Nung makatulog si Laz ay iniwan ko na muna siya sa kwarto at gising pa nga si Ate Hilda, Darling at Dedet nagliligpit pa sila, tumulong na ako sa paghuhugas kahit pinigilan ako ni Ate Hilda alam niya kasi ang topak ni Laz, pero sabi ko naman ay pagod na pagod ito kaya di din nito mapapansin totoo naman eh minsan pag pagod na pagod siya iniiwan ko siya di naman nito napapansin na umaalis ako.
Ang ipinagtataka ko kanina ko pa di napapansin si Ma'am Amy nung umaga ko pa siya huling nakita gusto ko sana siyang pasalamatan bukod kasi decorations ay sakanya din pala yung chocolate drinks.
Kaya nung tanungin ko si Ate Hilda sabi niya ay nagmadali daw itong bumalik sa Manila may emergency daw sa trabaho. Doon ako napaisip kung napapabayaan din ba ni Senyorito Zacharias ang trabaho niya lagi lang kasi itong kasama si Laz at naglalaro ni hindi ko ito nakitang busy sa ibang bagay bukod sa pakikipaglaro kay Laz.
Pinapagpahinga ko na sila kahit madami pang hugasin sinabi kong kaya ko na kahit ang totoo ay pagod na pagod na ako dahil at antok na antok na ako dahil ang aga kong magising para sa mga lulutuin.
Alas dose na pero di pa rin ako tapos sa paghuhugas bumibigay na ang mga binti ko dahil sa panginginig.
"Marikit! Marikit!" Malakas na sigaw ni Senyorito Zacharias kaya agad akong lumabas sa may kusina kita ko, ang nanlilisik nitong tingin ang sumalubong sa akin habang karga si Laz na sinasayaw sayaw habang humahagulgol at di na ito makahinga ng maayos dahil sa lakas ng paghikbi nito. "What the hell are you doing? Lazarus was crying and he was looking for you!" Galit na sikmat nito agad ko siyang nilapitan at agad na kinuha si Laz at sinayaw sayaw ito.
"Sorry ang dami pa kasing huhugasan ang akala ko kasi di na siya magigising" Pahinang paliwanag ko habang pinupunasan ang basang kamay ko sakw luamapit sa kanila at kinuha si Laz. "Shh...Tahan na baby ku nandito na si Mama mu" Malambing na sabi ko dito habang hine-hele ito.
"I..iwan m..mu si..si Laz" Nahihirapang sabi nito dahil sa malakas na hikbi nito.
"Sorry na pu baby ku. Shh..tahan na hmm" Malambing na paghehele ko dito.
"Here water" Alok ni Senyorito Zacharias agad ko iyong tinanggap at ipinainom iyon kay Laz. Naubos nito ang isang baso ng tubig kinuha agad ito ni Senyorito Zacharias, muling humilig sa akin Laz at nagsumiksik sa leeg ko.
"Look how sweaty he is, I bet he's crying for hours already" Namumumbat na asik nito "And why the hell is he sleeping on the floor?" Pabulong na sikamat nito. Ang OA niya huh anong floor eh may kutson sa lapag lang talaga kami natutulog.
"Di makatulog si Laz pag di ako katabi kahit nung baby pa siya, una siya laging magising sa akin sa takot ko na baka mahulog pinatanggal ko na muna yung kama at kutson lang ang tinira eh nasanay na kami ng ganon kaya di na namin pinabalik ang kama" Mahinang sagot ko at naglakad na pabalik sa kusina ramdam kong nakasunod lang sa akin si Senyorito Zacharias.
Itinuloy ko ang paghuhugas habang karga si Laz na pipikit-pikit na.
"What the hell are you doing?" Kunot-noong tanong nito ng makitang binabanlawan ko na ang mga hinugasan kong kaldero.
"Tatapusin ko lang 'to kunti nalang naman" Sabi ko habang nakatalikod, biglang nagangat ng ulo si Laz.
"Mama ku gatas" Piyok ang boses na ungot nito.
Akmang kukunin ko na ang chupon ni Laz nung magpresinta si Senyorito Zacharias na siya na, tinanguan ko nalang dahil inaantok na din ako at pagod na akong tumanggi. Tinuruan ko siya kung ano ang dapat gawin na agad niya namang nasunod pagkatapos ay pinadede ko na iyon kay Laz nakahilig lang ito sa balikat ko nangangalay na ako pero may hugasin pa ako pero nagulat ako nung tulungan din ako ni Senyorito Zacharias sa babanlaw kaya ayon natapos din agad. Nagalok din siya na siya na magbubuhat kay Laz na agad kong tinanguan wala na kasi akong lakas namamanhid na din ang mga kamay ko baka mahulog ko lang ang bata, nakaalalay lang ako sa likod at tinatamik-tapik si Laz sa tuwing gagalaw ito.
Nung sa wakas ay maihiga na ni Senyorito Zacharias si Laz sa higaan ay bahagya muna siyang napatitig dito.
"Is he really not my child?" Out of the blue na tanong nito na ikinalakas ng t***k ng puso ko at ikinanginig ng buong kalamnan ko. Kita kong nakatingin lang ito kay Laz habang sinasabi yun. "What? Cat got your tongue?" Seryosong sabi nito habang malamig na binalingan ako ng tingin.
"S..sinabi ko na sayo hindi mo siya anak" Bahagyang utal na sabi ko at nagsimulang maglumikot na ang mga mata ko. Umayos ito ng tayo habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Are you still going to deny it? Marami na nagsasabi even Amy at yung kanina. Do you want me to get a proof para umamin ka? Do you want me to get a paternity t--" Agad kong pinutol ang sinasabi niya.
"Kung anak mo nga siya anong gagawin mo? Kukunin mo siya saakin? Magkamatayan na pero hindi-hindi ko ibibigay sayo ang anak ko. Maayos kami, ikaw maayos ka na din, ikakasal ka na nga kaya please lang wag mo itong ungkatin pa" Malamig na sabi ko.
"So? Is he my child? " Hindi ako sumagot at iiwas na sana nung mahigpit na hinawakan niya ang braso ko. "He's my child right? It's f*****g obvious already Marikit do you really want me to get a paternity test to confirm it?" Sa boses nito alam kong nagtitimpi lang siya.
"Ano ba?! Tumahimik ka na pwede hindi mo nga siya anak at kahit na ikaw wala kang karapatang malaman pa iyon! " Mariing sabi ko.
"So he's really my child. It's already confirmed, anak ko nga si Laz! f**k! Matikit why didn't you told me earlier! Is this your way of getting back at me?" Sikmat nito na ikinapantig ng tenga ko ang kapal din ng apog nitong lalaking 'to. Sino ba yung unang nagtaboy?
"Bakit maniniwala ka ba pagsinabi ko? Alam kong ayaw mo saakin at isang napakalaking pagkakamali ang nangyari sa atin nung gabing yun. Tanggap ko yun kaya nga inako ko na at wala na din akong balak na sabihin pa sayo, kaya naman namin eh, kaya ko siyang buhayin ng ako lang mag-isa" Mahina pero may diin na giit ko sa kanya.
"Tangina! He's also my child" Gigil na bulalas nito.
"Hindi mo siya anak, anak ko lang siya!" Galit din na mahinang sigaw ko pabalik sa kanya. Kung nakakamatay ang tingin malamang ay kanina pa kaming dalawa bumulagtak dahil sa nagtatagisan na kami ng masamang tingin.
"Gusto kong kilalanin niya ako bilang ama niya" Mahinahon ng sabi nito na siya rin ang unang nagbitaw ng tingin saka sinulyapan si Laz na payapang natutulog.
"Hindi! Hindi pwede! Tahimik na ang buhay namin, hindi ka niya kailangan!" Madiin na tanggi ko agad tanging malamig na tingin lang ang pinukol nito sa akin.
"Let's talk about this tomorrow" Sabi lang nito at walang lingong likod na lumabas ng kwarto.
Nung makaalis ito ay hindi na ako mapakali, kinakabahan na din ako sa mga susunod na mangyayari, kung gustong makuha ni Senyorito Zacharias si Laz alam kong wala akong laban doon kaya niyang manipulahin ang batas kung gugistuhin niya kilalang-kilala ko na si Senyorito Zacharias at alam na alam ko din na hinding-hindi mo ito gugustuhin na makalaban dahil ito ang pinakatusong tao na nakilala ko.
Dali-dali akong nag desesyon na magimpake isang bag lanh ang dala ko at siniksik ko doon ang mga importanteng gamit at kakaunting damit agad kong binihisan si Laz ng hoodie jacket at pantalon saka sapatos naalimpungatan ito ng makita niyang nakapangalis din ako at nakahoodie jacket ay agad itong nagtanong.
"Saan tayo punta Mama ku?"
"Basta 'nak aalis muna tayo, diba sabi mo gusto mong pumunta sa Zoo, pupunta tayo dun" Sabi ko dito.
"Talaga Mama?" Nalalaki ang mata na tanong nito na agad kong tinanguan masayang napapalakpak ito at tumayo mukhang nawala ang antok nito.
Habang hawak ko ang kamay niya ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
"Wag kang maingay 'nak baka magising sila dahan-dahan lang ang lakad" Pabulong na bilin ko at agad naman nitong tinanguan.
Bubuksan ko na sana ang maindoor pero nakalock iyon siguradong nakalock din sa likod na kay Aling Julieta pa naman ang susi.
Dahan-dahan kong binuksan ang bintana ng biglang magbukas ang ilaw at paglingon ko sa may hagdan ay nandoon ang taong ayaw na ayaw kong makita matamaan itong nakatingin sa akin at sinayaran pa ng mga mata nito ang buong katawan namin.
"Aalis kayo?" Kalmadong tanong nito ngunit ang mukha ay madilim na nanginginig na ang mga kamay ko pasimple kong itinago si Laz sa likod ko.
"Opu Tito Zac punta kami Zoo!" Masayang imporma ni Laz.
"Oh really?" Pagak ang ngiti nito at mapanguyam ang tuno nito. Masiglang tumango-tango si Laz habang nakangiti ng malapad. "I'm coming with you come here young man help me pack my things" Nakangiti nang sabi nito at nilahad pa ang kamay para palapitin si Laz. Akmang pupunta na si Laz kay Senyorito Zacharias ay maagap kong hinawakan ang kamay nito para pigilan.
"Laz wag na pala tayong tumuloy balik na tayo sa kwarto" Blangkong sabi ko habang hawak si Laz.
"Nu bayan Mama! Gising mu aku tapus indi pala tutuloy" Reklamo nito, wala man lanng itong kaide-ideya sa namumuong tensyon sa aming dalawa nu Senyorito Zacharias.
"Halika na pasok na tayo" Aya ko dito.
"Wayt may sasabihin lang pu aku kay Tito Zac" Sabi nito habang pilit na kumakawala sa hawak ko.
"Mamayang umaga na" Walang lakas na sabi ko.
"Eh--"
"LAZARUS!!" Malakas na sigaw ko na bahagyang ikinaigtad nito. Gulat itong napatingin sa akin at kalaunan ay mangiyak-ngiyak na ito.
"I'm sorry anak, wag kang umiyak, I'm sorry" Sabi ko habang sunod-sunod ang agos ng masaganang luha sa mga mata ko. Sigiro ay dahil iyon sa pagod, puyat, takot, stress at frustration.
"Shh..Mama ku wag na ikaw iyak, sorry din kulit si Laz" Umiiyak na din na pagpapatahan sa akin ni Laz. "Tara na pu pasuk na tayu" Aya nito at siya pa mismo ang humila sa akin papunta sa kwarto namin.
At dahil sa iyak ng iyak ako ay si Laz na ang napapatahan sa akin.
"Wag na wag mong iwan si Mama 'nak huh. Mahal na mahal kita di ko kakayanin kung mawawala ka sakin" Umiiyak na sabi ko dito.
"Mahal na mahal din pu kita Mama ku wag mu rin iwan si Laz kahit kulit si Laz, wag ka na pu iyak Mama ku sori na pu" Malungkot na sabi ni habang pinapahiran ang luha ko gamit maliit nitong kamay.
"Tulog na tayo 'nak" Nakangiti ng aya ko sakanya hinalikan ko ito sa noo at naggoodnight ganon din ang ginawa nito sska yumakap sa akin ng mahigpit na tinugunan ki din sa ganong posisyon kami nakatulog.
•••
Kinabukasan ay nagising ako na mabigat ang pakiramdam ang sakit din ng ulo nung kapain ko ang kabilang side ay bigla akong napatayo at bigla ding maypumintig na kirot sa ulo pero hiyaan ko iyon kahit na nandidilim na ang paningin ko ay di ko iyon pinansin mas hinanap ng mata ko Laz.
Wala akong lakas para sumigaw kaya kahit hirap sa sobrang bigat pakiramdam ko at parang umiinog ang mundo ko ang lamig lamig din ng pakiramdam ko pero isinawalang bahala ko iyon at pinilit kong lumabas ng kwarto.
Agad kong narinig ang malakas na hagikhik ni Laz at nakita ko agad siya sa sala kasama si Don Rafael at Senyorito Zacharias nung makita ko iyon ay bigla akong nagpanic at nagmadaling makalapit sa kanila at dahil sa pagkabigla ay napalakas ang haklit ko kay Laz na ikinagulat nilang lahat.
Kita kong ang pagigting ng panga ni Senyorito Zacharias habang nakatingin sa akin si Don Rafael naman ay naguguluhan at the same time nagaaalala.
"Ang init ninyu pu Mama ku" Kita ko sa mukha nito ang pagkunot ng noo bakas dito ang pagaaalala.
"Kumain ka na ba 'nak?" Malamlam ang boses na tanong ko.
"Are you okay Mari?" Nagaalalang turan ni Don Rafael, pilit ko siyang nginitian at tinanguan.
"Sa kwarto lang po kami, papaliguan ko pa siya" Nanghihinang paalam ko.
"You seem sick ako na muna ang bahala kay Laz baka mahawa siya" Sabi naman ni Senyorito Zacharias na agad kong mariin na tinanggihan.
"No! Hindi mo makukuha yung anak ko!" Mariin na usal ko saka itinago pa likod ko si Laz.
"Oh come on stop being selfish and childish Marikit baka mahawa sayo ang bata!" Galit na din na bulalas ni Senyorito Zacharias, hindi ko siya pinansin at binalingan nalang si Laz.
"Tara na Laz" Aya ko dito na agad niyang tinanguan at maingat pa akong inalalayan pabalik sa kwarto habang nakaakbay sa kanya.
Buti nalang talaga linggo ngayon at day off ko masama kasi talaga ang pakiramdam ko ngayon hindi ko kayang magtrabaho.
"Okey lang pu kayu Mama ku?" Nagaalalang tanong ni Laz nung makahiga na ako.
"Okay lang si Mama baby i-iinom ko lang 'tu ng gamot" Nakangiting sagot ko dito agad itong tumayo at kumuha ng gamot.
"Weyt pu kuha lang pu aku tubig" Sabi pa nito pero agad ko siyang pinigilan.
"Wag na 'nak wag na wag kang lalabas ng kwarto okay" Bilin ko dito naguguluhan man ay tumango nalang ito.
Dahil siguro sa epekto na din ng gamot ay nakatulog ako naramdaman ko pa ang malamig na towel sa noo ko bago ako kainin ng dilim.