Four - Her Stalker

2268 Words
*** A d r i a n "How is she doing?" he asked while seating comfortably in the backseat of his car. "She looks tired and sleepy." "How long has she been working?" he sounds concerned. "I think, she's working for almost 8hrs straight in the beauty salon and now she's selling beauty products here in front of Cardinal's Mall for 4 hours already." "Can you ask how long will she be selling in there?" "No problem sir, I'll ask the manager." "Okay, call me then." he hung up the phone. He hired an investigator to check on her. He still thinking about Naz since she left with no last glance. He didn't know if it is his guilt that drives him to hire a private investigator just to know how well is she doing or there is something more that he cannot explain within. He is not really sure. But at that last moment with Naz, he sure not to date anyone. it's been long 4 months since he decided not to date any woman. It is just Naz who occupied his mind for 4 long months. "Mang Roger, I need to go to Cardinal's Mall first, I need to check something, must I say, someone ..." "Noted sir," reply ni mang Roger, ang personal driver nila eversince. Umandar na ang kotse papunta sa Cardinal's Mall, malayo-layo rin ang daan patungo roon, at malayo rin ang iikutin nila kung manggagaling pa sila roon papunta sa meeting place niya with Alano's. Alam niyang sobrang importante ng meeting na naka-set ngayong gabi with Claire Alano dahil doon nakasalalay ang pinaplano niyang big project which is casino. Ang ama nito na si Mr. Alano, ang chairman ng Rising Star Corp ay kailangan niyang mapa-oo dahil sigurado siya na mamumuhunan ito ng malaki. "Stop the car." utos niya sa driver. He drove drank last time at muntik na siyang madisgrasya. Lahat ng pressure ay nasa kamay at wrist niya kaya naman namaga iyon at naipitan ng ugat. Hindi niya iyon magalaw ng maayos, at ayon sa personal doctor niya ay hindi muna sya pwedeng magmaneho sa loob ng isa at kalahating buwan. Seryoso siya sa mga bagay gaya ng medical issues. Naniniwala siya sa mga bilin ng doctor. Pag sinabi ng mga ito na bawal pa, bawal pa. Hindi niya alam kung bakit siya nagpakalasing noong gabing iyon na nakita niya ang babae habang naglalako ng mga kaldero at kawali hila-hila ang de gulong na kariton. Natatawa siya sa mga raket na pinapasok nito, pero tahasan naman siyang pinagsabihan ng babae ng mga masasakit pero on point na salita. Ang nakakatawa pa, tumutiklop siya rito. Confident siya sa lakas ng karisma niya. No one can say no to him lalo na sa kama. He is attractively good in bed. Ang parehong charm na ginagamit niya sa mga mayayamang babae at kung minsa'y model pa nga, ay pareho lang din sana ng charm na gagamitin niya sa matapang na babae na 'yon, ang kaso lamang wala siyang lakas ng loob na harapin ito. Totoong darating talaga ang isang tao na magpapatiklop sa atin. He just met his. Tinanaw niya mula sa malayo ang babaeng sinadya nya sa lugar. Nakangiti pa rin ito pero hindi na kayang itago ng mga ngiti na iyon ang pagod. He admires the woman so much more. What's your secret? Why are you working so damn hard for a few money? Why won't you work for me... Damn! Bakit ngayon ko lang naisip na bigyan siya ng pangmalakasang offer... So she will be with me as long as I want... Damn! Nag-ring ang phone niya, agad niyang sinagot nang makita na iyon ang private investigator. "Ito na raw po yung huling araw niya as a promo girl. Out daw po ng mga promo girl ng 9pm." "Okay, that's all I need to know, also, this would be your last day of work. I got this, thank you." binaba niya na ang tawag at nag-ipon ng lakas ng loob at ng makuha ang tamang tapang na kailangan, ay bumaba siya ng sasakyan. He goes straight inside the building at hinanap ang manager. "I know this is too much to ask, and I was able to let Mr. Cardinal know about this but I need Nazarene Maldives right now." "Sure Mr. Crawford. pull out ko na siya." "Thank you so much." Hindi ka pwedeng maduwag ngayon, Adrian. Sinunandan niya ang manager palabas at tinanaw niya lang mula sa malayo ang usapan ng dalawa. "Miss Maldives, follow me." Tahimik lang siyang sumunod sa manager at sa isang spot kung nasaan si Adrian ito huminto. "Thank you for the service Nazarene, we'll be contacting you in the future. Maiwan ko na kayo." "But maam, 9pm pa po out ko." "Okay na. You can go ahead and have a rest." "Hi," bati ni Adrian. Medyo awkward man iyon pakinggan atleast nasabi niya. Nagulat si Nazarene ng magsalita ito. Hindi niya talaga napansin ang lalaki. Totoong pagod na nga siya at wala ng focus sa kaniyang paligid. At isa pa, ano namang ginagawa ng matapobreng aroganteng lalaki na iyon sa ganoong klaseng lugar ng ganoong oras? "Oh my, Mr. Crawford? Ikaw ba nag pa-pull out sa'kin." Tumango lamang ang lalaki. Adrian, compose yourself. Kailangan mong tapangan at huwag kang papadaig sa mga banat ng babaeng "yan. You're a man. You got this, self. "Oh. But why?" "It's been a long time, Naz." Pinipilit niyang i-set ang mood sa kanilang dalawa. Nilalabanan niya ang pagiging torpedo niya ngayon sa babaeng kaharap. Sa apat na buwan na lumipas, ito lamang ang babaeng pinaglaanan niya ng oras at panahon mula sa malayo. Nakuntento siya kakatingin sa babaeng matapang na puro raket at trabaho ang inatupag. "So?“ walang ganang sagot nito. Naguguluhan man si Naz sa paglitaw ng lalaki ngayon sa harap niya, pero ayos na rin, at least makakapagpahinga siya ng maaga. Sumusunod si Adrian sa babae papunta sa locker room para kunin ang mga gamit. "Actually, I have an offer. 50k monthly." sa wakas ay nasabi niya rin. Nabigla rin siya sa sinabi niya. Wala pa talaga siyang naiisip na trabaho para rito. Pero wala ng bawian, nasabi na niya. Napahinto si Nazarene sa narinig at hinarap ang matipunong lalaki. "Seryoso ba yan?" Hindi pinakita ni Adrian ang saya na nararamdaman dahil nakuha niya ang atensyon nito. "Mukha bang ako 'yong tipo ng lalaki na nag bibiro?" "Hindi, at hindi rin ikaw iyong tipong nagseseryoso." nagpatuloy si Naz sa paglalakad at muling sumunod si Adrian. Gusto niyang matawa sa sinabi ng dalaga. Ang totoo, kinakabahan si Naz sa offer nito. "Stay here for a moment. Kunin ko lang gamit ko, i-close natin yang deal mo." Nag-cashing-cashing ang tainga ni Nazarene sa offer ng aroganteng lalaki na walang habas niyang pinagsalitaan ng masasakit na salita noong unang beses na pinagtagpo sila ng panahon. She won't be ashamed of what she did. She believed that he f*****g deserved what he heard. Mabilis itong naglaho sa paningin ni Adrian. Hindi niya alam bakit bigla siyang na-excite at napangiti knowing that Naz will be his person again. Iba talaga ang babaeng ito! Pinaghintay pa ako? Ilang saglit lamang ay natanaw na niyang naglalakad ito palapit sa kaniya. At least hindi na ito ganoong kasungit at harsh hindi tulad noong nakalipas na apat na buwan. Ngayon kailangan niyang baliktarin ang mood. Hindi na siya magpapasindak sa babae. "Okay, what would be my work then?" "Let's talk about it in my office. Come with me." "Woah! I don't trust you that much, anong malay ko kung ipagkakanulo mo ako. Say it here. Say it now. Don't waste too much of my time dahil busy akong tao." Napa-ismid siya. Ibang klase ka talagang nilalang ka. Hindi ka mau-utakan. "Magda-down na agad ako ng 100k, sumama ka lang." "Duh, kahit isang milyon pa ang i-down mo sa akin, kung ipapahamak mo ako, makukuha mo rin ang pera. Duh." "Wow! Ganiyan ba ang tingin mo sa akin? What do you want me to do for you to feel safe beside me?“ "Money down, I want cash. Plus, I'm going to call my friend na ikaw ang kasama ko at kung may mangyaring masama sa akin, ay siguradong tapos na rin ang pamamayagpag mo sa business industry." "Hahaha. You are over reacting. I don't do such risky thing for someone like you. Besides, I don't have cash right now." Somone like you... Nah, I'm joking. "Then I don't have time right now. Bye." Akma ng maglalakad si Naz na kina-alarma niya. "Wait! Please wait. Magwi-withdraw ako. Stay here and don't make a single step. I'll be back." "Good, tao ka naman palang kausap. Siguraduhin mo lang na babalik ka. Kung hindi, sisingilin kita sa oras na sasayangin mo. Makikta mo nalang ako sa building mo na nag-iiskandalo. Okay?“ “Hahaha. okay. No worries, I'll be back." Sinundan na lamang niya ng tingin ang paalis na lalaki. 50k monthly? 25k kinsenas, so ano kayang work ko? Hays. 8 months nalang, at sobrang natatakot akong mag bilang ng pera. Wah. Kaya yan Naz! Tiwala lang, nahati ang dagat. Nothing is impossible. Go girl! Kulang-kulang isang oras ang tinagal ni Adrian sa pagwiwithdraw. Nang matanaw ni Naz na papalapit na sa kaniya ang lalaki dala ang maliit na pouch na naglalaman ng kaniyang down payment ay hindi niya napigilang mangiti. "Here's your money, 150k na yan, baka umarte ka pa." Inirapan niya lang ang lalaki at inabot ang pera. Nagalak siya sa malulutong na pera na nakuha niya mula sa aroganteng lalaki. "Thanks." "Anong thanks, sumama ka na sa'kin." "Maghintay, tatawagan ko pa kaibigan ko, pwede?“ Hindi na ito nakipag diskusyon sa kaniya. "Hello bakla, inaalok ako ng trabaho ni Adrian Crawford, iyong negosyanteng may-ari ng Crawford's Delluxe. Teh, kung may mangyari man sa akin, please, bigyan mo ako ng hustisya ha. Huwag ka papasilaw sa pera ng lalaking 'to." Gusto niyang tawanan ang babae sa narinig. "Ano, okay na?" naiinip na tanong ni Adrian sa nag-aalinlangan pa ring si Naz. "Saan ba?" "Follow me." Naglakad na ito papunta sa kotse, at tahimik lamang na sumunod si Naz. Pinagbuksan siya nito ng kotse habang siya'y napa-ismid. "Wow, I didn't know na gentleman ka pala. Oops. O feeling gentleman lang." "shh. So ano palang tingin mo saken?" "Well, first impression last." kumunot lang ang noo ni Adrian at mahinang tumawa. "Bakit? anong nakakatawa?" "Still remember what my first impression on you?" umirap siya. "Well that is basically your mistake. Not mine. Dahil may diperensya ka sa utak." "You are so mean." "Lah, nagmamalinis." Nasapo niya ang ulo sa sakit na dulot ng babaeng o-offer-an niya ng trabaho. "Tsk, 4 months ago na 'yon, sana all marunong mag-move on." Umirap na lamang si Nazarene sabay baling ng atensyon sa labas ng kotss. "Roger, at my Hotel." "Hotel?! Gago ka ba? Sabi mo office?“ na-alarma si Naz. "Manong, paki hinto po, baba po ako." "My God! You are a pain in the ass. Bawal ba akong mag-office sa hotel?" Medyo napahiya si Naz sa narinig niya sa lalaki. Narinig niyang tumawa ng mahina ang driver ng sasakyan. "Lakas mo rin eno? Bilyonaryo kausap mo, napaka attitude mo. At anong sabi mo? Gago ako? Alam mo bang ikaw lang ang nangahas na sabihin sa'kin ang salitang iyan, knowing na magtatrabaho ka para sa akin." "At bakit hindi? You taught me how to be magaspang in front of you. I'm so nice back then... remember?" "Yes. I remember how you took of your clothes just to prove your innocence----" "Shut up!!" Narinig niyang tumawa ng mahina si Adrian. Ang alaala na iyon ay nagpapatayo talaga sa lahat ng buhok niya kahit pa sa katagu-taguan. "Sir hindi naman po sa nangingialam, pero may meeting po kayo with Alano's" "Yes, thank you pinaalala mo. i'll just let Nikko handle that." Agad niyang tinext si Nikko. ~Bro, Are you free tonight 9pm, Alano's Restau. ~I can't. May date ako mamaya with Magi. ~I can't make it, better cancel or resched it. I am with Naz. ~What the! Seryoso? Ok, No worries, I'll resched my date with Magi. I'll meet Claire At 9pm. **********×********* "Bakit ba? bakit ba lahat nalang ng trabaho pinapasok mo? Bakit ba ino-over work mo sarili mo? Ha, Nazarene? bakit?" Hindi niya rin alam kung nagtatanong ba siya o pinapagalitan niya ang babaeng nasa backseat ng kotse niya na ang sarap ng pagkakahimbing. she even get a picture of her habang naka ngangang natutulog. Senyales na pagod nga talaga ito. Pinag-dinner muna niya si Roger dahil ayaw niyang istorbohin ang babae. Hindi tuloy mai-uwi ni Roger ang kotse niya sa Mansyon. "Sir, hindi pa rin po ba natin siy gigisingin? it's been 3hrs." "It's okay. Hayaan muna natin siyang magpahinga." Umunat-unat si Naz at napabalikwas sabay mabilis na tumingin sa suot na relo. "Ohmygooosh! Bakit hindi mo 'ko ginising?" "Wow! Nakakahiya naman kasi, ang sarap ng pagkakahilik mo, sorry ha?" sarkastikong banat ni Adrian. "Awts. Totoo ba? I have been working 24hrs straight kasi. Anyway, nandito na ba tayo?" "Kanina pa." "Uy pasensya na po Manong. 3hrs din, napasarap idlip ko." Nakatitig lang siya sa babae habang nagpupunas ito ng mukha. "Hoy! May muta ba? Kakainis mga titig nito. Ano, titigan nalang? " "Hey! From now on I want you to watch your words. Magiging Boss mo na 'ko." "Well, unless tanggapin ko yung offer. Choosy ako sa work." she lied. Kahit ano na pinasok niya. Ultimo pinapalakong kawali at kaldero, pinatos na niya. "Talaga lang ha. Tignan natin kung di mo tanggapin offer ko. Baba!" sungit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD