bc

The Billionaire's Kiss (COMPLETED)

book_age16+
16.3K
FOLLOW
87.1K
READ
billionaire
independent
comedy
sweet
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

"Sampung milyon?! Ho?!" Nabingi siya sa narinig. Sino ba namang hindi mabibingi sa ganoong kalaking halaga na sinasabing kailangan mong bayaran? Ni hindi mo nga naibili ni sentimo ng perang 'yon!

"Saan ko naman hong kamay ng Diyos kukunin 'yon? kaka-above minimum palang ho ng sinasahod ko."

Napabuntong hininga si Naz nang makita ang aura ng matanda. Hindi tumatalab dito ang pagiging komedyante niya.

"Alam mo iha, pwede mo namang hindi bayaran ang sampung milyon."

Nag liwanag ang mga mapungay niyang mata pero mabilis ding naglaho iyon nang ngumisi ang matanda.

"Pakakasalan mo ang anak ko..."

Muntik na niyang maibuga ang juice na inalok sa kanya ng mayordoma.

Nilingon niya ang lalaking sinasabing kailangan niyang pakasalan upang masalba ang bahay, lupa, at ang mga antigong koleksyon ng kaniyang yumaong mga magulang.

Nanlumo siya nang makitang matabang uhuging may hawak na sandwich sa mag kabilang kamay ang gustong ipakasal sa kanya.

Gusto niyang saktan ang kapatid ng sampung ulit at ingudngod ito sa tabachoy na anak ng matanda.

Huminga ng malalim si Naz. Hindi alam kung saan pupulot ng milyones.

"Babayaran ko ang sampung milyon... Bigyan niyo lang ako kahit isang taon, babawiin ko ang titulo."

Tinignan niya si Nathan na nakayuko lang.

"Kung gusto niyo, ibenta niyo ang lamang loob ng kapatid ko sa black market para maka-menus naman ako."

Tumingin sa kaniya si Nathan na nagsusumamo.

"Huwag mo kong tinitignan ng ganiyan. Baka gusto mo pati lamang loob ko, ibenta ko na rin."

"Sinasabi ko na sa iyo, Nazarene. Pakasalan mo nalang ang anak ko."

Narinig niyang saad ng matanda.

"Neknek niyo! Isang taon. Babalik ako para tubusin ang kapatid ko at ang titulo."

Kusang tumiklop ang mga tuhod niya nang makalabas sa gate ng mga Magsaysay.

"Lord, Ikaw na ang bahala sa lahat..."

chap-preview
Free preview
One - Utang ko po!
***N a z a r e n e "Bakla! Dumating na ang oras ng paghuhukom, at ako ata ang unang masasawi." panay ang buntong hininga ni Nazaerene habang kaharap ang raketera niyang kaibigan. Sigurado siya sa dami ng raket na alam nito ay hindi malabong mapasakamay niya ang sampung milyon. Sa laki ng ginanda ng kaibigan ngayon ay talagang nagpapasalamat siya na hindi nag-iba ang tingin nito sa kaniya. Ang kaharap niya ay may balingkinitang katawan, malaporselanang kutis, at may shoulder length curly hair. Totoong Diyosa! Idagdag mo pa na sobrang nakaka-angat ito sa buhay. Handa na rin ang resignation letter niya, ni kalahating milyon ay hindi niya makukuha sa bulok niyang trabaho na laging delay ang sahod. Kaya naman napagdesisyunan niyang harapin ang kaibigan na alam niyang tutulungan siya. Kinakapalan niya talaga ang mukha niya ngayon. Kung paluhurin siya nito ay talagang luluhod siya. Pero duda siya ro'n, mabait at maaasahan sa lahat ng bagay si Magi, ang kaniyang high school bestfriend. Siguro ay ayaw lamang niya na samantalahin ang kabutihan nito kaya sinikap niyang mag-excel sa career na pinili niya. Pero talagang may mga pagkakataon na nawawalan na siya ng gana sa trabaho dahil ilang taon na ang pinamalagi niya roon pero hindi pa rin siya napo-promote. Talaga yatang mabagal ang promotion sa ganoong trabaho. Bukod doon, mayroon siyang prinsipyo sa buhay na hindi maging abala kahit kanino man. Ngayon ay sisikapin niyang huwag maging abala sa kahit na sino, kahit pa magdalawa hanggang tatlo siyang trabaho sa isang araw ay gagawin niya maka-ipon lamang at matubos ang bahay at lupa maging ang kapatid niya sa matandang pinagkaka-utangan. Kahit na ini-inbox zoned niya ang mga mensahe nito minsan ay hindi ito nagsasawa na padalhan pa rin siya ng mga mensahe ng paanyaya sa mga raket nito. Mga sideline lang iyon pero ang kapalit na pera ay parang isang kinsenas ng sahod. Noong una kasi ay mataas pa ang pride niya. Pinanindigan niya na kailangan niyang magamit ang pinag-aralan niya. Kaya kahit hindi ganoong kalakihan ang sahod, katwiran niya ay nagagamit naman niya ang pinag-aralan. Pero ngayon, lulunukin niya ang pride at papatusin ang lahat ng raket na ibibigay ng kaibigan. Hindi niya mabasa ang reaksyon sa mukha nito. Kahit panay ang tanggi niya rito ay palagi pa rin siyang pinapadalhan ng mga mensahe nito na open pa ang slot para sa kanya. Marahil gusto ni Magi na maka-angat din siya. Kaya kailanma'y hindi sumuko ang kaibigan sa kaniya. "Ang laki bakla ng problema ko, at ikaw lang talaga ang makakatulong saken. May mga raket ka pa ba riyan?" sa wakas ay naibuka rin ng bibig niya. Binabasa niya ang iniisip nito sa magiging reaksyon ng mukha nito pero dedma. Hindi nagbago ang aura nito. Animo'y sinusubok siya kung hanggang saan tatagal ang kagustuhan niyang patusin ang mga raket na nakahanda para sa kaniya. "Alam mo naman na diba, yung huling nakatayong pinamana samen ni Nate ni mama at papa, mareremata kasi yon bakla..." Doon na nag bago ang facial expression nito. "Alam mo naman din diba na matagal ko ng pinapahinto si Nate sa bisyo nito sa casino... Naiiyak ako bakla kasi hindi ko man lang napatnubayan ang kapatid ko. Pakiramdam ko ang palpak kong kapatid. Iyong tipo na dadalawa na lamang kami ay hindi pa kami madalas magtagpo. Alam kong masyado pa siyang bata noong ma-ulila, hindi niya naranasan ang magbanat ng buto dahil ako ang sumalo ng lahat noong mamatay sina mama at papa. Kaya siguro naghanap siya kung saan madali ang pera. Hindi siya nag-isip ng mabuti! Talagang kumukulo ang dugo ko sa galit, pero alam kong nagkulang rin ako na patnubayan siya. Naiiyak talaga ako bakla. Gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang saktan, na bakit umabot sa ganoong halaga ang pagkakalubog niya?! Gusto kong malaman kung gaano kakitid ang utak niya na sinapalaran ang natitirang mayroon kami. Sa mahal bakla ng mga paupahan ngayon, ang laking kaluwagan na may sarili kaming bahay na tinutuluyan at walang binabayarang lupa, bakit kasi hindi siya nag-iisip. Mahal ko ang kapatid ko, gusto ko sanang i-tama niya ang pagkakamali niya, ang kaso bakla, parang ako talaga ang kailangang pumasan ng lahat ng hirap at dusa. Bakit ba ang unfair niya? Ano bang akala niya sa akin? Si wonder woman na hindi napapagod? Habang nag-aaral siya nagkukuskos ako ng sahig, ng grill, naghuhugas ng pinggan, naglalampaso, nag-carwash. Lahat iyon pinasok ko para hindi niya maramdaman ang kakulangan. Pero hindi ko lubos akalain na may mas bibigat pa sa lahat ng iyon. Sorry bakla, pero kailangan ko talagang ilabas ito, dahil pakiramdam ko sasabog na ako. Iniisip ko pa lang kung gaano kalaki ang babayaran ko, napapa juskoday ako!" Hindi na niya maitago ang bigat na nararamdaman. Napapahid na lamang siya ng mga luha. Kailangan niya talagang mailabas ang hinanakit sa kapatid. "Naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling, bakla. Kahit ako dai, pag sa akin ginawa iyan ay patawarin talaga ng Diyos. Mata lang walang latay. Swerte pa rin siya dahil ikaw ang ate niya, malakas, maaasahan, at hindi basta-basta susuko. Alam kong kinakain na ng konsensya ang kapatid mo ngayon, kakayanin mo 'yan dai. Kaya mo iyan. Alam ng Diyos na kakayanin mo. Ikaw pa ba?“ Nakatulong kahit paano ang mga sinabi ni Magi sa kaniya. Kahit paano ay lumakas ulit ang loob niya. Pero pag naaalalang sampung milyon ang halaga na babayaran niya, napapabuntong hininga na lamang siya. "Salamat bakla. Kaya sa'yo ako e, pinapalakas mo lagi ang loob ko. Ngayon, itanong mo sa akin kung gaano kalaki ang utang niya na naging katumbas ng mga alaala ni mama at papa at sakripisyo nila para mabigyan kami ng sariling bahay at lupa, dali itanong mo, nang malaman mo kung bakit ako nanggagalaiti." "Magkano ba bakla?" talagang tinanong nga nito. "Sampung milyon lang naman bakla. Mantakin mong above minimum lang ang sahod ko, saang kamay ng Diyos ko kukunin ang sampung milyon? Dali, isipin mo..." "My God! Asan na ba yang si Nathan ng mapektusan sa bunbunan. My God! Sampung milyon?! Anong katangahan iyon? Nako, iharap mo sa akin si Nathaaaan! Haaays. Kailan ang taning mo bakla?" Naggalaiti na rin si Magi. Alam ng babae na napakalaking halaga niyon, na kahit silang mayayaman ay hindi kikitain iyon ng taon lamang. "Nakasaad sa kontrata na kailangan kong mabayaran ang pera sa loob ng limang buwan. Dai, kahit ibenta ko araw-araw ang kaluluwa ko, hindi ako aabot ng sampung milyon sa loob ng limang buwan...Napaka hayup nila." "Ah, kaya ginawa mong isang taon? Sa tingin mo kakayanin mo ng isang taon, humirit ka na rin hindi mo pa ginawang sampung taon. Juskoday!" napakamot sa ulo ang kaibigan. Natawa siya. Literal na natawa siya sa kung paano mamoblema ang kaibigan sa problema niya. "Wala ka bang ibang option, dai? Napaka imposible kasi bakla. Ako ha, sa true lang, isang taon mahigit bago ako naka kalahating milyon sa beauty products ko, partida niyan malaki na ang network ko niyon, marami na rin akong nakakasalamuha sa industry, pero matagal bago ko na-earn ang first million ko. Hindi sa dini-discourage kita pero dai, kahit saan ko tignan, jusko, malabo pa sa plastic labo." "May option naman na binigay sa akin, iyon ay pakasalan ko ang anak niyang uhuging tabachoy. Dai, gusto ko munang subukan kung hanggang saan ako aabot. Gusto ko i-laban kahit gaano pa sa tingin nating pareho na imposible. Pero remember, nahati ang dagat. Natalo ni David si Goliath. Kaya ko 'to baklaaaa. Kakayanin ko ito." "Osha dai, simulan na ang unang suntok sa buwan." Napabuntong hininga siya. Kung tutuusin, pitong buwan na ang hinirit niya. Hangga't hindi niya nababayaran ang sampung milyon ay magiging bilanggo ang kapatid niya sa mansyon ng matandang hukluban. "Suntok sa buwan talaga 'to bakla,pero hindi ko pwedeng talikuran ang bahay at si Nate, kahit gaano ko pa siya gustong saktan, nakasalalay pa rin ang bahay at lupa, iyon pa rin ang iniisip ko." Muli, malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan niya. Saglit na tumayo si Magi at nagpaalam na may kukunin lang ito sa kwarto. Habang hinihintay niya ito ay nagtext na ang HR ng kumpanya at approved na ang resignation letter niya. May maliit naman siyang ipon mula sa dating trabaho. Kung buhay lamang siguro ang mga magulang niya ay napaka ginhawa ng buhay nila. Si Mr. Magsaysay ay isa sa mga kasosyo ng magulang nila noong nabubuhay pa ang mga ito. Naka-invest ang pera ng mga magulang niya sa palugi ng kumpanya noon. Pabagsak ang kumpanya kaya maliit na lamang ang perang nakuha nila. Ginamit nila iyon upang makatapos ng pag-aaral. Kahit alam niyang maraming pwedeng ibenta na gamit sa bahay ay hindi niya ginawa. Nag-part time siya upang matustusan pa ang mga pang araw-araw nilang gastusin. 16 years old lang siya noon at ang kapatid niya ay 10 taong gulang. Ang babata pa nila noon para talagang mabuhay na sila lang dalawa. Nang makatapos ang kapatid niya sa kolehiyo ay laking pasalamat niya na ang iniwang pera ng mga magulang niya ay nagkasya para pareho silang makatapos, ngunit sadya nga ata talagang marahas ang mundo, ang akala niya'y nagtatrabaho ito sa magandang kumpanya at laging naka-tuxedo. Wala siyang makitang ID para malaman kung saan nag tatrabaho ang kapatid at kada linggo ay binibigyan siya ng sampung libo. Naintriga na siya at doon nagsimula siyang imbistigahan ang whereabouts ng kapatid. Hindi trabaho ang inaatupag nito. Kundi magdamag itong naka-upo kasama ang mga kaibigang sugarol. Poker ang nilalaro nito. Easy money. At kung gaano kadaling makakuha ng pera sa bwenas ng baraha, ay ganoon din kabilis gumuho ang mundo nila. Losing season ika nga. Mas magandang sabihin na gumuho ang mundo niya, dahil mundo lang naman niya ang gumuho. Sampung milyon ang kabuuan ng utang. 7 milyon sa bahay at lupa habang 3 milyon naman sa mga antigong koleksyon ng mga magulang nila. Naging libangan ng mga ito na mangolekta ng mga lumang bagay. Maging lumang sandok na yari sa kahoy ay mayroon sila. Sa Edad na labing tatlo, sobrang naiintriga siya kung bakit binibili ng Ama niya ang kapirasong kahoy na iyon. Wala siyang makitang spesyal bukod sa intsik na karakter na naka-ukit sa kapirasong kahoy, limang libo binibenta sa ama niya ang antigo. Itinakas niya ang maliit na parisukat na iyon at ipinasuri sa pinaka malapit na antique sa school nila. Nasorpresa siya nang inalok siya ng 50,000 kapalit ang sa una'y tingin niyang maliit na kahoy na pwede mong ipanggatong. Doon niya lang naintindihan na ang mga gamit sa basement ay totoong investment ng mga magulang niya. "Heto, tanggapin mo." sambit ni Magi habang ina-abot sa kaniya ang sobreng puti. "Pasensya ka na bakla, pero yan lang ang maitutulong ko plus ang mga raket ko." "Bakla, napakalaking halaga nito. Pero pasensya ka na pero hindi ako tatanggi. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa'yo." sa tingin niya ay nasa isandaang libong piso ang libuhin sa sobre. Napakalaking pera niyon kung hindi sampung milyon ang pinag-uusapan. "Matapos ko lang bakla ang sampung milyon, dodoblehin ko 'to. Isipin mo nalang, in-invest mo muna saken. Salamat ng sobra Magi." Hinawakan nito ang kamay niya. "Huwag mo munang isipin iyon. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita, kung raket lang ay marami ako niyon. Basta huwag i-overwork ang sarili, dahil pag nagkasakit ka, mas malaki ang mawawala. Handa ka na ba sa una mong raket? Limang libo, tatlong oras." nanlaki ang mga mata niya. "Seryoso ba bakla, anong work?" "May tiwala ka ba saken? Alam mong hindi kita ipapahamak. Sila na ang bahalang magpaliwanag sayo ng mga detalye." "Salamaaat bakla." "I-send mo sa akin ngayon na ang details mo, like your vitae and atleast 2 IDs at ipo-forward ko sa management." Sinend niya oramismo ang mga hiningi nito. "Alam mo bang ikaw ang pinaka perpect sa trabahong 'to. I got you girl. umuwi ka na at magpahinga ka. Isesend ko sayo ang address at ang oras, mga 10pm ng gabi." "Salamaaat bakla, sobrang salamaat." wala na siyang masabi. Napayakap at halik na lamang siya kay Magi. *********** "Adrian, ready for tonight's party?" tanong ng lalaking sa pormahan ay talagang masasabi mong mayaman. "Of course," matipid na sagot niya. "Wala ka bang deadline ngayon, panay chill mo ha," biro ni Nikko. "Actually, rest month ko." walang ganang sagot niya. Nagba-browse siya online ng magandang pwedeng iregalo sa bagong niyang girlfriend. "Hahaha iba ka na talaga pinsan." Tinignan nito ang bina-browse ni Adrian. "Pair of earings? Are you that confident sa bago mo at ganyang kamahal ang ireregalo mo?“ "Alam mong barya lang 'to sa'kin. Hindi naman niya makukuha 'to hangga't hindi naipapasa ang test ko. You know how I deal with girls." Pinagpatuloy nito ang paghahanap ng pares ng hikaw. Ang totoo nito, hindi niya talaga alam ang gusto niyang ibigay kay Carmie. Parang nandito na kasi ang lahat. pero kailangan pa rin niyang i-test ang nobya. Notorious siya sa mga gold digger. Ayaw niya sa mga babaeng pera lang ang habol sa kaniya. dalawang taon niya trinabaho ang una niyang milyon, sa sipag at tiyaga niya ay masarap na ang tulog niya pero ang pera niya ay nagtatrabaho parin para sa kaniya. Ngayong bilyon bilyon na ang mga salapi niya ay hindi siya papayag na makapang-asawa na pera lang ang habol sa kanya. Kampante naman siya na hindi mauubos ang pera niya, gusto niya lang maging worth it ang lahat. Dahil hindi naman biro ang itinaya niya sa negosyo. Idagdag mo pa dito ang katotohanang napakagwapo nito. Siya yung lalaki sa likod ng salitang gorgeous. Isang babae lamang ang nagtanga na perahan siya...Isang babae lang. He assigned trusted people to run his company while he's having his quick rest month. Si Nikko ang bestfriend s***h cousin niya. Dinedma na niya si Nikko nang makita ang pares ng hikaw na nagkakahalaga ng milyon. "Perfect." **************** Kahit anong pilit ni Nazarene matulog ay hindi talaga siya makatulog. Iniisip pa rin niya ang sampung milyon. Kinuha niya ang maliit na baul sa ilalim ng kama niya. Lahat ng perang binigay sa kanya ni Nate ay itinatabi niya sa maliit na baul na yon. Sinimulan niyang bilangin ang libuhing pera na 'yon. Sa dami non ay hinulaan niyang nasa 200 thousand ang pera. Linggo-linggong nag bibigay ito sakanya ng sampung libo, minsan isang beses sa isang buwan. Kung kelan ito magkapera. Sinubukan niyang pigilan ang kapatid lalo na at nangayayat ito. Kada yayayain niyang kumain ng pinag luto niya ay nagmamadali lagi itong umalis. Hanggang sa natuklasan na lamang niya na baon na pala sa utang ang kapatid. "390 thousand???" Ganyan na pala kalaking pera ang nasa ilalim ng baul niya. Hindi niya alam bakit ganoon na lamang siya katanga na hindi man lang iyon ininvest. kinuha niya ang paborito niyang libro kung saan nakaipit ang mga ipon niya. "48 thousand. Hindi na masama para sa isang above minimum ang sahod." bulong niya kasabay ang buntong hininga. Ang laki pa ng kulang... Kinuha niya ang isandaang libong tulong ni Magi. Naisip niyang mag negosyo. Gusto niya talagang magbenta ng mga damit, at isasakatuparan niya ang lahat ng iyon. "Crawford Delluxe, 12amsharp. Love you bakla, kaya yaaaan!" basa niya sa text ng kaibigan "Paki-search nga ito sa google bakla, Adrian Crawford." Muling tumunog ang cellphone niya at pagkabasa niya ay agad niyang sinearch ang pangalang nabanggit. Napakaraming picture ang lumabas, pati ang mga iba't ibang issue ng mga naging babae nito. "Pamilyar bakla, ang bilyonaryong chickboy. Di ko type."reply niya sa kaibigan. "Gaga, siya ang special client kaya ka may limang libo. Ikaw lang naman ang mag-aabot ng mga drinks niya at ng mga kaibigan niya, 'yon lang." "Ahhhh susyal na tanggera pala ang raket ko ngayon. HAHAHA easy 5k. Kilos na ko. Love you beki." reply niya at mabilis na nag shower.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
483.1K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
550.2K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

That Night

read
1.1M
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.4K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook