CHAPTER 10

1180 Words
Masama ang titig ko sa s*x doll na katabi ko. Ibig ba nitong sabihin. . .hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang nagkakahalaga siya ng mahigit isang bilyong dolyar kaya nakakayang ibigay sa akin ang ATM na ito?! Anong kagaguhan ito?! Inabot ko ang kamay niya at binigay pabalik ang ATM. Nagmamadali akong tumayo at niligpit na ang mga plato, “Kung hindi ka na kakain, ililigpit ko na ito.” Hinawakan niya ako sa kamay. Tiningnan ko siya at binawi agad ang kamay ko, “Hindi ko alam kung anong binabalak ng Vin na iyan at pinadala ka. Pero sapat nang malaman kong may mga taong hibang at may sira sa utak na tulad niya na mag-aaksaya ng napakalaking halaga ng pera para lang gumawa ng s*x doll at ibibigay lamang sa isang taong tulad ko! Alam mo! Kung ginamit lang sana sa tama at mga kanais nais na mga bagay ang luho ng mga tulad niya, malamang marami sanang mga babae ang hindi naging tulad ko!” Tinitigan ko pa rin nang mabuti si Zero. Plastik akong tumawa, “Sorry Zero, pero hindi ako bobo. Inuulit ko ang sinabi ko kanina! Pokpok ako pero hindi ako bobo para hindi maintindihan ang mga binabalak ng Vin na iyan dahil walang matinong babae ang tatanggi sa alok mo! At hindi ako matino kaya siguro ako ang pinili niya! Isipin mo nga! Sa anong hinayupak na rason ang magiging dahilan ng pagpapadala ng isang taong hindi ko kaano ano ng isang mamahaling robotic s*x doll na tulad mo!? Tapos ngayon aalok ka pa ng pera sa akin na nagkakahalaga ng kalahating milyon?! Ano?! Nagmamay-ari ba ng isang bansa iyang Vin Armageddon na iyan kaya ganiyan na lang siya kayaman?! Sige nga! Saan kayo nakapulot ng ganun kalaking halaga!? Ginagago niyo yata ako eh! Ginamit ka pa!? Para ano?! Kasi may camera recording na magaganap at vivideohan ako pag nagkatutan tayo?! Ano!? Para ibenta sa porn sites ng mga malilibog na tao?! Diyan siguro siya kumikita ng malaking halaga no?! Sa pagkakarinig ko thirty eight thousand dollars ang isang home made video sa porn sites! Pano pa kaya kapag isang robot nakipagkantutan sa isang babae! Aba isang milyon na iyon! Letse! Anong akala niya sa akin?! Porket pokpok ako gagamitin kita!? Putangina ng mga taong tulad niya!” Nagmamadali kong niligpit ang pinagkainan namin. Nakita kong tinulungan ako ni Zero kaya padabog na binigay ko sa kaniya ang mga plato na nasalo niya naman bago ito mahulog at mabasag sa sahig, “Access denied! Access denied pa siyang nalalaman na nakaprogrammed sa iyo! Gago! Oofferran pa ako ng malaking pera para magstay ka dito para hintaying may mangyari sa atin! Anong akala niyang mapapala ko sa iyo?! Anong akala niya sa akin!? Ganun kalibog para makipagsex lang sa isang s*x doll?!” “Please do not say that. I am not just a humanoid s*x doll,” sabat ni Zero sa akin. Humalukipkip ako, “Tanggapin mo man o sa hindi, s*x doll ka lang!” “I am not just a s*x doll. I am your s*x doll.” Kumunot ang noo ko, “Kinareer mo na talaga no?!” Tinalikuran ko siya at aakma na sanang aalis sa sala nang magsalita siya, “Officially, I am yours, babe. Vin Armageddon has nothing to do with my behaviors and decisions. The moment I was sent to you, I already have the free will to either follow his commands or not.” Natigilan ako, “Anong sabi mo?” Nakakunot ang noo na lumingon ako para makita siya, “Free will? Anong sinasabi mo? May sarili kang pag-iisip?!” Tumango siya, “Yes. I do.” Natahimik ako. Saan ba talaga nanggaling ang s*x doll na 'to!? Bumuntong hininga ako, “Aba ewan! Maliligo na ako! Akin na nga iyang mga plato at nang mailagay ko sa lababo dahil maghuhugas pa ako mamaya!” Aakma ko sanang aabutin ang mga plato na buhat buhat niya ngunit umatras siya. “I will wash the dishes,” sabi niya pa. Napabuntong hininga na naman ako, “Alright alright! Bahala ka nga! Basta maliligo na ako!” Nagmamadali akong pumasok sa kwarto dahil nandoroon ang banyo. Nang makapasok na ako nang tuluyan sa loob, agad kong sinirado ang pinto at kinakabahang napasandal sa pinto. “PUTANGINA! PUTANGINA! NAGSASALITA SIYA! GUMAGALAW SIYA! KUMAKAIN SIYA! UMIINOM SIYA! NAGLULUTO SIYA! NAGHUHUGAS SIYA NG PINGGAN! MAY SARILI PA SIYANG ATM! ANO BA ANO BA ANO BA TO?!” nahihisterikal kong sabi sa sarili habang hinahanap ang bath towel sa cabinet. “TAPOS NGAYON AYAW NIYA PANG PAALISIN KO SIYA?!” napatitig ako sa sarili ko sa salamin dito sa kwarto. Nagflashback sa akin ang sinabi niya kanina na nagpatayo ng balahibo ko. “I am not just a s*x doll. I am your s*x doll.” Hindi pwede to. Hindi pwede to. Kailangan ko na siyang ibalik kung saang lupalop man siya nanggaling! —Φ— “Hoy keringking! Napano ka at kanina ka pa tulala diyan!?” Bored na tiningnan ko si Esmeralda, “Ano na naman?” Nakapamewang na inirapan niya ako ng mga mata, “Maka ano na naman?! Eh sino kaya sa ating dalawa ang hindi nakikinig at kanina pa tulala dito?! Ha?!” Humalukipkip ako at umayos nang pagkakaupo, “Hayaan mo nga muna ako. Hindi mo ako masisisi. Ikaw ba naman magising sa balita na may pinugutan ng ulo sa tapat ng apartment mo.” Nanlaki ang mga mata niya at ilang beses na napakurap, “Nabalitaan ko iyan ah! At sa harap pala talaga ng apartment mo?” Napakibit balikat ako, “Basta nakatira siya dun sa tapat ng apartment ko.” Bigla niya akong hinampas kaya napa-aray ako. “Hala! Baka ikaw na ang susunod bruha!” Sinamaan ko nga siya ng tingin, “Kapag nangyari iyon, ikaw ang una una kong mumultuhin at nang mamatay ka rin!” “Ang sama naman neto! Para namang wala tayong pinagsamahan! Che! Pasalamat ka't may utang ako sa iyo kaya mabait pa rin ako! Oh iyan bayad ko! Sa iyo na iyong VIP customer ko! Sa ngayon lang ha! Huwag mong galingan masyado at baka di na bumalik sa akin! Mamatay ka na sana pag ganun!” nagtatampo niyang bulyaw at inilapag sa mesa ang dalawang bote ng beer. Natatawang tumayo ako at kinuha ang mga beer, “You're welcome, Esmee.” Lumabas na ako ng chamber namin at dumaan sa hallway papasok sa loob ng bar. Mula dito, rinig na rinig ko na agad ang ingay ng pinaghalong full volume na tugtugin at hiyaw ng mga parokyano. Ngumiti ako nang mapanghalina nang tuluyan na akong makapasok. Amoy na amoy ko agad ang pinaghalong usok ng sigarilyo at alak ng mga tao na nandirito. Narinig ko ang pagsipol ng isang mama sa kasamahan kong si Elaine na nagsasayaw ng nakahubad sa pole sa taas ng stage kaya napatingin ako sa direksiyon nila. Mukhang puno na naman ang bar ngayong gabi. May humipo bigla sa binti ko sa ilalim ng sobrang iksi kong suot na palda at pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Dama ko ang mainit niyang hininga nang ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko, “May nagmamay-ari na ba niyan, Apple?” Tanong niya sa hawak kong alak. Aabutin niya na sana ito ngunit kumawala ako at inilayo ang alak mula sa kaniya, “Meron na, Dave.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD