"Pasasabihan kita kapag natapos namin pagusapan ito. Sa ngayon stand by ka lang. Wag kang gagawa ng ano mang hakbang na ikakasira ng plano.Hintayin mo ang utos ko." Sabi niya sa akin tumango ako. "Gusto kong pangako ka sa akin Kaius." Sabi ni General. Huminga ako. "Pangako." Sabi ko na lang kahit hindi ko alam kung kaya kong tuparin. Tinapik niya ang balikat ko. Nagpaalam na ako sa kanya. Bumalik ako sa bahay. Hapon na ako nakauwi. Papasok ako ng bahay ng biglang marinig ko ang tili ni Kane. Nataranta ako. Nagmamadali akong pumasok sa loob. Sakto naman tumatakbo papunta sa gawi ko. Nabigla ako ng bigla itong yumakap sa akin. Nakita ko na takot na takot ito kaya niyakap ko siya. Hawak hawak niya ang sandok. Napakunot ang noo ko. Napatingin ako sa kusina. Hinihintay ko kung sino ang lala

