KABANATA 70 “Mom, you know what kanina? I’ve been reading this book entitled, The Destroyed Wife. Naalala mo po ba na binigay niyo sa ‘kin tong libro na ‘to because you said you cried a lot with this book?” narinig kong tanong nang aking anak. One thing about my son is hindi siya basta basta nakakalimut kaya mahirap mangako sa kanya dahil kahit gaano katagal na ng mga sinabi mo ay naalala niya pa rin. Naalala ko pa ang librong ‘yun. Ito ang istorya ni Maddison na kung saan ibinahagi niya sa kanyang mga mambabasa kung anong klaseng pagmamahal ang kayang ibigay ng isang ina para sa kanyang anak. Hindi lang sa anak kundi pati sa pamilya niya. Naging martir siya at mas piniling manatili sa kanyang asawa na si Austin. Ilang beses siya nitong sinaktan, ilang beses niloko at ilang bese

