Nadulas ang siko ni Monica na nakapatong sa hita ni Alexander, kaya muntik na siyang bumagsak sa dibdib nito. Agad siyang sinalo ng lalaki—mahigpit, tiyak, at parang sanay na sanay. Naramdaman ni Monica ang mainit nitong braso na pumulupot sa kanyang baywang, na para bang tunay silang mag-asawa at sanay sa ganitong malapitan an halos magkadikit na. Bahagyang yumuko si Alexander at mahinang bulong ang narinig ni Monica. “Don’t make trouble,” sabi niya sa mababang tinig. “Sapat na ang kinikita ko para sa ‘yo. Hindi naging madali para kay Tito Anton na pamahalaan ang Ferrer family nitong mga taon, kaya huwag na nating angkinin ang hindi naman para sa atin.” Napanganga si Monica sa inis. Nararamdaman niyang wala talaga itong pakialam pero para saan naman ang 5% na sinasabi nitong ibibigay s

