Chapter 23

2234 Words

Lumalim ang mga titig ni Calix kay Ridge saka ito seryosong nagsalita, “At bakit ko naman siya ipauubaya sa iyo?” Pagak na napatawa si Ridge sa tinanong ni Calix sa kanya. “Bakit? Ano ba ang babae na iyan? Gold ba ‘yan para ingatan mo ng mabuti? O iniisip mo na papatulan ko ang ganyang klase ng babae?” pang-iinsulto ni Ridge sa akin sa harapan ng lalaking gusto ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa inis sa kanya habang matalim ko itong pinupukulan ng tingin ngayon. Sasagot pa sana ulit si Calix kay Ridge nang unahan ko na ito sa pagsasalita, “Calix, okay na ako. Iwanan mo na lang ako dito. Hihintayin ko na lang si Nurse Jan,” marahang sabi ko kay Calix. Sinalubong ni Calix ang mga tingin ko kaya mabilis ko din naman itong iniwas sa kanya. “Pero, Myrtle—” “S-Salamat sa… ginawa mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD