Makalipas ang iilang buwan. Dinala nila sa Bulacan si Danilo ayon na rin sa kagustuhan nito. Doon na rin naglagi ang pamilya ni Danilo para maalagaan ito. At nangako rin siyang aalagaan niya ito anuman man ang mangyari. Paminsan minsan ay dumadalaw ang kanyang inay at mga kapatid kasama si Jhon at ang nobya nito. Walang araw na nagpakita ng kahinaan sa kanya si Danilo. Madali niya rin itong mayaya sa tuwing araw ng pagpunta nito sa doctor para magpatingin at walang palya ang pag inom nito ng mga gamot. Minsan ay nagagawa pa nitong makipaglaro sa kanya ng basketball pero hindi iyon nagtatagal dahil napakadali nitong mapagod at hinihingal. Sa bawat kanyang nakikitang paghihirap na dinaranas ng bestfriend ay walang katumbas ang sakit na nararamdaman niya na dinadaan niya na lang sa pag iyak

