibang bansa. Mula noon, hindi na niya muling nakita ang babaeng iyon.
Ang babaeng asawa na hindi niya kilala, ang dalagang nasaktan niya at biglang naglaho…
Matagal siyang nabuhay sa sakit at pagsisisi.
Sampung buwan ang lumipas, isang sanggol na babae ang iniwan sa pintuan niya, may kasamang liham na nagsasabing anak niya ito. Nang lumabas ang resulta ng DNA test, napatunayang anak nga niya si Hazel—anak ng babaeng hindi niya kilala.
Mula noon, ibinuhos niya ang buong puso sa anak at ipinangako sa sarili na balang araw, hahanapin niya ang ina ni Hazel.
“Boss, nakahanap na tayo ng abogado. Gusto mo bang unahin muna ang annulment?” tanong ni Darwin na halos nanginginig na sa takot. Kilala niya kasing mainitin ang ulo ng amo.
Nanigas ang mukha ni Alexander saka muling naglakad.
“Siyempre, kailangang mauna ang annulment. Nasaan ang abogado?”
Tinuro ni Darwin si Attorney Monica, nakatayo sa labas ng isolation zone, bitbit ang itim na briefcase at nakasuot ng Chanel-style na suit.
Tinitingnan ni Monica ang litrato ni Alexander sa kanyang telepono habang hinahanap ito sa mga guwardiya sa exit.
Ang kliyente niyang sasalubungin ay si Alexander Ferrer, ang tagapagmana ng pamilya Ferrer. Isang zillionaire na halos pagmamay-ari ang lahat ng hotels at malls sa buong bansa..Nagreseach muna siya bago siya nakipagkita sa kliyente niya...Limang taon na ang nakalipas, halos ikapahamak nito ang bitag ng sariling pamilya, at ipinatapon siya sa ibang bansa ng kanyang abuelo. Makalipas lang ang isang buwan, pumanaw ang lolo niya. Sumiklab ang matinding tunggalian sa pamilya, at sa huli, ang panganay na anak ang nagmana sa pamilya Ferrer na hanggang ngayon ay magulo pa rin.
Sabi ng lahat, duwag si Alexander Ferrer at tumakas.
However, only a month later they found out that he had caused a financial crisis in the whole world, and on the other hand, had also promoted the chip industry in a different country. It happened that he was the eldest of the grand sons of the influential Ferrer family, Alexander Ferrer. His name was not just a household name in the business world but it was being whispered in the upper social classes as a man who can make markets change overnight. Not many people had any idea of the scope of his influence, and even fewer dares to stand up against him.
At doon nila nabalitaan kung gaano na siya kalakas at kapangyarihan. Nagkaroon ng malaking gulo sa bansa sa pagbabalik niya. Ang iba’y nagsabing babawiin niya ang pamilyang Ferrer, ang iba ay nagsabing may hinahanap siyang tao.
Ano man ang totoo, ramdam ni Monica na siya ang unang nakakaalam ng tunay na dahilan ng pagbabalik nito.
Bago pa man umuwi si Alexander, nagpadala na ito ng tao para makipagkita sa kanya at ipagkatiwala ang isang bagay.
At ngayon, isa na siya sa pinakamahusay na abogado sa bansa.
Sa exit, may paparating na matangkad na anino, malapad ang balikat, matipuno ang katawan, at may malamig na presensya. Nakakatakot itong lapitan dahil hindi ito basta-bastang tao. Ang mga mata nito’y matalim, ang mga labi ay manipis, at ang anyo ay parang nililok.
Agad naramdaman ni Monica na siya na nga si Alexander Ferrer.
Mula sa ilalim ng gold-rimmed glasses, bahagyang tumalim ang tingin ng lalaki, at tumama iyon ng diretso kay Monica. Parang hinihigop siya ng malalim at misteryosong mga mata nito, at hindi niya napigilang mapatitig. Isang pamilyar na pakiramdam ang gumapang sa kanyang buong katawan ng magtama ang mga mata nila.
Napabulalas siya.. “Mr. Ferrer, parang nagkita na tayo dati?”
Mataas ang tingin si Mr. Ferrer sa kanya, hinila ang kurbata, at malamig ang tono na sinagot siya..
“Darwin, siya ba ang ‘gold medal’ lawyer na nahanap mo?” tanong nito sa assistant na hindi pinansin ang sinabi niya.
Halos manlamig sa kaba si Darwin at napatingin kay Monica.
Natauhan si Monica, agad niyang iniwas ang tingin at marahang tumango.
“Pasensya na po, Mr. Ferrer, nadala lang ako,” sagot niyang napapangiwi dahil sa kanyang katangahan. Sigurado siyang hindi pa niya nakilala si Mr. Ferrer nng personal.
Marahil dahil sa sobrang panonood niya rito sa mga TV interviews nito kaya akala niya ay nagkita na sila.
At hindi rin niya akalaing mas lalong nakakaakit ang presensya nito kaysa sa litrato.
“It’s okay.” Walang imik na tumingin si Alexander sa relo at tumuloy papunta sa parking lot.
Sumunod si Monica sa lalaki, habang si Darwin naman ay nasa likod, nakikipantay sa kanya para bang laging kinakabahan.
“Attorney Ocampo, may pupuntahan pa si Mr Ferrer. Sumabay ka na sa amin sa kotse para makapag-usap sa daan.”
“Pasensya na, may aasikasuhin pa ako kaya hindi pwede.” Matatag ang pagtanggi ni Monica…Nasa airport pa ang mga anak niya, hindi siya pwedeng lumayo.
Narinig ni Alexander ang pagtutol ni Monica…Napahinto siya, saka tumingin ng patagilid.
Kinabahan si Monica, kaya’t napayuko siya at kinakabahan.
Totoo, malaki ang bayad na alok nito at napakahirap kitain ng perang iyon. Malaking bagay ang ibabayad nito sa kanya.
Biglang may boses sa speaker silang narinig kaya natigilan siya.
“Mr. Miguel Natividad on flight G169, please proceed to the information desk immediately…”
Napatingin si Monica nang magsalita si Alexander.
“Five minutes.”
Nagtataka si Monica, “Kung sa tingin niyo ay sapat na iyon para makausap kayo ay ayos lang.”
Si Alexander mismo ang nakipag-ugnayan sa kanya, kaya’t hindi siya sigurado kung gaano kahaba ang usapan.
Sinenyasan ni Alexander si Darwin. “Kunin mo ang bagahe, hintayin ako sa parking lot.”
“Okay po, Boss.” Napatuwid ng tindig si Darwin.
“Halika.” Tumalikod si Alexander at dumiretso papasok sa VIP lounge.
Napilitan si Monica na magmadali, halos tumakbo sa kanyang limang sentimetrong takong para makahabol sa lalaki.
Pagdating sa lounge, naupo sila sa itim na marmol na mesa. Nakasandal si Alexander, nakataas ang paa, at tila kampante.
“Malapit na akong mag-file ng annulment. Gusto kong ikaw ang maging abogado ko.”
Para siyang tinamaan ng kidlat, natigilan si Monica.
Kasal? May asawa si Alexander Ferrer?!
“Gawan mo ako ng kasulatan ng annulment. Kung hindi siya pumayag, dadaan tayo sa legal na proseso. Nangaliwa siya. Kukuha ako agad ng matibay na ebidensya para siguradong panalo tayo. May idadagdag ka pa ba?”
Plano ni Alexander una, sa maayos na paraan ang hiwalayan nila, kung hindi, sa pwersa niya dadaanin.
Nagulat si Monica sa nalaman.
Sino ang babaeng may lakas ng loob na ipagpalit ang isang ubod ng yaman at gwapong si Alexander Ferrer?
Makalipas ang ilang segundo, pinakalma niya ang sarili at sinuot ang pagiging propesyonal.
“Mr. Ferrer, may pinirmahan ba kayong kasunduan sa ari-arian bago kayo ikinasal?”
Tahimik muna si Alexander bago umiling.
“Wala.”
“Okay. Ipapadala ko sa email niyo ang kasunduan. Mas mabigat ang ebidensya kung diretsong infidelity. Pero hindi pwedeng ilegal ang paraan ng pagkolekta ng ebidensya. Sana po’y tandaan niyo iyon.”
Kinuha ni Monica ang isang business card sa bag at inabot sa lalaki.
“Kung may kailangan pa kayo, pwede niyo akong kontakin anumang oras.”
Tinanggap iyon ng lalaki.
Attorney Monica, Gold Medal Lawyer, Makati OC Law Firm.
Sa calling card, kitang-kita ang kanyang maliwanag na mukha.
Isang itsurang hindi madaling makalimutan.
Isinilid iyon ni Alexander sa bulsa ng kanyang coat, saka iniabot ang kamay. “It’s a pleasure working with you.”
Ngumiti si Monica, bahagyang nakipag kamay.
“Nais ko ring maging mabilis ang proseso ng annulment ninyo,” sagot ni Monica na nakangiti habang hawak ang kamay nito.
She felt that she had parted on good terms with her most profitable customer, the so-called cash cow.