KABANATA 71 - A ** DOLLY POINT OF VIEW ** Kinausap ako ng doctor tungkol sa mga nangyari at sinuri pa nila ako ng ilang beses. Hindi ako makasagot ng maayos sa kanila dahil hanggang ngayon ay para bang nahihirapan pa rin akong mag salita. Nine months akong naka coma at ngayon lang ako nagising. Ramdam kong nag-aadjust pa rin ang katawan ko sa paligid ko habang ang mga doctor ay abala sa pag eexamine sa katawan ko. Tiningnan naman ako ni tito Bishamo na para bang hindi pa rin siya makapaniwala kaya muli ko siyang hinarap. Hanggang ngayon alam kong hindi pa rin sila makapaniwala pero kailangan kong makita si dad. Kailangan ko siyang makita bago tuluyang maging huli ang lahat. “I want to meet my dad.” Seryosong sabi ko. Mula sa narinig ko sa kanya ay may sakit ang ama ko at k

