Lych's POV
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at pinilit na ibangon ang aking sarili. Nanghihina pa rin ako at naramdaman ko rin na masakit ang katawan ko. "Lych!" tawag saakin ni Michael at agad siyang tumayo palapit sa akin.
"Buti gising ka na." Sabi niya na may halong ngiti sa kaniyang mukha. "Gaano ako katagal nawalan ng malay?" tanong ko naman sa kaniya habang palapit ito sa aking hinihigaan. "Tatlong araw." Sagot naman niya, napakatagal na pala. "Nasaan sina papa?" tanong ko ulit sa kaniya.
Hindi ito sumagot at tumingin sa may pintuan, bumukas ito at tumambad ang mga magulang ni Michael. "Mabuti naman at nagising kana." Sabi ni Tita na hindi maitago ang pagka galak, inilagay naman ni Tito sa mesa ang prutas na dala nila.
"Kamusta ang pakiramdam mo Lych?" tanong ni Tito at lumapit sa akin. "Asaaan po sina mama at papa?" tanong ko pero tila iniiwasan nila ang aking katanungan, inulit ko pa ito ng dalawang beses hanggang sa sumagot si Tito. Bumuntong hininga siya, "Dinukot sila ni Leon." Sabi niya at ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses niya.
Nagising ang aking diwa at tila ba isang kuryenteng dumaloy ang kagustuhan kong mahanap kaagad ang aking mga magulang.
Tumabi saakin si Tita at hinawakan ang aking balikat, "Saan sila dinala, kailangan ko silang mahanap!" sabi ko at nagmadaling tumayo pero pinigilan ako ni Tita, "Lych, magpahinga ka muna." Sabi niya sa mahinahon niyang boses.
"Walang nakakaalam kung saan sila dinala, mahihirapan ka lang." Sabi naman ni Tito, "Kailangan nila ako, hindi ito maari!" nagpupumiglas ako pero bigla akong niyakap ni Tita ng mahigpit. "Magpahinga ka na muna, alam kong mahiraap pero ang magpalakas ang kailangan mo ngayon." Bulong niya sa aking tenga na nagpakalma sa akin at hindi ko namalayang may tumulong bumitil na luha sa aking mata.
HIndi ko na napigilan pa at umiyak na ako ng umiyak, naramdaman ko ring yumakap si Michael sa akin. Umalis na sila sa pagyakap sa akin at pinunasan ko na ang aking mga luha bago huminga ng malalim.
"Heto't kainin mo ito." Sabi ni Tito at inabot sa akin ang na hiwa nang mansanas na agad ko naman kinuha. Wala man sina papa at mama ngayon ay nandito naman sina Tito at Tita para alagaan ako at kahit papaano'y may kakalinga sa akin,
Tumagal pa ako ng isang araw sa hospital bago ako pinayagang makkalabas. Tumuloy na muna ako sa bahay nina Michael dahil wala naman akong ibang pupuntahan.
Maganda na ang aking pakiramdam kaya pinilit ko si Tito na turuan ako ng mga bagong skills.
Siya ang aming tagapagturo, hindi siya pumayag noong una pero hindi nagtagal ay pumayag din siya, sumabay na rin si Michael. "Tuturuan ko kayo ngayon ng combat skills, ang isang magaling na warlock ay hindi lang dumedepende sa mahika kundi pati sa pisikal na lakas!" sabi ni Tito nang may kumpyansa sa sarili.
"Tumindig ng maayos!" sigaw ni Tito aya agad na tumindig ako sa posisyon na alam ko. "Pareho kayong mali! ngayong araw na ito hindi kayo mga warlock kundi isang mandirigma!" sigaw niya at lumapit sa amin, may hawak siyang baston.
"Mas malawak pa." Sabi niya at mahinang inihampas ang kanan kong paa kaya agad ko itong iginalaw at mukhang tama na iyon dahil nilagpasan na niya ako. "Itaas mo pa ang iyong kamay." Sabi naman niya kay Michael at gaya ng ginawa niya sa akin ay ginamit niya ang kaniyang baston upang igalaw ang mga kamay ng kaniyng anak.
Gusto kong tumawa dahil sa mukha ni Michael pero pinigilan ko ang aking sarili dahil sa ayaw kong parusahan ako ni Tito.
"Ang magandang tindig ay ang susi sa magiting na mandirigma, kaya dapat lang na alam niyo kung paano ito gawin." Sabi ni Tito bilang pagpapaliwanag. Hindi naman kami umimik ni Michael at nakinig na lamang kay Tito.
Sasakit ata balakang ko dito dahil kanina pa ako sa pusiyong ito.
"Panoorin niyo ako." Sabi niya at hawak ang kaniyang baston ay nagpamalas siya ng kung fu skills, napaka husay. Itinuro niya ang kaniyang ginawa sa amin at halos mabali ang mga buto ko. Buong araw naming ginagawa ang mga ipinakita ni Tito hanggang sa magawa na namin ito ng tama.
"Kailangan niyo na lang puliduhin." Kumento niya bago siya umupo at hinayaan kaming dalawa ni Michael. Bago kami magsimula ay tumayo kami ng tuwid, huminga kami ng malalim at kasabay nito ang pagtaas ng aming kamay hanggang sa dibdib at habang pinapakawalan ang hangin ay unti-unti namin itong ibinaba.
"Hah!" Sigaw naming pareho at sinimulang igalaw ang aming katawan. "Hah!" Sigaw ulit namin at sabay na sumuntok sa hangin hanggang sa naka kuha kami ng bwelo at tumalon. Kasabay ng aming pagtalon ay ang isang sipa sa hangin, ilang ulit namin itong ginawa.
Tagaktak ang aking pawis pero hindi ko ito ininda at ipinagpatuloy lang ang aking ginagawa. Naka pukos lang ako at hindi hinahayaang pumasok ang ibang mga ideya sa aking isipan. Ang katawan ay konektado sa isipan.
"Hah!" sigaw namin at matapos ang hindi ko mabilang na minuto ay natapos na kami sa aming ginagawa. Tumayo si Tito at ngumiti sa aming dalawa, yumuko siya at ginawa rin naminiyon pero ang sa amin ay mas mababa.
Pagkatapos ng aming pagsasanay ay bumalik na kami sa bahay nina Michael. "Bukas gumising kayo ng maaga, may pupuntahan tayo." Sabi ni Tito habang kumakain kami ng hapunan at napakadilim na rin sa labas. "Saan po?" tanong ko, "Sa sagradong lugar kung saan nagmumula ang mahika." Sagot naman niya.
Nagkatinginan kami ni Michael, pareho naming hindi alam ang sinasabi ni Tito. Ngumiti naman si Tito na tila inakala na ang magiging reaksyon namin. "Magpahinga muna kayo ngayong gabi para bukas ay handa ang inyong utak sa inyong malalaman." Sabi ni Tito.
Tumango na lamang ako at inubos na ang pagkaing nasa plato ko.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa kwarto, ako ang nakahiga sa kama ni Michael at siya naman sa sahig na linagyan niya ng futon.
"Ayos lang kaya sina mama?" tanong ko habang nakatitig sa kisame at magkahawak ang aking mga kamay sa ibabaw ng aking sikmura. "Hanggat magkasama sila ni Tito magiging maayos sila." Sagot naman ni Michael. "Tulog na tayo." Sunod niyang sabi at narinig ko ang kaniyang paggalaw at ang pagkumot niya.
Bumuntong hininga ako at humarap sa aking kaliwa, Sana nga.
"Mama, Papa.... Hindi!!!--"
Biglang akong nailumpangatan dahil sa sigaw ni Tito, pagtingin ko sa pintuan ay nakatayo siya doon habang pinagtatama ang isang kaldero at sandok na gumawa ng napakaingay na tunog. tila umikot ng panandalian ang paningin ko bago ito bumalik sa normal at umayos na ang paningin ko.
"Bangon na!" sigaw-sigaw nito na siyng nagpabangon saaming dalawa ni Michael. Agad kaming naghanda at lumabas na ng kwarto, "Sobrang aga naman papa." Sabi ni Michael na nagrereklamo habang kinakamot ang kaniyang buhok.
"Ito ang pinakamainam na oras." Sabi naman niya at itinigil na ang ginagawa niyang pag-iingay. Agad na kaming tumayo sa aming higaan at inayos ko na rin ang aking suot. Nang lumabas kami ni Michael sa kaniyang silid ay naghihintay na si Tito sa sala.
"Pumwesto na kayo sa bilog at aalis na tayo." Sabi niya na agad naman namin sinunod, malayo siguro ang aming pupuntahan kaya kailangan naming gumamit ng teleportation spell.
Nakapwesto si Tito sa likuran namin ni Michael, "Tilemetafora!" sigaw niya at biglang umilaw ang aming guhit na nakapalibot sa amin at sa isang iglap ay para akong hinigop sa loob ng kung ano man.
Pakiramdam ko magkakahiwalay na ang mga parte ng katawan ko.
Matapos ang ilang segundo ay nakaramdam ako ng lupa at dahil sa hilo ay natumba ako, ganoon din si Michael "Naririto na tayo." sabi ni Tito at tinulungan kaming tumayo. Pagtayo ko nakita ko ang isang fountain at napapalibutan ito ng mga bulaklak pero ang kakaiba dito ay ang kalahati ay makulay habang sa kabila ay itim na rosas lang.
Lumapit kami dito at nakitang kumikinang ang tubig na lumalabas dito, sa likuran ng fountain ay isang pader na may guhit. "Ito ang fountain of chi, ang pinanggagalingan ng lahat ng mahika at iyan ang simbolo ng yin and yang, isang pahiwatig na sa kadiliman ay may kabutihan at sa kabutihan ay may dilim.
Ito ang iniwan ng Lightborns para sa ating mga warlock upang patuloy na magbigay sa atin ng lakas pero dahil sa taglay nitong kapangyarihan ay madaming nagtangkang akinin ito hanggang sa tanging ang pamilya na lamang natin ang may alam sa lugar na ito at nakakapasok." Sabi ni Tito bilang mahabang pagpapaliwanag.
"Gaano po ba kapangyarihan ito?" tanong ko naman habang namamangha parin sa aking nakikita.
"Sobrang lakas na kayang bumuhay ng namayapa na at magbigay ng kapangyarihang kayang sumakop sa buong mundo." Sagot naman ni tito bago inilabas ang dalawang maliliit na bote at pinuno ito ng tubig mula sa fountain.
"Heto, alam kong kakailanganin niyo iyan sa mga darating niyong paglalakbay." Sabi niya at ibiniay niya sa amin ang mga bote. "Pero wala naman po akong balak na humiwalay sa inyo." Sabi ko naman at sumang-ayon din si Michael. "Balang-araw ay magaganap din iyon." Sabi niya at ipinatong ang kaniyang palad sa aking balikat.
Ako naman ay tinititigan ang maliit na bote na itinapat ko sa aking mata.
Pagbalik namin sa bahay ay may kasamang babae si Tita, nangangambang tiningnan ako ni Tita, "Damyan." Tawag ni Tita kay Tito at agad naman itong lumapit, may pinag usapan silang hindi ko narinig kung ano.
"Pumasok na muna kayo sa inyong silid." Sabi ni Tito pagbalik niya sa amin na tila ang pag-uusapan nila ay hindi naman dapat marinig.
Nasa kwarto kami ngayon at nag-uusap ni Michael, "Michael, Lych." Tawag ni Tita sa amin bago sila pumasok na mag-asawa, agad naman kaming umayos ng upo ni Michael. "Bakit po?" tanong ni Michael, "Kailangan niyong umalis." Sabi ni Tito.
"Ha!" sabi ni Michael na kagaya ko ay nagulat sa kanilang sinabi.
Pati ako naguguluhan pero may sinabing plano saamin si Tito at tiwala akong sigurado sila sa bagay na ito. Noong una ay ayaw namin lalo na si Michael pero wala kaming ibang nagawa kundi ang sumunod sa kanilang kagustuhan. May tagisa kaming bag ni Michael at nakasakay kami ngayon sa isang Griffin na siyang maghahatid sa amin sa aming pupuntahan.
Tila ang bilis nagbago ng ikot ng aming mga kapalaran. Kahapon ay natutuwa lang ako na may cellphone na ako, ngayon ay kailangan kong lumayo dahil sa isang kadahilanan.