CHAPTER 8

1045 Words
“Then do not do it. Stop being a s*x worker if you are not comfortable with it,” sabi niya naman sa akin. Napangisi ako, “Hindi naman kasi ganun kadali eh. Kahit pa umalis ako, hindi pa rin mawawala ang fact na pokpok ako. At isa pa, ginawa ko naman dati eh. Kaso bumalik pa rin ako dahil kailangan ko. . .kailangan. . .” Mas humigpit lang ang pagyakap ko sa kaniya. Bumulong ako, “Nakatali rin kasi ako sa isang kontrata. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikwento sa iyo.” “You do not have to worry. I only serve one master. I am loyal to my owner. Nobody would know what you are going to tell me other than me. I would protect you and your secrets with my life.” Natawa ako. Ayaw kong matawa dahil nagmumukha akong praning pero huta kasi tong si Zero, napakabadoy kung magsalita. “Nakakontrata na kasi ako sa isang client sa bar na tinatrabahuan ko. Noong unang beses ko kasing salang sa ganitong mundo, naisaksak ko ng bubog ng beer ang binti at mukha niya dahil sobrang rahas niya. Hinagis niya kasi ako sa pader at nasaktan talaga ako dahil tinapon niya talaga ako dun. Tapos may bitbit pa siyang tali at sinakal niya ako gamit nun. Wala kasi akong ideya noon tungkol sa b**m kaya akala ko papatayin niya ako kaya inunahan ko siya. Para akong timang, ” natawa na naman ako. Napabuntong hininga ako, “Ayun. . .muntikan na akong ipakulong kasi bigatin pala ang client na iyon. Bukod sa mayaman yun, marami yung koneksiyon sa mga awtoridad kaya kayang kaya niya akong ipakulong kahit wala akong kasalanan. Kahit menor de edad ako nang pumasok ako sa pagiging prostitute, pwede niyang baliktarin ang sitwasyon. Sa totoo niyan, doon ko pa nalaman na drug lord yun nang kausapin ako ng boss namin sa bar na tinatrabahuan ko. Pinayo niya rin sa akin na kausapin ko yung client at magmakaawa dahil baka patayin niya rin daw ako. Kaya ayun. Tinawagan ko nga tapos pinapunta naman ako sa mansion niya. At akalain mo yun, sabi ng hinayupak type na type niya daw talaga ako kaso nga lang daw, palaban ako. Kaya gusto niya akong disiplinahin. Pinarusahan niya nga ako nun sa pamamagitan pagtatali sa akin ng collar sa leeg na para bang isang aso. Kinadena niya rin ako sa magkabila kong kamay at paa. Tapos ayun. Piniringan ako sa mata. Tapos sunod ko na lang narinig, boses ng higit sa apat na lalaki, kabilang ang boses niya,” natulala ako habang inaalala ang nangyari dati. “. . .kahit hirap na hirap na ako nun at hindi na nga ako makahinga, wala silang tigil. Nakatali na nga sa leeg ko yung collar na nakadikit sa sahig. . .at doon na nga, pinagpasahan ako ng apat na lalaki. Pagkatapos nun pinapirma niya ako ng kontrata. . .bawat buwan kailangan ko raw bumalik doon. At sa loob iyon ng sampung taon. . .babayaran pa rin naman daw ako. . .wag nga lang daw akong mag-alala kasi mas malaki daw kaysa sa iba kong customer ang ibibigay niya . .at kung hindi raw ako susunod sa kontrata. . .kailangan ko raw bayaran ang perang pinanggamot niya sa binti at pinang-ayos niya sa mukha niya. . .at syempre dahil mukha niya ang pinuntirya ko. . .mahigit kalahating daang milyon ang babayaran ko lahat lahat. . .”walang emosyong kong kwento sa kaniya. “Wala akong perang pambayad kaya pinili ko na lang na maging s*x slave niya. Kaya sabihin ko mang gusto ko nang magbago. . .wala akong magagawa. . .okay na rin, matatapos na rin naman ang kontrata, isang taon na lang,” kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Sinapo niya ang baba ko at itinaas ang mukha ko upang matignan niya ako sa mata. Halos malunod naman ako sa titig niya nang magkatitigan kaming dalawa. Napangisi ako at ininom ang tubig na nasa baso. “Tama na nga. Ang drama. Kumain na lang ulit tayo,” sabi ko habang nakatingin sa mesa. Inabot ko ang plato ko at determinadong ubusin ang pagkain. Kinuha niya rin ang plato niya ngunit imbes na bumalik sa upuan na kaharap ko, tumabi pa rin siya sa akin sa sofa at doon kumain. “Zero. May tanong ako. Magkano ba ang halaga mo kung bibilhin kita?” tanong ko para lang maputol ang katahimikan. Alam ko namang mahal ang tulad niya. Sa pagkakaalam ko nasa halagang $50,000 ang mga robots. Yun ang nabasa ko sa dyaryo dati eh. Pero sa isang tulad nitong hightech na't gwapo pa, mga nasa $100,000 na siguro. Kung mayaman lang ako, bibilhin ko na siya. Buti pa kasi ang tulad niya. Hindi judgmental. Tiningnan ko siya at nakita kong tumigil siya sa pagkain, “Information about that topic is not stored in my data drive. But considering the costs of the materials used, I must be worth a billion dollars. The processors and the data chip itself already costs 400 million or more. It must be 1.2 billion dollars if totalled.” Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan niya ako ng walang bahid ng kahit anong emosyon kaya napalunok ako. “Now it is my time to ask. If I was about to buy you. How much would you cost?” Natawa ako. Sinasabi ko nga ba, nagbibiro lang siya eh. Sino ba namang hangal ang gagawa ng ganun kamahal na s*x doll at ipapadala lang sa akin. Kahit pa sinasabi ng kabilang utak ko na hindi nakakaya ng s*x doll ang magbiro. “Depende sa kung anong klaseng serbisyo gusto mong matanggap mula sa akin. Minimum ko 2,500 isang gabi. Maximum, 4,000. Ano bibilhin mo ako?” biro ko na rin. Napangisi ako habang umiiling dahil nababahala pa rin ako sa biro niya, o kung biro man talaga. Wala namang gagawa ng s*x doll na ganun kalaking halaga diba? “How about for a whole day?” tanong niya ulit kaya napangisi ako. “Ten thousand pesos. Bakit?” napangisi ako. Biro ko lang ulit yun. Hindi naman talaga 10,000 ang isang buong araw ko. Limang libo lang actually. Alam ko namang cheap ako kaya kahit sa harap lang naman ng s*x doll na ito, may halaga ako kahit konti. Kahit konti lang. Lumapit pa siya ng pagkakaupo papunta sa akin, “If I give you the money. Will you let me stay with you? Will you not send me away?” Natawa ako sa reaksiyon niya, “Bakit?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD