bc

To Defeat A Necromancer

book_age16+
247
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
reincarnation/transmigration
witch/wizard
twisted
no-couple
brilliant
magical world
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Sa malayong bansa ng Hellada may dalawang bata ang isinilang upang usigin ang kadiliman. Kadilimang kakalat dahil sa isang nilalang na nakipag sundo sa isang demonyo mula sa kaibuturan ng lupa.

Iba't ibang nilalang, kapangyarihan at mahika na lahat naka konekta sa isang fountain na kung saan dumadaloy ang pinakamalakas na enerhiya. Gaya ng kaisipang langit at lupa, meron ding kadiliman at liwanag ngunit sa bansang ito'y isa lamang ang nanaig.

Paano kaya maibabalik ang balanse kung ang isang bahagi nito ay higit na mas makapangyarihan kumpara sa isa?

Bansang pinagsimulan ng digmaan, makakabangon pa kaya?

Mga nilalang na nagdusa, makakabangon pa kaya?

Sa mundong ito'y dalawa lang ang pagpipilian, mamamatay ka o papatay ka.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1:Leon
Lych's POV Napasigaw ako mula sa aking panaginip, dinalaw na naman ako ng panaginip kong iyon, pinunasan ko ang aking mga pawis at lumabas ng aking kwarto. Madaling araw palang kaya lumabas na muna ako ng bahay. Pumunta ako sa tabing dagat at umupo sa buhangin. Palagi kong napapanaginipan ang senaryong iyon mag mula noong naging labin limang taong gulang ako, dalawang taon na ang nakakalipas. Noong naging ganap akong warlock. Hindi ko alam kong anong ibig sabihin ng panaginip na iyon pero palagi ko itong nakikita.  Bumalik na ako sa bahay at pagdating ko ay kagigising palang ng mga magulang ko. "Goodmorning." Bati ko sa kanila, "Saan ka pumunta?" tanong ni mama. "Sa tabing dagat lang ma." Sagot ko naman. "Halika na nakahanda na ang agahan." Sabi naman ni papa kaya agad na akong lumapit sa kanila. Pagkatapos naming kumain ay nag-usap muna kami. "Heto." sabi ni mama sabay abot niya saakin ng isang kahon. "Ano po ang laman nito?" tanong ko at kinuha na ang kahon at binuksan ito. Napangiti naman ako sa aking nakita. "Salamat ma, pa!" binigyan ko sila ng malawak na ngiti at sila'y aking niyakap. "Walang ano man, ingatan mo iyan ha." Sabi naman ni papa.  Sa mga tulad namin, mas maiging magpukos mona kami sa pagiging warlock bago kami matuto sa mga pamamaraan ng mga normal na tao. Noong unang panahon may dalawang nilalang na tinatawag na lightborn, sa kanila nagmula ang aming kakayahang gumamit ng mahika. "In-register na namin ang mga contact number namin diyan." Sabi naman ni mama at pagkatapos 'non ay lumabas na ako at pumuntang parke.  Nakikisalamuha kami sa mga normal na tao habang iniingatan ang aming pagkakakilanlan. May galit o takot kasi sila sa amin.  "Lych!" tawag ni Michael sa akin at agad naman akong lumapit at ipinakita ang cellphone ko. "Sa wakas binigyan na ako nina mama at papa ng cellphone." sabi ko sa kaniya na hindi maitago ang tuwa. "Ako rin!" sabi niya at kasabay no'n ay ang pagpapakita niya ng sa kaniya. Matalik na magkaibigan ang aming mga magulang kaya naging magkaibigan din kami at sa parteng ito ng syuda ay ang aming mga pamilya lang ang natatanging warlock na naninirahan dito. Maliit na lamang kasi ang aming papulasyon na mga walrock simula noong 1900s, napilitan kaming mag tago lahat dahil sa mga taong gusto kaming paslangin at lahat ng kanilang kamalasan ay sa amin isinisisi. "Tara picture tayo." Suhestyon niya at inakbayan niya ako, pinindot niya ang isang boton sa screen ng kaniyang cellphone at kasabay no'n ay ang pagkakuha ng aming litrato. "Sakin din." Sabi ko naman at tinaas ko rin ang cellphone ko. Nagpalitan din kami ng contact number para mas madali kaming makapag usap. Pag katapos non ay madami pa kaming pinuntahan na mga pasilidad ng kaming dalawa lang. Kung nagtataka kayo kung nakikipag usap kami sa mga normal na tao ang sagot ay oo. Pero sa tuwing ginagawa namin iyon, lalo na sa mga babae ay nagiging nakakailang. Gaya nalang  noong nakipag usap si Michael sa isang babae at kapag naaalala ko iyon ay natatawa parin ako. Pano ba naman kasi bigla siyang tumakbo palayo nang hawakan nong babae ang kamay niya. Kaya ang kina hantungan ay ako ang humingi ng tawad at nagpalusot para sa aking kaibigan. HIndi nga malaman ng babae kung ano ang gagawin niya noong tumakbo si Michael eh. Habang nage-enjoy kami sa aming paglilibot at pagkuha ng mga litrato ay biglang umilaw ang aking tattoo sa dibdib ganon din kay Michael, pareho kaming may tattoo na pairang isang nilalang pero hindi gaanong litaw. Ewan ko ba kung bakit kami merong ganito pero sana may pagkakataon na sa muling pagliwanag nito ay mas maging matatak na ito sa aming dibdib para naman makita naman kung ano ba ang disenyong ito. Ayon sa aming mga magulang ay palatandaan daw ito na kami ang napili. Umiilaw lang ito kapag may panganib na malapit lang sa kinaruruunan namin. "Hindi ito maganda." Sabi ni Michael at tumakbo na kaming dalawa pauwi. Habang tumatakbo kami pauwi ay nagdilim ang buong kalangitan, tila nagbabadyang umulan. "Ma anong nangyayari?" tanong ko sa kaniya pagdating ko sa bahay. "Naririto si Leon." Sabi ni mama na hindi maitago ang pangamba sa kaniyang mukha. "Ha? akala ko ba patay na siya?" tanong ko ulit dahil sa pagkakatanda ko'y iyon ang sinabi nila sa amin. "Iyon din ang akala namin." Sagot naman ni papa habang hawak ang kaniyang wand. Pumunta rin ang buong pamilya ni Michael sa amin at pagkatapos no'n ay isinara namin ang lahat ng maaring [asukan dito sa aming bahay na nagbabakasakaling hindi siya makapasok. Kung ano man ang pakay niya dito ay mukhang hindi maganda. Sunod-sunod na pagkatok ang maririnig galing sa labas. "Anong pakay mo dito?!" sigaw ni papa at nakatutok ang lami;amg mga wand sa may pinto habang kami ni Michael ay nasa kanilang likuran hawak din ang aming wand.  "Hindi niyo ba ako papapasukin?" tanoong naman ng isang boses ng lalaki na nasa labas. "Umalis ka na dito!" sigaw naman ng papa ni Michael. Nakadinig kami ng malakas na pagtawa bago bumagsak sa aming harapan ang aming pintuan. Sumalubong sa amin ang isang lalaking maayos naman ang pananmit at tila nagtatrabaho siya sa isang kompanya. "Saka lang ako aalis kapag nakuha ko na ang pakay ko." Sabi niya at unti-unting naglakad papasok sa aming bahay. Kasunod no'n ay ang biglang pag atake ng aming mga magulang ni Michael na nag resulta sa pagkabuo ng usok sa palibot ni Leon. Lahat kami'y sabik na malaman na napuruhan siya pero biglang lumabas ang imahe ni Leon mula sa usok. Tila ba walang nangyari at napakaayos parin ng kaniyang damit at katawan, ang tanging nagulo lang ay ang kaniyang buhok na agad niya ring inayos. Kahit na apat sila hindi nila kaya ang lakas ni Leon. "Sinasayang niyo lang ang mga enerhiya niyo." Sabi niya sa pinkama hinahon na boses na narinig ko sa gitna ng labanan at tila ba wala itong kalaban. Nanggagalaiti sa galit ang aming mga magulang at patuloy parin sila sa pag atake at isinawalang bahala ang pinagsasabi ni Leon. Aatake sana kami ni Michael kaso pinigilan kami ni tito Damyan. Tahimik lang kami ni Michael na nanunood at tila ba nagsusumamo ang kaba at pagkamangha sa sinaryo na aking natutunghayan. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang nakatutok ang dulo ng kaniyang wand sa amin. "Kapnos."  Tila ba isang mabilis na tubig na kumalat ang maitim na usok na siyang bumulag sa aking mga mata. Napaatras ako hanggang sa may naramdaman akong masasandalan pero nagulat ako nang biglang may bumalot sa aking leeg. Kung gaano kabilis kumalat ang usok ay ganoon din kabilis nawala at ngayo'y nasa harapan na kami ng aking buong pamilya. "Buhay niya o ang ibigay niyo ang susi?" tanong niya sa aking mga magulang na gulat din kung gaano kabilis ang mga pangyayari.  "Ahh!" sigaw ko nang mapaso ang aking leeg mula sa dulo ng wand ni Leon. Napatakip sa kaniyang mga labi si mama at  kusang lumuhod ang aking ama. Papatayuin sana siya nina tito Damyan pero tumanggi itong sumunod. "Pakawalan mo siya, parang awa mo." Pagmamakaawa ni papa. "Wala sa amin ang susi!" sigaw naman ni mama at dahil doon ay tumawa si Leon at hinigpitan ang hawak sa aking leeg kaya napaubo ako. "Hindi niyo ako maloloko, alam kong nasasainyo iyon." Sabi naman ni Leon. Hindi ko mapagtanto kung anong susi ang tinutukoy nila pero sa tingin ko'y malaki ang halaga nito. "Sinasabi namin ang totoo, maging kami'y hindi alam ang kinaruruunan ng susi." Sabi naman ni papa na naka luhod parin. "Kung ayaw niyong ilabas, ako na mismo ang maglalabas!" sabi niya at agad akong itinulak. Napaupo ako sa sahig at sa bilis ng mga pangyayari ay wala na akong nagawa pa nanag dukotin ni Leon ang aking mga magulang. May kalasag na nakapalibot sa akin at kina tito Damyan kaya hindi kami naapektuhan sa spell na ginamit ni Leon pero ang aking mga magulang ay napuruhan. Tiningnan ako ni Leon at ngumisi ito bago itinutok sa aking direksyon ang kaniyang wand. Bumulosok ang isang kidlat kaya napapikit ako. "AHHHH!" sigaw ko dahil sa sakit na aking nadarama, tila ba nasusunod ang aking loob-looban! Ang huli kong nakita ay ang mukha ni Leon na naka ngisi, demonyo, walang puso! at tuloyan na nga akong nilamon ng kadiliman.Hindi ko na alam kong ano ang nangyari sa aking paligid. _______________ Michael's POV Sa hindi inaasahang pagatake ni Leon ay nawalan ng malay si Lych at bumagsak sa sahig. Ganon din ang kaniyang mga magulang, habang sina mama at papa ay biglang sinugod si Leon. Takot ang aking nararamdaman pero lumapit ako at umatake rin kahit pa binawalan ako ni papa. Pagkatataon ko nang gamitin ang spell na ito! binigkas ko ang spell na natutunan ko at lumutang ang mga bagay sa loob ng bahay at sinigurong kay Leon tatama pero nadismaya ako nang mabilis niya itong inilagan. Napakabilis niya, nakakamangha. Masyadong malaki ang enerhiyang nawal sa akin nang gamitin ko ang spell dahil masyadong madaming bagay ang naapektuhan. Namandhid ang aking kanang kamay na may hawak sa aking wand at hindi ko na kaya pang lumaban. Napagod sina mama at papa ng hindi man lang tinatamaan ang kanilang katunggali. Ngumisi si Leon at muling nag pakawala ng usok at matapos ang isang minuto ay nawala na si Leon at ang mga magulang ni Lych. Mabuti na lang at agad kong nahila si Lych gamit ang kaliwa kong kamay dahil kundi hindi ay baka kinuha rin siya ni Leon. Ginamit ko sa kaniya ang nalalabi ko pang enerhiya upang lapatan ng paunang lunas. Binuhat siya ni papa at agad na itinakbo sa hospital para maka siguro. Nagpaiwan muna ako sa hospital upang bantayan si Lych. Tinanong ko kanina ang aking mga magulang kong saan dadalhin ni Leon ang mga magulang ni Lych pero maging sila'y hindi alam. Isa pang gumugulo sa aking isipan ay ang susi na tinutokoy ni Leon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Wandering One

read
24.5K
bc

NINONG

read
395.3K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

NINONG II

read
653.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook