Chapter 7

2391 Words
Nung kinaumagahan habang sabay-sabay na nagaalmusal sina Rafael, Zacharias at Amy ay nakayukong lumapit si Laz sa pwesto ni Amy. "So..sori pu sa nigawa ni Laz kahapon" Medyo utal at nahihiyang sabi ni Laz sabay abot nung manggang bigay sa kanya ni Hilda. "Ahh. You're such sweet boy, I'm sorry too for taking your food without permission" Malawak ang ngiting sabi ni Amy sabay tanggap ng mangga akmang hahawakan na nito ang buhok ni Laz nung umatras na ito at nagtatakbo pabalik sa kusina kung nasaan ang ina. "Pagpasensyahan mo na iha ayaw nun ng hinahawakan siya ng kung sinu-sino" Ani ni Rafael kay Amy ngumiti lang ang babae. "It's okay Tito, I'll take note on that" Sabi nito, saka naman binalingan si Zacharias na kanina pa tahimik na kumakain "He really is your little version babe. Ayaw mo ring hinahawakan ng iba, even by me. You know what ngayon ko lang siya natitigan pareho pala kayo ng eyes, he also has a hazel green eyes, like yours and Tito Rafael" Doon nakuha ni Amy ang atensyon ni Zacharias at napatingin ito sa kanya. "Really?" Sabi nalang ni Zacharias "Not just it huh pareho din kayo ng ilong and lips, I think mas madaming makakapansin nun if Laz would cut his hair, medyo kasi natatakpan yung face and eyes niya sa buhok niya" Dugtong pa ng dalaga. Ilang araw na bumagabag sa isip ang mga sinabi ni Amy sa kanya nung umagang iyon. ••• Ang bilis lumipas ng araw at ngayon na nga ang pinakahihintay na kaarawan ni Laz madaling araw palang ay katulong ko na si Ate Hilda at si Laz para iluto ang mga ihahanda sa kaarawan ni Laz. Lahat ng suhesyon nito ay siya ang magluluto, nagpumilit si Don Rafael na kahit cake lang daw ang kanya kaya pumayag na ako, si Ma'am Amy naman sa dekorasyon siya na daw gagastos hindi naman ako makatanggi dahil nagpumilit ito ay pumayag na ako. Gusto din sana magpacater ni Senyorito Zacharias pero tinutulan ko agad iyon maging si Don Rafael at Laz ay tumutol gusto nilang ako ang magluto miss na daw nila yung pansit ko at spaghetti. Lahat ng pagkain sagot ko na gusto sanang tumulong ni Senyorito Zacharias at Don Rafael sa gastos pero mariin ko iyong tinutulan matagal na naming plano ito ni Laz kaya nakapagipon na ako kaya di na kailangan. Mas gusto ko pa rin na aki ang gagastos sa lahat ng kailangan ng anak ko. "Laz wag mong ubusin yung cheese" Saway ko nung sunod-sunod itong sumusubo ng cheese na hiniwahiwa ko na iilagay ko sana iyon sa salad. Tutulong daw kasi ito pero ito nga namamapak lang okay lang naman sa akin pero namapak na din kasi ito ng condense kanina baka sumakit na tiyan niya. "Ito paghiwa-hiwalayin mo" Utos ko sabay bigay ng lupia wrapper alam na niya kung anong gagawin dahil tinulungan na niya ako nung nakaraan. Agad niya iyong kinuha saka tumalima sa utos ko. Natapos ko na yung ginagawa kong salad at nailagay na sa lalagyan, maging ang gulaman ay tapos na pero si Laz ay l isa pa lang ang naihihiwalay na lupia wrapper. Kita kong seryosung-seryoso ito sa ginagawa nito namumuo na nga din ang pawis sa ilong nito habang dahan dahang hinihiwalay ang mga wrapper. "Good morning birthday boy. What are you doing?" Tanong ni Don Rafael na kakarating lang at hinalikan ang pisngi ni Laz na ngayon ay seryoso pa rin sa ginagawa. "Hihiwalay-hiwalay ku pu itu" Sagot nito ng hindi man lang tumitingin. Dumating din si Senyorito Zacharias at Ma'am Amy agad na binati ni Ma'am Amy si Laz ng happy birthday pero deadma lang ang bata, maging si Senyorito Zacharias ay hindi pinansin, buong atensyon nito ay sa paghihiwalay ng Lumpia wrapper. "Ha~" Anas nito nung matapos makapaghiwalay ng pangatlong wrapper. "Mama ku yuko na nitu kakapagud iba naman Mama ku!" Nakangusong reklamo nito at pabalya pang inilagay sa mesa ang wrapper. "Sige itigil mo na yan magpunas ka na lang ng pawis mo" Natatawa kong ani dito. "Kain na ho kayo handa na po ang mesa. Ayy maiinom pa pala" Tatalikod na sana ako ng magsalita si Don Rafael. "Don't bother Mari we can manage" Nakangiting sabi ni Don Rafael. "Mama ku ikaw na punas di ku abut ih" Nakangusong maktol hito habang hawak ang bimpo niya. "Laz give me ako na" Nakangiting alok Ma'am Amy. "No. Mama lang" Iwas agad nito at bumaling sa ibang dereksyon. "Sige ako na ho pasensya na po nagiinarte nanaman 'to" Nahihiyang sabi ko at saka inasikaso si Laz. At ayon dito na nga sila kumain sakto kasing nakapagsaing na ako at nakapagluto ng tocino. Mamayang hapon pa talaga yung celebration pero gusto kong maluto na lahat para di ako magahol mamaya madami-dami din kasi ang lulutuin ko dalawa lang kami ni Ate Hilda ang gagawa. "Kain na po kayo may tocino na diyan tapos adobo tapos menudo at porkchop nagsangag din ako yun yung kinain ni Laz" Muling alok ko dahil nandito lang sila sa kusina at wala man lang kumilos. "Aku kain din, gustu ku pansit" Biglang singit ni Laz na ngayon ay nilalagyan ko ng bimpo sa likod napakapawisin kasi nitong batang 'to at apat na beses ko 'to laging binibihisan sa isang araw kaya ang dami lagi ng labahan ko buti nalang talaga ay madami itong damit kaya kahit kada sabado lang ang laba ko ay di ito nauubusan. "Wala pang pansit" Sabi ko dito. "Nu bayan anu kakain ku?" "Wala wag ka ng kumain bundat ka na oh" "Gustu ku nga kasi kain" Nagtitimping napapikit nalang ako sa kakulitan nito. "What do you want, we can order anything you want" Mahinahong sabi ni Senyorito Zacharias na may kaunting lambing. "Talaga pu?" Di makapaniwalang bulalas ni Laz. "Tumigil ka Lazarus" Istriktang saway ko dito at bahagyang pinanlakihan pa ito ng mata naikinanguso nito. "Senyorito Zacharias wag na ho madami naman na pagkain" Turan ko habang hindi nakatingin dito. "No it's okay, what do you want birthday boy?" Giit nito at at muling binalingan si Laz. "Kain nalang pu ulit aku sangag tapus tocino subu mu si Laz Pops" Naglalambing na sabi ni Laz na ikinalapad ng ngiti ni Don Rafael. "Okay, come here young man" Binuhat ni Don Rafael si Laz. ••• Saktong alas tres ay tapos na rin namin sa wakas lahat ng lulutuin kita kong tapos na din ang mga dekorasyon tumulong si Dedet, Darling at Aling Julieta sa pagprepara dahil na din sa utos ni Don Rafael. Nagsidatingan na din order ni Don Rafael at Senyorito Zacharias, cupcakes, chocolate fountain, cakes, macaroons at kung anu-ano pang sweets basta ang dami na kahit ako ay napatigalgal nalang sinabi ko na sa kanilang simple lang yung magiging handa dahil kami-kami Lang naman at ang mga kaibigang malapit na sa akin wala naman kasing kaibigan si Laz dahil lagi lang naman siya dito sa mansyon at kung lalabas man ay lagi niya akong kasama o di kaya si Don Rafael. Agad kong hinanap si Laz kaya nagtanong-tanong ako at sinabi nga ni Aling Julieta na kasama ito ni Senyorito Zacharias at nakita pa nitong pumasok sila sa kwarto ni Senyorito. Nagdadalang isip pa ako kung pupuntahan ko ba nahihiya ako pero nagbuntong hininga muna saka kumatok pero wala pa ring nagbukas kumatok ulit pero wala pa rin, kaya sa mangatlong attempt ko ay mas nilakasan ko na at naging sunod-sunod na. Pabalyang nagbukas ang pinto. "What?" May halong iritasyon ang boses na sabi nito gulong-gulo pa ang buhok nito at mukhang kakagising lang. "Ahh..Si..Si Laz nandito daw" Utal na sabi ko. "Yeah he's sleeping" Yamot na sagot nito na bahagya kong ikinagulat kaya siguro hindi ito nangulit sa akin na matutulog siya at gusto niya ng gatas ay dahil sa nakatulog na ito pero ang ipinagtataka ko kung ano ang ginawa ni Senyorito Zacharias para mapatulog niya si Laz. Kilala ko ang batang yun iritado yun paginaatok tapos magwawala pagwala ako sa tabi niya kahit si Don Rafael ay hirap patulugin at patahanin yun lalo na pag nagta-tantrums na si Laz. "Ahh..kukunin ko na sana anak ko" Alangan na sabi ko mas niluwagan nito ang pagbukas ng pinto hudyat na pinapapasok niya ako. Pagkapasok ko natanaw ko agad si Laz na mahimbing na natutulog sa malapad na kama ni Senyorito Zacharias. Kitang kong kumapapa ang kamay nito. "Mama ko..." Mahinang sabi nito kaya agad ko siyang dinaluhan at dahan-dahang binuhat saka hinele bumigat muli ang paghinga nito. "Labas na ho kami maraming salamat po" Mahinang sabi ko at saglit ko lang siyang sinulyapan habang siya ay matamaang nakatitig sa amin. Dali-dali akong lumabas parang doon lang ako nakahinga ng maluwag nung makalabas na kami sa kwarto niya ang lakas pa rin pala talaga ng epekto niya sa akin agad akong napailing para iwaksi ang isipang iyon. Pagakababa ko ay nandoon na sina Amboy, Mang Arturo at Mang Isko, maging ang pamilya ni Ate Hilda, Aling Julieta, Dedet at Darling. May iba na inimbita ata ni Don Rafael may mga bata rin na ikinagulat ko. "Tulog pa?" Tanong ni Don Rafael, tango ang isinagot ko. "Hala sige ipasok mo muna sa kwarto niyo, ako na muna ang bahala sa mga bisita" Sabi nito. "Sige ho, salamat po" Pabulong na sabi ko nginitian niya ako at marahang hinawakan ang ulo ni Laz. Sakto nung ilagay ko siya sa higaan namin ay nagising ito. "Happy birthday baby boy" Malambing at nakangiting sabi ko sabay halik sa noo at magkabilang nito. Papikit-pikit pa ang mata nito pero nakangiti na. "Thenk kyuu pu Mama ku" Malambing at nakangiti ding turan nito sabay isinabit ang dalawa niyang kamay sa leeg ko at hinalikan ako sa noo at pisnge. "Gising ka na baby boy naghihintay na mga bisita mo" Malamyos ang boses kong sabi dito. "Tayo na 'nak bibihisan kita" Aya ko sa kanya at nilahad pa ang kamay ko na agad nitong tinanggap. Itim na pants at white spiderman t-shirt ang pinasuot ko sakanya na tenernohan ng itim din na highcut spiderman shoes. Pinabanguhan at pinulbuhan ko nalang siya pagkatapos ko siyang ayusan ay ako naman ang nagbihis high waist black pants at cropped top white t-shirt lang din ang suot ko at nagsandals nalang ako ibinaba ko nalang ang buhok ko at nagpulbo at liptint tapos okay na. Inaya ko na si Laz na lumabas. Paglabas namin ay nagulat ako sa nabungaran ko ang simple lang sanang salo-salo ay naging engrande medyo madami-dami ang bisita at ayos na din ang lahat at kung mga nakahaing pagkain ay madami-dami kaysa sa inasahan ko pati yung cake ay napakalaki limang layer ata na spiderman ang design tapos meron pang ibang cake na spiderman din bale anim ata lahat ang cake nito. "At last the birthday boy is here" Nakangiting anunsyo ni Don Rafael. "Pops!" Masayang tawag ni Laz kay Don Rafael saka tumakbo palapit dito agad naman siya nitong sunalubong at binuhat. "Happy birthday apo" Bati ni Don Rafael sabay halik sa pisnge ni Laz. "Thenk kyuu pu Pops" Humahagikhik na ani ni Laz. "Hey there young man, happy birthday" Nakangiti ding bati ni Senyorito Zacharias. "Thenk kyuu pu." Masayang pasasalamat ni Laz at saka ibinuka ang dalawang kamay para magpabuhat kay Senyorito Zacharias na agad nitong tinugunan. Gusto ko sanang tanungin kung nasaan si Ma'am Amy nung magsalita si Senyorito Zacharias. "Come on birthday boy let's blow your candles" Nakangiting anyaya ni Senyorito Zacharias na agad na tinanguan ni Laz kaya sumunod kami sa kanila. At nung makarating kami sa mesa kung saan naroon ang mga handa niya kinantahan siya ng mga bisita ng happy birthday song at nung yumuko na si Senyorito Zacharias para maihipan nito ang kandila sa mga cake nung bigla itong sumigaw. "Wait pu pray pu muna!" Sabi nito na ikinatawa ng iilan. "Sige apo ikaw na maglead ng prayer" "In the name of the father of the son of the holy spirit amen. Papa Jesus thenk kyu pu sa maraming spiderman keyk tapos thenk kyuu po kasi nagluto si Mama ku ng pansit mimiss ku na pu kasi yun, thenk kyuu din pu kasi kasama ku pu si Pops, Mama ku at Tito Zac sa bertday ku pu yun lang pu. In the of the father of the son of the holy spirit. Amen" Pagkatapos nitong magdasal ay muling yumuko si Senyorito Zacharias para maihipan ang kandila sa cake niya tinulungan pa siya ni Senyorito dahil sa pangatlong cake ay pagod na daw siya kaya natawa kaming lahat ako naman ay kumukuha lang ng litrato. "Kayo naman Mari ako na kukuha ng picture" Sabi ni Don Rafael akmang kukunin ko na si Laz kay Senyorito Zacharias pero nilayo niya lang ito sa akin at inakbayan ako saka tumingin sa camera nung magthumbs up na si Don Rafael ay binitawan na ako ni Senyorito Zacharias. Ngayon ko lang napansin, naka puting t-shirt din ito at itim na maong pants at sapatos na itim pare-pareho ng saamin ni Laz. May lumapit sa pwesto namin si Governor Simon pala iyon kasama ang asawa nito binati pa nito si Laz, mukhang kakarating lang nila. "Naku napakagwapo nitong apo mo Rafael kamukhang-kamukha ni Zac di mapagkakailang Cervantes ito, mukhang madami din itong mapapaiyak na babae paglaki" Nakangiting sabi ni Governor Simon. "Yeah, look at that hazel green eyes it's a Cervantes trade mark" Segunda pa ng asawa nito napaubo ako ng wala sa oras parang may bumara ata sa lalamunan ko. "Are you okay iha?" Nagaalalang tanong ni Don Rafael habang hinihimas ang likod ko "Ayos lang po" Sagot ko naman at binalingan si Laz "Nak ano gusto mo kainin?" Tanong ko habang pilit tinutuon ang tingin kay Laz, ramdam ko kasi ang nakakapasong titig ni Senyorito Zacharias kahit gusto kong salubungin ay takot akong subukan. Agad na nagturo si Laz pagkatapos ay inilagay ko sa mesa ang pagkain niya si Senyorito Zacharias na daw ang magpapakain nito kaya hinayaan ko na at dinaluhan ang ibang bisita. Nakipaglaro pa si Laz sa mga batang pumunta sa party niya na mas ikinatuwa ko akala ko kasi introvert ang anak ko buti nalang hindi. Nung maggabi na ay unti-unting nagsiuwian ang mga bisita anh pamilya ni Mang Arturo, Mang Isko, Ate Hilda, Aling Julieta, Darling, Dedet at Amboy ay pinagbalot ko na ang dami kasing natira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD