Chapter 9 Dave POV "f**k! Ilang beses ko ba dapat ituro 'to?" Galit na galit kong sigaw sa secretary ko. Paulit-ulit na lang silang walang alam. Sa loob ng isang buwan, pang-anim na siya. Lahat sila, puro pagpapaseksi at pang-aakit ang alam. Wala akong pakialam sa mga ganitong bagay. Dinial ko ang HR. Kailangan ko ng matinong secretary, hindi mga walang silbing nagpapakyut. "Hello!" sagot sa kabilang linya. "Come to my office now!" madiin kong sabi, wala na akong pakialam kung bastos o hindi ang tono ko. Hindi nagtagal, dumating ang tinawagan ko. Inutusan ko agad siyang maghanap ng bagong secretary at ilipat na lang sa ibang department ang kasalukuyan. Hindi ako masamang tao, pero ayoko ng mga babaeng ginagamit ang pang-aakit para makalusot sa trabaho. Pagkatapos ko silang utusan, p

