CHAPTER 22 Si Matsumoto ang tinuturo ng mga assassins na sumulong sa amin. Kaya ako pumunta dito sa Singapore dahil sa isang dahilan. Ang hulihin ang anak ni Matsumoto at gawing paing. Si Kimi. Ang nag-iisa niyang anak na babae pero napakahirap niyang lapitan. Maraming nakabantay at nakapalibot sa dalaga kaa nahihirapan rin kaming lapitan ang kalaban. Gusto ko siyang kunin at gawing paing sa malinis na paraan. Pero pano? Sa pagkakaalam ko, tuso rin si Kimi. Hindi mo mahahalata sa mukha niya dahil napakainosente ng mukha nito, idagdag pa ang mapanlinlang na ngiti nito. Napahilot ako sa sintido ko. Nagiging sakit ng ulo ko na ngayon ang mga kalaban ko. Ramdam ko na ang katapusan kaya kailangan hindi ako magkamali. "What are you thinking?" mukhang nakuha ni Jilton na may naisip n

