Chapter 2

2404 Words
3 years later Dumaan ang mga buwan at taon na namuhay kami sa masyon ng mga Cervantes. Ang bilis nga ng panahon ngayon ay magaapat na taon na si Lazarus sa susunod na buwan ang bilis nga nitong lumaki parang kailan lang karga karga ko pa sya at tinuturuan kong maglakad ngayon napakakulit at pasaway na diyos ko mauubusan ata ako ng dugo sa kakulitan niya, gaya ngayon nagpupumilit siyang maligo na siya lang mag-isa ayon bumaha yung cr at halos lumabas na papunta sa kwarto namin pati yung sabon na kakakuha ko lang ay ubos na. Asar na napapikit nalang ako para pigilan ang sarili kong mabulyawan siya. "Lazarus! Patayin mo na yung tubig! " Nagtitimping sabi ko. "Mama, ligu pa pu aku" Matamis ang ngiting sabi niya habang nagtatampisaw sa shower area. "Magtigil ka, tapusin mo na yan ang dami dami mo nang nasasayang na tubig" Inis na sabi ko at pinandilatan pa siya ng mata para di na magsalita, mas napanguso at pinatay na nga yung tubig. "Towel pu Mama" Mahinang sabi nito at malamlam pa ang mata habang nakatingin sa akin, alam niyang galit ako sakanya kaya nagpapaawa siya. Kinuha ko na ang Spiderman towel niya at pinunasan na siya, ako na rin ang nagsuot ng damit niya. Nung maayos na siya ay binuhat ko na siya palabas ng kwarto. "Good morning pu!" Nakangiting bati nito kay Ate Hilda. "Good morning din Laz" Bati ni Ate Hilda pabalik. "Ang kyot kyot at ang pogi talaga ng anak mo Mari pero wala atang nakuha sayo" Malawak ang ngiti na bulong ni Ate Hilda sa akin, siniguro niya talagang hindi rinig ni Laz. Si Don Rafael ay buwan-buwan pumupunta dito kung wala nga lang itong trabaho sa Manila dahil sa kompanya nila ay sigurado akong mas gusto nitong mag-stay dito dahil kay Lazarus. "Mama baba pu aku" Ungot ni Laz pakatapos nitong kumain. "Mamaya na upo ka muna diyan mamaya maglililikot ka nanaman sasakit nanaman ang tummy mo" Pangaral ko. "Bad ka pu Mama di kita friend" Nakasimangot na ani nito. Hinarap ko ito ng nakapameywang. "At bakit? " Tanong ko. "Una di mu aku paliligu tapos ngayon di mu ku papalaru bad ka pu, bata pa pu aku dapat lalaro aku" Parang matanda na pangaral nito at nilahad pa ang kamay para ipamukha sa akin ang mga naging kasalanan ko sa kanya. "Aba Lazarus magtigil ka, di mo ako madadaan sa ganyan. Isang oras ka diyan!" "Ang tagal naman, 15 minutes Mama ku" "Isang oras Lazarus" "Mama 20 minutes" "40 minutes" "Sige 30 minutes last na yun Mama" Hindi na maipinta ang mukha nito. "Sige 30 minutes" Pinilit kong itago ang ngiti ko dahil sa nakabusangot nitong mukha. Apat na taon palang si Lazarus pero marunong na itong tumingin ng oras matanong kasi ito at may minsang natanong niya sa akin yung orasan at curious siya kung bakit gumagalaw iyon kaya ayon mabang paliwanagan ang nagyari hanggang sa itinuro ko na sa kanya kung paano tumingin sa oras at dahil maalam na ito sa numero at kaya na nitong magbilang hanggang 100 ay mabilis nitong nakuha kong paano. Agad na akong naghugas ng gatambak na hugasin habang tinignan tignan si Laz na mga prutas na yung kinakalikot ngayon sa center island. Matapos kong maghugas ay hindi na nakatiis ang bubwit at nagpapabuhat na pababa nagalburuto pa nga ito at inaway ako nung hindi ko siya pinagbibigyan sa gusto niya. At dahil sa kaingayan niya at sulsul ni Ate Hilda ay pinagbigyan ko din. "Si baby Laz! Mukhang naligo na ah" Rinig ko ang boses ni Amboy siya yung regular na nagdedeliver ng bigas at tubig inumim sa mansyon. "Indi nga aku Baby!" Bakas ang pagkaasar sa tuno ni Laz, siguradong ang sama na ng tingin nito sa kausap. Rinig na rinig ang malakas na tawa ni Amboy dahil sa naging tugon ni Laz. "Aray! " Rinig kong sigaw niya kalaunan paglingon ko sa pwesto nila ay namimilipit na si Amboy habang hawak ang hita. "Lazarus!!!" Malakas na sigaw ko hindi ako nito nilingon at nagtatakbo lang palabas. Agad kong nilapitan si Amboy. "Naku ayos ka lang? " Nagaalalang tanong ko dito. "Ang lakas talagang manuntok nung anak mo pwede na sa boxing" Ani nito habang nakangiti, mahinang sinuntok ko siya sa braso. "Sira, ikaw naman kasi sabing wag mo na siyang tatawagin na Baby alam mo na ngang nanununtok sige ka pa rin" "Ang kyot nung anak mo eh lalo na pagnaaasar kaya ang sarap sarap asarin " Natatawang sabi nito na ikinailing ko nalang. "Naku hindi ka ba nabibigatan diyan kanina mo pa buhat yan" Tukoy ko sa sakong bigas na nakasabit sa balikat niya. "Naku oo nga sige lagay ko na 'to doon" Nahihiyang sabi nito, natatawang tinanguan ko siya. Pagkatapos ay nagpaalam na agad ito. Anak si Amboy ni Mang Arturo at isa sila sa naninirahan sa lupain ng mga Cervantes. Dati ay isa sila sa nanananim ng pinya sa pinyahan pero nung mangailangan si Don Rafael ng driver ay si Mang Arturo ang nakuha dahil dati itong driver ng truck. Si Amboy din ay nakatoka na ngayon sa kwadra pero siya din ang taga deliver ng bigas at tubig dito sa mansyon marunong din itong mangumpuni ng mga gamit kaya pag may nasira ay siya agad ang tinatawagan. Kami din ay matagal ng naninirahan sa lupain ng mga Cervantes ang alam ko matagal ng magkaibigan si Don Rafael at ang Tatay ko pero nasa may palayan kami nun si Tatay lang ang palaging pumupunta sa mansyon at si Don Rafael lang din ang pala bisita kaya musmos palang ay close na talaga kami hanggang sa mangyari nga yung trahedya namatay si Tatay dahil sa nagsalpukang truck at kotse nahagip siya at dead on arrival na sa ospital. Sampung taong gulang lang ako nun at wala kaming mga kamaganak na kilala parehong sa orphanage lang kasi lumaki ang mga magulang ko, si Nanay namatay daw nung isinilang ako, kaya kaming dalawa lang talaga ni Tatay, buti nalang kinupkop ako ni Don Rafael ayaw sana niya akong pagtrabahuin pero si Donya Esperanza araw-araw niyang ipinamumukha sakin kung gaano ako kapabigat, kaya hiniling ko kay Don Rafael na gawin nalang akong katulong kapalit ng pagpapatira at pagpapaaral nito sa akin ayon napilit ko din. Naging abala ako sa paglilinis at sa pagtulong sa pagluluto hanggang sa sumapit ang tanghalian pero wala pa rin si Laz usually kasi alas dies e medya palang ay naguungot na yun na gutom na siya, magsisimula na yung mangulit at mang-away at manunumbat sasabihing pinababayaan ko siya at hindi ko mahal. Diba ang kapal din nung batang yun. Ang bata pa pero ang tabil na ng dila mana sa pinagmanahan. "Teka po Ate Hilda hanapin ko lang si Laz" Paalam ko na agad nitong tinanguan. Pagod na pagod na ako kakalibot sa buong mansyon pero hindi ko pa rin mahanap si Laz. Tagatak na nga ang pawis ko, usually ay sa kwadra lang siya eh o di kaya sa pool o garden pero wala talaga siya doon hanggang sa mapadpad ako sa may likuran ng mansyon kung saan nakatayo ang naglalakihang puno ng manga. Nang may marinig akong kaluskos ay agad akong pumunta doon at halos atakehin ako sa puso sa kaba nung iangat ko ang tingin ay nandoon sa taas ng puno si Laz. "LAZARUS!!!" Halos lumabas ang litid ko sa lakas ng sigaw ko, bigla itong napatingin sa akin. "Mama! " Tuwang-tuwa pang sigaw nito. "Lintik kang bata ka! Bumaba ka diyan! Pag ikaw mahulog diyan bugbog pa aabutin mo sakin sinasabi ko sayo!" Gigil na gigil na singhal ko habang nakatingala sa kanya. Lahat ng dasal ay nadasal ko na yata wag lang ito mahulog, sa sobrang taas ng puno ay pinagpapawisan na ako ng malamig at nanginginig na din ang mga kamay ko sa kaba habang nakatingin sa kanyang bumababa, nung nasa height level ko na siya at tinalon na nito ang puno. Nagposing pa ang tampasalan na nag-ala spiderman at nagmamalaking tumingin pa sa akin. Agad ko itong nilapitan at gigil na piningot ang tainga habang hinihila siya. "Ikaw bata ka sa oras na ulitin mo pa yun hindi ka na talaga makakalabas sinasabi ko sayo!" Galit na pagbubunganga ko. "Ahh..ahh aray Mama masakit" Maluha-luhang angil niya. "Masakit huh? Masakit? Hindi lang gantong sakit ang aabutin mo sa oras na mahulog ka sa punong yun!" Mas nilakasan ko pa lalo ang pagpingot sa kanya, kita ko ang pamumula ng mukha niya at maluha-luha na siya pero wala akong pake mas gugustuhin ko pang masaktan siya ngayon kaysa doon sa punong yun, kahit ang isipin palang ang mangyayari di ko na maatim. "Mari! Mari, ano ba yan nasasaktan ang bata" Bulalas ni Don Rafael medyo malayo pa siya sa pwesto namin. "Pops! " Mangiyak-ngiyak na tawag ni Laz sa Don. "Wag na wag niyo po siyang ipagtatanggol Don Rafael! Bwisit 'to!" Lalapit pa sana si Don Rafael para kuhain si Laz sa akin pero naduro ko na ito kaya agad itong napatigil. Aba walang makakapigil sa akin gantong mainit ang ulo ko. "Hindi-hindi kita titigilan bata hanggat hindi ka nadadala" Nanggagalaiting sabi ko at binatawan ko na ang tainga nito at pinagkukurot naman siya. "Pops! Pops help pu! huhu" Nagpapaawang sabi nito at si Don Rafael. "Mari tumigil ka na pulang-pula na ang bata, nasasaktan na din siya" Nagmamakaawang sabi ni Don Rafael habang nakatingin sa apong nagiinarte. Napatigil lang ako nung marinig ko ang boses na iyon at kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi-hindi ko pa rin iyon makakalimutan. "What's happening here? " Malamig na sabi nito, nanigas ako sa kinatatayuan ko kaya doon nakahanap ng tyempo si Laz na makalayo sa akin. "Pops huhu! Bad si Mama di siya bati ni Laz" Rinig kong sabi nito at nung lingunin ko siya ay naka akap na ito sa binti ni Don Rafael. "Ayos ka lang apo? Anong masakit sayo? " Malamyos ang boses na tanong ni Don Rafael sa bata at yumuko pa ito para pantayan ang taas ni Laz. "Yung ears ku pu, tsaka itu, itu, dami pu nikurot ni Mama" Nakangusong sumbong nito at tinuro pa ang bawat parte ng bewang niya na nasayaran ng mga kurot ko. "Ano ba kasing ginawa mo?" Mahinahong tanong ni Don Rafael habang hinihimas himas ang tenga ni Laz na piningot ko. "Nitulungan ko po yung meng-meng (kuting) pero ayaw niya pu baba kaya ayon samahan ku nalang siya sa may tree pu para di na siya sad" Malumbay na paliwanag nito, habang nakayuko at nakaangat ang damit at pilit na iniihipan ang mga sugat nito sa bewang. "Very good ka sa ginawa mo pero dapat di ka naakyat sa puno baka kasi mahulog ka magka-ka-sugat ka tapos mapipilayan, iiyak si Mama mo gusto mo ba yun? " Agad na umiling si Laz, nakangiting ginulo ni Don Rafael ang buhok nito. "Nag-alala lang si Mama mo sayo, sige na magsorry ka na sa kanya" Agad itong umiling at umakap kay Don Rafael kaya wala itong nagawa kundi ang kargahin ito, agad namang nagsumiksik si Laz sa leeg niya. "Dad who is he? " Biglang tanong nung taong kanina pa nakamasid. "Naku Zac siya yung kweni-kwento ko sayo. Si Laz anak ni Mari" Doon na ito napatingin sa akin, saktong nagtama ang mga tingin namin ako agad ang umiwas. "Excuse me po Don Rafael pakakainin ko na ho si Laz" Magalang na paalam ko at nilapitan na si Don Rafael para kunin si Laz. "Lazarus halika na" Hindi ako nito pinansin at mas nagsumiksik kay Don Rafael "Lazarus" Seryosong tawag ko na dito pero wala pa rin "Lazarus De Jesus" Nagtetemping sabi ko doon na ito nag-angat ng tingin at sunod-sunod na ang pagtulo ng luha na tinignan ako. Alam niya kasi pagtinawag ko na siya sa buo niyang pangalan ay galit na talaga ako. "Sori na pu Mama, di na pu uulit si Laz" Halos hindi na ito makapagsalita ng maayos dahil sa sinisinok na ito, doon na lumambot ang puso ko at naawa ako dito. Kinarga ko na siya at hinele. Ewan ko ba sa batang 'to hindi naman 'to iyakin kahit nasasaktan o nasusugatan ito pagnaglalaro ay hindi talaga yan iiyak pero pagalam niyang galit na talaga ako at tinawag ko na siya sa buo niyang pangalan doon ito parang land mine na sumasabog nalang at iiyak, kaya paggalit ako iniwasan ko talagang tawagin siya sa buo niyang pangalan dahil doon lang siya umiiyak. "Don Rafael una na po kami" Paalam ko na agad namang tinanguan ng Don. "Sige painumin mo siya agad ng tubig" Bilin pa siya na tinanguan ko naman. Walang lingong likod akong umalis doon at pumasok nalang sa dirty kitchen, agad kong pinakain doon si Laz nagalala pa nga si Ate Hilda ng makita si Laz at tinanong kung bakit ito umiyak, hindi ko nalang sila pinansin at mukhang nakaramdam naman sila at hinayaan muna kami. Pagkatapos kong pakainin si Laz ay kinarga ko ito muli papasok sa kwarto siguro ay dahil sa pagod kakaiyak ay agad itong nakatulog. Ginamot ko ang mga sugat nito sa bewang ng dahil sa kurot ko mukhang napasobra ako siguradong mahapdi ito pagna-basa. Tinapalan ko nalang iyon ng maligamgam na tubig medyo napapaigtad siya pero tuloy pa rin ito sa pagtulog. Nagiguilty ako sa nangyari sa sobrang takot at galit ko ay nasaktan ko siya. "I'm so sorry baby boy, sorry talaga" Mahinang bulong ko sabay masuyong halik sa mukha nito. ••• Dahil sa naguguilty ako sa ginawa ko ay napagpasyahan kong bilhan ito ng ice cream at tsokolate na paburitong-paburito nito para pambawi. Agad akong nagpaalam kay Aling Julieta na siyang mayordoma, inismiran lang ako nito at sinabing bahala ako basta trabahuin ko yung nakatoka sa akin. Agad akong nagbihis pangalis nung palabas ako nung namataan ko sa sala Senyorito Zacharias may katabi itong babae na animo ay artista sa kinis at kaputian, maganda din ito at balingkinitan kitang-kita sa suot nitong damit na hapit na hapit sa katawan niya, nakaupo sila kaharap si Don Rafael. "Dad we're getting married" Rinig kong sabi ni Senyorito Zacharias. Hindi ko man gustong marinig ang pinaguusapan nila, di ko pa rin maiwasang marinig dahil iyon lang ang daan palabas. Parang pumait yung panlasa ko at parang may bumara sa lalamunan ko, bago pa man nila ako mapansin ay napagdesisyunan ko nalang na bumalik nalang ulit sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD