Chapter 12
Di alam ng dalaga na may isang taong nakamasid sa kanya at lihim ng kinukinan ng litrato. Malapad ang mga ngiti nito habang tinitingnan ang mga kuhang anggulo, sa ganda ng pagkakakuha masasalamin dito ang ugnayan ng dalaga sa lalaking nakabunggo dito.
"Sir, esesend ko po sa inyo mamaya ang mga kuha kong larawan, malaking tulong ito sa inyo" sabi ng lalaki sa kausap
" Just make sure na worth it ang binabayad ko sayo" sagot ng kausap
" I'm sure sir, matutuwa kayo rito" nakangising sagot nito.
"Good , send it right away" utos ng kausap
" Okay sir" at tinapos na nito ang pag uusap.
Nakangiti si Don Ramon pagkatapos makausap ang taong nagbabantay ng mga kilos ni Elaine sa Pinas, di pwedeng ito ang maging kahinaan ng binata. Wala mawala ito sa sestima nito ng makapagfocus sa negosyo. Dapat wala itong kahati sa oras at atensyon nito. Gusto niyang ilaan ng binata ang buong oras nito sa pag aaral upang pagdating ng araw ay ito na Ang mamahala ng Grande Group of Companies. Sa halos tatlong dekadang pamamayagpag nito sa larangan ng negosyo, Hindi pwedeng masira lang ng isang pipityuging babae ang lahat ng mga Plano niya. At kung sakali mang maisipan ng binata na mag asawa ito, Hindi ang isang Elaine ang gusto niya para sa binata. Kaya hanggat maaga ay kailangan niya nang tapusin ang ambisyon nito. Dapat may Gawin upang ito na Ang kisang lalayo sa binata kaya maghihintay lang ng tamang pagkakataon.
" Susan, I want all the lists of my activities and meetings for this two months in my office now" sabi nito sa sekretarya na kausap sa telepono.
" Noted sir" at mayamay pa ay may kumatok na sa pintuan at pumasok na Ang sekretarya.
" Mr. Grande sir, these are your activities and meetings you need to attend" tipid na sabi nito
" Good, you may go" pagtataboy nito ,mabilis ring lumabas Ang sekretarya.
Plano niyang isasama si Save sa mga lakad niya pag wala itong pasok at kung weekend, dapat fully occupied ito upang di sumagi sa isip ang babae.
Madalang nang online ang binata at di na rin ito tumatawag, nakailang messages na rin para dito, pero di man lang nito nakita. Siguro nga talagang busy na ito, kaya pilit nalng iniwaglit sa isip ng dalaga ang mga naiisip niyang mga dahilan ng paging busy nito. Huling video call nila sinabi nito na magiging busy na , pero at least alam niya na busy na nga ito. Pero umaasa pa rin na magreply man lng ito kahit isang beses lng sa mga messages niya .
Masayang nagkukwentohan Sina Elaine at Jackielyn sa cafe shop na matatagpuan sa di kalayuan ng campus.
" Alam mo bang ang gwapo mo para maging bading?" nakangiting sabi ng dalaga rito
" Ouch!" maarteng sagit nito na hawak hawak ang dibdib na nagkuwaring inaatake
" Bakit totoo naman ah, ang tangkad mo, ang gwapo, matalino habulin ng babae, pero bakit sa lalaki ka nagkagusto?"
" Alam mo girl, namumuro kana, sigurado ka bang gusto mo talaga akong maging kaibigan?" Nakataas ang isang kilay nitong sagot
" Oi ,Hindi ah, kasi naman bakit nga?"
" Eh sa ganito ako eh, Eva ang puso ko, anung magagawa ko? Buti nga kasing ganda at seksi mo ang naging kaibigan ko eh, at least di magdududa si Papa sakin!" Pagkasabi nito ay hinaplos nito ang Mukha ng dalaga
" Oi tumigil ka ha, kung alam ko lang na Gawin mo pala akong panangga dyan sa strekto mong tatay ,eh di sana di nalang kita ginawang kaibigan!" Nakangiting sabi ng dalaga dito
"Ito naman, eh sa ayaw ni daddy ng baklang anak eh, mapapahiya sa mga kabaro niya pag nagkataon. Pulis lang naman si daddy , kaya takot ko don, hayaan mo pag marami na akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo kung naramdaman, at ang toto Ong ako di ko na kailangang magpanggap pa sa kahit kaninoo." may vahid ng lungkot ang pagkakasabi nito
" Hayaan mo na, matatanggap ka rin niya balang araw," pagpapalakas ng loob nito
" Sana nga girl, magdilang angel ka sana"
Pagkauwi ni Elaine at dretsong binagsak ang katawan sa kanyang kama, napagod ng sobra ng araw na iyon, kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang social media. Halos mabitawan niya ang pagkakahawak dito dahil sa nakitang myday nadumaan sa wall niya. Si Trexie nasa likuran nito si Save,di nakatingin ang binata,pero sigurado ang dalaga na Ang kasintahan iyon. Magkasama pala silang dalawa sa Canada pero bakit walang sinasabi ang binata sa kanya tingkol dito.
" Meet my date" ito ang caption ng myday. Parang tinusok ng aspili ang dibdib niya at Hindi makapaniwala sa nakita. Ilang araw na ng naghihintay na magparamdam ito,pero umaasa sa wala. Sa pagkakatanda niya mag iisang buwan na ng naghihintay sa tawag at reply nito. Kaya pala busy ito, may bago pa lng kinabibisehan. Si namalayan ni Elaine ang namumuong mga luha sa mga mata. Ang sakit!
" Walang hiya ka Save! Sabi mo ako lang! Manloloko ka! " At humagulhol na talaga . Si Save ang una niya pag ibig at ang unang kabiguan.
" Sabi mo ako ang nagmamay ari ng puso mo? Di mo man lang nakuhang magparamdam sa akin at sabihin man lang ang totoo" umiiyak pa rin ang dalaga. Di niya lubos akalain at nilamon ng sobrang selos sa nakita. Kailangan niyang malaman ang toto o. Sa ganung kalagayan natagpuan ni Aling Elena ang anak. Namamaga ang mga mata nito ngunit patuloy pa rin ang pag iyak.
" Elaine, anung problema anak?" Tanong ng Ina. Nagatubili pa ang dalaga na sabihin sa Ina pero nasasaktan , at kailangan niya ng kausap ngayon.
"Si Save po nay"
" Bakit anu ba Ang nagyari Kay Save? nagalalang tanong nito.
" May kasama pong ibang babae nay" umiiyak na sagot ng dalaga at pinakita sa Ina ang larawan.
" Oh anung masama sa litrato na yan? Wala naman akong nakitang masama sa larawan ah"
" Kaya pala di na nagpaparamdam, may pinagkakaabalahan na palang iba" Puno ng paghihinagpis na sabi ng dalaga.
" Abay, tanungin mo muna kung anu ang totoo,di yong sinasayang mo mga luha mo di naman pala totoo "
Chapter 13
Sinimulang inistok ng dalaga ang profile ni Trexie, maraming mga larawan ito na kasama si Save halos di ito nakatingin sa camera pero may iilang mga kuha na nakangiti pa ito , at base sa mga kuhang larawan parang nag enjoy ang binata habang kasama ito. Ang mag unang inapload na larawan ay magtatlong linggo na Ang nakakaraan. Umani ito ng maraming likes at comments. Di na nya binasa ang mga iyon.
" Isang buwan na pong di nagpaparamdam si Save nay, iniisip ko lang na busy sya sa pag aaral niya kaya wala pa ng panahon ngayon, pero yon pala?"
" Kilala mo si Save nak,sa tingin ko naman do niya magagawa sayo yan. Baka may dahilan ."
"Manloloko nay" napahagulhol ulit ito. Mahal na mahal niya ang binata, at di niya lubos maisip na may kinahuhumalingan na itong iba. Samantalang ay umasa sa pangako nito na ngayon ay napaku na.
Walang nagawa ang Ina upang aluin ito, kaya hinayaan niya munang magmokmok ito at makapag isip. Kailangan nito ang panahon upang maliwanagan ito sa mga nagyari.
Tamad na napaupo sa sofa si Save, sobrang napagod ng araw na iyon. Sakto ring pagdating ni Don Ramon, may dala itong brown envelope at inihagis nito iyon sa binata. Di agad nasalo ng binata kaya tumilapon ito sa sahig.
" Whats this?" Tanong ng binata
" See for yourself" tipid na sagot ng matanda at humakbang na paakyat ng hagdan .
Pinulot niya ito at tumambad ang larawan ng kasintahan. Sa larawan makikita na may pinupulot itong mga aklat na nagkalat habang sa sa harap nito ang isang lalaki at ang lapit nito sa isat isa. Ang mga Mukha nito ay halos ilang dangkal na lng ang layo.
" You find my woman interesting, don't you?" pasigaw niyang sabi sa matanda at napalingon ito sa kanya
" You really think you know her that much, your such a fool" pagkasabi nito ay agad pinagpatuloy ang pagpanhik. Bumalik ang mga tingin ng binata sa mga larawang hawak hawak.
Matamang nakatitig Kay Elaine ang lalaki. Gwapo ang lalaki at halatang mayaman. Isa isa niyang tiningnan ang mga larawan lahat ay Kay Elaine na kasama nito ang lalaking nakita niya sa unang larawan. May mga kuha rin na nakahaplos ang kamay ng lalaki sa pisngi ng kasintahan. Nakaramdam ng selos sa nakita. Walang pwedeng hahaplos sa Mukha nito kundi lng. Bumangon ang panibugho sa dibdib niya di niya namalayang napupunit na Ang larawan sa mga kamay niya.Pinagsusuntok niya ang sofa.Kasalanan niya, bakit pa kasi di niya sinabi dito na Ang totoo. Naalala niya pa ang lahat.
" Akala mo siguro do ko malalaman na nirereach mo pa rin ang babaeng yon?" boses ng matanda
" Why grandpa? I excel in my studies, I did everything you want, I only have one-" di pa man natatapos ang sasabihin niya ay isang vase ang napasag sa harap niya.
" Inuubos mo tagala pasensya ko sa babaeng yon? Pwes sa bawat do mo pagasunod sa gusto ko, ang ang Ina niya ang aako ng pasurang dapat sayo! Tingnan natin kung mabubuhay pa ng matagal ang Ina nya,matapos Kong ipatigil Ang libreng gamutan ng kanyang Ina" nanlilikis ang mata nito sa Galit.
" Yan ang di mo pwedeng Gawin grandpa! Anu pa ba Ang gusto mo? Ang gawing bato ang puso ko ?"
" Nope, I only want your brighter future, and mangyari lang yan pag nawala sa sestima mo ang babaeng yon!"
Napatayo ang binata sa kinauupuan nito," You think that's easy?"
" Yes! " Sabay tapik sa dalawang balikat ng binata. Umiwas ang binata Mula sa matanda , huminga ng malalim. Kailangan niyang protektahan ang dalaga, di pwedeng tumigil ang pagpapagamot ni nanay Elena . Di niya pwedeng ipaalam sa daddy niya ang tungkol dito may sarili na ng pag iisip. At sa tingin niya, ito ang makabubuti ang protektahan Ang kasintahan sa mga masamang balakin ng Lolo niya.
"I will do whatever you want, just leave my woman alone" Puno ng tatag na sabi ng binata. Nagsisgaw sa puot at Galit ang puso niya para sa matanda,pwede niya namang piliing wag sundin ito, per na isip niya ang ama,di ito ang pinangako niya rito.
" Good! And I congratulate you for your decision! You made the right choice! Don't worry I can find a better woman for you!" Nakangiting sabi ng matanda
" Leave me alone, susunod ako sa gusto mo basta para sa kompanya, pero di ibig sabihin non na may karapatan kang patakbuhin at utusan ang puso ko" pagkasabi niya niyon any tinalikuran niya ito. Galit na Galit ito sa ginawa, do pinalaking bastos ng mga magulang niya, pero ito ang nagtulak para Gawin niya iyon dito . Simula sa araw na iyon ay di na nakipag ugnayan sa kasintahan. Ito ang paraan na napili niya upang protektahan ito.