Chapter 3

1824 Words
Nilibang nalang ni Mari ang sarili sa pagtitig sa napaka-among mukha ng anak ni Laz. "Mukhang hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko, hayaan mo 'nak gagawin ko ang lahat para hindi mo maramdamang kulang ka" Malambing na bulong nito sakanya saka ito hinalikan sa noo. ••• Pakagising ni Laz ay pinasama niya nalang ito sa kusina. Siya kasi ang nakatokang magluluto ngayon. Nilibang lang nito ang sarili nito sa mga dalang laruan na regalo ni Rafael. Tamik lang sila at tanging si Laz lang ang maingay na kung anu-ano ang sinasabi habang naglalaro, nang biglang pumasok si Rafael. "Anak, Amy tara dito may ipapakilala ako sa inyo" Masiglang sabi ni Rafael. Nabiglang ikinatigil ni Mari "Anak, Amy si Laz anak ni Mari" Pakilala ng Don kay Laz na mga ito patuloy lang sa paglalaro ang bata at hindi pinansin ang nasa paligid ng hawakan ni Rafael ang buhok nito ay saka lang ito nagangat ng tingin sa kanya "Laz siya yung anak ko si Tito Zac mo, ito naman yung fiancee niya si Tita Amy mo" Nakangiting pakilala ng Don doon lang napatingin ang bata sa mga bisita. "Hi Baby I'm your Tita Amy" Nakangiting pakilala ni Amy at bahagya pang yumuko para mapantayan ang bata akmang hahawakan nito ang pisnge ay agad na lumayo si Laz. "Indi aku Baby" Nakasimangot na sabi ni Laz at muling binalik ang tingin sa laruan. Naging alangan na ang ngiti ni Amy dahil sa pagkapahiya. "You're so cute" Pilit nitong pinasigla ang boses. "I'm not cute, I'm handsome!" Bakas ang iritasyon na sagot ni Laz, doon na hindi nakapagpigil si Mari at nagbabatantang tinawag ang pangalan ng anak. "Lazarus!" Lumingon sa kanya ang bata pinanlakihan niya ito ng mga mata. Nahihiyang tinignan ni Mari si Amy "Naku Ma'am pasensya na po" Nahihiyang paumanhin nito magaang namang ngumiti si Amy dito. "It's okay" Mabait na sabi nito. "Naku Amy pagpasensyahan mo na ayaw lang talaga niyan na tinatawag siyang baby at cute, nanununtok pa nga yan" Natatawang singit ni Rafael at ginulo pa ang buhok ng bata "Naku napakapilyo nito walang araw na hindi sumasakit ang ulo ni Mari dito pati nung ibang kasambahay. Parang si Zac lang nung bata pero ewan ko ba nasubrahan sa kulit 'tong batang 'to doble ata ang kakulitan niya kaysa kay Zac. Pero mabait naman 'to minsan may sumpong lang talaga gaya ngayon" Masayang kwento pa nito. Si Zacharias naman ngayon ang naglean para mapantayan si Laz. "Hi young man, I'm Zacharias Cervantes" Mahinahon ang boses nito at may kaunting lambing na pakilala ni Zacharias sa bata at nilahad pa ang kamay. Matagal na tinitigan muna ni Laz ang lalaki bago tinanggap ang kamay nito. "Lazarus De Jesus, Laz nalang pu" Nakangiting pakilala din ni Laz. Napangiti si Zacharias sa tuwa ay ginulo niya ang buhok ni Laz. "Where's your father? " Biglang tanong ni Zacharias na ikinaputla ni Mari. "Father? " Inosenteng tanong ni Laz. "Ahh. Si Father Seb andun pu sa simbahan syempre" Sagot agad nito habang nakakunot ang noo. Nagtataka ang bata kung bakit sa kanya tinatanong kung nasaan ang kuro paruko ng lugar. "What?" Naguguluhang tanong ni Senyorito Zacharias. "Yung tinutukoy niya yung pari sa simbahan" Sabat ni Don Rafael. "Not Father Seb, I mean your Daddy" "Si Pops" Masayang sagot ng bata. "But he's your grandfather" Kumunot ang noo ni Zacharias. "Ou nga father nga din siya" Kumiling pa ang ulo nito at naningkit ang mata, nawiweirduhan na ito sa kausap at dahil gusto niya ito pilit niya nalang hinahabaan ang pasensya niya at sinasagot ang mga tanong ng lalaki. "No, your Papa" Napanguso si Laz sa iginigiit ni Zacharias naguguluhan na kasi siya sa tanong ng lalaki. "Magkaiba ba yun?" Inosenteng tanong nito na agad na tinanguan ni Zacharias. Napatango-tango si Laz "Kala ko si Pops na Papa ku. Oo nga pala Mama ku asan Papa ku?" Biglang tanong ni Laz nanigas at nanlamig si Mari sa naging tanong nito. Si Rafael na sana ang sasagot nung biglang magsalita muli ang bata. "Hmm. Baka nikuha ng alien indi kasi namin siya kikita ng Mama ku. Yaan mo na siya layu pa outer space wala kaming pamasahe ni Mama ku doon, di pa nga aku nibibilhan ni Mama ku ng brief ku na spiderman kasi wala pa daw pira" Nakangusong reklamo nito na ikinatawa ng malakas ni Rafael maging ni Zacharias at Amy habang si Mari ay pulang-pula na sa pagkapahiya at kung di lang siya nahihiya sa Ma'am Amy at Senyorito Zacharias ay kanina niya pa nabulyawan ang bata. "Hayaan mo ibibili ka nalang ni Tito Zac ng spiderman na brief" Natatawang sabi ni Zacharias sa bata. Agad namang nagliwanag ang mga mata ni Laz. "Pramis pu? " Masayang tanong nito habang nakataas ang kanang kamay na parang nanunumpa natatawang ginaya iyon ni Zacharias. "Promise" Sabi ni Zacharias masayang napasuntok naman sa hangin si Laz at napasigaw ng 'Yes'. "Sakto pu lapit na bertday ni Laz four na pu aku regalu niyu pu iyon" Daldal ni Laz at iminulestra pa ang apat na dalari. "Talaga? Kailan?" Muling tanong ni Zacharias, ewan niya ba hindi naman siya palasalita pero nakakatuwang kausap ang bata kaya di niya mapigilan ang sarili niya na kausapin ito. "Sunod na buwan pu May 6" Nakangiting sagot ni Laz at muling iminulestra ang anim na daliri. "Lapit na nga" Natutuwang sabi ni Zacharias. "Ou sabi nga ni Mama ku bibili niya aku bag tapos sapatos na spiderman kaya di muna siya bibili ng brief na spiderman" Nakangusong sumbong nito "Buti nalang dating ka Tito Zac sabi mu bibili mu aku ng brief na spiderman kaya salamat pu ng madaming madami" Iminulestra pa nito ang malilit na mga kamay kamay para umaksyon. "Wala yun, kahit ilan pa gusto mo" Tuwang-tuwang ginulo muli ni Zacharias ang buhok ni Laz. "Talaga pu? " Nagliliwanag ang mukhang pangungumpirma ng sigurista na bata. "Oo" Mabilis na sagot ni Zacharias na may kasama pang tango. "Kahit gantu" Inilahad ni Laz ang dalawang kamay kung saan nakabukas ang sampung mga daliri, nakangiting tumango-tango si Zacharias. "Wow!" Tuwang-tuwa at pumapalakpak pa na bulalas ni Laz. Tuwang-tuwang pinagmalaki nito kay Rafael at sa Mama niya ang balak na bilhin sa kanya ni Zacharias. Ngiting-ngiti naman si Zacharias at tuwang-tuwa habang nakatingin sa batang nangungulit, bigla siyang napatingin kay Amy nung lumapit ito sa kanya. "I thought you don't like kids" Bulong ng dalaga. "Yeah, I don't, it's just him, I enjoy talking to him" Nakangiti pang sabi niya habang nakatingin pa rin sa bata na ang Dad niya ang kinukulit ngayon. "You look really happy ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan" Puna ni Amy habang nakatingin kay Zacharias na hindi man lang inaalis ang tingin kay Lazarus. "Really?" Natatawang naiiling na sabi nalang ni Zacharias. "Mama gutom na pu aku, tagal pa ba yan? Nu ba yan gugutom mu nanaman aku di mu talaga aku aalagaan maayos. Nipapagalitan mu pa aku lagi, nikukurot, nipipingot, bata pa aku, tama ba yun? " Nakangusong paglilitanya nito na mas ikinairita ni Mari rinig na rinig niya kasi ang pagpipigil ng tawa ng iilang nandoon na nakaranig lalo na si Rafael at Amy. "Tumahimik ka diyan Lazarus" Nagtitimping suway ni Mari kay Lazarus. "Anak--" Hindi natapos ang sasabihin ni Lazarus nung biglang magsalita si Mari. "Di ka talaga tatahimik? " May pagbabanta na sa tuno nito. "Tatahimik na pu? " Nakanguso at mahinang sabi nito. "Are you really hungry? I brought some snacks do you want it? " Alok ni Zacharias agad namang pumalalakpak ang tainga ni Laz at nagniningning ang mga mata nito magsasalita na sana ito ng maunahan ito ni Mari. "Wag na ho Senyorito Zacharias nagiinarte lang po yan, siguro naiinip na, maluluto na din naman 'to pakakainin ko po siya agad pagkaluto nito, baka po kasi di na makakain ng kanin mamaya" Magalang at casual na sabi ni Mari napatingin si Zacharias sa nakatalikod na pigura ng babae. "Okay, Can I just borrow him instead doon lang kami sa sala" Paalam nito, napalingon si Mari sakanya at walang nagawa kundi ang tumango. Akmang si Rafael na ang kakarga sa bata ay hinawakan siya Zacharias sa balikat para pigilan. "Dad ako na" Sabu ni Zacharias dito naguguluhan man ay tumango nalang si Rafael. "Byebye Mama ku" Nakangiting paalam ni Laz sa ina at kinakampay kampay pa ang mga kamay habang karga ni Zacharias. Nung mag-isa nalang si Mari ay parang doon lang siya nakahinga ng magluwag, sa pwesto niya kita niya si Zacharias at Lazarus na naguusap at parehong nakangiti, parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya sa nakitang tanawin. Ang ingay nila sa sala ang lakas ng halakhak ni Rafael at ni Zacharias sa mga kwento ni Lazarus maging si Amy ay tuwang-tuwa sa bata kahit na alangan pa ito sa kanya. Nung matapos na ang niluluto ni Mari ay tinulungan na siya ng ibang kasambahay na ihanda ang hapag, huli siyang hinanda ang pagkain ni Lazarus. "Mari sumabay na kayo ni Laz sa amin" Yaya ni Rafael. "Wag na ho nakakahiya, magulo po kumain si Laz" "Sige na Mari, Hilda ikuha mo siya ng plato" Utos ni Rafael wala ng nagawa pa si Mari dahil iginiya nya siya ng Don sa may hapag. Hanggang sa hapag ay dada ng dada pa rin si Laz tuwang-tuwa lang nakikinig silang lahat sa kwento nito habang si Mari ay busy sa pagpapakain dito, di na nga siya nakakain ng maayos, halos isang oras ata sila doon dahil sa tagal kumain ni Laz. Pagkatapos kumain ay kay Mari na ito nangulit inaantok na daw siya nagpaalam na muna siya para patulugin ang bata. Pagkatapos lang nito maghalf bath ay dumedede sa chupon saka nakatulog. Nung masiguro ni Mari na nakatulog na ang anak at saka siya dahan-dahan ba tumayo para tumulong kung meron pang naiwan na gawain. Nung matapos na niya ang dapat gawin ay dumeritso nalang siya ng kwarto nila ng anak niya naabutan niya si Laz na nakaupo sa kama at tahimik na umiiyak agad niya itong dinaluhan at niyakap. "Mama ku niiwan mu si Laz bad ka" Umiiyak na sikmat ng bata. "Shh. Sorry na baby ko may pinuntahan lang si Mama" Malambing na pagpapatahan niya at inalalayang humiga ang anak. "Tulog na hindi na aalis si Mama mo" Malamyos niyang ani habang paulit ulit na hinihimas ang buhok nito tapos ay mahinang tinatapik-tapik ang pwet nito. "Pramis pu" Pipikit-pikit na sabi nito nginitian niya ang anak. "Opo" Sagot niya doon napanatag ang bata at maya-maya lang ay bumigat na ang paghinga nito hudyat na malalim na ulit ang tulog nito. Dahan-dahan muli siyang tumayo at naglabar muna saka nagbihis ng pangtulog at muling bumalik sa higaan. Napangiti siya nung maglikot si Laz at niyakap siya nito. "Goodnight anak. Mahal na mahal ka ni Mama kahit napakapasaway mo" Mahina niyang sabi dinampian niya muna ito ng halik sa noo saka yumakap din ng mahigpit dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD