KABANATA 69 ** DOLLY POINT OF VIEW ** Isa sa pinakamahirap na gawin ngayon ay idilat ang mga mata ko. Gusto kong yakapin ang anak ko, gusto kong makita ang mga taong malapit sa buhay ko at gusto kong ipagsigawan sa mundo na malaya na ako. Malaya na sa problema, pasakit at pakikipag-away. Kung tutuusin ay kaya ko nang mabuhay sa lugar na ‘to na walang iniindang problema. Mamumuhay ng simple kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit paano ko gagawin ‘yun gayong hindi ko man lang maidilat ang mga mata ko?Paano ako magsisimula kung kahit simpleng pagdilat ng mata ay hindi ko man lang magawa? Days had passed at unti-unting nanghihina ang katawan ko. Minsan talaga mas kilala pa na ‘tin ang katawan na ‘tin kesa sa mga doctor na nakabantay sa ‘tin. Siguro sa tingin nila kaya n

