Tumayo si Jazz upang maligo at magpalit ng damit. Ayaw na sana niyang lumabas ng silid dahil di niya alam kung paano pakikiharapan ang binata kapag nakita niya ito pagkatapos ng mga naganap.Pero nasa loob siya ng papamahay ng pamilya nito at kailangan niyang pakiharapan ang mga magulang ng binata. Dalawang araw na lang naman ang kailangan niyang bunuin at pagkatapos niyon ay babalik siya ng Maynila at ipagpapatuloy ang normal na buhay niya bilang estudyante. Pipilitin na lang niyang iwasang mag krus ang kanilang mga landas kung hindi rin naman talaga kinakailangan.
Bumuntung-hininga siya. Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin at ngumiti.You can do this, Jazz! Just be yourself and be polite and be quiet! Pretend you are happy and pretend you are in love! Muli siyang bumuntung-hininga. But you are already in love, Jazz! How can you pretend when you are already! Tumayo siya at pinagmasdan ang sarili. She was wearing a pale yellow above the knee dress with flowery design. It has wide neck line exposing her sexy t-bones but is still decent enough and not exposing too much skin. It has garterized sleeve covering enough skin of her arms. Tinernuhan niya iyon ng yellow Havaianas flip flops. Pagkatapos maglagay ng pulbo sa mukha at manipis na lipstick sa mga labi at makuntento sa kanyang hitsura ay nagtungo na siya sa pinto ng silid upang lumabas. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang binuksan ang pinto at lumabas ng silid.
Napahugot ng hininga si Jazz ng tumambad sa harap niya ang napakalawak na kisame may nakasabit na malaking chandelier. It was very grand! Ang silid na nilabasan niya ay nakahanay pangatlong pinto mula sa nakikita niyang hagdan sa kaliwa niya. Sumilip siya sa ibaba at nakita niya ang malawak na salas na tila ba ballroom hall iyon. Naimagine niyang may party at duon sa mismong bahagi na iyon ng bahay ginaganap. Daig pa nito ang itsura ng isang five-star hotel. But unlike in her imagination, walang tao sa bahaging iyon ng bahay, or mas maaring tawaging mansyon. Lumapit siya sa hagdanan upang bumaba. It was also grand. Ito yung tipong paliko na palawak ang mga hakbang habang pababa. Pakiramdam niya ay tila siya isang prinsesang bumaba sa hagdan na iyon at sa dulo ng hagdanan ay naghihintay ang kanyang prince charming! Lihim siyang napatawa sa naisip. Feeling disney princess ka iha!
Nang makarating siya sa ibaba ay muli siyang napahanga sa ganda ng mga kagamitan duon. The interior of the villa is a fusion of korean and filipino architecture. She looked around appreciating every piece of furnitures and displays. Sa tingin pa niya ay antigo ang ibang mga kagamitan and maybe worth of thousands or millions of pesos. It only showed kung gaano kalayo ang agwat ng estado ng buhay niya sa mga ito. She smiled bitterly. Maiin-love na lang din sya dun pa sa sing taas ng langit ang katayuan sa buhay.
Kung tutuusin wala naman sa plano nya ang pag-ibig dahil ang focus lang talaga niya sa ngayon ay ang maka-graduate at masimulang tulungang mag manage ang tito Carl nya sa family business nila. Pero sadyang mapaglaro ng tadhana. Sa isang iglap naging parte ng buhay niya ang isang Justin Lee.
Lumakad siya sa kabilang bahagi ng hagdan kung saan nanduduon ang dining hall. Marangya din ang hitsura niyon at tila ba mga royalties ang palaging kumakain dun. Her admiration of the villa reflects in her eyes.
"I'm so glad that you are liking our villa, hija."
Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig at nakita niya ang mommy ni Justin na nakatayo sa pintuan ng sa tingin niya ay veranda.
"Magandang hapon po, ma'am!" bati niya sa ginang. Justin's mom is beautiful, she reminds her of her ate Harmoney. Exotic beauty. Isang bagay na kinaiinggitan niya sa ate. Kaya marahil ito naging artista ay dahil sa angking ganda nito. Sabi nila, kamukha daw nito ang mama nila. "Pasensya na po kayo kung maghapon po akong nakatulog. Di ko po inexpect na mapagod ng ganun sa byahe at makatulog ng matagal."
"Oh, no worries, hija. Parehas lang tayong madaling mapagod sa malayuang byahe kaya naiintindihan kita." Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "Welcome to our home."
She felt something uncanny familiar ng yakapin siya ng matandang babae. It was as if something she has been longing for.
Ngumiti ito at hinila siya palapit sa dining table. "Maupo ka muna at ipaghahain kita."
"Naku mam, nakakahiya po."
"Of course not iha, bisita ka namin dito kaya dapat lamang na asikasuhin kita. Besides, ibinilin ka sa akin ni Justin dahil hindi ka pa daw kumakain simula ng dumating kayo. Maupo ka na lang diyan," wika nito habang sinimulang maghain sa hapag-kainan.
Gusto man niyang tumulong ay hindi naman niya magawa dahil hindi naman niya alam kung saan nakalagay ang mga kagamitan sa bahay na ito. Muli niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng mansyon. Napakalaki at napakalawak pero parang wala siyang nakikitang ni isang kasambahay.
"Saan po pala nagpunta si Sir.., I mean si Justin po?"
"Hay naku, ewan ko sa batang iyon. Nagmamadaling lumabas kanina, hindi nga man lang ako nilingon nung sabihin sa aking gising ka na at hindi pa kumakain."
"Tayo lang po ba ang tao dito ngayon?" Nalungkot siya ng malamang umalis ang binata pagkatapos ng mga naganap kanina.
"Oo iha, lumabas din ang asawa ko kasama ang katiwala dito sa villa. Baka nag-iikot at tinitingnan ang mga bakod. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nakakauwi dito. Masyadong abala sa trabaho kaya walang oras na bumisita dito," natapos na itong maghain kaya naman nagsimula na siyang kumain. Binagoongan at Kare-kare ang ulam na nakahain. Nanuuot sa kanyang pang-amoy ang mabangong aroma ng mga ito kaya lalo siyang nakaramdam ng gutom
Masaya siyang pinagmasdan ng mama ni Justin habang magana siyang kumakain. Nang matapos siya ay di niya napigilan ang dumighay.
"Naku, pasensya na po kayo!Napasarap po ang kain ko."
Tumawa ito," No worries iha. I'm so glad you liked my cooking. Since Justin is here in the Philippines kaya kami lang laging mag-asawa ang kumakain ng mga niluluto ko and masaya akong may ibang taong nakaka-appreciate ng mga luto ko. Especially my Filipino dishes."
"Masarap po kayong magluto ma'am. Katulad ng mama Bebe ko, magaling din po syang magluto."
"Hmmm... I hope I can meet your mom soon."
"Meron po syang restaurant sa Lucena. Kapag may oras po kayo, pwede po tayong pumasyal dun."
"Oh sige iha. Mabuti pa nga ay mamasyal tayong dalawang magkasama. Tutal naman ay mukhang parehas na busy ang ating mga pag-ibig." Tumawa ito.
Natawa din siya. Mukhang may pagkamakata ang mama ni Justin. Pag-ibig, hmmm... As if its true.
"Pero iha, stop calling me ma'am. Feeling ko naman kahit nandito lang tayo sa bahay ay para pa rin akong nasa opisina. I prefer you calling me tita or mommy kaya."
"Pasensya na po kayo medyo nahihiya pa po kasi ako."
"Oh don't be shy iha. We'll become family soon kaya dapat masanay ka na."
Marami pa silang napagkwentuha. Masayang kausap ang mama ni Justin. They talked about a lot of things, mostly just trivial pero lagi silang nagtatawanan.
May narinig silang dumating na kotse. Maya-maya ay iniluwa ng main door ng mansyon ang chairman ng K'Centric. May kasama itong dalawang matanda, isang lalaki at isang babae. Marahil ay ito ang mga katiwala ng villa. Malugod itong sinalubong ng halik ng mama ni Justin. "Kumusta ang lakad mo?"
"Maayos naman. Nilibot namin ni Metring ang villa para makita ang mga bahaging for repairs na at nang maipaayos na kaagad." Bumaling sa kanya ang matandang lalaki. "Kumusta iha, muli tayong nagkita," bati nito sa kanya. Sinenyasan nito ang kasamang mag-asawa na maaari nang umalis. Magkakasabay naman silang nagtungo sa veranda.
Namangha siya sa tatas magsalita nito ng tagalog bagaman at nandun din ang korean accent nito. "Ang galing nyo pong magtagalog sir!" di niya napigilang maibulalas!
Natawa ang mag-asawa sa tinuran nya. "Kung ayaw kong matulog sa labas ng kulambo, dapat kong matutunang magtagalog!"
Natawa siya sa sinabi ng matandang lalaki. Isa yung kasabihan na tumutukoy sa mag-asawa kapag nag-away o hindi nasunod ang gusto ng isa.
"Hay naku iha, kapag mahal mo ang isang tao, gagawin at susundin mo ang gusto niya, even their whims and caprices!" natatawang wika ng ginang. "But kidding aside, I really made sure na matutunan ng mag-ama kong magsalita ng tagalog. I made it a rule that at home we should only converse in tagalog and hangul. At kapag umuuwi kami dito sa Pilipinas, dapat tagalog only pero pwede din ang konting english, or else..." bumaling ito sa asawa, may pilyang ngiti sa labi.
Tumatawang sumagot ang chairman, "Matutulog ako sa labas ng kulambo!"
Humahanga niyang pinagmasdan ang mag-asawa. She can clearly see how much the chairman adores his wife. Even that powerful of a man can be at the mercy of the woman he loves! How she wished the same would happen to her. Pero alam niyang malabong mangyari yun.
Naalala din nya ang kanyang mga magulang. Ganito din kaya sila kalambing sa isa't isa kung nabubuhay lamang sila?
Muli niyang tinitigan ang mama ni Justin. She can sense familiarity with the woman. Kahit nang unang beses niyang makita ito ay nandun na yung pakiramdam na tila dati na itong bahagi ng buhay niya. Napangiti siya. Marahil ay dahil iyon sa pangungulila niya sa magulang niya. Paminsan-minsan ay naiisip din niya kung ano ang pakiramdam ng may magulang. Growing up without parents, it was a question that maybe she'll never get to answer.
Lumipas pa ang mga oras na hindi nila halos namamalayan dahil masaya silang nagkukwentuhan. Magaang kausap ang mag-asawa at di mo aakalaing nagmamay-ari ng malaking kumpanya dito at sa korea. Walang ere at mababait.
Napatingin siya sa orasan at nakita niyang mag-aalas nueve na pala ng gabi. Nagpaalam na siyang aakyat sa silid upang magpahinga. Sumang-ayon naman ang mag-asawa at sinabi ding magpapahinga na din sila. Nais nya sanang banggitin na wala pa si Justin pero nahiya naman sya. She has no right to ask his whereabouts kaya naman pumasok na lamang siya sa kanyang silid.
She already missed him pero wala siyang karapatang magdemand ng kahit anong atensyon mula dito. She never thought such kind of pain could exist within her heart...