CHAPTER 6: THE RETURN OF MONICA

1324 Words
Kilala ng lahat na hindi talaga magkasundo ang mag-ama Monica at James. Matagal nang nawala sa publiko si Monica, pero nang muli siyang lumitaw, isa na siyang gold medal lawyer sa buong Pilipinas. Alam ng lahat na matagal nang itinatago ng kanyang ama ang hindi magandang relasyon nila, kaya’t lahat ay nag-iingat at sinisikap na pakisamahan ang magkabilang panig ng walang natatapakan. Pagpasok pa lang ni Monica, agad na lumapit sa kanya para batiin. Maayos siyang sumagot sa mga bumabati sa kanya, pero hindi agad pumasok sa kanilang datingn bahay.. Matapos batiin ang lahat ng kakilala niya, naghanap siya ng tahimik na lugar at umupo. Mula roon, pinagmamasdan niya ang kwartong nasa pinakalayong kanan sa itaas na palapag…Doon dati ang kanyang silid, kung saan gabi-gabi siya binabasahan ng kwento ng kanyang ina. Ngayon, nakatira doon si Lilian, ang kanyang half-sister na kalahating taon lang ang agwat sa kanya. Palagi niyang inakala noon na mahal na mahal ng kanyang mga magulang ang isa’t isa—--akala niya siya ang pinakamasayang tao. Pero nang magkasakit ang kanyang ina, doon niya naintindihan, happiness can be destroyed. Pagkaraan, namatay ang kanyang ina. Nagpakasal ang ama niya sa madrasta, at ang batang kasama nito ay anak din pala ng kanyang ama. Doon niya nalaman na hindi lang pala kasiyahan ang pwedeng mawala, pati pagmamahal, pwede ring maging fake. At pati pagmamahal ng ama niya—fake rin pala. Sa isang iglap, bumagsak ang dakilang imahe ng kanyang ama sa kanyang isip. Kaya kahit alam niyang mahal nina Clarence at Charles ang kanilang ama, hindi niya kailanman hinanap ang tunay na ama ng nakabuntis sa kanya. Ilan ba ang tunay na mabubuting lalaki sa mundo? Naalala niya si Alexander—baka siya na nga. Sayang lang, naloko siya ng isang malupit na babae. ****************** PAGLABAS ng ina na si Monica, hinila ni Charles si Clarence pabalik sa kwarto at isinara ang pinto. “Clarence, anong ginagawa mo?” nakatayo si Charles sa gitna ng kwarto, nakapamewang, seryoso ang mukha. “Kuya, may plano ako!” dahan-dahang inilabas ni Clarence ang isang business card mula sa bulsa. Bago niya pa ito mailabas, sabi ni Charles, “Itabi mo muna ‘yang plano mo. Ginagalit lang natin si Mommy. Don’t act rashly.” Alam nila, iisa lang ang Mommy nila. Kapag nagalit, patay sila. Namula ang mukha ni Clarence, kinakabahan habang hawak ang business card. “Hindi ko na kaya, Charles! I can’t take it anymore!” Tahimik lang si Charles na napapangiwi sa kakulitan ng kambal. Sa wakas, inilabas ni Clarence ang business card. “Kuya, I’m sure, kilala niya ang Daddy natin!” “Sinabi ko na sa’yo, Ferrer ang apelyido niya, si Daddy ang apelyido niya ay Natividad.. Bakit ba hindi ka mag-aral magbasa para hindi ka nangangapa?” buntong-hininga ni Charles. Nagkamot ng ulo si Clarence, litong-lito. “Pero hawig siya sa’yo! Siguradong related siya kay Daddy!” Biglang sumagi sa isip ni Charles ang larawan ni Alexander Ferrer, Nakita niya ito, nakatalikod, matikas, malapad ang balikat. Hindi niya ma-imagine kung sino ang sinasabi ni Clarence na kahawig ng kanilang Daddy. “Kuya, naaawa ako kay Mommy. Paano kung apihin siya ng Papa niya sa kanila? Tapos ngayon ginagamit nila ang gamit ni Grandma para takutin siya. She’s alone, walang kakampi! Kailangan nating hanapin si Daddy!” Kumikislap ang mga mata ni Clarence, puno ng excitement. Isang handshake lang ang naranasan niya kanina sa taong nakita niya sa airport, pero hindi niya malimutan. It felt safe. Kung darating si Daddy, at maramdaman ito ni Mommy, magiging masaya siya. Mature si Charles kung mag-isip….Alam nila na wala ng mahalaga sa Mama nila kung hindi ang makuha ang tanging alaala ng lola nila na ayaw pa ibigay sa kanilang ina. “Fine. Pero paano natin gagawin?” Kumikinang ang mga mata ni Clarence. “Hanapin natin si Lolo Carlo at kunin ang buhok niya para sa DNA test. Kapag totoo, may ebidensya tayo! Hindi ba sa mga pinapanood natin kapag magkatugma ang buhok ibig sabihin ay magkadugo?” ani pa ni Clarence kay Charles. “Anong gagawin natin?” Hindi marunong magbasa si Clarence, kaya si Charles ang dapat na gumawa. “Text him!” utos ni Clarence kay Charles. “Ano?” “Hindi ako marunong magbasa at magtext kaya ikaw nalang.” “Sige na nga!” “Kunwari ikaw ang Nanay ko at itext mo siya,” ani Clarence. “Anong sasabihin ko?” “Sabihin mo—-Hello, nabangga mo ang anak ko sa airport kaninang umaga. Ngayon ay masama ang pakiramdam niya at nagsusuka. Maaari ba tayong magkita para pag-usapankung ano ang nangyari?” “Clarence, pwedeng hindi niya pansinin ang text ko?” “Hindi. Responsable siya. I believe sasagot agad siya. Hindi pwedeng hindi siya sumagot. Isa pa, nasaktan kaya ako nang banggain niya ako.” Si Alexander, na nakaupo sa kanyang leather chair ay makatanggap ng mensahe. Napakunot ang noo niya sa nabasa. Gustong makipagkita ng magulang ng bata na nabangga niya kanina. Hindi naman grabe ang pagkakabangga niya pero bakit ganun na lamang ang text sa kanya? Hindi niya mapigilan ang mapaisip. Mukhang scammer ang batang nabangga niya kanina. Saglit siyang nag-isip at sumagot. “Sige…Bukas ng umaga, 10am,” ani niya pang ibinigay rin ang address. Ipinasa ni Alexander ang schedule niya kay Darwin. “Ilagay mo sa itinerary ko.” “Yes, Mr. Ferrer.” Habang inaayos ni Darwin ang schedule, napansin niya ang isang pamilyar na mukha sa bakuran ng pamilya Ocampo. “Mr. Ferrer, parang si Attorney Monica ‘yon.” Naningkit ang mga mata ni Alexander, matalim ang tingin. Si Lilian ay kinuha niya bilang pansamantalang life coach nang bumalik siya sa Pilipinas para sa kanyang anak, kahit maayos ang background check nito. Nagdududa siya sa pagkatao ni Lilian kaya nagtungo siya sa bahay nito pero ang una niyang nakita ay ang abogado niyang si Monica. Sa isang sulok ng mataong lugar, nakaupo ang isang babae sa bench, maputi, elegante, at stunning. Parehong Ocampo ang apelyido ni Lilian at Monica… coincidence ba? Tumahimik si Alexander, pero tumalim ang kanyang mga mata. Biglang kinilabutan si Monica, parang may mabangis na hayop na nakamasid sa kanya.. Tumingin siya sa paligid pero walang kakaiba. Napailing siya—waste of time. Tumayo siya at pumasok sa bahay para hanapin ang ama. Bahagyang bukas ang pinto ng bahay. Pumasok siya, at sa ilalim ng kanyang flat shoes, halos walang tunog ang marmol na sahig. Hindi siya narinig ng tatlong taong abala sa mainit na pagtatalo sa sala. “Anong ibig sabihin no’n? Naka-red dress siya sa birthday ko. Isn’t she trying to steal my spotlight?” tinig iyon ni Lilian. Si Lilian, nakasuot ng light red long dress, nakasimangot at mainit ang ulo. Kahit nag-ayos siya, malayo pa rin ang ganda niya kumpara kay Monica kaya siya gigil na gigil.. At ngayon pala ang birthday ni Lilian. Nakatayo si Monica sa may pinto, pinagmamasdan ang tatlong tao sa sofa sa likod ng folding screen. Nasa tabi ni Lilian ang ama at si Barbara na kanyang stepmother, parehong protektado siya. “Anak, huwag na nating pag-usapan kung sino ang tunay mong ina. You are the apple of our eye. Kahit gaano pa siya kaayos, mukha siyang prosti! Kulang sa pansin,” ani Barbara. Mas matalim pa ang dila ni Barbara kaysa sa ahas. Habang nagsasabi siya ng masasakit, si James naman ay patuloy lang na sumasang-ayon. “Lilian, maging masunurin ka. Give Dad face. Ang event na ito ay para tanggapin ka. Nandito siya para samantalahin ka. May plano ako. Kung hindi, hindi siya karapat-dapat bumalik sa pamilya Ocampo, okay?” Pero hindi pa rin mawala ang sama ng loob ni Lilian. “Then, Dad, why don’t you just make her dress up as a servant ng pamilya? Nakakainis siya! Ako ang may birthday pero inagaw niya ang spotlight. Sino ba siya sa tingin niya? She’s nothing!” pagwawala ni Lilian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD