Chapter 8 James POV Pagkatapos ng aming meeting, tumuloy kami sa opisina at nagkumustahan. Hindi nagtagal, niyaya ko si Alex na mag-lunch sa kanyang restaurant. Namangha ako nang malaman ko ang mga hilig ng kambal—si Xenno ay mahilig sa computer, habang si Xenna ay mahilig magluto. Naputol ang aking pag-iisip nang biglang tumunog ang aking cellphone, kaya't sinagot ko ito. "Hello!" bati ko. "Saan kayo?" tanong ng caller. Nagulat ako kung bakit niya ako tinatanong. Agad kong tiningnan kung sino ang tumawag—si Dave pala. Sininyasan ko si Alex na magpapaalam muna ako. Tumango naman siya, kaya't lumayo ako upang sagutin ang tawag. "Wala bang 'Hi' o 'Hello' d'yan?" pabirong sabi ko. "Tsk! Wala akong oras, asan kayo ngayon?" sagot ni Dave nang direkta. Napatawa ako sa inasta niya. "Hahah

