Chapter 6

2251 Words
Pagkalabas namin sa may simbahan ay nagtatakbo ito sa stall ng cotton candy, nagungot ito ng isang cotton candy na agad ko namang sinangayunan masayang masaya ito habang kumakain ng cotton candy maging ako ay sinusubuan nito. Naglaro lang kami sa may plaza, naghabulan habang nangaasar ito kung gaano ako kabagal. Nung mapagod ay nagswing naman kami, salitan kami ng pagtulak, ang lakas lakas ng halakhak ni Laz, kitang nageenjoy talaga siya. Nung medyo mapintas na yung sikat ng araw ay pumunta na kami sa mall at dahil nagungot na si Laz na gutom na siya ay pumunta na kami sa Jollibee ang dami niyang nakain naka dalawang rice tapos isang spaghetti tapos isang burger at nagsundae pa ito medyo malaki laki ang nagastos ko pero ayos lang mukha naman siyang masaya. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na muna kami dahil busog na busog daw ito. Punta muna kami sa bookstore dahil nagaya ito magbabasa na daw siya kasi magi-school na siya nagulat nga ako aba himala na hindi laruan ang pinabibili nito, sabi niya pa na madami na daw siya laruan kaya libro nalang sa tuwa ko ay napisil ko ang pisngi nito na ikinasimangot niya. Tatlong libro ang nakuha na binayaran ko agad pagkatapos namin sa bookstore ay sa fun house na kami doon kami nagpalipas ng oras hanggang sa magdidilim na ay nagaya na akong umuwi pero bago yun ay kumain muna kami this time Mcdo naman ang dami ulit ang nakain nito. At nung sa tricycle ay nakatulog na ito kaya binuhat ko na mukha itong pagod na pagod kahit ang hirap dahil sa mga madami ang mga dala ko tapos ang bigat pa ni Laz ay tiniis ko nalang. Pagkapasok ko ng mansyon ay nandoon si Don Rafael, Senyorito Zacharias at Ma'am Amy. "Bakit ngayon lang kayo, gabi na ah?" Asik ni Senyorito Zacharias na salubong na salubong ngayon ang kilay. "Ahh--" Pinutol agad nito ang sasabihin ko sana. "Nagiisip ka ba talaga Marikit may kasama kang bata at babae ka pa naman paano pag may magyari sa inyo sa daan?" Tama lang ang boses nito pero may madiin iyon. "Eh--" Magsasalita na sana ulit ako para magpaliwanag nung putulin nanaman nito. "I don't know you can be this stupid to this extent, you're risking your child's safety, do you even know th----" Doon na nagpantig ang tenga ko at sumama na ang timpla ko dahil mga paratang nito, this time ako na ang pumutol sa sasabihin niya. "Pwede ba tumahimik ka! Ano bang pinuputok ng butsi mo gantong oras talaga kami kung umuwi. Si Don Rafael nga hindi nagreklamo tapos ikaw kung umasta ka diyan parang daig mo pa asawa!" Medyo napalakas ang boses ko dahil sa inis. "You don't have to shout can't you see the child is sleeping" Kunot-noo at kontrolado ang boses na saway nito. "Ikaw eh oh ayan yung bata ikaw na magbuhat kita na ngang nahihirapan ako tapos yun pa isasalubong" Asar na asar kong binigay sa kanya si Laz na agad niya namang sinalo. Doon na ako napaginat-inat sumakit yung katawan ko naku sobrang bigat na talaga ni Laz di ko na siya kaya. Kita ko ang pagpukol ni Senyorito Zacharias ng masamang tingin sa akin. "You--" Hindi na nito natuloy ang sasabihin nito nung umungol si Laz, agad niya itong hinele kaya hindi natuloy ang muling pagdilat nito. Muli ako nitong pinukol ng masamang tingin, inirapan ko lang siya. Bago tumalikod ay narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Don Rafael sa gilid ng mata ko ay kita kong napatigalgal si Ma'am Amy, Ate Hilda at Darling na nadoon. Alam kong naging bastos ako pero di ko na napigilan ang init ng ulo ko at nagpagsalitaan na ng ganon si Senyorito Zacharias siguro dahil na din sa pagod. Ewan bukas ko nalang yun iisipin. Nagtuloy-tuloy nalang ako sa kwarto, saka naligo, kumuha na din ako ng towelette, tapos plangganang may tubig para ipampunas kay Laz, alam kong mangangati ito mamaya dahil hindi ito nakapaglabar. Paglabas ko ay nakahiga na si Laz ng maayos sa higaan tanggal na ang sapatos nito. Agad ko na itong hinubaran at pinanasan saka binihisan ng pangtulog nung tapos ko ng magawa ang dapat kong gawin ay tinabihan ko na ito agad, tulad ng lagi nitong gigawa ay yumakap ito muli sa akin kaya niyakap ko ito pabalik sa ganong pwesto kami nakatulog. ••• "Uyy tignan mo ang saya tignan ni Senyorito Zac at ni Laz nuh" Sabi ni Ate Hilda na nakatanaw kay Laz at Senyorito Zacharias na naglalaro ng basketball sa ring na gawa nila, sa bulwagan kasi kami naglilinis ngayon kaya tanaw na tanaw namin sila "Lagi nalang silang magkasama ang labas eh mas madalas pang kasama ni Senyorito Zac si Laz kaysa sa mapapangasawa niya kaya hayon laging nagiisa" Daldal pa ni Ate Hilda "Sabagay ang kyot din naman ni Laz kahit napakapilyo ng batang yun, alam mo pansin ko ah habang tumatagal ay nagiging hawig ni Senyorito Zacharias yung anak mo pati ugali at mannerism may pagkakapareho sila ang kyot nga tignan para silang magama" Ngiting-ngiti na turan nito na ikinatulos ko sa pwesto ko. "Kung di ko lang alam naku mapagkakamalan kong magama yun, hoy anong nangyare sayo parang namatanda ka diyan?" Puna nito agad sa akin nung mapansing natigilan ako. "Huh? Wa..wala parang humilab ang tiyan ko" Pagdadalilan ko. "Itae mo na yan dai baka dito ka pa magkalat" Natatawang biro ni Ate Hilda. "Hindi ako natatae" Maagap na sagot "Sus nahiya ka pa" Natatawang pangaasar nito. "Uyy Amboy" Tawag ko nung mamataan ko ito. Malawak na ngiti ang tinugon nito sa akin. "Asan yung anak mong pinaglihi sa kasungitan?" Pabirong tanong nito. "Ayon oh" Nguso ko sa pwesto ni Laz na ngayon ay nakatingin na sa akin. "Sayang busy kala ko pa naman mapipisil ko na pisngi nun" Natatawang sabi nito. "Sira, sige ka masuntok ka nanaman nun" Pabirong sabi ko. "Ayos lang ang kyot naman ng anak mo. Arayy! " Biglang daing nito nung biglang may sumuntok sa tagiliran niya. "Lazarus!" Gulat na singhal ko kasi pati ako ay nagulat sa biglang pagsulpot nito. "Sabing di aku kyot" Matalim ang mga tingin nito kay Amboy. "Ahh. Parang mas bumigat ang suntok mo bulinggit" Namimilipit pang sabi nito medyo nagalala na ako kaya nilapitan ko siya baka nga masakit yung suntok ni Laz. "Ayos ka lang?" Nagaalalang tanong ko. "Oks lang" Nakangiting sabi nito kahit nakangiwi. "Mama tubig nga uuhaw aku!" Parang siga na utos nito tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "Hoy Lazarus hindi tama yung ginawa mo, magsorry ka" Gigil na singhal ko sa kanya pero inismiran lang ako ng bubwit. "Yuko sa kanya pangit niya" Akmang lalapitan ko siya nung singhalan nanaman ako nito "Anu aawayin mo nanaman aku, kukurutin? Bad ka Mama di kita bati!" Maanghang na asik nito sa akin saka nagmartsa papasok. Laging ito na yung isinusumbat niya sa akin paggalit ako nakurot at napalo ko kasi siya nung isang araw dahil sa itinapon nito ang mga nasa mesa sa asar sa paghihintay sa akin medyo nagtagal kasi yung niluluto ko gustong-gusto na niyang lumabas kaya ayon sa gulat ko napalo at nakurot ko siya. At si Senyorito Zacharias ay todo tanggol naman sa bata at pinagalitan pa ako kaya ayon nagkasagutan na nanaman kami. "Aba yung batang yun!" Gigil na bulalas ko nalang. "Sinumpong nanaman" Natatawang komento ni Amboy. "Pasensya na talaga" Hinging paumanhin ko ulit. "Ano ka ba okay lang di na iba sa akin si Laz" Magaan na sabi nito na ikinangiti ko. "Mama tubig nga nu ba!!!" Muling utos ni Laz sa akin. "Lintik talaga yung batang yun kanino ba nagmana yun?!" Iritang palatak ko at sinundan na ito. Narinig ko pa ang tawa ni Ate Hilda at Amboy sa likod ko. Napaikot nalang ang dalawang mata ko nung mamataan ko si Senyorito Zacharias na nakalapit na pala nahihinuha ko na ang mangyayari. "What's with the long face? Did you hurt him again?" Tinignan ako nito ng may nanguusig na mga mata. "Anong? Yang batang yan pa nga ang may atraso sakin" Iritang anas ko dahil alam kong ipagtatanggol na naman nito si Laz. Nasanay na akong sagutin siya ng pabalang. Kairita eh pareho silang dalawa yung isa pasaway, yung isa naman kunsintidor, matutuyuan ata ako ng dugo kung magsasama 'tong dalawang 'to. Sinamaan ako ng tingin ni Senyorito Zacharias pero di na nagsalita at umupo lang sa tapat ng inuupuan ni Laz saka kumuha ng turon na niluluto ko ngayon. Kaya ang tahimik ng bubwit dahil sa punong-puno ang bibig nito sa kinakain at ang dungis na nito nangingintab na ang buong bibig nito dahil sa mantika. Walang arteng pinahiran ni Senyorito Zacharias ang bibig ni Laz gamit ang kamay at siya pa mismo ang nagpainom sa bata ng ginawa kong kalamansi juice. "Babe you're here" Bati ni Ma'am Amy na kakababa lang saka lumapit kay Senyorito Zacharias at humalik sa pisnge nito. Nginitian ako ni Ma'am Amy bilang pagbati at tinugunan ko din iyon ng ngiti. "Hi young man, anong kinakain mo? " Bati ni Ma'am Amy kay Laz at tinabihan pa ito sa upuan ngunit deadma lang ang bata at animo'y gutom na gutom at sunod-sunod lang sa pagsubo. Teka nakakailan na ba 'to. "Turon po yan Ma'am, kain po kayo" Ako na ang nagsalita dahil mukhang walang balak na sumagot si Laz. Kumuha siya ng isa doon sa kinukuhaan ni Laz nung biglang tapikin ni Laz ang kamay niya at sinamaan pa ito ng tingin. "Lazarus ano ka ba?!" Gulat na bulyaw ko. "It's okay Mari" Nakangiti pa ring sabi ni Ma'am Mari. "Naku pasensya na Ma'am" Nahihiya kong hingi ng paumanhin. "It's really okay Mari" Mabait na sabi nito. "Lazarus tigilan mo na yan pumasok ka sa kwarto" Nagtitimping baling ko kay Laz, hindi ito sumunod at inismiran lang ako. "Lazarus De Jesus pasok sabi!" Sinamaan muna ako nito ng tingin bago padabog na tinalon ang upuan sa nakasimangot na naglakad palabas ng kusina. Kita kong ang pamumuo ng luha doon parang may bumundol sa puso ko at bigla akong naguilty. "Why did you do that? The child was eating!" Kung paano kumunot at tumalim ang tingin ni Lazarus paggalit ay ganon na ganon din ang mukha ni Senyorito Zacharias ngayon. Inis ko siyang pinukol ng nagbabagang tingin. Ito talaga ang salarin kung bakit ganon yung anak ko, ako yung nagdala nung siyam na buwan ako yung nahirapang umiri pero lahat ay nakuha nito kay Senyorito Zacharias mapamukha at ugali man. Mabilis uminit ang ulo, maldito, maikli ang pasensya at barumbado. "Alam niyo Senyorito kaya nagiging maldito yan kinukunsinti niyo kasi lagi at pinagtatanggol" Mahinahon ngunit may diin na sabi ko at tinalikuran ito para ituloy ang pagluluto. "So it's my fault now" Pagak na sabi nito. Hindi ko na siya pinansin at hindi na din ako nagsalita naramdaman ko nalang na may kumalabog sa likod ko at bahagya kong ikinaigtad maging si Ma'am Amy ay bahagyang napasigaw sa gulat. Kita mo na sakanya talaga nagmana yung tukmol niyang anak parehong-pareho sila kaya magkasundong-magkasundo. Ganyan na ganyan din kasi si Laz pag may bagay na hindi nagugustuhan minsan nga sa tao ibinabaling eh. Hayy. Bakit ba kasi ang lakas ng dugo ng mga Cervantes. ••• "Alam mo Lazarus De Jesus di na ako natutuwa sa paguugali mo huh, nagtitimpi lang ako at pinagpapasensyahan ka pero sumusobra ka na! Ilang beses ko bang sasabihin na wag mong paiiralin yang init ng ulo mo! Gusto mo ba tuluyan na akong magalit sayo?!" Gigil na singhal ni Mari sa anak na nakayuko lang at kabadong pinaglalaruan ang mga daliri. "Bakit mo ginawa yun?" Seryoso at nakapamewang na tanong ni Mari sa bata. Nasa kwarto sila ni Don Rafael doon kasi dumeritso ang bata matapos pagalitan ni Mari sa kusina. Matapos ang lahat ng gawain ni Mari ay agad niyang hinanap ang bata para kausapin at nung makitang wala ito sa kwarto nila ay dumeritso na siya sa kwarto ni Don Rafael sigurado siyang nandoon ang bata para maghanap ng kakampi. Nung makita siya ni Laz ay agad nitong binitawan ang laruan at nagtatakbo palapit sa Don at nagtago sa likod nito. At ito nga ay nakaupo na si Don Rafael at Laz sa sofa habang siya ay nakapamewang sa harap ng bata. Gusto sanang ipagtanggol ni Rafael si Laz dahil naaawa siya sa bata na halatang kabadong-kabado pero napakaseryoso ni Mari alam niyang pagganon ang babae ay wala ng makakapigil dito. "Eh Mama nikukuha niya pagkain ku tama ba yun? Gutom pa aku tapos kukuha lang siya" Pagrarason pa ni Laz habang nakayuko. "Hindi rason yun anak" Napabuntong hininga si Mari para pakalmahin ang sarili at lumuhod para mapantayan si Laz, marahan niyang inangat ang ulo ng anak para mapatingin sa kanya. "Anak mali yun bad yung ginawa mo at diba sabi ko bad ang madamot dapat nagshashare ka ng pagkain para good boy, diba sabi ko sayo love ni Papa God ang mga good boy, gusto mo diba love ka ni Papa God at ni Mama dapat good boy ka anak, saka mas matanda si Ma'am Amy dapat iginagalang mo siya. Ok?" Mahinahon nang paliwag ni Mari sa anak habang hinihimas ang pisngi nito. "Opu sori na po Mama ku, di na uulit si Laz" Mangiyak-ngiyak na sabi nito sabay yakap ng mahigpit kay Mari na ikinangiti ni Mari ng malapad. "Shh. Hindi ka dapat sakin magsorry" "Opu sosori din si Laz kay Ma'am Amy" Sabi ni Laz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD