CHAPTER 4: Fleurton Academy

1750 Words
Lych's POV Agad kaming sinalubong ni Headmistress Sylvana, napakalaki ng paaralan, mala kastilyo ito. Bumukas ang dalawang napakataas na pinto bago kami tuloyang pumasok. "Sa ngayon, pumunta na muna kayo sa inyong mga silid." May tinawag siyang lalaki na saktong papunta sa aming direksyon, hindi ko alam kung sinadya ba o nagkataon lang.  "Sumunod lang kayo kay Henry." Sabi ng Headmistress na para bang pinapaubaya na niya kami sa lalaking ito. Sa tingin ko'y bago pa man kami makarating dito ay kinausap na niya itong lalaking tinawag niyang Henry na siyang gumabay sa amin. "Hali na kayo." Sabi naman ni Henry bago naunang maglakad, nagkatinginan na muna kami ni Michael bago kami sumunod sa kaniya. Napakadaming liko ang aming ginawa at tila kami ay pataas, matapos ang ilang minuto ay huminto kami sa harapan ng isang pader. "Nandito na tayo." Nakatayo ito sa aming harapan ni Michael, nagtinginan kami dahil sa hindi namin alam ang aming dapat na sabihin. "Sigurado ka bang nasa tamang luar tayo?" tanong ni Michael, natawa naman si Henry at umiling, tinalikuran niya kami at tila may binigkas at ilang segundo matapos iyon ay lumitaw ang isang pintuan na agad niyang binuksan. Nagulat kami ni Michael dahil doon, isinilip ko ang aking ulo at inilibot ang aking paningin sa loob ng silid na itinatago ng mahiwagang pinto. Sakto lang sa sukat ang kwartong ito, tila ginawa para sa aming dalawa ni Michael. "Dito ang inyong silid, sana natandaan niyo ang daan." Kumindat siya at iniwan na kami ni Michael, sabay kaming napahinga ng malalim at umupo sa isang kama. Natandaan ko nga ba ang daanan papunta at paalis mula sa silid na ito? "Maganda pala dito." Kumento ni Michael habang naka titig sa kisame. "Sayang hindi tayo nag-aral." Dagdag pa niya, mas pinili kasi ng aming mga ama na sila mismo ang magturo sa amin. "Kaya nga." Pag-sangayon ko naman. Dinig ko ang paghikab nii Michael na tila nakaramdam na ng pagka antok. "Tulog na tayo?" aya niya at pumunta na siya sa isa pang kama, humiga narin ako at ipinikit ang aking mga mata. Madilim narin kasi at tila napagod ako sa hindi naman gaanong katagal na byahe namin mula sa himpapawid. Malakas na kalembang ng kampana ang gumising sa amin ni Michael, halos mahulog ako sa aking kama dahil sa gulat. "Napaka aga naman!" reklamo ni Michael habang kinukusot ang kaniyang mata, pasikat palang ang araw. Umupo ako sa akig kama bago nag-inat ng mga kamay, napatingin ako sa kaniya at nakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa screen ng kaniyang cellphone. "Sino 'to?" tanong niya habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Agad akong lumapit sa kaniya at itinutok niya ang screen ng cellphone sa mukha ko upang makita ang tinutokoy niya, isa itong mensahe.  "Suotin niyo ang mga damit na nasa cabinet at dumiretso kayo sa Great Hall."  Iyan ang nilalaman ng mensahe at walang nakalagay kung kanino ito nagmula. Nakarinig ako ng pagbukas, tumambad sa akin ang natutuwang mukha ni Michael, "Iyan ba ang susuotin natin?" tanong ko sa kaniya habang nakatitig sa mga damit na hawak niya. "Ito lang ang naririto." Sagot naman niya. Hawak niya ang isang coat na kulay dark blue at may logo na sa tingin ko ay logo ng paaralan. Nagkibit balikat ako at nagsimula nang magpalit, una akong nagsuot ng puting long sleeves, at nilagay ang kulay pulang kurbata pagkatapos ay pinatong ang isang vest at huli ang coat. Sa pambaba naman ay isang shorts na kakulay ng coat at meron ding pares ng itim na sapatos at mahabang medyas abot hanggang sa ibaba ng tuhod. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. "Hindi na masama." Bulong ko sa aking sarili, matapos magpalit ni Michael ay dumiretso na kami sa Great Hall, salamat sa mapang kasama ng mensahe ay kahit papaano nakaabot kami sa agahan. "Buti nandito na kayo." Sinalubong kami ni Henry mula sa gilid ng pintuan, ngumiti naman kami ni Michael. Dinaanan namin ang pagitan ng dalawang mahahabang mesa, ilang mata ang naka tingin sa amin. Napakadaming estudyante at nakasuot ng unipormeng gaya ng suot namin. "Umupo na kayo." Sabi ni Henry na nakaupo na, nasa harapan kami, sa dulong bahagi ng mahabang lamesa. "Kumain na kayo." Bigkas pa niya, parang iniimbita niya kami. Nakakatakam ang mga putaheng naka hain, pati ang dessert ay naka hain na rin. Mabilis akong kumuha ng aking kakainin na sakto lang para sa akin ngunit si Michael ay tila ba wala ng susunod sa dami ng kinuha. "Pagkatapos niyong kumain ay dumiretso kayo sa opisina ng Headmistress, nasa dulong bahagi ito ng hallway ng ikatlong tore." Pagbibigay alam sa amin ni Henry. Tumango lang kami ni Michael dahil pareho kaming puno ng pagkain ang bungaga. Matapos naming kumain ay agad kaming lumabas ng Great Hall. Nandito na kami ngayon sa school field, "Saan ang ikatlong tore?" tanong ni Michael, nagkibit balikat naman ako dahil maging ako ay hindi ko alam, nagpalipatlipat ang aming paningin sa mga toreng nakikita namin. Meron nga kaming mapa ngunit hindi nakasaad doon kung nasaan ang opisina ng Headmistress. "Unahin na natin dito." Suhestyon ng aking kaibigan, papunta kami sa ikatlong tore kung uumpisahan ang pagbibilang mula sa kanan, merong limang naglalakihang tore sa buong paaralan. Pag apak namin sa loob ay wala kaming nakitang opisina, inakyat namin hanggang sa taas ngunit wala parin, napagod kami sa pagbaba at tila nawala agad ang mga kinain namin kanina, sunod kaming pumunta sa ikatlong tore kung mula sa kaliwa ang pagbibilang. Katulad nang naunang toreng pinasok namin ay wala parin, paakyat kami ngayon sa huling palapag at hingal na hingal na kami, tagaktak ang pawis. "Aray." Reklamo ng babaeng nakasalubong ko, nabitawan niya ang mga bitbit niya. "Sorry." Paghingi ko ng dispensa at agad ko siyang tinulungang pulutin ang mga bagay na nabitawan niya, mukhang hindi naman siya galit at napaka laki ng kaniyang ngiti, ito ba ang tinatawag nilang killer smile? muli akong humingi ng tawad at ibinigay sa kaniya ang hawak kong mga gamit niya, Habang inililipat niya ang mga gamit niya mula sa akin papunta sa kaniyangkgamay ay hindi ko maiwasang titigan ang mga ito, ito ang mga bagay na hindi mo aakalaing dadalhin ng isang babae. "Salamat." Matapos non ay umalis na ito, napakakakaiba ng dating niya. "Miss!" tawag ni Michael sa babae at lumingon naman ito, agad itong lumapit sa amin. "Bakit?" tanong niya habang hawak ang mga bagay sa kaniyang bisig. "Alam mo ba kung saan ang opisina ng Headmistress?" tanong ni Michael habang kinakamot ang buhok. "Obviously nawawala kayo kaya tutulungan ko kayo, sumunod kayo sa akin." Tila natutuwa pa siya, sumunod naman kami ni Michael. "Anong mga pangalan ninyo? ako kasi ay Chloe," Humarap siya sa amin habang naglalakad. "Michael", "Lych." Magkasunod naming sabi ng aking kaibigan at napangiti ulit si ang babae na Chloe raw ang pangalan. "Nice meeting you." Tumalikod na siya, parang napaka ganda ng kaniyang awra, pero para siyang weirdo. "Nanggaling na kami dito ah." Sabi ko noong bumalik kami sa unang toreng pinuntahan namin, pinaghihinalaan kong tama ba ang tinataha naming daan. "Eh bakit niyo tinanong kung nasaan ang opisina ng Headmistress?" tumigil siya sa paglalakad at tiningnan niya ako. "Wala naman dito." Sagot ko, ngumiti naman siya kaya nagtaka ako kung bakit puro na lang siya ngiti. "Baguhan pala kayo rito." Tumalikod na siya at muling naglakad. "Sumunod lang kayo sa akin." Sabi niya habang nakatalikod sa amin. Nakarating kami sa dulo ng hallway, "Apokalypto." Matapos niyang bigkasin ito ay lumitaw ang isang maliit na espasyo, agad niya kaming isiniksik dito at biglang umikot ang masikip na silid, matapos ang isang segundo ay nasa loob na kami ng opisina ng Headmistress. "Sawakas! Kanina ko pa kayo hinihintay." Sumalubong sa amin ang Headmistress na ibinaba ang kaniyang panulat at tumayo palapit  sa amin, mukhang abala ito bago kami dumating dito. "Salamat sa kaniya." Turo ni Michael kay Chloe na tila ba ikinatuwa ng Headmistress ang kaniyang narinig, nakatayo lang kami sa gitna ng opisina. "Nakilala niyo na pala si Chloe, dahil nandito nanaman kayong tatlo ay masmapapadali ito." Sabi ng Headmisress, "Ano po iyon?" tanong ko naman. "Hindi naman maganda kung wala kayong gagawin sa pamamalagi niyo dito kaya gusto kong mag-aral kayo at magiging kaklase niyo si Chloe." Paliwanag ng Headmistress. "Kabilang kayo sa Special students, ang inyong mga kapabilidad ay mas mataas kumpara sa iba kaya ang matatanggap niyong kaalaman ay iba ang lebel mula sa mga ibang mag aaral." Dagdag pa niya. "Ayos!" Masayang sabi ni Chloe. "Ipapakilala ko kayo sa iba." Masaya niyang pagbuluntaryo, tumango na lang kami ni Michael at mas piniling hindi umimik. "Chloe, hintayin mo nalang sila sa labas, meron pa akong sasabihin sa kanilang dalawa." Seryuso ang mukha ng Headmistress. "Sige po ma'am Headmistress." Lumabas na ang babae. Bumalik ang Headmistress sa kaniyang mesa at sumunod naman kaming dalawa, umupo kami sa harapan ng Headmistress. "Ano po ang sasabihin niyo?" tanong ko sa kaniya. "Hindi na ako magpaligoyligoy pa, wala paring balita tungkol sa kong saan dinala ni Leon ang mga magulang mo." Ako ang kinakausap ng Headmistress, may pag aalala sa kaniyang mga mata. Hindi ako nakapagsalita, walang kahit na isang salita ang lumabas sa bibig ko. "May nakarating sa akin, mula sa mga magulang mo, Michael, may namataan daw silang kakaibang kilos ng kapwa nating mga warlock, ang hinuha nila ay nahikayat sila ni Leon na sumapi sa Necromancer." Pahayag naman niya. "Maaring magkaroon ng digmaan ano mang oras, sa mga oras na iyon ay magiging target nila ang paaralan lalo na't naririto ka,Lych, kaya ko kayong protektahan ngunit kailangan ko parin ang tulong ninyo, kailangan magreport kayo agad sa akin kapag may kahinahinala kayong napapansin." Mahabang paliwanag ni Headmistress Silvana. Napalunok ako dahil sa parang nanuyo ang lalamunan ko sa mga binitawang salita ng Headmistress, lalo na ang tungkol sa mga magulang ko, bigla akong niyakap ng Headmistress mula sa kaniyang kinauupuan. "Palagi kang mag iingat." Bulong niya sa aking tenga. "Opo tita." Sagot ko naman at hinigpitan pa niya ang kaniyang yakap bago ako pinakawalan, Matapos niya akong pakawalan ay inutusan na niya kaming puntahan na si Chloe. "Dumiretso na kayo sa inyong silid aralan." Tumalikod na kami at pumasok sa makitid na espasiyo at ilang segundo pa ay muling umikot at  bumungad ang mukha ni Chloe na mukhang inip na inip na. "Ang tagal niyo!" binuhat niya ang kaniyang mga daladalang gamit mula sa sahig at pinasunod kami. "Sabik ba kayong makilala ang iba pang estudyante ng spesyal na klase?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD