Huminto si Alexander at tiningnan si Monica sa gilid. “Natatakot ka ba?” tanong niya sa malamig ngunit tiyak na tinig. Nakaramdaman niya ang kabang nararamdaman ni Monica. Hindi niya naman ito masisisi dahil talagang kilala ang kanyang pamilya. Halos mapako si Monica sa kinatatayuan niya. Hindi siya natatakot, pero ramdam niya ang lamig ng hangin at ang bigat ng sitwasyong papasukin nila. Sa loob-loob niya, paano maniniwala ang mga tao na mag-asawa kami? Natakot siya, hindi dahil sa takot mismo—kundi dahil baka mabisto sila. Ngunit iba ang pakiramdam niya kapag katabi niya si Alexander. Hindi niya maipaliwanag—may halong kaba, init, at kakaibang tensyon na dumadaloy sa pagitan nila. Bigla itong yumuko palapit sa kanya. Sa iglap na iyon, bumalot sa kanya ang amoy ng pabango ni Alexand

