Chapter 14
Pitong buwan na Ang nakalipas at kahit papanu nakarecover na si Elaine sa sakit na sinapit niya Kay Save. Umalis na rin sila ng nanay niya sa mansyon, sinundo sila ng tatay niya na ni minsan sa buong kabataan niya ay di niya nasilayan. Noong una ay di niya matanggap ito, pero kalaunay nakita niya na ginagawa nito ang lahat para patawarin niya at ramdam rin niya na mahal na mahal nito ang Ina ,di kalaunan ay bumigay na rin . May takot na sa dibdib niya ngayon, ayaw na niyang masaktan pa , natoto na sya sa naging karanasan niya.
" Hey,swetie" twag ng ama niya ,kanina pa pala nito pinagmamasdan.
" Wala naman hu" tipid na sagot niya
" It's dad, call me daddy please, I want to make it up to you, please swetie just give me a chance to be a father to you dear" madamdaming pagmamakaawa nito. Hawak hawak nito ang kanyang kamay.
" Dad" at niyakap ng mahigpit ang ama. Nakita niyang tumulo ang luha nito pagkasabi niya ng dad dito. At yumakap ng sobrang higpit.
" Oi pasali naman ako Jan, " boses ng kanyang Ina.
" Come here ,honey"
Masayang Masaya ang dalaga ,may buong pamilya na ngayon. At di na rin niya kailangan mag part time job pa, di rin gumagawa ng mga gawaing bahay. Napakalaki rin ng bahay ng ama niya, may apat itong katulong. Dati kailangan niyang bumangon ng maaga upang Gawin ang mga trabaho sa mansyon. Dahil nasanay na maagang gumigising, kaya kahit pilitin niyang matulog pa ng matagal ay di na talaga makatulog. Bumangon na at nagsimulang magbihis ng panjogging. Medyo naiilang pa ng magsuot ng mga maiksing shorts pero kalaunay nasanay na rin . May sariling gym ang ama at kompleto ito sa kagamitan pang ehersisyo.
Nakatingin ang dalaga sa kanyang repleksyon sa salamin na naroon, masyado nang mahaba ang buhok niya, mas kuminis na rin ang kanyang balay dahil lahat ng luho kahit di niya hinihingi sa ama ay kusa nitong binibigay. May sarili itong restaurant at may apat na braches na ito sa Cebu, Bacolod, Davao at Palawan. Mahusay na chief ang daddy niya, talagang nag aral ito para maging ganap na chief at Hanggang nakapagpatayo ng sariling restaurant.
" Parang gusto ko nang magpaiksi ng buhok" sabi ng dalaga habang kausap ang sarili, sumagi sa isip niya si Save na Hanggang ngayon alam niya sa sarili niya na nangungulila pa rin rito.
" Wag mo na ngang iniisip ang taong paasa ,okay? di mo deserve ang manloloko, tandaan mo yan. Itatak mo yan sa kukote mo" panenermon niya sa sarili.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok doon si Jack, talagang nagdadamit babae ito pag nasa bahay niya, ngunit pag nasa labas sila ay mapagkakamalang matikas na binata. May bitbit itong bag at face towel.
" Talaga nagmumokmok ka dito ha, wag mo sabihing si Papa Save pa rin ang iniisip mo?" bungad agad nitong sabi
" Alam mo bang di ka bagay sa business school, mas bagay sayo ang maging manghuhula, kasi ang lawak ng imahenasyon mo at kung anu-ano ang iniisip." nawala ang ngiti niya sa mga labi.
" Kaya nga ako ang pinadala sayo para maging kaibigan mo, para gisingin ka sa katotohanan na di mo basta basta makakalimutan ang unang pag ibig"
" Gusto mo bang maging safe ang sekreto mo?" Nakasimangot na tanong ng dalaga rito
" Hai, ito naman , ikaw kasi eh, bakit ba Hanggang ngayon ay di mo pa tinanung kung anu ba tlaga ang toto o ,ng magkaroon kayo ng closure,at nang mapansin mo rin ang mga lalaking nakapilang manligaw mo."
" Bahala sila Jan, paaasahin ka lang niyang, at sa bandang huli iiwan ka rin naman" walang ganang sagot ng dalaga habang inaayos ang sintas ng kanyang sapatos.
" Ay bitter sya, girl magkasing ganda tayo, medyo angat ka lang ng konti, pero pwede ba move on kana , di yong nagpapakabitter ka jan"
" I'm not bitter okay, sinasabi ko lng ang totoo!"
" Basta ako girl, go lang maglalaway ang mga boys sa beauty ko" at tumawag ito ng malakas. Ito ang nagpapabago ng mood niya , malaki talaga ang naitulong nito sa kanya sa panahong halos nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Nag alala na noon ang nanay Elena sa kanya dahil halos di kumakain, maga lagi ang mga mata sa kakaiyak. Kaya kampante ang nanay niya pag si Jackielyn ang kasama niya. Sa maikling panahon ng paging magkaibigan nila ay tonuring niya na itong kapatid.
Naalala pa ng dalaga ng minsan ng pinakilala sa daddy nito bilang girlfriend ng minsang magbaksayon ito. Sa Davao kasi ito nakadistino ,at sa pangingulit ni Jack sa kanya ay pumayag na rin . Doon nagsimula ang pagiging close nila.
Chapter 15
SIX YEARS AFTER
Isang matangkad, matikas, at ubod ang gwapo ang bumaba sa isang limited edition na kotse, ngunit ang aura nito ay nakakatakot, nakayuko ang mga ulo ng sinumang nakakasalubong . Nasa pasilyo pa lng ito ng building ng Grande Group pero lahat ng mga empleyado ay tila may gagawing drill. Ito ang unang araw ng pagiging CEO nito matagal rin itong nasa abroad at nagpakadalubhasa sa larangan ng business. Taas noo nitong tinungo ang private elevator nito, nakasunod dito ang personal secretary na si Goerge.
" I want everything ready in 5 minutes, inform the board now" utos nito
" Right away Mr Grande" nakayukong sagit ng sekretarya nito.
At tumalikod na ito at ginawa ang inutos nito. Inilibot nito ang paningin sa buong opisina , napakalaki at desenteng mga desenyong nroon. Ang kulay ay tanging black at puti mula sa table, sofa,at mga desenyong nakakabit sa dingding. May sarili rin itong silid na pwede nitong palagian sakaling mag overtime ito.
" It's good to be back, it's about time to find you Elaine, after all this time" sabi ng binata sa sarili at nagpakawala ng isang malalim na bunting hininga. Mayamaya pa ay isang katok ang pumukaw sa kanyang pag iisip. Bumukas iyon at pumasok ang isang babaeng nakaheels at may malingkinitang hubog ng katawan. Makakapal ang make up nito at sakit sa ulong ang pabango nito. Nagsalubong agad ang mga kilay ng binata ng mapagsinu ang pumasok
" Trexie"
" Yes I should be welcoming you as the new CEO of the company" sabi nito at akmang yayakap sa binata." No need for formalities." tipid na sagot ng binata.
" Okay, may be I can treat you dinner later, may kilala akong restaurant na may masarap na mga dishes na seniserve" masayang sabi nito pero bago pa man magkaroon ito ng pag asa na makasama ang binata ay agad ring pinutol ng binata ang pag asang iyon.
" Don't expect me to go with you" sarkastik na Turan ng binata. Sabagay sanay na sa ganung ugali nito sa kanya. Kahit nasa Canada pa noon ay ganito na talaga so Save makipag usap . Di ito interesado makipag usap ,at ang tipid kung sumagot. Nakakatakot rin ang aura nito at madalang itong makaipag usap ng malumanay.
" Okay, hahayaan kita today but you have to go with me next time, or else sasabihin ko Kay Lolo na -di pa natatapos ang sinasabi ng dalaga ay nagsalita ito." Get out!" Galit na sabi nito, nag iba ang anyonnito na tila anumang oras ay sasabog ito dahil s agalit. Nakaramdam si Trexie ng takot at dali-daling lumabas.
Nakahiinga ng maluwag si Elaine ng matapos niyang Gawin ang lahat ng Gawain niya sa opisina niya, nagtatrabahon ngayon bilang manager ng restaurant ng daddy niya. Nasa Davao ito ngayo kasama ang Ina, kaya subsob sa trabho niya ngayon, mababagot lang sa bahay pag umuwi ng maaga. May bigalang kumatok sa pinto, at tinatawag .
" Miss E, may isang kustomer po na nagwawala, gusto daw po kayong kausapin?" sabi nito sa labas ng pinto.
" Come in" tawag niya rito. Isang staff na himihingal pa ang bumungad sa kanya.
" What's wrong?"
" May aksedenteng natapunan ng juice ang bagong waiter natin, kaya ayon miss E nagwawala." Papalabas na ng kanyang opisina ay rinig na rinig niya ang boses ng maarteng babae
" I need to talk to the manager, what kind of training this restaurant offer, bakit ang clumsy ng waiter nyo, at ikaw " sabay duro sa waiter na nakayuko" alam mo bang di kayang bayaran ng isang taong sahid mo ang halaga ng suot ko!?" Nasaan na ba ang manager nyo? I need to talk your manager now!" Nakuha na Ang atensyon ng lahat, nagkukumpulan na Ang mga tao, kaya dapat amagapan ang sitwasyon bago pa lumala.
" I'm here" boses iyon ni Elaine. Agad napansin ng dalaga ang basang tagikiran nito at ang nakayiukong waiter.
" Yes finally you came! Anung klaseng training mayroon ka sa staff mo na kahit simpleng service ay di magawa? Akala ko ba kilala ang mga dishes nyo rito, buta sad to say di pala marunong magserve ang waiter mo dito" halos naghehisterikal na Turan ng babae.
" Let's go to my office miss" simpleng sagot nga dalaga rito. Mas dumadami na kasi ang nakiusyosong mga tao Ang naroon. Sumunod naman ito sa kanya. Pagkarating nial sa office ay una nagsalita.
" I'm really sorry Miss for what happened, what can I do to conpensate- " di pa man natapos sa pagsasalita ay sumagot na agad ito
" Miss you should fire that staff who ruined my dress" sabat nito
" No ma'am, we can't just do that"
" But why? Is that how you run this restaurant? Tolerate and forget everything he did?" I wonder how this restaurant survive!" Puno ng pang uuyam na sabi ng babae. Nainit ang tainga ng dalaga." Di mo pwedeng kwestyonin ang paraan ng pamamalakad ko miss, di ko pwedeng basta na lng tanggalin ang isang Padre de pamilya. Hindi pwedeng kutumin ko Ang mga anak niya dahail lang nabasa niya ang damnit mo!" Malumanay na sabi ng dalaga rito. Nagtaas ito ng kilay at tumayo Galit na Galit sa narinig.
" Be careful of your words miss, I can make this restaurant close just the blink of my eyes" pagmamataas nitong sabi
" I'm afraid your not, because as long as walang basehang mabigat na kasalanan ang staff ko hindi ako natakot na sabihin sayo na , Gawin mo kung anu ang gusto mo, kaya kung bayaran ang halaga ng damit mo," buong talang niyang sabi. Napuno na rito, parang sino kung umasta, gayong di rin naman kagandahan s asobrang kapal ng make up nito at ang tapang ng pabangong ginamit. Galit na tumayo ito sabay sabi
" Well , I'll see you eften miss?
" Elaine Sebastian, the manager of this retuarant" pagkasabi niyangbiyong ay napansin niyang nagbago ang anyo ng babae, at tila napaku ito sa kinatatayuan.
" It can't be! " Pagkasabi niyon ay dali dali itong lumabas. Di maintindihan ng dalaga ang biglang pagbago ng reaksyon nito kaya di niya na lng pinansin.
Chapter 16
Galit na Galit si Trexie sa nangyari, at halos binuhusan nang malamig na tubig kanina ng makilala si Elaine. Malayong- layo sa Elaine noon na daig pa si Maria Clara sa mga suot nito at a akasimplehan nito. Di niya maisip Kong anu ang Nagustohan nga binata sa babaeng ito at ganun na lang ang pagkagusto sa babae. Ni wala sa kalingkingan niya ang ganda nito,kaya labis ng natuwa ng masulo niya ang binata sa Canada dagdagan pa na gusto ng Lolo nito kaya dapat makita ng Elaine na ito kung sino ang binangga niya.
" Tingnan lang natin kung sinung luluha, pagnalaman mong kami ang magkasa ni Save, pagnangyari yon tingnan natin kung makapagyabang ka pa!" Galit na sabi niya sa sarili habang nagmamaneho pauwi.
Palabas na ng restaurant si Elaine ng mga oras na yon, ng bigla ng may namataan na kotse sa di kalayuan. Bigla ng kinabahan, kaya agad niyang tinawagan si Jack. Pumasok ng muli sa loob at hinitay ang pagdating nito. Wala nang gwardiya ng mga oras na iyon. Mayamaya pay dumating na si Jack at bumaba na ito ng kotse.
" Hey, thank you Jackielyn, parang kanina pa kasi ang kotseng yan eh"
" Oh halika na!" Baka gusto mong tumawag ng pulis, alam mo na,may masamang balak pala ang nakasakay niyan?"
" Wag na muna. Patakbuhin mo na lng ng mabilis ang sasakyan paag sakaling ako talaga ang puntarya ng kotseng iyan".
Mayamaya pay di na nakita ng dalaga ang kotse. Kaya nakahinga ng maluwag .
Maghahating gabi na pero nasa opisina parin niya ang binata, tila wala itong balak umuwi. May sarili itong bahay na tanging sekretary niya lang ang nakakaalam. Kahit sa mga magulang ay nilihim niya iyon. Marami ng ginagawa sa buong maghapon,at di niya namalayan ang oras ng di patumunog ang cellphone niya. Ang nakababatang Kapatid na si Shane ang tumatawag. Nasa Ireland ito ngayon nag aaral ng medisina.
" Hey" bungad niya rito
" Kuyang workaholic, wala po ba kayo umuwi sa mansyon? Or mag time out naman sa trabaho mo perhaps?"
" What do you want?" nakasimangot niyang tanong. Kilala niya ito, sobrang kulit nito pag may gusto itong hilingin o may kailangan sa kanya. Sabagay nasanay na rin sa kakulitan nito at di niya rin ito natitiis.
" Wala naman kuya, it's just that I saw ate Elaine on blog. I try to stalk ng pangalan niya pero di naman ang nasa picture. I have a friend which is culinary related ang course, and I saw her. Ibang iba na kuya, unang tingin alam ko so ate Elaine yon, tinawag kasing Miss E. I'll send you the address of that restuarant ,you better go in person kuya" masayang sabi nito.
Natulala at di makapaniwala sang binata sa narinig, di niya mawari ang naramdaman. Pagdating niya dito sa Pinas isa sa mga nasa listahan niya ang hanapin ang dalaga, pero sa loob ng mahigitisang buwan ay wala pang balita ang taong pinapahanap niya sa rito.
" Good night, Shane" tanging nasabi ng binata at akmang papatayin na Ang cellphone.
"Wait, ganyang lang ang magiging reaksyon mo kuya? Di mo man lang ba sabihin sakin na segi akin na Ang address, di ka man lang ba mag aabalang puntahan ang restaurant na sinasabi ko?" Sunod sunod na tanong nito.
" It's none of your business little girl" nakasimangot na sagot ng binata
" Tumigil ka nga kuya, sa pagkaalala ko eh si Ate Elaine ang dahilan ng paging aloof mo sa mga babae, at alam ko-" di paman natapos ang sasabihin nito ay pinatay na ng binatay ang cellphone sabay sabing" Bye kulit" .Nagngingit- ngit ang dalaga sa ginawa ng kuya niya pero senend niya pa rin dito ang address ng kinarorounang restaurant. Di man niya lubos na nasaksihan kung paanu lubos na nasaktan ang kuya niya noon , pero sigurado na si Elaine pa rin ang tanging mahal ng kuya niya. Nakita niya minsan ng pumasok sa kwarto nito, ang dami nitong mga gift box na naroon, kaya pala walang sinuman ang pwedeng pumasok dito maliban sa tagalinis ng kwarto nito kasi ayaw nitong malaman ang pinakatagu-tago nitong mga bagay. Nabasa niya minsan sa card na naroon na mahal na mahal nito ang dalaga.