The Prologue: Her dreams
It was dark and the rain is pouring hard... She was walking alone and holding something big... But she can see someone up front of her, also walking under the rain... She can see that person pulling something beside while walking... Nearing a slight curve, that someone disappeared and she felt scared... She tried to yell to that person but then blackness came over...
Humihingal na napabangon si Jazz mula sa pagkakatulog. Nararamdaman pa din nya yung takot sa pagkawala ng taong nasa unahan nya. It was the same dream that she had every night... And although maiksi lang na maituturing ang panaginip na iyon pero sa tuwing magigising sya ay damang dama niya yung takot... At sa tuwina ay magigising siyang nakahawak sa may batok niya at andun yung pakiramdam na para syang pinukpok ng matigas na bagay sa may likurang bahagi ng kanyang ulo... Palaisipan sa kanya at pati na rin sa kanyang mga kapatid ang pagkakaroon nya ng paulit ulit na panaginip na maituturing naman niyang walang koneksyon sa kanya. Minsan nga ay naitanong na din niya sa mga kapatid kung may pagkakataon ba na naaksidente sya at nawalan ng alaala, at ang panaginip na iyon ang bahagi ng alaalang iyon. Pero kahit siya sa sarili niya ay alam na walang ganoong pangyayari kahit pa noong maliit pa siya... Bukod pa sa malinaw na hindi na sya bata sa kanyang panaginip. But she can tell, the place and setting of her dream isn't familliar at all although how she felt in that dream seemed so real... Napasandal sya sa headrest ng kama upang ikalma ang sarili. Nararamdaman pa nya ang pagkahapo sa hindi niya malamang dahilan.
Napalingon sya sa biglang pagbukas ng pinto ng kanyang silid at humahangos na pumasok ang kanyang Kuya Yhuri Qen, kasunod ang Ate Rhythm niya. Bakas sa mukha ang pag-aalala. Kaagad na lumapit ang mga ito sa kanya, ang kuya niya tiningnan ang ulo maging ang mga braso nya.
"Are you alright?", bakas sa tinig ang pag-aalala.
Nalilitong tumango sya, "I'm fine kuya, what happened? Bakit kayo humahangos?"
"Goodness, Jazz! Did you fall from bed?", wika naman ng ate Rhythm niya.
Umiling siya, naguguluhan pa din. "Hindi ate, I just woke up from that dream again..."
"Eh ano yung narinig kong malakas na kalabog na galing dito sa kwarto mo?", nagtatakang tanong ng kuya niya. "Sa sobrang lakas narinig din ni ate Rhythm yung kalabog kahit nasa kitchen sya?"
Parang cue, sabay-sabay silang napatingin sa sahig sa tabi ng kama niya. At duon ay nakita nila ang hard bound covered book na binabasa niya kagabi bago siya matulog.
"Nasagi ko siguro yan ate nung bigla akong magising. I'm sorry for making you worried guys," nahihiya niyang wika.
Lumapit sa kanya ang ate Rhythm niya at sa nag-aalalang tono ay nagwika, "Are you sure na hindi ka nahulog?"
Muli siyang umiling, "Hindi ate..."
"You said you woke up because of your dream," singit ng kuya niya. "Is it that dream again?"
Marahan siyang tumango, "Oo kuya, same dream at kung saang parte ako palaging nagigising, iyon at iyon pa din. Kapag mawawala na sa paningin ko yung taong nasa unahan ko dahil sa pagliko niya at biglang magdidilim ang paningin ko, saka naman ako nagigising, " aniya.
"I think your dream is really bothering you, sis. Don't you think you should seek medical help now? Hindi na normal yung pagkakaroon ng paulit-ulit na panaginip," saad ng kuya niya.
"Kuya, sa tingin mo, may problema na ba ako sa pag-iisip?" worried na tanong niya sa kuya niya na isang heart surgeon by profession.
Sunud-sunod na umiling ito, "Of course not bunso! Don't be mistaken by what I said. As a doctor, I can see something is not right dahil sa paulit-ulit na panaginip. Mabuti man lang sana kung it happened just a few days ago, but no, months already passed but that particular dream continues to bother you. Nag-aalala lang ako na baka makaapekto na yan sa daily life mo. That's why I'm suggesting you seek medical advice... "
Tumabi sa kanya ang ate Rhythm niya, "Tama ang kuya mo Jazz. Kahit kami nag-aalala na din sa nangyayari sayo. Buti man lang sana kung kaya naming ipaliwanag ang nangyayaring yan sayo, but even us are clueless. Nothing like that ever happened to you since childhood."
Iniangat niya ang sarili mula sa pagkakasandal ngunit bahagya siyang napangiwi ng makaramdam ng bahagyang pagsakit sa may bandang batok niya, "Ouch!" di niya napigilang sambit sabay hawak sa likod ng ulo niya.
"Bakit?", agad na tiningnan ng kuya niya ang ulo niya pero madilim dahil patay ang ilaw."Ate Rhythm, turn on the lights please. Di ko makita itong ulo ni Jazz."
Mabilis namang tumalima ang ate niya. Maya maya pa'y bumaha na ang liwanag sa loob ng silid niya. Wala naman silang nakitang kakaiba sa silid niya. Its just a typical room of an intern student like her. May side table sa gilid ng kama niya na nagsisilbing study table na din niya. Bukod sa lampshade, libro at laptop niya ay wala namang ibang nakalagay. Sa kabilang side ay ang walk in cabinet niya. Sa paanang bahagi ng kama niya ay ang maliit na led tv na nakasabit sa dingding at sa ibaba niyon ay ang bluetooth speaker niya.
"Saang banda masakit, bunso?" tanong ng kuya niya. "Wala akong makapang bukol. Hindi din namumula."
"Kuya, diyan sa may itaas ng batok ko, parang pinukpok ako eh," saad niyang napapangiwi pa.
"Turn around," utos nito sa kanya na agad naman siyang tumalima. Binuklat nito ang dark brown niyang buhok para makita ang batok at ang anit niya pero wala itong makita. "Are you sure dito yung masakit?"
"Yes, kuya..."
"Wala akong makita," bumaling ito sa ate Rhythm nila, "Ate, pakikuha naman ng blood pressure monitor sa kwarto ko. Baka naman highblood na itong kapatid nating ito," slight humor is in his voice pero nandun pa din ang pag-aalala.
Mabilis namang sumunod ang ate niya. Maya-maya pa ay nakabalik na ito dala-dala ang bp monitor and stethoscope ng kuya Yhuri Qen niya. Maya-maya pa'y tila na siya isang pasyenteng inaasikaso nito.
"Everything is normal sa vital stats mo sis. I think the pain you are feeling right now has something to do with your dreams. I suggest you better see a doctor... Masakit pa din ba?"
Kinapa-kapa niya ang batok niya patungo sa ilalim ng ulo niya, " Hindi na masyado kuya, unlike kanina. Yung feeling na hinampas ako sa ulo, ganun yung level ng sakit eh. Pero hindi na ngayon."
"I'll set you an appointment with my colleague. Anong oras ka ba pwede mamaya?"
Inalala nya ang schedule niya ngayong araw. "After lunch pa ang duty ko mamaya sa intern ko and wala naman kaming importanteng gagawin sa school ngayong umaga so pwede akong mag skip muna kuya."
"Ok, I'll set you an appointment by 10:00 am. Masasamahan mo ba siya, ate?" baling nito sa ate nila.
"I'll cancel my meeting with my client ngayong umaga. Iparesched ko na lang after lunch." Her ate Rhythm is a creative director sa isang malaking advertising agency sa bansa.
"I'm sorry ate, kuya... Nakakaabala pa ako sa mga commitments nyo," nahihiya niyang wika sa ate at kuya niya.
"Of course not bunso! Hindi ka abala. Mabuti pa ay matulog ka ulit. It's only 5:00 in the morning. Mamaya tatawag si ate Harmoney. Kami na ang magsasabi sa kanya," wika ng ate Rhythm niya.
"Baka mag-alala yun," sabi naman niya. Kasalukuyang nasa Belgium ang ate Harmoney niya na isang actress at kasalukuyang gumagawa ng isang hollywood film kasama sina Finn Wolfhard at Tom Holland.
"Well, she still has the right to know, bunso. Siya pa din ang panganay kaya kahit nasa malayo siya, dapat pa din niyang malaman," saad ng ate Rhythm niya. "Magpahinga ka na."
Inalalayan siyang humiga ng kuya Yhuri Qen niya. He gently tucked her into bed at magkasabay na lumabas ng silid niya ang mga ate at kuya niya. Pinatay nito ang ilaw sa kanyang silid. Maya-maya pa'y muli na siyang nakatulog...