"Sir, kelangan pa po ba nating umabot sa ganito???", manghang tanong ni Jazz kay Justin.
Kasalukuyan silang papunta sa conference room kung saan gaganapin ang emergency board meeting na mabilisang inorganize ni Mrs. Reyes.
"Just go with the flow for now Ms. Francia. I cannot explain to you the situation right now but I'm telling you, this is a life or death situation, "sagot ng binata sa kanya.
"Life or death? Mamamatay ka na ba?" mangha niyang tanong.
"Not yet, if you'll be happy to know," baling nito sabay kindat sa kanya.
Kumabog ang dibdib niya sa ginawa nito. How come that even though nakakabwisit ang attitude ng koryanong 'to kanina ay cute pa din ito sa paningin nya. Ipinilig niya ang ulo, Tumigil ka nga diyan, Heiden Jazz, kinindatan ka lang akala mo may bandang combo na diyan sa dibdib mo kung kumabog! Alalahanin mo, sininghalan ka niyang singkit na yan kanina!, aniya sa sarili.
Huminga siya ng malalim at hinawakan ito sa braso upang pigilan ang binata sa patuloy na paglalakad. Maang naman itong napatingin sa kanya pagkatapos ay sa kamay niya na nakahawak sa braso nito.
"Pero sir, di ko po kayang magsinungaling sa ibang tao. Lalo na po sa parents nyo."
"Shhh... Papasok na tayo sa loob. All you have to do is shut your mouth."
She was flabbergasted with what he said! The nerve of this man! she thought. She was about to say something to rebut what he said but she was stunned again dahil sa ginawa nito and made her speechless.
Ang kamay niyang nakahawak sa braso nito ay hinawakan ng binata upang ibaba. Ngunit sahalip na bitawan ito ay ikinulong pa nito iyon sa mga palad at masuyo siyang inalalayan papasok ng pinto. And much to her surprise, yumuko pa ito at bumulong sa kanyang tenga, "Just follow my lead, sweetie!", and once again winked at her.
Muling kumabog ang dibdib nya sa ginawa nito. She was to stunned to react kaya naman nagpatangay na lang siya sa paggiya ng binata papasok ng conference hall. Alam niyang maraming tao sa loob ng conference and yet ang tanging nakikita lang nya ay ang lalaking bahagya mang nauuna sa kanya ay nananatili namang nakahawak sa kamay niya.
Iginaya sya ng lalaki patungo sa pinakaunahang linya ng mga upuan sa harap ng stage ng conference hall. Nananatiling hawak pa din nito ang kanyang mga kamay kaya naman di pa rin siya makafocus sa mga kaganapan sa paligid nya. Iminuwestra nito sa kanyang siya ay umupo na agad naman niyang sinunod pero hindi pa din ito bumibitaw sa pagkakahawak ng kamay niya. Umupo din ito sa tabi niya.
"Good afternoon ladies and gentlemen. We apologize for this late call for an emergency meeting. We would like to acknowledge the presence of the chairman of K'Centric, Mr. Lee Tae Gun and her wife Mrs. Roana Lee."
Nawala ang pansin ni Jazz sa mga kamay na nakahawak sa kanya. Roana Lee sounds familiar, anang isip nya. She knew she had heard that name somewhere. Pinagmasdan nya ang pares na paakyat sa stage ng conference hall. Ang mga magulang ni Justin. Oh well, maybe its because mommy ni Justin kaya pamilyar sa kanya. Pinagmasdan nya ang ginang. Habang mas matagal niyang pinagmamasdan ang mommy ni Justin ay mas lalong nagiging prominent ang southeast asian features nito. She really looks like a Filipina now.
Out of curiosity ay kinalabit niya si Justin. Nakakunot-noo naman itong lumingon sa kanya. "What?"
"Is your mom a Filipina?"
Tumango ito,"Yes," maikling tugon nito at muli na itong tumingin sa unahan.
Pinagmasdan nya ang binata. Kahit saang anggulo tingnan ay di mababakas ang pagkakaroon nito ng ibang lahi. Lahat ng features nito ay korean at kamukhang kamukha ng daddy nito.
"Stop staring at me Jazz," saway ni Justin sa dalaga bagaman at hindi lumilingon dito.
Umayos naman ito ng upo at tumingin sa harapan bago nagsalita,"You don't look like your mom," komento nito.
"I'm the spitting image of my father, just so you know."
"I know. But somehow it seems that your mom is familiar. I think I have seen her somewhere," lumamlam ang boses nito ng sabihin iyon.
Nilingon niya ang dalaga. Muka na naman itong maiiyak. Kanina pa niya napapansin na sa twing titingnan nito ang mama nya ay parang may lungkot sa mata nito. And right now, he can see mists forming on the corner of her eyes. "Do you know my mom?" di niya napigilang itanong.
"Huh?" tila naalimpungatan nitong wika. Sa itsura nito, tila ba nagising ito sa panaginip.
"Never mind," wika ng binata. Marahil ay masyado lang talagang naooverwhelm si Jazz sa mga nangyayari. Iyon lamang ang naisip ni Justin na dahilan.
Napahawak si Jazz sa ulo niya. Kanina lamang ay may kakaibang nangyari sa kanya. Images of her dreams started to form in front of her. And this time she's awake. Kung hindi niya narinig magsalita si Justin ay baka tuluyan na siyang matangay ng panaginip nya. Hell, that stupid dream! Naramdaman niyang tila mamasa-masa ang gilid ng kaniyang mga mata. Pasimple niyang pinunasan iyon ng kamay niya. Oh please, not now.
Tumayo si Justin at iginiya syang tumayo din. Tinatawag pala sila sa unahan ng mga magulang ni Justin. Pinisil niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Lumingon ito sa kanya. Bahagya syang umiling upang ipakita dito na ayaw niyang umakyat sa stage. Pero ngumiti lang ito at umakbay sa kanya sa labis niyang pagkabigla. Narinig pa niya ang pagsinghap ng mga tao sa paligid nila, tanda ng pagkagulat din ng mga ito.
"I told you to just go with the flow, didn't I?" bulong nito sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa binata. Habang papalapit sila sa kinatatayuan ng mga magulang ng binata ay kitang-kita niya ang malaking ngiti sa mga labi ng mama ni Justin. She is genuinely happy for her son. As they come nearer to them, flashes of her dreams started to appear in her vision. Ipinilig niya ang ulo. Oh please not now! Nawala iyon ngunit pumalit naman ang imahe ng isang babaeng masuyong nakatingin sa kanya kasabay ang malambing na tinig nitong nagwika, I love you baby Jazz! Wala sa loob na umimik siya, "I love you, mama!"
Tila siya naalimpungatan ng marinig ang malamyos na tawa sa harapan niya. Kaharap na niya ang mama ni Justin at masuyong nakatingin sa kanya. "Of course, iha. Mahal ko din ang mahal ng anak ko. And thank you for loving this son of mine. And for saying that you love me too." May kinuha ito mula sa asawa nito at iniabot kay Justin. "Adeul-a, i banjileul geuege jwola. Igeos-eun ne abeojiga na-ege cheonghonhasil ttae jusin yaghonbanjiida. Geunyang geu salamhante jwoya haeyo."
Napakamot sa ulo niya si Justin, "Eomma, yaghonbanjileul deuligien ajig ileuji anhnayo? Uli bang-geum deiteu sijaghaess-eo."
Lumapit ang daddy ni Justin, "Sweetheart, shouldn't you ask this lady if she agrees with the engagement?"
Napalingon si Jazz kay chairman Lee ng marinig ang salitang engagement. Pangiti-ngiti lang sya habang nag-uusap ang mag-ina dahil di naman niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito dahil korean iyon. Pero dahil sa pag-imik ng daddy ni Justin ay napatingin siya sa kahong hawak na ngayon ng binata. Binuksan nito iyon at tumambad sa kanya ang isang pear-shaped cut diamond ring. Kasing laki ng buto ng pakwan ang brilyante nito na kumikinang sa tama ng ilaw. Inabot ni Justin ang kaliwang kamay niya at isinuot doon ang singsing. "Marry me, Heiden Jazz Francia!"
Napasinghap siya sa tinuran nito. Pero mas lalo siyang nagulat ng hilahin siya ng binata palapit dito at pumulupot ang braso nito sa bewang niya. Kasabay niyon ay inangat nito ang baba niya upang mapalapit ang mukha niya sa mukha nito. "And I won't take no for an answer," bulong nito bago lumapat ang labi nito sa labi niya para sa isang masuyong halik!