Maingat na pinayapa ni James ang anak, “Anak na mabait ni Daddy, hindi mahalaga kung ano ang suot niya. Ang importante, wala siyang posisyon sa puso ni Daddy. Sa mata ng mga tao, ikaw lang ang kinikilalang panganay na anak ko at pinakamamahal. That’s enough.”
“Dad, what do you mean?” Galit na nagtanong si Lilian, ayaw magpatalo. “Hindi mo matanggap na pagtawanan siya, ibig sabihin may pwesto siya sa puso mo!”
“Hindi… Ano ka ba?” Nag-atubili si James at tumingin kay Barbara.
Binigyan siya ni Barbara ng nakakaaliw na tingin at itinaas ang kamay para ayusin ang buhok ni Lilian.
“Baby, matagal nang naninirahan sa labas si Monica at marami na siyang pinagdaanan. Itinakwil na siya ng Papa mo….Nakapasok siya bilang top lawyer. Sino ang nakakaalam kung ilang lalaki ang lumapit sa kanya? Kung isang babaeng tulad niya ang lalabas, masisira ang reputasyon ng pamilya natin. Paano siya mamahalin ng ama mo? May plano lang siya— kaya nandito si Monica.”
Galit na galit si Lilian, “Anong plano pa ang mas mahalaga kaysa sa akin? I don’t care…”
Nang makita ng mag-asawa na hindi nila mapipigilan ang anak, ngumiti si Monica ng may pang-uuyam at pumasok ng bahay upang malaman ng mga ito na nandoon siya,.
“Ang mas mahalaga sa inyo ay hindi plano, kundi ang reputation ng pamilya,” malakas ang loob na wika niya.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit, hinahaplos ang isang hibla ng kanyang buhok sa pagitan ng mga daliri. Pagkalipas ng ilang taon, nakatayo na siya ulit sa sala ng pamilya Ocampo. Pamilyar pero kakaibang pakiramdam ang bumaha sa kanya, kasama ng mga alaala na matagal niyang kinubli at pilit na kinalimutan..
Nakaramdam siya ng lungkot.
“Sino ang nagbigay sayo ng pahintulot na pumasok sa bahay ko?” Tumayo si Lilian at itinuro ang pinto. “Get out!”
Tumugon si Monica, puno ng paghamak, “Iba kapag nandyan ang mommy mo. Nabubuhay ka kahit walang utak.”
Napipi si Lilian sa naging sagot ni Monica.
“Monica, sino ang nagbigay sayo ng karapatang magsalita ng ganyan kay Lilian?” Tumayo si Barbara, hinaplos ang likod ni Lilian at pinaupo ito.
Mula sa coffee table, lumapit siya kay Monica na parang kontrabida sa mga teleserye—mayabang, malamig ang tingin.
“Ang nanay ko.” Matatag na sagot ni Monica. “Bago siya pumanaw, sinabi niyang kahit wala na siya, ito pa rin ang tahanan ko. Sinabi niya na huwag akong matakot, kasi palagi niya akong poprotektahan. Hanggang ngayon, nananaginip pa rin ako na tinatawag niya akong umuwi para makita siya. Ang bahay na ito ay bahay ng nanay ko. Gusto ko lang ipaalala sa inyo.”
Bilang abogado, alam ni Monica ang batas. Hindi niya kailangan ng pananakot. Noong naroon pa ang kanyang ina, spoiled siya at mas malala pa kaysa kay Lilian. Pero nang pumanaw ito, kailangan niyang magpakumbaba at tiisin ang lahat.
Noong gabing umalis siya mula rito, akala niya wala na siyang lugar sa bahay na ito.
Ngayon, kayang-kaya niyang ipakita ang talas niya.---kung sino siya.
“Ikaw—” Namula sa galit si Barbara.
Hindi siya pinansin ni Monica at tumingin sa ama… “Mr. Ocampo, what exactly do you want me to do?” tanong niya sa ama. Hindi siya nag-abala na tawagin itong daddy.
“Barbara, dalhin mo muna si Lilian para aliwin ang mga bisita.” Hindi rin maganda ang mukha ng ama at galit siyang tinitigan…Walang nagawa si Barbara kundi hilahin palabas ang nag-aatubiling si Lilian.
Pagkaalis nila, nagsalita ang ama.. “Dalawang araw na ang nakalipas, nakakita kami ng susi sa gamit ng nanay mo sa attic. Ito ang susi ng safe sa isang bangko at nandoon ang mga alahas niya.”
Matagal nang pinapangarap ni James ang mga alahas na iyon.
Naalala ni Monica na maraming beses na narinig niyang binabanggit iyon ng ama habang buhay pa ang ina, pero palaging iniiwasan ng ina ang paksa.
“Kung mga alahas nga ito, bakit hindi mo na lang ibigay?” Hindi kumbinsido si Monica.
Pinipigil ni James ang galit. “Pagkatapos ng lahat, alaala ito ng nanay mo para sa’yo. Ibibigay ko rin ito sa tamang oras.”
“Stop playing the family card. Tell me what you want.” Putol ni Monica.
“Kahit wala na ang nanay mo, may plano ako para sa buhay mo, Monica.” Gusto ni James palaging magmukhang mabuti.
Napangiwi si Monica. “Plano sa buhay ko? Bakit ipapakasal mo na naman ako? At sinong pervert o may kapansanan ang gusto mong ipakasal sa akin?”
Sa ilang salita lang, napikon agad si James. “Minsan mo na akong sinuway Monica at oom gusto kitang ipakasal sa kilalang tao sa lipunan, kay Nathan Ferrer..”
Narinig na ni Monica ang tungkol dito—general manager ng Timothy Group of Companies..
“May boyfriend na ako,” sagot niyang umangat ang kilay. Hindi niya masabi na kasal na siya, pero hindi rin niya malilimutan iyon.
“Kaya ba niyang tapatan ang pamilya Ferrer?” Kunot-noong tanong ni James. “Hindi ko sinasabing magpakasal agad kayo. Just meet him. If it doesn’t work, forget it. Basta sundin mo ang plano ko, ibibigay ko ang susi.”
Magandang deal iyon para kay Monica.
“Ipakita mo muna ang susi sa akin.”
Ipinakita ni James ang lumang susi na may logo ng bangko. Kung saan nakatago ang ilang mahahalagang gamit ng Mama niya.
Pumayag si Monica. “Fine.”
Pagkatapos ng pag-uusap nilang mag-ama ay umalis agad si Monica.
Pinagmamasdan siya ni James, malalim ang iniisip.
Paglabas ni Monica sa bahay, narinig niya ang mga bisita na nag-uusap.
“Hindi nakapagtataka kung bakit nawala si Lilian ng ilang taon, lumabas pala siya ng bansa.”
“Hindi ba sabi ni Mrs. Barbara, kasama ni Lilian si Mr. Alexander sa abroad?”
“Hindi ba nakatira sila sa bahay ni Mr. Li? Mukhang ganoon nga!”
Huminto si Monica sa kanyang mga naririnig.
“Mr. Ferrer?” Ang iniisip niya ay walang iba kundi si Alexander. Magkasama ba sila ni Lilian? Nakikitira ba siya doon?
So, sino ang nangaliwa—ang asawa ba niya o si Alexander mismo?
Kung si Alexander… ibig bang sabihin, kaya siya pinapapirma ng annulment agreement ay para makawala sa kanya?
That’s insane.
Nang makarating siya sa kotse, nakita niyang flat ang gulong niya. May bakas ng paa sa tabi nito.
Hindi niya mapigilang ang nainis…Tumawag siya ng towing dahil ayaw niya naman makiusap sa ama lalo ng at hindi naman siya welcome sa dating bahay ng kanyang ina…
Sabi sa kanya ay darating sa loob ng isang oras kaya napabuntong-hininga na lamang siya. Kung kailan pa naman na gusto niya ng umuwi.
Habang naghihintay, narinig niya ang busina ng isang kotse.
Napalingon siya at nakita ang benz ni Alexander. Hindi siya pwedeng magkamali.
Sa loob, si Alexander—malamig ang mukha na nakatingin sa kanya, parang nililok ang mukha nito. Perfect kung pagmamasdan mo.
Itinaas nito ang kamay at sumenyas na lumapit siya.
“Mr. Ferrer?” nagulat si Monica at lumapit. “What are you doing here?”
“Get in.” Malamig na sagot ni Alexander.
Nag-atubili siya pero wala siyang choice kaya binuksan ang pinto sa likod, at papasok na sana nang makita niya ang isang maliit na batang babae na naka baby dress na nakaupo sa likod ng upuan.