Chapter 21 ** DEE POV ** Tulala akong nakatingin sa langit. Masaya na kaya siya? Masaya ka naba sa ginawa ko? Napangiti ako. Malapit na akong matapos at alam kong matutuwa ang anak ko pagnangyari ‘yun. Sa tamang panahon ay makakasama ko na ulit ang anak ko. Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako pero umiiyak naman ang mga mata ko. Nababaliw na ba ako? Psh! Napapaisip tuloy ako kung ang mga baliw ba ay natatanong nila ang sarili nila kung baliw na ba sila? "Hey?" napatingin ako sa taong lumapit sa ‘kin. Ito ang pangalawang araw namin dito sa Singapore. Sa hotel kami nag e-stay ng mga kasama ko. Hindi ko rin inaakala na makikita ko si Channel, Gucci at Hermes dito. Hindi lang pala ako ang nandito. Iba na ang tingin nila sa ‘kin, pakiramdam ko ay hindi na sila ang dating mga kaibigan ko

