"Pwede na aku laro?" Inosenteng tanong ni Laz sa ina habang busy ito sa pagsusuklay sa basa niyang buhok.
"Oo. Ito tali mo isusuot ko lang sa kamay mo talian mo nalang buhok mo pag di na basa" Bilin ni Mari sa anak at sinuot na ang manipis at itim na panali sa kamay ng bata, binuhat niya ito para mapababa, agad naman itong nagtsenelas at sumunod kay Mari palabas.
"Sabi sayu kasi Mama gupit na aku. Gusto ku tulad kay Tito Zac na gupit para gwapu, tapos gustu ku din hikaw Mama ku!" Daldal nito habang nakasunod lang sa likod ng ina.
"Bakit 'nak bakla ka?" Tanong ni Mari dito na ikinasama ng mukha ni Laz.
"Indi pu, si Tito Zac din pu may hikaw sa isang tainga. Gusto ku din nun para parehas kami pogi" Giit nito nangingiting napailing nalang si Mari dahil kahit nakatalikod siya ay naiisip niya ang nakabusangot na itsura ng anak.
"Wag na, pogi ka naman na" Balewalang sabi ng dalaga agad na tinanguan ng bubwit.
"Lam ku, pero gusto ku pa din hikaw Mama ku"
"Wala tayong pera"
"Nu bayan! Lagi nalang lampera"
"Ang gastos mo kasi kaya tumahimik ka"
"Hingi aku kay Pops, yaman naman siya"
"Tumigil ka"
"Kay Tito Zac nalang yaman din yun kita ku may kotse siya"
"Tumigil ka kung ayaw mo makurot sa singit"
Tahimik na nanonod at nakikinig lang si Zacharias sa magina kanina pa siya nakaupo sa may bintana malapit sa kwarto ng magina, hindi lang siya agad napansin ng dalawa dahil nasa may gilid iyon. Di niya kasi maintindihan ang sarili niya gustong-gusto niyang kasama si Laz kaya ito nga nakita niya nalang sarili niya na naghihintay sa paglabas ng mag-ina tatawagin na sana niya si Laz pero mas nalibang siyang pakinggan ang pinaguusapan ng dalawa.
Sinundan niya lang ang dalawa hanggang sa biglang tumalikod si Laz at napatingin sa pwesto niya.
"Tito Zac!" Masiglang sigaw nito. Napalingon din si Mari sa likod niya at doon niya nakita ang Senyorito.
"Laz" Nakangiting tawag ni Zacharias sa bata.
"Senyorito, kanina pa po kayo diyan?" Hindi nito pinansin ang tanong ni Mari at maging ang tingnan man lang ito ay di niya ginawa. Lumapit lang ito sa bata at yumuko para pantayan ang tangkad nito.
"I heard you want to cut your hair young man, do you want me to go with you?" Nakangiting alok niya kita ang paliwanag sa mukha ni Laz hudyat na masaya ito sa narinig at magsasalita palang sana ito ng naunahan na siya ni Mari.
"Wag ho, wag niyo siyang pagupitan" Agarang singit ni Mira, doon na napatingin si Zacharias sa kanya at bahagyang kumunot ang kilay nito sa bilaang pagtanggi ng babae.
"Why?" Nagtatakang tanong nito hindi ito pinansin ni Mari bagkus ay binalingan lang ang anak.
"Sige na 'nak maglaro ka na sa labas" Utos nito.
Tututol pa sana si Laz nung seryosong tinignan na siya ni Mari.
"Lazarus sige na" May pagbabanta ang boses na utos nito sa anak.
Tututol man ay nakayuko at papadyak padyak na tumalima nalang si Laz sa utos ng ina. Nung makitang nakaalis na ang bata, aalis na din dapat siya nung magsalita muli si Zacharias.
"You didn't answer my question Marikit" Hindi niya iyon pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. "Your son just want a haircut it's not a bad thing why don't you just let him?"
"Kaya lang naman gustong magpagupit nun dahil po sa inyo" Bakas ang iritasyon sa boses ni Mari na hindi na niya maikubli pa, naglakad na siya papasok sa kusina para maghugas para sana makaiwas kay Zacharias ngunit sinundan lang siya ng binata.
"Then let him be" Malamig na sabi nito.
"Gusto niya din magpahikaw, nakita niya yun sayo kaya gusto niya din"
"What's so bad about that, it's just piercing"
Doon na pumutok ang katiting na pasensya niya para sa binata.
"Pwede ba Senyorito huwag na kayong makialam, ako ang magdesisyon kung ano ang nararapat at di dapat sa anak ko" Inis na bulyaw niya at iniwan doon ang binata na nagiigting ang panga sa asar.
Iyon ang tagpong naabutan ni Rafael agad niyang nilapitan ang anak at dinantay ang kamay sa balikat nito.
"Napagalitan ka ba ni Mari? " May mapaglarong ngiti na tanong nito, tanging blangkong tingin lang ang naging tugon ni Zacharias. "Pagpasensyahan mo nalang sana si Mari anak, ganon talaga yun pag anak niya na usapan kahit nga ako napapagalitan lalo na pagbinibili ko si Laz ng kung anu-ano napakahands on niya kasi kay Laz gusto niya siya ang magbibigay ng lahat ng kailangan ni Laz" Kwento ng Don.
"But it's just a haircut and a piercing Dad. She's being unreasonable!" Asar na sikmat ni Zacharias sa ama.
"Hayaan mo na siya alam kong may dahilan siya. Come on let's have coffee outside tiyak na nasa labas yung bata" Mahinahing aya ni Rafael sa anak, wala na namang nagawa si Zacharias kung hindi ang sumunod sa ama.
Saka sabay na binagtas ang kinaruru-unan ni Laz.
•••
Mahigit isang linggo ng nasa mansyon si Senyorito Zacharias at Ma'am Amy. At sa isang linggong yun pansin na ang pagiging malapit ni Senyorito Zacharias at Laz.
May tuwa at pangamba akong nararamdaman. May parte sa akin na masayang-masaya sa anak ko dahil sa kahit na ganong paraan ay nakakapiling nito ang ama, pero may parte rin sa akin na nangangamba dahil alam kong panandaliaan lang ang lahat at aalis din si Senyorito Zacharias baka masaktan at malungkot lang ang anak ko sa oras na umalis ito.
"Mama ku! Mama ku! " Napalingon ako dahil sa maingay na tawag na iyon at nakita ko si Laz na patakbo sa pwesto ko habang nanlilimahid sa pawis at ang buhok nito ay gulong-gulo. "Tubig pu, pagod aku eh" Sabi agad nito pagkalapit na pagkalapit sa akin, agad akong tumalima at naubos nito ang isang baso sa sobrang uhaw.
"Ano bang ginawa mo at pawis na pawis ka?" Kunot-noo kong tanong at hinubad ko ang damit niya.
"Basketbol kami Tito Zac, turuan niya aku" Masayang kwento nito habang pinapahiran ko ang pawis niya sa buong katawan gamit ang damit na pinaghubaran niya. "Taas subra ng ring hirap, gawa daw kami bukas ni Tito Zac ng ring yung pambata, tapos turuan niya aku ulit, Mama ku sabi din niya bibili niya aku ng sapatos na pambasketbol at damit din yung..hmm hersi?"
"Jersey" Pagtatama ko sa sinabi nito.
"Yown hihi!!" Masayang bulalas nito "Suot mo ulit damit ku lalaru pa kami ni Tito Zac ni kausap lang siya ni Ma'am Amy" Utos niya habang sinusuklay ko ang buhok niya para iayos ang pagkakatali.
"Magbihis ka doon" Utos ko nung maayos ko na ang pagkakatali sa buhok niya.
"Eh Mama lalaru pa nga kami" Napapakamot sa ulo na reklamo nito.
"Oo nga magbihis ka lang dun" Muli kong utos na ikinanguso nito.
"Nu bayan, huhubad nalang tuloy aku" Ungot niya naikinailing ko tinupak nanaman ng katamaran.
"Laz, tara na" Biglang sabi ni Senyorito Zacharias na kita kong pawis na pawis din. Akmang tatakbo na siya palapit kay Senyorito nung pigilan ko siya.
"Teka kukuha lang ako ng damit mo" Bilin ko.
"Nu bayan si Mama talaga!" Muling maktol nito na hindi ko pinansin.
"Shoes too, Marikit" Pahabol ni Senyorito Zacharias na tinanguan ko.
Pagbalik ko ay wala na doon si Senyoritong Zacharias at nung saktong mabihisan at nasapatusan ko na si Laz ay siya namang baba ni Senyorito na nakasapatos din.
Lumapit ito sa pwesto namin.
"Ready? " Tanong niya habang nakatingin kay Laz na nakatingala sa kanya ngayon.
"Ready!!!" Masiglang sigaw ni Laz. Hinawakan niya sa kamay si Laz at bago umalis ay nilingon niya muna ako.
"Can you bring us some snacks?" Ani nito natinanguan ko agad.
Juice at cookies na binake ko kanina ang ang dinala ko sa kanila, tumigil muna sila sa paglalaro at lumapit sa akin saka sinunggaban agad yung cookies at juice na dinala ko para sa kanila.
"Laz ito yung bimpo lagay ko lang dito, wag na wag kang magpapatuyo ng pawis huh" Bilin ko pa natinanguan lang nito. Umalis na ako agad pagkatapos kong magpaalam kay Senyorito.
Kinagabihan dahil sa pagod ay nakatulog agad si Laz matapos kong pakainin pinahiran ko nalang siya ng basang towel at muling binihisan hindi na kasi ito nakapaglabar.
Gaya ng lagi kong ginagawa ay tinitigan ko muli ang malaanghel na mukha nito habang natutulog at iyon na din ang nakatulugan ko.
•••
"Mama ku liligu na aku" Pangungulit nito habang tinatalian ang hanggang kili-kili nitong buhok. Masyado itong maagang nagising dahil masyadong excited sa paggawa ng ring.
"Laz maaga pa giginawin ka pa"
"Bala ka dyan liligu nalang aku magisa" Nakangusong sabi nito.
"Tumigil ka magalmusal ka muna"
"Nu ba yan liligu na nga tapos ayaw pa liligu" Mas lalong nanulis ang nguso na reklamo nito. Hindi ko pinansin ang mga ungot nito at giniya lang ito sa kusina para pakainin.
"Wag na wag ka ng aakyat sa puno sinasabi ko sayo Lazarus De Jesus" Bilin ko.
"Opo" Halatang napipilitan lang na sagot ng bubwit.
"Wag na wag mo ding tangkain na umakyat sa kabayo" Dagdag ko pa na ikinabusangot nito.
"Nu ba yan ang daming bawal!" Yamot na reklamo nito habang napapakamot sa ulo niya.
"Wag ka ng humirit" Ani ko sabay ang mahinang pagpitik sa noo nito at dahil maputi siya ay namula agad iyon at hinawakan niya agad iyon at hinimas himas.
"Aray, Mama ku kakarami ka na sasaktan na ako" Salubong ang kilay at nakangusong reklamo nito.
"Ang dami mong alam" Nanggigigil na sabi ko at ilong naman nito ang pinagdiskitahan kong pingutin. Ang cute kasi talaga nitong maasar.
"Nu ba? Sakit nga eh!" Napalakas ang pagkakasabi nito ang salubong na kilay ay mas lalong nagsalubong pa.
"Naku, ang cute cute talaga ng baby ko pakiss nga si Mama" Natatawang pangaasar ko dito at pilit na hinahalikan ang kili-kili nito na agad niyang iniiwas.
"Mama!" Asar na asar na sigaw nito kaya napahagalpak ako ng tawa. "Bala ka dyan di kita bati Mama" Yamot na sabi nito at nagcross arms pa na tinalikuran ako.
Saka naman ang biglang pagdating ni Senyorito Zacharias.
"Good morning young man" Bati ni Senyorito Zacharias na kakarating lang kasunod nito si Ma'am Amy.
"Tito Zac! Karga po" Nagpapalambing na ungot nito na agad namang dinaluhan ni Senyorito.
"What's with the long face? What's the problem?" Kunot-noong tanong ni Senyorito sa nakabusangot na mukha ni Laz.
"Di kami bati ni Mama, niaasar aku, tapus nipitik niya noo ku, tapus nipingot niya pa ilong ku. Bad si Mama, aaway niya si Laz" Nagpapaawang sumbong nito at hinawakan pa ang mga parte ng katawan na nabanggit at umaksyon pa kung ano ang ginawa ko. Kita ko na pinadaanan ako ng tingin ni Senyorito Zacharias at muling ibinalik ang tingin kay Laz.
"Does it hurt? " Bakas sa boses ang pagalala na tanong nito.
"Medyo pu" Pagiinarte nito at umaktong mangiyak-ngiyak, ang sarap din talaga nitong batang 'to kurutin alam ko kung bakit siya ganyan ngayon di ko kasi sinunod yung gusto niya kanina.
"Laz ubusin mo na milk mo katapos mo maliligo ka na" Biglang singit ko sa usapan nila.
"Yuko di pa tayu bati niaway mu ku di ka pa sosori" Nanunulis ang nguso na sabi nito. Napabuntong hininga nalang ako.
"Sorry baby okay? " Malambing kong sabi.
"Okay. Tito Zac baba na pu aku. Karga mu aku Mama ku" Malambing na baling nito sa akin. Nagalangan pa ako nung una pero nilahad na ni Senyorito Zacharias ang bata.
"Naku ikaw bata ka napakaabusado mo talaga" Bulong ko sa kanya at mahinang pinalo ang pwet naikinahagikhik nito. Komportableng nakahilig lang ito sa akin habang dumedede sa chupon. Ayaw na ayaw kasi nitong si Laz ang ideya na ang gatas ay iinumin sa baso kaya dumedede pa din siya hanggang ngayon.
"Gusto niyo po bang ipagtimpla ko kayo" Baling ko kay Ma'am Amy at Senyorito Zacharias.
"No. We can manage, asikasuhin mo nalang muna si Laz" Magaang sabi ni Ma'am Amy habang mabait na nakangiti. "Hindi ka ba nabibigatan sa kanya" Biglang tanong ni Ma'am Amy habang nakatingin sa akin, umiling ako.
"Sanay na. Ganto talaga 'to masyadong pa-baby pagumaga pero siga kung umasta pag nakaligo na" Natatawang kwento ko habang nilalagay ang mga stocks na nakalapag sa mesa gamit ang isang kamay.
"You're a great mom, I can see it. Kahit na may pagkapilyo si Laz kita kong mahal na mahal ka niya" Puna nito.
"Hmm. Naku oho, kahit napakapasaway nito bawing bawi naman sa pagiging malambing" Nakangiting pagmamalaki ko habang nakatingin kay Laz na nasa bisig ko na ngayon ay nakatingin sa akin.
"Yeah. You look sweet together" Komento ni Ma'am Amy na ikinangiti ko.
"Mama ku ubos na!" Biglang singit ni Laz sabay tayo sa pagkakahilig sa akin habang nakaangat ang kamay kung saan hawak ang chupon niya. Sakto din na tapos ko na ang paglalagay ng stocks sa kabinet.
"Sige ho papaliguan ko na siya" Paalam ko. Tinanguan lang ako ni Ma'am Amy, tahimik lang si Senyorito Zacharias habang nakatingin sa amin o kay Laz? Ewan, kanina pa yun simula nung magusap kami ni Ma'am Amy, ipinagkibit balikat ko nalang iyon.