Chapter 17

2233 Words
Simula nung naging kami ni Senyorito Zacharias walang araw na para akong nasa alapaap. Pormal ito pag may tao yung tipong parang amo at katulong ang asta namin sa harap ng lahat pero pag kami nalang dalawa ay sobrang sweet nito. Natigilan ako sa pagpupunas ng mga nahugasang pinggan nung maramdaman ko ang pagyakap nito sa akin ng patalikod. "Did you sleep well?" Malamyos na anas nito malapit sa tainga ko. Tipid na tango lang ang sinagot ko dito saka itinuloy ang pagpupunas medyo na sasanay na ako sa biglaang pagpulupot nito sa akin. "Good. How about your breakfast did you eat already?" Tanong pa nito habang inaamoy amoy ang buhok ko na ikinakiliti ko at pilit kong binabalewala. Tanging pagtango lang muli ang naging tugon ko. Napatigil akong muli sa ginagawa nung alisin niya sa akin ang hawak kong pamunas at plato saka ako nito pinaharap sa kanya "By the way my friends will be coming over and I will pick them up do you want to come so that I can introduce you to them" Alok nito habang mapungay na nakatingin sa akin, agad akonh umiling. "Hindi, wag na, ikaw nalang. Magingat ka huh. Kilala kita wag kang kaskaserong magdrive lalo na ngayon medyo madulas ang daan dahil umulan kagabi" May pagaalalang pagpapaalala ko dito na ikinangiti nito ng matamis. "You're really sweet my meek" Malambing nitong sabi habang iniipit ang kumawala kong buhok sa mukha sa may tainga ko. "Lumayo ka nga baka makita nila tayo" Nahihiyang sabi ko at marahan pa itong itinulak pero kinabig lang lalo ako nito palapit sa kanya at saka niyakap habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko. "Then let them watch. God, I really love your smell. It's smells like heaven" Malamyos ang boses na pahayag nito. "Hmm, bolero" Sabi ko nalang sabay ang mahinang paghampas sa likod nito ang totoo niyan ay namumula na ang mukha ko sa kilig dahil sa mga banat at yakap nito. Bahagya niya akong inilayo sa kanya at matamaang tinitigan. "I'm telling the truth. I got to go now, you eat your lunch don't skip it again. I'm warning you Marikit" Nagbabantang sabi nito at bahagya pang magkasalubong ang kilay. Ewan ko ba kung bakit importanteng importante dito ang kumakain ako dahil simula nung maging gami ay ito lagi ang pauna nitong bati kung kumain na ba ako at nung minsang sumagot ako ng hindi ay pinagalitan talaga ako nito saka hinila sa kusina at binantayan talaga hanggang sa matapos akong kumain. "Oo na po" Natatawang sabi ko dinampian muna ako nito ng halik sa labi at noo bago tuluyang umalis. Halos mapunit naman ang pisngi ko dahil sa lapad ng aking ngiti habang nakatingin sa pigura nitong papalayo. ••• Palabas palang sana ako para salubungin ang mga kaibigan ni Senyorito ganito kasi ang naging kagawian lahat ng katulong ay nasa bulwagan para sa sumalubong sa tuwing may bisita o dadating ang pamilya Cervantes. Hinarang ako bigla ni Darling dahilan kung bakit natapon sa akin ang juice na iniinom nito. "Hala sorry" Sarkastiko at natatawa pang paghingi ng paumanhin nito ako naman ay nakayuko lang habang nakatingin sa namantsahan kong uniporme. "Magpalit ka nalang kaya, bakit ba parang atat na atat ka? Dahil may bago kang malalandi? Sige na magpalit ka na, nakakahiya kung haharap kang marungis sabihin pa ng mga bisita may pulubing pinapatira ang mga Cervantes sa mansyon, isa pa hindi ka naman hahanapin doon bakit sino ka ba?" Nanglalait na sabi nito saka binunggo pa ang braso ko dahilan para medyo mapaatras at naglakad na papunta sa bulwagan. Buntong-hiningang naglakad ako pabalik sa kwarto para magbihis ng damit. Pagtingin ko sa damitan ko wala na pala akong extrang uniporme lahat ay nasa labahan na hindi ko pa pala nalalabhan si Ate Hilda lang ang kasundo ko hindi ako pwedeng manghiram dito dahil sa hindi kami pareho ng katawan si Darling at Dedet lang ang hindi nalalayo ang edad at size sa akin pero siguradong hindi ako papahiramin nun ng damit. Problemadong napaupo nalang ako sa higaan ko hanggang sa maalala ko yung mga dati kong uniporme buti at naitabi ko pa iyon. Nung sinukat ko ay kasya pa sa akin yun nga lang ay hapit hapit sa katawan ko at maikli lang umabot hanggang sa kalahati ng hita ko sinubukan ko iyong ibaba pero hanggang doon nalang talaga. Fifteen years old palang kasi ako nito ngayon eighteen na ako marami ng nagbago sa katawan ko at tumangkad na din ako. Sakto pa naman siya saakin yun nga lang ang ikli. "Mari, andyan ka ba? hinahap ka ni Aling Julieta lagot ka" Biglang pasok ni Ate Hilda dito sa kwarto. "Pasensya na Ate nagbihis pa ako namantsahan kasi ang uniporme ko kanina. Ayos lang ba?" Naiilang na tanong ko habang patuloy ang pagbaba nito. "Ayos labg ang sexy at ang ganda ganda mo nga" Nakangiting sabi puri nito. "Hindi ba masyadong malaswa Ate? Yung dati ko pa kasi 'to wala na akong maisuot di pa pala ako nakakapaglaba" Nahihiyang sabi ko "Ayos na ayos nga lang iha, tsaka bat ka mahihiya ang ganda ganda mo kaya mas maikli pa diyan ang suot ni Darling at Dedet kaya ayos lang yan. Tara bumalantra ka na ng mas lalong manggalaiti sayo si Darling" Sabi nito sabay ang paghila sa akin palabas. Papunta palang kami sa kusina nung makasalubong namin si Aling Julieta kinabahan agad ako dahil kunot na kunot ang noo nito. "Saan ka ba nagpunta huh? Wala ka din para sumalubong sa bisita" Nanguusig nitong sabi. "Pasensya na po nagbihis pa po ako namanstsahan po kasi yung suot ko" Pagdadahilan ko kita kong sinuyod nito ang suot ko at kita ko ang lalong pagasim nun. "Tapusin mo niyo 'to ako na ang haharap sa bisita" Istriktang sabi nito. Naging abala na ako sa paghuhugas ng pinggan si Ate Hilda naman ang nagtuloy sa pagluluto. "Tapos na ba yan? Ihanda niyo na sa hapag" Utos ni Aling Julieta na bumalik ulit dali-dali kong tinungan si Ate Hilda. Ako na ang nagdala ng kanin si Ate Hilda na sa ulam, pagkalabas namin ay nasa hapag na ang lahat apat silang mga kaibigan ni Senyorito Zacharias may mga itsura rin at mukhang mayayaman. Sabay-sabay silang napalingon sa gawi namin at naghiyawan pa naa animo ay nasa arena lang. Gusto ko sanang sumimangot dahil hindi ko gusto ang paghagod nila ng tingin sa katawan ko pero pinilit kong itago iyon. "Wow pare, Is she one of the maids too? She's too gorgeous to be just a maid, mukhang jackpot ka" Pabulong ngunit malakas na sabi nito kay Senyorito Zacharias, sa kilos at galaw palang nito mukha itong maloko. "Miss may I know your name? I'm Bryan by the way" Pakilala naman ng katabi nung nagsalita kanina kung ikukumpara sa nauna mukhang mas maayos 'to. "Mari po" Tipid na sagot ko. Saka umalis agad pero rinig na rinig ko ang usapan nila habang naglalakad ako pabalik sa kusina. "Is she the one that you're talking about? " Ewan ko kung sinong nagtanong dahil nakatalikod ako. "Yeah, shut it" Sagot ng boses na kilang-kilala ko, si Senyorito Zacharias. "Pwede ba pagkatapos mo sa kanya ako naman" Pabulong na sabi nung isa mukhang ito yung lalaki na unang nagsalita dahil sa boses. "I said shut up dumbass if you don't wanna get kick out" Bakas ang iritasyon sa boses ni Senyorito Zacharias. "Ohh. Bakit tutuhanan na ba?" Nanunudyo pang sabi nung isang hindi pamilyar na boses. Hindi ko na narinig pa ang pinaguusapan nila dahil sa tuluyan na akong nakapasok sa kusina. Bigla akong kinabahan nung maalala ko ang mukha ni Senyorito Zacharias nung masayaran siya ng mga mata ko, nagtatagas ang bagang nito at ang dilim ng ekspresyon habang nakatingin sa akin. May ginawa ba ako. Nawaglit iyon sa isipan ko nung may muling iutos sa akin si Aling Julieta at Ate Hilda. ••• Kakatapos ko lang maglaba sa likod ng bahay at nung papasok na sana ako sa kwarto ng may biglang humila sa akin at nung sisigaw na sana ako nung bigla nitong takpan ang bibig ko pinilit kong kumawala dito napahinto lang ako nung marinig ko ang boses nito. "Relax, it's me" Mahinang sabi nito malapit sa tenga ko nung maramdaman nitong tumigil na ako ay pinakawalan na nito ang bibig ko. "Senyorito Zacharias!" Bulalas ko hinila ako nito sa may likuran ng bahay saka sinandal sa may pader. Kita ko ang pagtiim bagang nito at ang matatalim nitong tingin na direktang ipinukol sa akin. "Are you trying to seduce my friends?" Biglang tanong nito na ikinaawang ng labi ko. "Huh?" Nasabi ko nalang. "It's my first time seeing you in that uniform, so are you trying to seduce them? " Salubong na salubong ang kilay nito habang mabilis na sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Inis ko itong tinulak at dahil hindi niya iyon inaasahan ay bahagyang itong napaatras "Anong sinasabi mo? Namantsahan ang damit ko kanina kaya itong uniform nung fifteen years old ako ang sinuot ko ngayon wala na akong extrang uniform dahil lahat labahan na pala kakalaba ko pa nga lang ngayon" Pikon na pagpapaliwanag ko. Nasaktan ako dahil sa pangaakusa nito hindi ako makapaniwala na siya rin ang taong lubos kong pinagkatiwalaan at ang taong pinagbigyan ko ng puso ko ang tingin din sa akin ay mababang babae. "Bitaw na nga papasok na ako" Nakayukong at malamig na sabi ko para maitago ang luhang tumulo sa mga mata ko. Umusog ito ng kaunti at nung maglalakad na ako nung hawakan nito kamay ko. "Are you mad?" Kalmado na ang boses nito nung magangat ako ng tingin matapos pahiran ng pasimple ang luha ko ay kita ko ang namumungay nitong mata at ang nagaalalang ekspresyon sa gwapo nitong mukha. "Bitaw" Malamig na sabi ko dito. "I'm sorry okay? I was just pissed off" Buntong hiningang sabi nito. "Matutulog na ako. Goodnight" Blangkong pagpapaalam ko muli nitong hinuli ang kamay ko at sa inis nito humigpit ang kapit doon na ikinadaing ko pero hindi niya pinansin iyon at marahas na isinandal kong muli nito sa pader. "f**k! Don't you dare turn your back at me when I'm talking to you! What? I can't be mad now when I saw other guys eyeing at my girl!" Nanggagalaiting sabi nito. Isa ito sa napansin ko sa kanya masyadong mabilis na uminit ang uli nito pag di nasusunod ang gusto o pag may hindi nagustuhan. Pinagpapasensyahan at iniintindi ko nalang ito. "Ano ba hinaan mo nga yung boses mo baka magising mo sila" Bakas ang iritasyon sa saway ko dito. Wala kong pake kung maiinit ang ulo niya, wala akong ganang iplease at pagpasensyahan siya ngayon dahil galit at nasaktan ako sa paratang nito. "I don't care! Why are we being so sneaky anyway? It's not like we're doing something bad, we're just in a relationship" Igting ang pangang asik nito. Napapikit ako at napakuyom ang kamao para pigilan ang sarili kong singhalan ito dahil gustong-gustong gawin yun ngayon. Humugot ako ng malalim ba hinga at muli kong binuksan ang mga mata ko. "Bukas na tayo mag-usap pagkumalma ka na" Kalmadong sabi ko. "No. Pagusapan natin 'to I know you're mad at me and I already apologized why are you being like this?" Matigas ang ulong sabi nito doon na ako sumabog at pinukol ito ng masamang tingin. "Lintik! Pwede ba Zacharias tumahimik ka na! Bukas nalang tayo magusap okay! Wag na wag mo akong pigilan kung ayaw mong may masabi akong hindi mo magugustuhan" Dinuro ko pa ito dahil sa pagkainis ko kita kong natigilan ito. At nung medyo makalayo na ako ay narinig ko ang malutong na mura nito. "f**k!" Galit na galit na bulyaw nito at rinig na rinig ko pa ang pagkalansing ng kung ano mang gamit ang hinagis ko tinadyakan nito dahil ganon naman talaga ito. ••• Kinaumagahan ay kami ang inatasan ni Ate Hilfa na linisin ang kwarto ni Senyorito Zacharias dahil nagwala nanaman ito at nagbasag ng mga gamit. Doon ako biglabg nakonsensya dahil kasalan ko iyon nabalitaan ko pang umalis ito kasama ng mga kaibigan para magkarera gamit ang mga kabayo. Magdidilim na nung umuwi ito at nung makita ako ay blanko lang ako itong tinignan at hindi pinansin. Parang may tumarak na punyal sa puso dahil sa ginawa niyang iyon. "Did you two fought? " Tanong bigla nung panghuling lalaking pumasok. Tinignan ko ito ng bahagyang kunot na noo. Kita ko ang pagngito nito. "Dexter by the way. And we know that you two have a thing, so you can tell me Mari right? " Tumango ako sa huling tanong nito. "So?" Naghihintay ng sagot na tanong ito napabuga ako ng hangin mukha naman itong mapagkakatiwalaan at matino kung ikukumpara sa ibang mga kaibigan niya. "Nagkasagutan lang" Mahinang sabi ko. "Ohh let me guess it's because of his temper right" Sabi nito na ikinatingin ko sakanya kanya. "Don't look at me like that he's my friend and sometimes his temper is really too much to handle" Ngiwing sabi nito na bahagya kong ikinatawa. "You already smiled, good, mas bagay sayo ang nakangiti" Matamis ang ngiti na sabi nito, bahagya akong napatalon nung biglang may nagsara ng malakas sa pinto mula sa taas. "Una na ako tutulong na ako sa paghahanda ng hapag" Paalam ko dito, nginitian lang ulit ako nito bilang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD