Chapter 18

2450 Words
Tatlong araw. Tatlong araw kaming hindi nagpansinan dahil naging abala ako sa pagaasikaso ng mga papel na kailangan ko para sa school na pageenrolan ko ngayong college siya naman ay busy sa mga kaibigan niya. Gusto sana akong pagaralin ni Don Rafael sa Manila doon daw sa university na pinapasukan ni Senyorito Zacharias para mabantayan ko daw ito pero tumanggi agad ako dahil hindi ko pa kilala si Senyorito Zacharias noon. Tsaka mas sanay ako dito may university naman dito kaya doon nalang ako Bachelor of Early Childhood Education ang kinuha ko dahil mahilig naman ako sa mga bata kaya tiyak na magugistuhan ko iyon. Hapong-hapo ako nung makauwi sa mansyon dahil nilakad ko nanaman mula university pabalik dito at medyo may kalayuan iyon kaya pagod na pagod ako, pawis na pawis at gutom na gutom. "Where did you go? I can't see you here in the house this past few days" Salubong nito sa akin at salubong nanaman ang mga kilay nito. "Ahh. Nagpapaenroll" Sagot ko saka naglakad na papunta sa kusina para kumain. "You look tired. Have you eaten?" Bakas ang pagaalala sa boses nito na ikinangiti ko. "Hindi pa kakain palang ako" Sagot ko dito. Nakasunod lang ang mga mata nito sa akin habang kumukuha ako ng pagkain at hanggang sa magsimula akong kumain. "Are you still mad?" Alangang tanong nito na ikinabitin sa ere ng mga kamay ko na tangka sanang sumubo. "Ikaw ang galit hindi ako" Sagot ko lang dito at muling itinuloy ang pagkain. "No--ah yeah, I'm sorry, I'm really sorry please forgive me" Malumanay na sabi nito nito habang nakayuko na ikinangiti ko nalang. Sa tuwa ay hinila ko ito para makalapit sa akin gamit ang itaas na manggas ng damit niya kita ko na bahagyang nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa mga mata ko. Mabilis ko itong kinantilan ng halik sa labi saka binigyan ng matamis na ngiti at binitawan na. Bahagya pa akong natawa ng makita kong napaawang ang bibig nito sa gulat at namumula na din ang tenga at leeg nito. ••• Pagakatapos naming magkabati nung sumunod na araw ay lagi na itong nakabuntot sa akin at palaging gustong kumapit na minsan ay kinakairita ko na. Tumitigil at napapasimangot naman ito sa tuwing pinapagalitan ko na at napapansing naiirita na ako pero nagtatampo naman ito at hindi mamamansin. Napapailing nalang ako dahil parang bata ito kung umasta hindi ko tuloy mapigilang magisip kung siya ba talaga ang Senyoritong Zacharias na nakilala ko. Ang cute niya oo pero minsan nakakatuyo din nang dugo ang pagpapacute at pagtatampo niya hindi ko tuloy maiwasang mapaface palm nalang at mapakamot ulo sa tuwing ganto ito. Hayy. Abala kami sa paghahanda ng pulutan dahil may inuman silang magbabarkada ngayon ewan nagkayayaan lang daw. Nung si Ate Hilda na ang magdadala ng inumin sa taas ay nagpresinta na ako na ako nalang agad naman itong pumayag dahil naiihi na daw siya. "So ano pare nakascore ka na o seryoso na?" Rinig kong tanong ni Lance papasok palang sana ako. Si Lance yung kaibigan ni Senyorito Zacharias ay halata mong sa pormahan at galawan pa lang maloko na. "What? Are you crazy? Sa tingin mo ba magkakagusto ako sa isang probinsyana. No way dude" Rinig kong sagot ni Senyorito Zacharias at dahil nacurious ako ay pinakinggan ko muna ang pinaguusapan nila. "She's pretty though" Nakangisi pang sabi ni Bryan. "Tss. You know my type Man" Naiiling na turan ni Senyorito Zacharias. "What's the problem with Mari? She's a good catch and she really loves you I can see it" Si Dexter ang nagsalita. Doon mas kumunot ang noo nung mabanggit ako nito so ang pinaguusapan nila. "I know she's different from the other girls that's why it's more fun" Ramdam ko ang pagngisi ni Senyorito Zacharias habang sinasabi iyon. Na mahinang ikinasinghap ko at ikinatulos ko sa kinatatayuan. "So tutuhanan na nga? Seryoso ka na sa kanya?" Nangaasar na sabi ni Lance. "Yeah. If laro lang hindi ka dapat nagtagal nang ganto and you're acting strange I think it's also because of her" Sabat ni Jeff siya iyong minsan lang magsalita sa kanila. "Oh natahimik ka bakit mahal mo ba?" Kanyaw pa ni Bryan kita ko ang pagbato ni Senyorito Zacharias ng unan dito. "No way dude, it's just that I quite invested a lot of time for her and I still haven't bed her yet, it would be just a pity to give it up without getting what I want" Doon na ako parang nanghina at uminit bigla ang mga mata ko at nanlabo iyon dahil sa naipong luha, ang bigat bigat rin ng dibdib ko para akong sinaksak ng maraming beses dahil sa naging tugon nito. "Gago ka talaga. Paano pagnalaman 'to ni Amy?" Naiiling na tanong ni Lance. "Hindi niya malalaman pagwalang nagsabi. And Amy is too busy with her career and I'm bored payag naman yun maglaro ako" Swabeng lang ni Senyorito Zacharias. "Hanggang kailan mo tatapusin?" Seryosong tanong ni Dexter. "When I already bed her, obviously" Natatawang sagot ni Senyorito Zacharias. Doon na ako pumihit patalikod para umalis hindi ko na kayang pakinggan ang usapan nila. Huminga muna ako ng nalalim saka inayos ang sarili ko at pinigilan ang luha ko. Sakto namang nakita ko si Dedet. "Pwede bang ikaw nalang maghatid nito kayla Senyorito Zacharias? Ang sakit na kasi ng puson ko baka matapon ko lang" Basag ang boses na sabi ko at umarte nalang na parang namimilipit sa sakit. Tumango agad ito at nagpasalamat ako dito. Agad akong tumakbo papunta sa may likuran ng bahay at doon ko binuhos lahat ng luha ko, tahimik lang akong umiyak hanggang sa mapagod ako. ••• Isang linggo akong umiwas kay Senyorito Zacharias sa tuwing maglalambing ito at aaktong nagtatampo imbes na matuwa ay dumdagdag lang ang galit ko dito at mas lalo lang naninikip ang dibdib ko. "Hey, I notice that you've been avoiding me this past few days. Is there something wrong? May nagawa ba akong?" Salubong sa akin ni Senyorito Zacharias, napakuyom ako ng kamao dahil ang kapal ng mukha nito humarap sa akin na parang inosente at walang ginawang kasalanan baka nung hindi ko pa narinig ang usapan nila ay naniwala ako pero alam ko na ang totoong kulay nitk at kung gaano kababa ang tingin nito sa akin. "Wala busy lang talaga ako alam mo na nageenroll ako diyan ka muna ha may inuutos kasi sa akin si Aling Julieta" Mahinahong sabi ko at binigyan pa ito ng pekeng ngiti, saka umalis na bago pa ito may may masabi ulit. Habang naglalakad ay si Dexter naman ang nakasalubong ko dadaanan ko nalang ito sana nung pumwesto ito sa harapan ko. "Did something happened?" Nagaalangang tanong nito na mapait kong ikinangiti pareho pareho lang sila ang gagaling umarte. "Ang sungit mo naman. Akala ko naman magkaibigan na tayo" Ungot nito ng hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad ramdam kong sinundan ako nito. "Akala ko din" Malamig na sabi ko. "Did I do something wrong or did Zac do something wrong? " Naguguluhang tanong nito na pagak kong ikinatawa. "Wala, wala kayong ginawa. Mukha ngang normal lang yun sa inyong nmga mayayaman" Sarkastikong sabi ko naikinatigil nito. "What do you mean?" Kunot-noong tanong nito umiling lang ako pumihit na patalikod saka naglakad palayo buti hindi na ako nito sinundan. Ang dami ko sanang gustong sabihin at gusto ko sana silang murahin pero ayaw kong makita nila na umiiyak ako sa harapan nila. Ayokong maging mahina at umiyak sa harapan nila dahil tiyak kong ganon ang mangyayari sa oras na ibuka ko ang bibig ko. ••• Napahinto ako nung makita ko sa harapan ko si Senyorito Zacharias sa lapit namin ay amoy na amoy ko ang alak na humalo sa natural nitong amoy sa pamumungay ng mga mata nito alam kong nainom ito. Hindi na ako nanlaban pa nung hilain niya ako paakyat at dalhin sa loob ng kwarto niya. "You've been avoiding me I know it and you've been cold to me I can feel it. Can you please tell me what did I do wrong? I'm sorry okay, please talk to me, tell me what did I do wrong, I'll make it right, I miss you already" Masuyong sabi nito at nangungusap na ang mga mata nito mariin kong kinagat ang pangibabang labi ko para pigilan kong umiyak. Bahagya ko siyang pinausog na ikinaatras nito. Doon ko na hinubad isa-isa ang damit ko "What are you doing? " Naguguluhang tanong nito habang nakatingin sa akin kita kong napalunok ito ng laway at ang pagnanasa sa mga mata nito habang sinusuyud ng mga mata nito ang kahubadan ko. "Giving you what you want" Malamig na sabi saka lumapit sa kanya at hinalikan agad ito kaya hindi na ito nakapagsalita. Nung una ay hindi pa ito tumutugon sa halik ko at pilit pa ako nitong inilalayo sa kanya pero hindi ko iyon hinayaan at mas lalong hinigpit ang pagkakapulupot ko sa leeg niya para mas diinan ang halik. Kalaunan ay nagpadala na din ito at sabik na tinugon ang halik ko at ito palapit ang nagkarga sa akin papunta sa higaan niya ng hindi man lang pinaghihiwalay ang labi mga labi namin. Nung gabing yun doon ko binuhos ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya binigay ko ang sarili ko sa kanya dahil alam kong iyon lang ang paraan para lumayo ito sa akin dahil naman ang sabi nito dahil alam ko pagmagtagal pa baka ako na ang bumigay at maniwala ulit sa kanya. Mas mahihirapan lang akong nanggapin ang totoo. ••• Sa bilis ng pangyayari namalayan ko nalang si Donya Esperanza na sinasabunutan ako, nahuli ako nito sa kama ni Senyorito Zacharias at ito nga nanggagalaiti ito sa galit. "Ma. Stop it, what are you doing?!" Saway ni Senyorito Zacharias. Buti linggo ngayon at alas otso palang alam kong sabay-sabay nagsimba sina Aling Julieta, Ate Hilda, Darling at Dedet si Donya Esperanza naman ay kakarating lang galing Manila at chineck agad nito si Senyorito Zacharias kaya ayong eksena nga ang naabutan niya. "Zac ipagtatanggol mo talaga yang babaing yan. Akala mo ba ikaw lang ang lalaki niyan?! Yang si Dexter na kaibigan mo lalaki rin niya yan. Nakita ko silang nagyayakapan dis oras ng gabi tapos ito makita ko kayo sa kama. Dis oras ng gabi Zacharias ano sa tingin mo ang ginagawa nila huh? Kung hindi nga sila nahuli ni Darling baka kung ano na ang higit pa doon ang ginawa nila. Akala mo porket wala ako sa masyon wala akong alam! Pamamahay ko 'to may mata at tenga ako dito!" Galit na galit na singhal nito. Ang tinutukoy siguro nito nung gabing magkausap kami ni Dexter at muntikan na akong madapa kaya tinulungan ako nito nakita kami ni Darling nun para sabihing pinapatawag ako ni Aling Julieta siguro ito din ang nagkwento kay Donya Esperanza. "What? Tell it's not true right Marikit? I trust you, I will trust whatever you say" Masuyong sabi ni Senyorito Zacharias habang maingat na nakahawak ang mga kamay niya sa dalawang braso ko, blangko ko lang itong tinignan "Nababaliw ka na Zacharias!" Rinig kong bulyaw ni Donya Esperanza at nung tangkain ako nitong abutin ay humarang si Senyorito Zacharias sa harap ko at hinawakan ang dalawang kamay ng Mama niya para pigilan. "Shut up Ma, tumigil ka na!" Inis na saway nito at muli akong nitong nilingon ng tumigil si Donya Esperanza dahil sa gulat sa ginawang pagsigaw ng anak. "Marikit come on tell me. It's not true right?" Nagsusumamo ang boses at mga mata nito. Tumango ako na ikinakislap ng mga mata. "Tama ang Mama mo. Kami din ni Dexter habang tayo" Kita ko ang pagkawala ng kislap sa mata nito at napalitan ng pagkunot ng noo dahil sa sinabi ko. "What?" Di makapaniwalang bulalas nito. Pagak akong tumawa at marahas na kumawala sa hawak nito "Why? Masakit ba na maloko ka rin. Akala mo ikaw lang ang kayang maglaro" Nakangising at may panguuyam na untag ko. "What do you mean?" Tiim bagang na tanong nito at kita kong ang mahigpit na pagkuyom ng kamao nito. "Akala mo hindi ko alam na pinagpustahan at pinaglaruan mo lang ako. Rinig na rinig ko Zacharias lahat ng sinabi mo nung gabing yun!" Nanggagalaiti na singhal ko. "So you're getting revenge. When did it start? Between you and Dexter?" Malamig na tanong nito at kitang kita ko ang panlilisik ng paningin nito. "Noong nakaraang linggo" Pagsisinungaling ko. Alam kong masisira ko ang pagkakaibigan nila pero wala na akong pakialam ang gusto ko lang makaganti ako. "So that's the reason why you've been cold to me" Sarkastikong asik nito at sinabayan pa ng sarkastikong tawa. Kita ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito nagiigting ang panga na kwinelyuhan ako nito, natatakot na ako pero pilit ko iyong itinago sa blankong ekspresyon. "f**k! Damn you! Umalis ka sa harapan ko at baka kung ano pang magawa ko sayo. Huwag na wag ka ng magpapakita sa akin!" Parang kulog nitong sabi at saka marahas ako nitong binitawan. Sakto naman ang paglabas ni Dexter sa kwarto nito kasunod nag iba pa nitong kaibigan. Napahiyaw si Donya Esperanza ag ako naman ay nanlaki ang mga mata nung bigla nalang nitong sinalubong ng malakas na suntok ang si Dexter dahilan ng pagkatumba nito. Hindi pa ito na kontento at sinakyan pa ang lalaki at binigyan muli ng malalakas na suntok tinangka siyang awatin ng iba niya pang kaibigan pero winaksi niya lang ang mga ito at galit na galit na hinawi at sa tuwing makakakuha ng tyempo ay muling sinusuntok si Dexter. Lumapit na ako sa kanila at malakas na tinulak si Senyorito Zacharias palayo kay Dexter. Akma pa itong lalapit nung sinamaan ko ito ng tingin. "Ano ba tumigil ka na!" Malakas na sigaw ko habang nakaharang ang katawan kay Dexter. Tumigil nga ito at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin, umiwas ako ng tingin sa kanya at tinulungan si Dexter na tumayo. "You f*****g get out of my house! Both of you! I don't wanna see your face anymore! Get the hell out of here! " Galit na galit na sigaw nito kasabay ang pagtadyak at paghawi sa mga gamit na malapit dito. Agad kong inakay si Dexter para tulungang makapaglakad. Nanlilisik ang mga matang lumapit sa akin si Donya Esperanza kasabay ng malakas na sampal na dumapo sa pisnge nalasahan ko na ang dugo doon. "Lumayas ka na at wag na wag ka ng babalik dito!" Nagbabatang sabi nito bagao ako nito tinulak ng malakas mabuti nalang at nasa likod ko lang si Dexter at na salo niya ako agad at hindi naging masama ang pagbagsak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD