Nakaawang ang mga labi ko habang mangha akong nakatingin kay Ridge. Umingay ang paligid namin at nagkaroon ng mga bulungan dahil sa pinahayag niya at maging ang P.E teacher namin ay parang nagulat sa sinabi niya. “O-Okay…” tugon ng P.E teacher namin saka ito nag-proceed sa pagtatawag at pagtatanong sa iba. “Oh my gosh! Hindi ka na solo, Myrtle, dahil nandyan ni si papa Ridge!” ani Kiara sa tabi ko na hindi ko na nagawang sagutin pa dahil agad na ding natapos ang P.E teacher namin sa pagtatanong sa iba naming mga kaklase. “Okay, Class. You can practice na muna with your partner this time,” anunsyo nito saka tamad na kumilos ang mga kaklase ko. “Gosh! I can believe it. Siya talaga ang partner ni Ridge?” “Baka gagawing panangga kasi ni Ridge sa tama ng table tennis ball. Alam mo na.” Na

