CHAPTER 5: DIVIDED HEARTS

1782 Words
NGAYONG nakabalik na si Alexander sa Pilipinas ay mas madali na siyang mahanap ng kanyang mga kamag-anak. Tatlong buwan lang ay sapat na para makahanap siya ng mommy ni Hazel.. Puno ng saya ang mukha ni Lilian, at kitang-kita sa kislap ng kanyang mga mata ang sobrang paghanga niya kay Alexander. Iniisip pa lang niya na makalipas ang tatlong buwan ay sasabihin na ni Alexander na siya na ang magiging ina ni Hazel, halos hindi na siya makapaghintay. Wala naman kasing ibang malapit sa bata kundi siya lamang. Lihim siyang napangiti. Kahit hindi niya talaga gusto ang mga bata at kahit hindi niya gusto si Hazel, sino ba naman ang tatanggi kung si Alexander ang ama ng bata? Si Alexander lang naman ang pinapangarap ng sinumang babae at kabilang na siya dun. Wala na siyang ginawa kundi ang magpantasya na kanya lamang ang lalaki. “The word of a gentleman can’t be taken back,” Inilahad ni Hazel ang maliit na daliri sa ama. Puno ng pag-asa ang mga mata ni Hazel na magkakaroon na siya ng bagong mommy. “Deal!” mabilis na inabot ni Alexander ang daliri at kinawit iyon. Umupo ulit si Hazel sa kandungan niya. “Daddy, para hindi ka makapagsinungaling, iblo-block muna kita,” ani pa ng anak kaya napakunot ang noo ni Alexander. Binuksan nito ang kanyang phone watch at agad na binlock ang number niya. “Huwag naman…” hinawakan ni Alexander ang maliit na braso pero hindi rin niya napigilan ang anak. Seryoso nga ito sa sinasabi. “Mag-aalala si Daddy kapag hindi ka mahanap. Gusto mo ba yun?” “Eh bakit hindi mo ako nakita kanina?” sagot ni Hazel na puno ng kumpiyansa. “Iiwan mo ba ako sa kalsada?” Umiling si Alexander. “Of course not, pero…” Napanguso si Hazel at nagmatigas. “Since takot kang mawala ako, dapat lagi kang nasa tabi ko at hanapan mo na agad ako ng Mommy!” Napaikot ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Hazel….Wala nang naisagot pa si Alexander dahil kilala niya ang anak. Habang lumalaki ito ay hindi pwedeng pangakuan na hindi tinutupad. Lumalaki itong matalino. Huminto ang sasakyan niya sa bahay niya sa Forbes Park sa Makati. Dahil sa jet lag, nakatulog si Hazel sa biyahe. Karga ni Alexander ang anak paakyat sa ikalawang palapag. Nakasunod si Lilian na may dalang maleta, mabilis ang t***k ng puso habang nakatingin sa napakagandang bahay ng lalaki. “Ms. Lilian, nasa unang palapag ang kwarto mo. Pwede mong iwanan muna ang gamit at umuwi. Kapag bumalik sa normal ang trabaho ni Sir Alexander, siya mismo ang tatawag sa’yo,” ani Darwin sa kanya kung kaya napaismid siya. Si Darwin ang nag-ayos ng lahat. All around assistant ni Mr. Ferrer. “Salamat, Darwin!” masayang tugon ni Lilian. Nag-aral siya ng child care at nursing. Siya ang kinuha ni Alexander bilang life teacher ni Hazel kapalit ng malaking sahod at madalas ay yaya ng anak nito na kung tutuusin ay hindi niya naman kailangan pero dahil kay Alexander, kahit magpakababa ay ginagawa niya. Nang bumalik ng bansa si Alexander ay umalis ang dating bantay ng bata kung kaya siya ang agad na pumalit.. Kinuha niya ang pagkakataon na yun para mapalapit kay Alexander. Worth it ang tatlong taong pagsunod niya kay Alexander abroad, ngayon magkasama na sila sa iisang bubong. Pagkapasok sa bahay, halos tumalon ang puso niya. Sa ilalim ng isang bubong sila titira ni Alexander. Iyon ang pangarap niya. Pagkalagay ng gamit, lumabas siya ng kuwarto at eksakto namang bumaba si Alexander. Napakaguwapo ng lalaki, maganda ang balat, at halos perpekto ang tindig. Napapula rin ang pisngi niya at maging ang labi ay natural ang pula. Ngunit malamig ang mga mata ni Alexander—hindi man lang pinansin ang mumunting kilig niya at pagpapansin. Mailap itong tao. Ang isang kamay nito ay nasa bulsa pagkatapos at tumingin siya sa relo. “Didn’t Darwin explain everything?” Ngumiti si Lilian at tumango. “Oo, nasabi na niya. Uuwi na rin sana ako kaso, birthday ko ngayon, may handa ang mga magulang ko. Kung sakali…” “Mr. Ferrer nailagay na po ang bagahe ninyo sa mga kwarto,” singit ni Elizabeth sa usapan. Hindi na pinakinggan ni Alexander ang sinasabi ni Lilian. Tumango lang. “You may leave now.” Medyo nadismaya si Liliam, pero naisip na hindi pa naman sila ganoon kalapit. Nasa loob na siya ng bahay, maraming chance sa darating na mga araw... Kaya’t nagtimpi at umalis siya g bahay nito at baka magalit pa. Ang nakakainis pa ay hindi man lang siya nito binati. Samantala, ipinasa ni Alexander kay Darwin ang annulment agreement na ipinadala ni Monica. “I-print at ipadala mo sa kanya ang agreement na yan,” utos ni AIexander na ang tinutukoy ay ang kanyang asawa. Tumango agad si Darwin, pero nagtanong, “Hindi mo ba siya kakausapin?” “Wala namang dapat sabihin,” malamig niyang sagot na para bang walang pakialam. Isang kasal na puno ng pagkukunwari, nakakatawa at nakakailang kapag nagkita pa. Sapat nang makita niya ang pirma ni Monica para malaman ang lahat. Ang gusto niya lang naman ay matapos ang annulment niya. “Understood.” Paalis na sana si Darwin nang muli siyang tawagin ni Alexander. “Find out where Tito Carlo is, yung naging kanang kamay ni Lolo noon,” ani niya pa. Nangako kasi siya kay Hazel na hahanapan niya ito ng Mommy sa loob ng tatlong buwan. Matagal nang kasama ng kanyang lolo si Tito Carlo, at tiyak na alam nito ang nangyari sa babaeng iyon limang taon na ang nakaraan. Kung isang babaeng walang pangalan ang hahanapin, parang karayom iyon sa susuutin niya. Pero kung totoong tao ang susundan, madali na iyon para sa kakayahan niya ngayon. Lahat ay kaya niya ng gawin dahil mayaman na siya. “Got it, Sir.” Samantala, napanaginipan ni Monica si Alexander. Pagkatapos niyang ipadala ang annulment agreement, nakaramdam siya ng antok at nakatulog sa sofa.. Aminado siyang naiisip pa rin niya si Alexander bago siya nakatulog. Isang makapangyarihang lalaki—anong klaseng asawa ba ang may lakas ng loob na pagtaksilan siya? Iyon ang laman ng kanyang isipan. Sa panaginip niya, si Alexander ay naging asawa niya, na ito raw si Miguel Natividad,, galit na galit na pumasok sa bahay, itinuro ang dalawang bata, at inakusahan siyang nangaliwa na kanyang ipinagtataka. Nagising siya sa sobrang pagkabigla. Pawis na pawis. Ang weird ng panaginip niya. Totoo ang dating ng panaginip kaya’t naisip niyang kailangang makausap si Papa Carlo tungkol sa kasal nila ng anak nitong si Miguel. Pinunasan niya ang pawis sa noo, tumayo, at nagtungo sa kusina para magluto ng ilang putahe kasama ang mga kasambahay. Paborito nina Charles at Clarence ang luto ng kanilang ina, kaya’t kapag may oras, laging nagluluto si Monica. Hinahanap ng mga bata ang kanilang ama. Kahit hindi nila sabihin, dama niya iyon. Kaya mas lalo siyang nakokonsensya at pilit bumabawi sa mga ito. Kasalanan niya naman kasi ang lahat. Hindi niya man lang kilala ang ama ng mga ito dahil sa kalasingan. Ang alam ng mga ito ay si Miguel ang ama nila pero hindi—-dahil gawa-gawa lamang iyon ni Papa Carlo. Kahit asawa ko si Miguel, never pa silang nagkita. “Mommy, hindi ka na galit sa amin, right?” tanong ni Charles habang nakatitig sa paborito niyang ulam sa mesa. Ngumiti si Monica at hinaplos ang chubby na pisngi nito. “Hindi na, pero wala nang susunod na pagkakataon. Kung meron pa, I’ll burn your library.” Napatikom ang bibig ni Charles... Hindi na sana siya nagtanong! “At ikaw naman, Clarence.” Nakangiti ang bibig pero matalim ang tinig ng ina. “Kapag may ginawa ka pa ulit na hindi ko alam, ipapadala kita sa St. Bernard School, maliwanag ba?” pananakot niya. Nanlumo si Clarence. Alam niyang iyon ang pinakamahigpit na paaralan. Para sa batang hirap magbasa, kapag napasok siya roon, parang nakulong na siya nang buhay. Mahigpit niyang niyakap ang bulsa na may business card at nanginginig ang boses nang mangako. “Mommy, h-hindi ko na uulitin!” Sa buhay, gamble ang lahat. Manalo ka, may Daddy ka. Matalo ka, lahat mawawala. “Kaya mga mag-behave kayong dalawa. Makipaglaro kayo kay Lolo Carlo ngayong hapon, may aasikasuhin lang si Mommy,” okay?” Nilagyan niya ng pagkain ang mga plato ng mga bata bago siya nagsimulang kumain. Limang taon na ang lumipas, at hindi na siya muling bumalik sa pamilya Ocampo. Madalas siyang tawagan ng kanyang ama para makipagkita sa labas, pero halos palagi silang nauuwi sa pag-aaway. Ngayon naman, ginagamit ng kanyang ama ang mga gamit ng kanyang ina bilang pain para mapauwi siya. Hindi niya alam kung anong klaseng bitag ang naghihintay sa kanya sa kanila.. Alam niyang trap iyon, pero nais pa rin ni Monica na mag-ayos at dumalo sa imbitasyon ng ama. Suot ang napili niyang pulang long dress mula Birkenstock at ipinaresan ng flat shoes. Balingkitan lamang ang katawan niya, may kaakit-akit na hubog ng katawan, kaya kaya niyang magdala ng damit kahit walang takong. Isa pa, twenty seven pa lang naman siya, kahit pa maaga siyang nabuntis, maganda pa rin naman siya. Sino ang mag-aakala na may kambal na pala siya? Wala… Kitang-kita ang kanyang inosenteng dating at nakabibighaning alindog. Nakaharap siya ngayon sa malaking salamin ng kanyang kwarto, halos hindi makapaniwala sa babaeng nakikita niya roon. The red dress hugged her body perfectly, every curve accentuated as if the gown was made only for her. Sa bawat galaw niya, bahagyang kumikislap ang tela, parang sumasayaw sa ilaw….Inangat niya ng bahagya ang buhok at inayos ang ponytail. The sleek style revealed her graceful neck and delicate collarbones, habang ang slit ng bestida ay nagbigay ng mapanganib na pahiwatig ng kanyang alindog. She leaned closer to the mirror, tinitigan ang sariling mga mata, at bahagyang ngumiti. Her red lips curved into a smile, isang ngiting may halong confidence at lihim na pagnanais. Sa sandaling iyon, she didn’t just look beautiful, she looked powerful. Alas-singko ng hapon, banayad ang hangin habang lumalamig ang gabi. Sa harap ng pinto ng pamilya, dagsa ang mga bisita at nagkalat ang mga mamahaling sasakyan. Palibhasa dating kilalang pamilya kaya inaasahan niya ng maraming panauhin. Kumpara sa mga iyon, ang Hyundai SUV ni Monica ay labis na naiiba. Sa loob ng bakuran ng pamilya niya, abala ang lahat sa pag-toast at masayang kuwentuhan. Nang makita nila ang bagong dating, sabay-sabay silang napatingin. Una ay nagtaka kung sino ang magmamaneho ng ganoong kasimpleng kotse, pero nang makitang si Monica pala, agad silang namangha sa kanyang presensya na kahit ang simpleng sasakyan ay tila gumanda sa paningin nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD