Nagising ako dahil sa mahihinang bulungan at kaluskos na narinig ko.
"Nu ba Papa baliktad" Rinig kong yamot na reklamo ni Laz nung buksan ko ang aking mga mata ay nakita ko ang aligagang si Zacharias habang hinuhubad ang damit ni Laz, nakaluhod ang isang tuhod nito para pantayan si Laz.
"Sorry na ayusin nalang natin" Mahinahon nitong sabi at muling binihisan si Laz this time kita kong tama na iyon, tumayo na ito at halos manlaki ang mga ko ng makita ang hubad nitong katawan at tanging tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang parte ng katawan nito, agad akong napapikit sa hiya at mukhang muling namula ang pisnge ko.
"Papa pwedi pu di na sisipilyo si Laz katamad at gutom na aku, di naman lalaman ni Mama ku ih" Nagpapaawang ungot nito sa ama.
"No. Stop pouting it won't work young man. Wait here and don't bother your Mama. I'll just wear my clothes" Estriktong sabi nito sa bata, unti-unti kong binuksan ang mga mata ko para panoorin sila. Kita kong naglakad na si Zacharias papunta sa napakalaking walk-in closet nito habang nakabuntot lang si Laz dito.
"Papa bakit ka pu inglish-inglish, parehu kayu Paps, si Mama ku naman hindi buti nalang talinu si Laz iintindihan ku kayu. Peru ayaw ku inglish-inglish parang duun sa school ni Laz arte mga klasmayt ku mga bubu naman iyak lang ng iyak pati titser ku di na tuturu papatahan nalang mas magaling pa nga magturu Mama ku, kaya lang naman aku papasuk duun kasi lagi aku binibigyan ni Mama ku ng prize pagbery good aku. Tapus may baon aku" Pagkwekwento ni Laz, kita ko na natigilan ito sa pagdadamit at manghang napatingin sa anak. Nung makabawi ay napangiti ito.
"Kung narinig ka ng Mama mo sigurado ako na sasawayin ka nun, little savage" Naiiling na ginulo-gulo nito ang buhok ni Laz.
"Tss" Naging tugon lang ng bata kasabay ang marahas na pagtanggal nito sa kamay ng ama na nasa buhok niya. Muling natigilan si Zacharias sa mga nagiging kilos ni Laz at mukhang hindi niya iyon inaasahan at hindi ko siya masisisi dahil ni ako man ay hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga ganon niya o likas lang talagang maldito ito mana sa pinagmanahan.
"Where did you get that?!" Manghang tanong ni Zacharias at saka itinuloy ang pagbibihis.
"Hmmp. Gutom na nga aku" Nakasimangot na ani nito.
"Ito na, come let's brush our teeth first" Natatawang sabi ni Zacharias at saka kinabig na si Laz gamit ang isang braso saka binuhat ito at punasan sa balikat na na masayang ikinatawa ni Laz.
"Wow! Ang taas ku Papa ku, abot ku na ang kisame!" Manghang bulalas nito.
"Of course it's because your Papa is awesome" Mayabang na sabi nito.
"Yeah and I am too!" Masiglang sigaw ni Laz.
"Shh. Your Mama is still sleeping" Pabulong na saway ni Zacharias dito.
"Shh" Makulit na panggagaya ni Laz kasabay ng makulit na hagikhik nito at tuluyan na nga silang pumasok sa banyo kaya hindi ko na sila marinig pa.
Iiling-iling na napangiti nalang ako saka bumangon na agad na inayos ang higaan. Mukhang epektibo ang ginawa lunas ni Zacharias dahil natitiis ko na ito may kaunting kirot pa pero hindi na ganon ka sakit na halos mamilipit at pagpawisan ako ng malamig sa sobrang sakit.
Kumuha na ako ng tuwalya at damit pamalit ko saka naman ang pagbukas ng pinto sa banyo, nakita kong nakasakay pa rin si Laz sa balikat ni Zacharias.
Parang wala lang iyon kay Zacharias pero ako ang nalulula para kay Laz dahil sobrang tangkad ni Zacharias, mahigit sa anim na talampakan ang taas nito kaya di ko pa rin maiwasang kabahan.
"Zacharias baka mahulog ang bata, ibaba mo na si Lazarus" Nagalalang sabi ko.
"Mama ku indi pu aku huhulog, lakas lakas pu ni Papa ku. Diba Papa?" Maagap na singit ni Lazarus, pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Tumahimik ka Lazarus, Zacharias ibaba mo na yan. Diyos ko sumasakit ang ulo ko sa inyo" Timping saway ko dito, at muling binalingan si Zacharias.
"You heard her Son. Your Mama is the boss" Nakangising ani ni Zacharias at tuluyan na ngang binaba si Laz, kita kong nagkanda haba ang nguso ni Laz.
"Mama ku hurt ka pa pu?" Malamlam ang mga matang tanong nito, nginitian ko ito saka umiling at yumuko at dinampian ng masuyong halik ang noo nito.
"Hindi na pu. Sige na sama ka na kay Papa mu magalmusal na kayo susunod nalang si Mama" Nakangiting anas ko marahan itong umiling.
"Antay ka nalang namin Mama ku" Pacute na sabi nito at lumapit pa sa ama.
"Go on, do your thing aantayin ka nalang namin" Sigunda naman ni Zacharias na ikinatango ko nalang.
•••
Pagkalabas ko ng banyo ay busy ang dalawa mukhang may nilalaro sa cellphone ni Zacharias.
Kita kong nakasimangot si Laz habang malapad na nakangiti si Zacharias.
Tumayo na ito ng makita ako at ibinulsa na nito ang phone niya bumaba na rin sa kama si Laz.
"You still have a long way to go, My son. You know as my heir you need to be clever and exceptional" Iiling-iling na sabi nito na mas lalong ikinasimangot ni Laz. "Let's do this again later after we eat, it would be actual thing by then. I'll teach you some moves" Malambing pagsuyo nito sa bata na ikinangiti na ng malawak ni Laz.
"Ano yun?" Pabulong na tanong ko kay Zacharias, tatlong araw ko na silang napapansin na may nilalaro sa phone, di ko nalang pinapakialamanan pero ngayon nacucurious ako kung ano yun.
"Wala" Malokong sagot ni Zacharias at mahina pa nitong inuntog ang noo niys sa noo ko kasabay ng nagaasar na ngisi na ikinakunot ng noo "Let's eat" Yaya nito at saka ako inakbayan.
"Sakay ulit aku---karga nalang pala Papa ku" Busangot na sabi ni Laz. Hindi nito natuloy ang unang sasabihin dahil agad ko itong tinignan ng may nagbabantang tingin.
Natatawang kinarga na ito ni Zacharias gamit ang isang kamay ang isa naman ay muling sinabit sa balikat ko at saka kami nito giniya para makababa.
•••
Chess pala ang yung 'actual thing' na pinaguusapan nila. Kaya ito nga pagkatapos naming kumain at tapalan ng cold and hot compress ni Zacharias ang pasa ko sa bewang ay agad na pinahanap nito yung chess board niya kaya ito naglalaro sila ni Laz.
Nakakailang laro na sila at ako ito bagot na bagot na sa tabi nila dahil sa tahimik lang ang dalawa at seryosong-seryoso talaga lalo na si Laz na desididong-desidido na matalo ang ama. Nakailang rounds na sila pero di pa rin matalo-talo ni Laz si Zacharias.
Pumalit na din ako bilang challenger pero natalo agad ako ni Zacharias at ni Laz maging si Ate Hilda, Dedet, Darling, Aling Julieta, Mang Arturo at Mang Isko ay agad lang ding natalo ni Laz, nung maging challenger ni Laz. Mukha nga akong na goyo dahil pulang-pula na ang noo ko kakapitik nila lalo na si Zacharias na halatang tuwang-tuwang sa tuwing napapasigaw at maluha-luha na ako sa pitik niya agad akong gumaganti ng palo dito na malakas na tinatawan lang nito dahil mukhang walang epekto ang mga hampas ko sa kanya ako lang rin ang nasasaktan, kaya ata gustong-gusto na matalo ako ng madalian lang para makapitik agad halos nakalimang rounds din yun salitan ang magama. Nung una kasi ayaw ko pang sumuko nagbabaka sakali na baka matalo ko man lang sila at makaganti kahit isang beses lang pero ang lupit nila tinatapos lang nila ako ng lima hanggang walong moves lang, nagtataka nga ako tatlong araw palang simula nung turuan ni Zacharias si Laz pero ang galing galing na agad ni Laz, apat na taon palang yan huh wala ng makatalo sa kanya. Tanging si Zacharias lang ang hindi nito matalo-talo kaya pursigidong pursigido ito naging mistulang chess tournament ang ang sala dahil sa nakinood na rin sa paglalaro ng magama lahat ng mga kasamahan dito sa bahay.
Nabaling ang atensyon ko sa may hagdan nung lumagatak ang takong ng sapatos doon at nung magangat ako ng tingin ay namataan ko si Donya Esperanza na salubong ang kilay na nakataw dito, nasa likod lang siya ni Don Rafael.
"What are you doing? " Tanong ni Don Rafael nung tuluyan ng makababa, nakasunod lang sa kanya si Donya Esperanza.
"Honing your Grandson Dad" Swabeng sagot ni Zacharias at saka humilig sa may upuan ng hindi pa rin inaalis ang tingin sa chess board.
"Really? How was it" Tanong ni Don Rafael saka umupo sa tabi ni Laz ganon din si Donya Esperanza sa pangisahang couch sa tabi lang ng sofa na inuupuan ni Laz ito pumwesto bali magakaharap na kami nito dahil si Zacharias ang katabi ko sa pagupo.
"He's good. With your skill I bet he can already beat you" Mayabang pagmamalaki ni Zacharias sa ama.
"Come on, stop being too proud just because you beat me once" Pikon na usal ng Don sa anak na mas lalong ikinalawak ng ngisi ni Zacharias.
"It's just once because you never played with me since then" Nakangising at iiling-iling na bwelta ni Zacharias. Pansamantalang nanahimik si Don Rafael saka tumikhim at umayos ang upo.
"Let me try him" Pagiiba nito sa usapan at binalingan si Laz na tahimik na nakikinig lang. "What can you bet, if I win young man?" Naghahamon na tanong nito.
"I'll grant any of your request Paps" Matatas na sabi ni Laz naikinangiti ng Lola.
"Really?" Pangungumpirma nito na tipid na tinanguan naman ni Laz bago muling magsalita.
"What can I get in return?" Seryosong tanong nito.
"You'll get my surprise for you today, don't couch him Zac" Nagbabantang sabi ng Don kay Zacharias.
"I don't have plan. I'm quite confident with my Son" Proud na sabi nito at fist bump pa ang dalawa sa paraang sila lang ang nakakaalam, na tahimik na ikinatawa ko dahil gayang gaya ni Laz pati ang ekspresyon ng ama.
Nagsimula ng maglaro ang maglolo ang tahimik ng buong bahay kahit ang dami naming taong nanonood na laban ng dalawa ay tahimik lang ang lahat at tutok na tutok lang sa panonood ng laban ng dalawa.
Medyo natagalan ang laban nila dahil magaling din si Don Rafael pero sa huli ay natalo rin siya ni Laz. Tuwang-tuwa si Zacharias at napatayo pang kinarga ang anak saka inikot manghang napapalakpak naman ang mga kasamahan namin sa bahay dahil sa sino ba naman ang hindi four years old lang ito pero ang galing galing at sa loob lang iyon ng tatlong araw kahit ako di ko maiwasang mamangha.
Bagsak naman ang balikat ni Don Rafael sa upuan dahil sa pagkatalo at mukhang hindi din ito makapaniwala na natalo siya ng apat na taong gulang na bata.
"Tumatanda na talaga ako" Nanlulumong bulalas ni Don Rafael na ikinatawa namin.
"No Dad it's just that we outsmarted you" Nakangising pangaalaska ni Zacharias sa ama.
"Cocky bastard you get that from my genes" Nakasimangot na tugon nalang nito sa kawalan ng masabi, agad naman siyang sinaway ni Donya Esperanza dahil nasa harap lang nito si Laz.
"How about you play with me too" Sabi ni Donya Esperanza na ikinagulat ko at ng lahat. Hindi muna nakasagot si Laz at tinignan ako parang nagtatanong ito kung pwede tinanguan ko.
"Sige pu" Tipid na sabi nito.
Gaya ng nauna at saakin walong moves lang ang ginamit nito at natalo niya agad si Donya Esperanza.
"Wow! You're really skilled" Gilalas na bulalas nito.
"Opu kasi pu Mana pu aku kay Papa ku" Proud na proud na pagmamalaki ni Laz na ikinangiti ni Zacharias at ginulo pa ang buhok ng baga sa tuwa.
"Yeah. You look like a lot like him too" Mahinang komento ni Donya Esperanza habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Laz parang sinasabi niya iyon sa sarili niya at hindi kay Laz, humugot muna ito ng malalim na buntong hininga bago magsalita "I'm really sorry for what I act the other day. Did I scare you?" Alangang sabi ni Donya Esperanza na ikinangiti ko mukhang tanggap na nito si Laz at masaya ako doon.
"Baket pu kayu sa akin nagso-sori?" Naguguluhang tanong ni Laz dito naikinatanga ni Donya Esperanza.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Donya Esperanza dito.
"Diba pu kay Mama ku kayu may kasalanan. Dapat kay Mama ka pu magsori, nagsori pu aku sa inyu kasi aku pu ang may kasalanan, wala naman pu kayung kasalan sa akin kaya di dapat kayu sa akin nagso-sori, dapat pu kay Mama kasi siya naman pu nisaktan niyu. Basta pu wag na kayu uulit kasi bad pu yun. Kahit ni sasaktan ni Mama si Laz, mahal ku pa rin si Mama kasi gagawa lang yun ni Mama pag pasaway si Laz, pero bait naman Mama ku at di papasaway dapat di niyu siya nisasaktan ayaw ni Laz kikita na sasaktan Mama ku, kasi love ku pu siya. Kaya sana pu pramis niyu di niyu na sasaktan Mama ku para bati na pu tayu. Okay pu?" Parang matandang pangaral ng bubwit naikinatanga muli naming lahat lalo na ni Donya Esperanza.
Binalingan ako nito ng matalim na tingin at bago mabait na nginitian si Laz saka tumango.
"Sori pu ulit. Hug pu" Pacute na sabi ni Laz habang nakabukas pa ang dalawang kamay para manghingi ng yakap mahinang napatawa si Donya Esperanza saka ito inayakap "Hmm. Ang bango niyu pu amoy Mama din pu kayu pero mas bango pu Mama ku!" Masiglang bulalas ni Laz bago humiwalay ng yakap dito.
Kita ko ang ningning sa mata ni Donya Esperanza habang nakatingin kay Laz at ang matatamis na ngiti nito sa tuwing nagkwekwento si Laz.
Naramdaman ko ang paghawak ni Zacharias sa kamay ko kaya napalingon ako dito matamis ko itong nginitian at tinugunan niya din ito ng matamis na ngiti.
Kontento na ako sa ganto, di man ako tanggapin ni Donya Esperanza basta ba at tanggap nito ang anak ko ayos na sa akin iyon masaya na ako doon.