“Pwede ba, Ridge? Umayos ka nga. Kailangan nating manalo sa game mamaya,” saway ko kay Ridge dahil wala itong ibang ginawa kung ‘di ang mang-asar sa akin at ayaw seryosohin ang pagpa-practice namin ng table tennis. P.E class namin ngayon at may activity kami mamaya. Labanan ng bawat magpa-partner sa table tennis at kung sino mang team ang manalo ay may mataas na grade na makukuha. Hindi naman ako pro pagdating sa paglalaro ng table tennis kaya nga pinipilit ko si Ridge na mag-practice kami pero ayaw naman niyang seryosohin ang pagpa-practice namin. “Bakit ka ba kasi masyadong nag-aalala?” prenteng tanong niya sa akin habang nakaupo lamang ito sa isa sa mga monoblock chair at tamad na hinahagis at sinasalo ang bola ng table tennis. “Kailangan nating manalo para makakuha tayo ng mataas na

