Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at nagpaalam ako sa kanya. "Magsara ka ng bintana at pintuan. Baka gabihin na ako makauwi. Wag kang magpapasok ng hindi mo kilala. Pag may problema tumawag ka sa akin." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Pumunta ako sa opisina. "Good afternoon Sir!" Bati ko kay General. "Buti naman at dumating kana. Maupo ka may kailangan tayong pagusapan." Sabi niya sa akin. Ilang oras din kaming nagusap tungkol sa plano. "Kailangan mo siyang bantayan hangang sa dumating ng araw na yun." Sabi ni General sa akin. "Yes sir." Sagot ko sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanya. Binigyan niya din ako ng access sa Village. Sabihin ko lang daw na pupunta ako sa bahay ni Major Galves. Nagpasalamat ako sa kanya. Nagderetso ako sa Village. Huminto ako sa katabing bahay nil

