Chapter 20 Ilang araw na ang lumipas at hindi pa rin matanggal sa isipan ni Kenji ang panaginip niya. Hindi niya na muling maalala ang mukha ni Dolly at kahit ‘yung batang tinatawag siyang Daddy. 'Sino ‘yung bata?' 'Bakit niya akong tinatawag na daddy? Di kaya, ako ang ama niya? Pero hindi. Patay na ang anak ko.' 'Bakit di ko na maalala ang mga mukha nila? Si Dee ba talaga ‘yun? Ang bata... Bakit hindi ko na maalala ang mukha ng bata?' Kanina pa siya kakaisip sa panaginip niya. Parang may gustong ipahiwatig ang panaginip niya. Lingid sa kaalaman niya ang pag mamasid ng mga pinsan niya sa kaniya. Akala ni Kenji ay nakatuon ang atensyon ng mga to sa mga baraha nila pero mali siya. Nasa kaniya ang atensyon nito. Ang akala ni Kenji ay nagbabakasyon lang ang mga ito pero hindi

