MALAKAS ang ulan sa labas, kumukulog at kumikidlat na para bang nakiki simpatya kay Monica ng gabing ‘yun.
“Don’t worry, pananagutan ko ang nangyari sa ating dalawa,” wika ng lalaking hindi maaninag ni Monica ang mukha dahil sa kalasingan. Sapat na ang kanyang mga narinig para ipaubaya na sarili sa estranghero.
Ang binatang nasa tabi niya ay matipuno ang katawan at malaki. Matangos din ang ilong nito na kahit hindi niya makita alam niyang gwapo. Malayo sa malupit at marahas na matandang lalaki na ipinipilit sa kanya ng ama na maging asawa. Hinayaan niya angkinin siya ng paulit-ulit ng lalaki, halikan ang buong katawan at pagsawaan.
Pag-uwi ni Monica ng bahay ay sumalubong sa kanya ang latigo ng ama. Napayuko siya sa sahig, nakagat ang labi at hindi ininda ang sakit dahil iyon naman talaga ang plano niya, ang sirain ang kahibangan ng ama. Nakita lang naman siya nito may kissmark sa leeg pagkatapos niyang hindi umuwi buong magdamag. Hindi niya na mabilang ang pagtama ng latigo sa kanyang katawan. Impit na ang kanyang naging pagdaing.
**
“Malandi ka! Sabihin mo! Sino ang lalaking ‘yon?!” sigaw ng ama na si James na labis ang galit, lalo na’t tatlong araw na lang ay ikakasal na sana si Monica ayon sa kasunduang plinano niya.
Pero ngayo’y puno ng halik ang katawan nito—paano pa niya ipapakasal ng ganoon ang itsura?
Tahimik lang si Monica ng mga oras na iyon. Sa isip niya ay bumabalik ang sinabi ng estranghero lalaki na babalikan siya at pananagutan ang nangyari sa kanila…Ngunit matapos ang isang gabing puno ng init, naglaho rin ito na parang bula.
Kasalanan niya, masyado siyang naging inosente.
Pati sariling ama niya, naimpluwensiyahan ng madrasta, ipipilit siyang ipakasal sa isang matandang halimaw… Paano pa siya magtitiwala sa lalaking ngayon lang niya nakilala?
Dahan-dahan nang namumuti ang paningin niya. Ang luha ay kumukulong sa mga mata, at tila wala na siyang nararamdaman sakit mula sa latigo. Namamanhid na yata siya.
“Akala mo makakatakas ka sa kasal na ito?” ani pa ng ama.
Itinapon ng kanyang ama ang latigo at mariing nagbanta.
“Kung hindi ka susunod at mag-aasawa, kalimutan mo na may pamilya ka pa! Kahit patayin ka nila, wala na akong pakialam!” sigaw pa ng ama.
Pagkasabi ng ama ay inutos nito sa mga katulong na ikulong siya sa attic sa ikatlong palapag.
Mula nang mamatay ang kanyang ina walang taon pa lamang siya at muling mag-asawa ang kanyang ama ay palagi na siyang ikinukulong sa attic na para bang iyon ang kanyang kwarto. Twenty years old na siya at fifteen years na siyang nagdurusa.
Ngayon, nakabaluktot siya sa kama, yakap ang larawan ng kanyang ina. Masakit pa rin ang katawan mula sa pananakit ng ama. Parang nanaginip siya, bumabalik sa huling gabing buháy pa ang kanyang ina.
“Monica, anak, mula ngayon ikaw na ang bahala sa sarili mo. Kailangan mong maging matatag at hanapin ang kaligayahan na para sayo. Ipinapangako mo ba?”
Bata pa siya noon at hindi pa alam ang ibig sabihin ng ina.
Ngayon, malinaw na sa kanya. Alam ng ina kung gaano magiging mahirap ang buhay niya kapag wala na ito. Kahit anong mangyari, hindi siya papayag sa gusto ng ama. Hindi siya magpapakasal sa gusto nito.
Malakas ang buhos ng ulan, sabayan pa ng malakas na pagkulog. Hinintay ni Monica na lumalim ang gabi bago siya palihim na bumaba mula sa attic gamit ang lumang hagdanan. Maingat siyang lumabas ng bahay. Ang ulan ay patuloy na bumubuhos, ang paligid ay malabo at putikan ang dinadaanan niya. Bitbit niya ang larawan ng ina at pilit na lumusot sa siwang ng mataas na bakod.
Ngunit nakita siya ng security guard. Agad na nagliwanag ang buong bahay at kaagad siyang hinabol…Kagat-labi siyang tumakbo, walang tigil ngunit nadapa siya.
Halos maubos na ang lakas niya, pero gumapang siya pabalik sa kalsada. Hindi siya pwedeng maabutan ng mga tauhan ng ama dahil kapag nangyari yun baka hindi iya makatakas pa. Nanghihina na ang katawan niya.
Hindi kalayuan, may dumating na ilaw ng sasakyan. Kumaway siya upang patigilan ito.
“Help!” nanghihina ang boses niya.. Tumigil iyon dalawang metro mula sa kanya.
Isang tao ang bumaba mula sa sasakyan. Nabuhayan siya ng pag-asa, iniunat ang kamay upang humingi ng tulong ngunit dumilim ang paningin niya at tuluyan siyang nawalan ng malay.
**
Lumipas ang anim na taon….
SA LOOB ng NAIA airport, napadilat si Monica, habol ang hininga dahil sa mga alaalang bumabalik. Parang nakaukit sa kanyang kaluluwa ang mga alaala ng nakaraan, na muling bumabalik sa kanyang panaginip.
“Mommy, bakit po?” tanong sa akin ng anak kong si Clarence. “Nanaginip ka na naman?”
Dalawang munting bata, mapuputi, mataba at sobrang cute, ang tumakbo palapit sa kanya. Malalaki ang mga matang itim at bilog na tila mga bituin. Nasa kaliwa’t kanan siya ng mga ito.
Huminga ng malalim si Monica at muling nakabawi ng lakas. Maaga kasi sila nagpunta ng airport.
“Wala, mga anak. Pagod lang si Mommy nitong mga araw at kulang sa pahinga pero okay lang ang Mommy.”
Si Charles at si Clarence ay seryosong nakatingin sa kanya, nakasuot ng itim na kaswal na damit, at kunot-noo habang pinupunasan ang pawis ng ina gamit ang puting panyo. Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti.
“Clarence, kumuha ka ng tubig para kay Mommy.”
Tumakbo naman si Clarence papunta sa service counter ng airport. Maayos siyang nakipag-usap at humingi ng isang baso ng maligamgam na tubig. Pagbalik, iniabot niya ito sa ina.
Napangiti si Monica. Sa kabila ng maling pasya noon, nagkaroon siya ng dalawang mabait at masunuring kambal—at sulit na sulit iyon.
Ininom niya ang tubig, saka hinaplos ang kamay ni Clarence.
“Mga anak, dito lang kayo ha? Huwag kayong lalayo,” bilin niya sa mga anak.
Tumangi si Clarence… “Opo, Mommy, aalagaan ko si bunso.” At kumindat pa siya sa ina.
“Mommy, darating na yung client mo five minutes. Pumunta na kayo sa gate para abangan siya. Kami na ni kuya bahala dito,” ani pa ni Clarence na parang matanda na kung magsalita.
Mabilis na tinungga ni Monica ang tubig, kinuha ang bag at tumayo.
“Mag-behave kayo, bibili tayo ng laruan pagkatapos ng trabaho ni Mommy, okay?” bilin niya pa. Independent naman ang mga anak niya kaya hindi na siya nag-aalala pa.
Parehong tumango ang magkapatid at umupo ng diretso, ipinapakita na sa ina na wala itong dapat na ikabahala.. Nagtungo na si Monica sa exit.
Nang mawala sa paningin nila ang ina ay agad na nag-usap ang magkapatid.
“Kuya, parang pareho ng flight si Mommy at yung--- scumbag dad natin. Paano kung magkita sila?” tanong ni Charles kay Clarence.
“Huwag kang mag-alala. Hihingi tayo ng tulong sa staff. Hindi malalaman ni Mommy,” sagot ni Clarence.
Magkasabay silang naglakad…Ngunit habang papalapit sila sa service desk, napatigil si Charles.
“Kuya, magagalit kaya si Mommy kung malaman niyang hinahanap natin si----scumbag dad?”
Tumigil din si Clarence sa paglalakad at sumagot. “Nakalimutan mo na ba? Limang taon siyang mag-isa, nagtitiis at nagpapasan ng lahat para sa atin, habang si Daddy---namumuhay nang parang wala tayong halaga sa kanya. Hindi na pwede iyon. Kailangan niyang panagutan tayo.”
Napaisip si Charles, takot na baka mapagalitan ng ina. Pero nang maalala kung paano sila pinahirapan ng pamilya ng Mama nila at paano nag sakripisyo ang ina, mariin siyang tumango. Tama ang kapatid niya.
“Tama ka. Hahanapin natin si Daddy. Hindi puwedeng siya lang ang masaya at is Mommy ay nahihirapan.!”
Lumapit sila sa service desk.
Magalang na ngumiti si Clarence.. “Hello, we’re here to pick up our Daddy, but we can’t find the exit. All we know is that he’s on flight G-169, and his last name is Natividad. Could you please call him so he can come to us? We’ve been waiting for him, and Mommy said he would be very happy to see us right away.”
Halos matunaw ang puso ng staff sa dalawang cute na bata. Lumabas siya mula sa counter at lumuhod sa harap nila.
“Syempre naman. Pero pwede niyo bang sabihin ang buong pangalan ng daddy niyo?”
“Miguel Natividad,” sagot ni Clarence na nakangiti pa. “Sabihin niyo lang na may naghihintay sa kanya. Pero huwag mong banggitin na kami ‘yon gusto naming sorpresahin siya.”
Tumango-tango naman si Charles habang nagsasalita ang kapatid... “Salamat po!”
Namula ang staff sa sobrang pagkaaliw sa dalawang bata. “Walang anuman. Tutulungan ko kayo.”
Sa arrival gate.
Lumabas si Alexander Ferrer, dressed in a suit and tie, at mabilis na naglakad. Tiningnan ang relo at napakunot ang noo.
“Any news?”