Chapter 19
Hindi alam ni Kenji kung bakit pumunta pa sa kanilang mansyon ang mga pinsan niya. Sa katunayan ginambala nito ang tulog niya sa condo nito. Kinalampag nito ang pintuan ng condo niya at pinapauwi siya dahil narito ang mga pinsan niya. Di niya alam kung bakit pa ito pumunta ng Pilipinas na lahat sila ay payapa na na naninirahan sa Japan.
Pumasok si Kenji sa kwarto niya para ipagpatuloy ang naudlot niyang tulog. Pinikit niya ang mga mata niya. Isang larawan ang nakakita niya sa kadiliman. Ang ngiti ng dalaga, ang bawat halakhak nito sa mga pagkikiliti niya, ang mga lambingan nila at ang tampohan nila bago ito biglang nawala na parang bula. Parang kahapon lang nung kinukulit niya ito para lang maging okay na sila ng tuluyan. Ginawa niya lahat para mabawe ang dalaga at para sa kaniya di naman siya nabigo dito dahil parang nakukuha niya na ang tiwala ng dalaga. Hindi nga lang buo pero alam niyang may kalalagyan siya sa puso nito.
Hindi naging madali ang ginawa niyang panunuyo sa dalaga. Minsan nga nawawalan na siya ng pag-asa pero iniisip niya na lang na kailangan niyang intindihin ito para sa kapakanan nilang dalawa. Alam niyang may may tinatago ang dalaga at handa siyang maghintay hanggang muli siyang pagbuksan ng pinto ng dalaga.
Dinilat niya ang mata niya at napaupo. Isang linggo ng huli niyang nakita si Dee. Hind niya na alam kung saan ito hahanapin. Kulang nalang ay baliktarin niya ang buong condo nito. Naiinis siya sa naiisip niya. Na baka kung sino na ang tinagpo nito. Naalala niya ‘yung sinabi ng dalaga na aalis siya. Napailing si Kenji. Mali. Dapat hindi ko siya pinagdududahan.
Tumayo siya para maligo. Di rin naman siya makatulog ulit dahil sa dami ng iniisip niya.
"Ano ba! Akin na nga yang ulam ko!"
"Habulin mo muna ako!"
"Arrrggg!"
"Para kayong mga bata!"
"Tama na yan!Ano ba kayo!Tumanda kayo ng paurong!"
"Quiet!!!"
"Ibalik mo ang ulam ko!"
Nasa hagdan pa lang si Kenji ng marinig niya ang pagtatalunan ng mga pinsan niya. Napailing siya. Kaya nga ayaw na ayaw niya na makasama ang mga pinsan niya dahil sa pagiging isip bata nito. Ang lima niyang pinsan lang ang bumalik mula Japan dahil dito nila ipagdidiriwang ang bagong taon. Kahit siya ay hindi niya inaasahan na ang mga pinsan niya pang sira ulo ang makakasama niya.
"Oh! Andyan ka na pala." sabi sa akin ni Keir. Isa siya sa mga pinsan ni Kenji. Silang mag pinsan ay halos mag kaparehas lang ng mukha kaya mahahalata mo agad na magkadugo nga sila.
Kahit sa ugali ay may pagka parehas din sila pero sadyang mas seryoso si Kenji. Halos di niya alam ang salitang ngiti. Minsan mo lang siya makikitang ngumiti at ‘yun ay pag kasama niya si Dee. Tanging ang dalaga lang ang may kayang kontrolin ang emosyon niya.
Tumango lang si Kenji at umopo sa kanan. Nasa gitna nakaupo ang pinaka nakatatanda sa kanila na si Kevin. Si Kevin ay isang seryosong tao at halata mo ang pagiging mas nakakatanda sa kanila. Kuhang kuha ng nakatatanda ang respeto ng magpinsan, maliban na lamang sa harap ng hapagkainan. Parang mga walang manners ang mga pinsan niya at parang mga patay gutom kung umasta ay parang ilang taong hindi pinakain. Sa katunayan ito ang kanilang pagpapakita na naglalambingan lamang sila. Ganiyan sila mag lambingan kaya ayaw na ayaw na sumama ni Kenji sa kanila dahil likas silang mga weirdo.
Tahimik lang na kumain si Kenji at tahimik lang din siyang natapos. Minsan kinakausap siya ng pinsan niya pero tanging isang tanong isang sagot lang ang nangyari. Kahit kasi di sabihin ng mga pinsan niya ay alam niya na may tinatago ang mga pinsan nito sa kanya. Isang misteryo sa kaniya ang nakaraan ng pamilya nila. Minsan nga naiisip niya kung isa din ba siya sa kanila.
Bumalik siya sa kwarto niya at kinuha ang cellphone niya. Ilang araw ng di nagpaparamdam si Dee. Kahit sa mga emails at calls di niya ito sinasagot. Gusto niyang sapakin ang sarili niya na baka may nagawa siyang kasalanan. Nakakuha na siya ng pagkakataon para bumalik sa kanya ang dalaga ngunit nawala naman ito na parang bula.
Kinuha niya ang cellphone niya ng mag ring ito.
"Hello." sagot niya sa kabilang linya.
(“Pare.”.) si Lex. Ang kaibigan niya. Sa pagkakatanda niya, maraming naitulong si Lex sa kaniya lalo na sa trabaho na kung minsan ay di siya sumisipot sa meeting ay si Lex ang umaasikaso. Gusto niya kasing mag focus kay Dee. Ito ang priority niya at wala ng iba.
"Oh. Wazzup?" malamig na sagot nito.
(Pare, next week may seminar to all businessmen and businesswomen. Gusto ko sana na ikaw nalang ang pumunta. Di ko maiwan ang pamilya ko, pare. You know dude that they need me. Lalo na ng anak ko. Magwawala si Hersheys pag ako ang pupunta dun. Alam mo naman pano magalit ang amazonang ‘yun! Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo pare, pero di ko naman pwedeng kombinsihin si Nicolle dahil baka di niya kayanin. Kaya pare---) Di niya na ito pinatapos.
"Okay. I'll go." Kahit naman di niya ito sabihin ay talagang siya ang pupunta. Baka makatulong din ang seminar nato sa pag tanggal ng mga iniisip niya. Kailangan niya rin ito para mas ma focus niya sa trabaho ang atensyon niya kahit papano. Ngayon kasi ay parang nakakalimutan niya na ang trabaho niya dahil sa personal niyang problema.
He sigh. Nakaramdam siya ng inggit kay Lex. Kung naging matapang lang sana siya, sana may pamilya na rin sila ni Dee ngayon.
(Thanks dude! By the way, two weeks ‘yun pare. Sa Singapore ‘yun gaganapin. Sige bye!) What the hell! Sasagot pa sana siya pero binaba na ni Lex ang tawag. TWO F*CKING WEEKS? As in 2WEEKS? Kaya niya ba ito? Nagdadalawang isip pa ang binata bago niya napagdesisyonang kailangan niyang pumunta para sa kompanya nila.
Humiga siya ulit at pinikit niya ang mata niya. Hindi niya namalayang unti-unti na siyang nilamon ng antok.
Now Playing: All time Low
By: Coffee Shop Soundtrack
"Da-Daddy.." nakita niya ang isang bata na tinatawag siyang daddy. Umiiyak ito at natatakot. Dahan dahan itong lumapit sa kaniya habang siya naman ay dahan dahang umatras. Napatingin siya sa paligid. Nasa rooftop sila. Pamilyar ang lugar.
"Si-sino ka?" tanong niya sa batang nasa harap niya. May kamukha ang bata pero di niya masabi kung sino. Parang nakita niya ito.
"Da-Daddy.." ulit ng bata.
"Daddy? I'm not your dad." mahinahon niyang sagot pero mas umiyak ng todo ang bata at umupo. Yumuko ito at pwenesto ang mukha sa braso niya habang nakaupo. Palakas ng palakas ang iyak nito at tinatawag ang daddy niya.
"Hey, kid! Stop cying." sabi niya. Di niya alam pero sobrang lakas ng pintig ng puso niya. Para siyang aatakihin sa puso. Umatras siya ng maramdaman niyang gumapang ang bata papunta sa kinatatayuan niya habang pa ulit-ulit na sinasabi ang salitang 'Daddy'.
Gusto niya mang tawagin siyang daddy pero hindi sa ganitong sitwasyon. Kinakabahan siya. Kahit kailan di niya naramdaman to, ang kabahan ng sobra sobra. Napatingin siya sa nakapalibot sa kaniya. Nasa veranda siya. Kung kanina ay nasa rooftop siya, ngayon ay nasa veranda na siya ng pamilyar na lugar. Pula at itim ang kulay. Parang imperno. Kung di siya nagkakamali ay parang kuta ito ng mga demonyo.
Napailing siya. Di ito ang kuta ng demonyo. Ito ang condo ni Dee. Pero bakit siya napadpad sa lugar na to?! Naguguluhan siya. Hinanap niya ang taong nakatira rito pero di niya mahanap. Sa halip ay nakita niya ang bata na tumayo. Umiiyak ng dugo at may nakasabit na ahas sa leeg niya. Isang mahaba na ahas ang nakatali sa leeg niya.
"Da-Daddy." Paulit-ulit nitong tawag sa kaniya. Gusto niyang hawakan ang bata pero parang may pumipigil sa kaniya.
"Kid, may ahas sa leeg mo." kahit na takot siya ay nakuha niya pa ring sabihin ito sa bata. Unti unting lumalayo ang bata sa kaniya pero di naman ito umatras palayo sa kinatatayuan niya. Nakatayo lang ito at patuloy lang sa pag iyak ng dugo. Gusto niya itong hawakan at habulin.
Lumakad siya papalapit sa bata hanggang sa naramdaman niya nalang ang kanya sarili na hinahabol na ang bata. Parang ayaw niyang pumikit dahil ayaw niyang mawala sa paningin niya ang bata. Unti-unting napalitan ng kadiliman ang lugar. Unti unting nawala ang bata.
"Kiddo! Nasaan ka na?" umikot siya at hinanap ang bata. Di niya alam pero biglang namilipit siya sa sakit ng dibdib niy.
"Uggggghhhh!" Umungol siya sa sobrang sakit ng dibdib niya. Umopo siya at hinawakan ang dibdib niya. Sobrang sakit. Madiin niyang pinikit ang mata niya. 'It's F*cking HURTS!!!!!!!!' Sigaw ng kanya isipan.
Biglang nawala ang sakit ng dibdib niya. Minulat niya ang mata niya. Nakita niya may nakatayo sa harapan niya dahil nakita niya ang pares ng paa habang nakaupo siya. Unti-unti niyang inangat ang ulo niya. Napaka ganda ng lugar. Isang hardin, maraming bulaklak sa paligid ngunit di ito ang kinagulat niya. Nakita niya ang batang umiiyak kanina na may hawak na baril at nakatuon ito sa sentido niya. Halos di siya makagalaw sa pagkakaupo niya.
Inosente ang mukha ng bata at di mo aakalahin na magagawa nitong humawak ng baril. Pero kahit ganito ang sitwasyon nila ay di siya nakaramdam ng takot sa bata. Ngumiti siya rito at dahan dahang tumayo. Hahawakan niya sana ang baril pero umatras ang bata.
Dun niya lang napansin na may tao pala sa likod nito. Malayo ito sa kanila pero kitang kita niya kung sino ito. Si Dee. Ang babaeng mahal niya. Nagulat siya ng makita niya dun si Dee. Bakit siya nandun?!
"Don't come here, love!" sigaw niya ng mapansin nito na lumalapit ito sa direksyon nila. Wala kang makikitang takot sa mata ng dalaga. Blangko lang ang mga mata nito habang lumapit sa pwesto nila. Huminto ito sa likod ng bata.
Mas natitigan niya si Dee. Ngayon niya lang nahalata na may ahas ito sa leeg niya. Para bang pinaglalaruan sila ng ahas.
"Kill him!" may sumigaw. Boses ng lalaki pero di niya makita. Bigla niya na lang naramdaman ang pagbaon ng bala ng baril sa pagitan ng kanya dibdib. Hinawakan niya ito at nakita niya ang dugo. Gulat na gulat siyang tumingin sa bata at kay Dee pero napalitan ito ng ahas. Ang ahas na nasa leeg ng bata at leeg ni Dee ay iisa. Ito ang nakita niya bago siya nilamon ng kadiliman.
Nahuhulog siya sa kadiliman. Kadiliman. Kadiliman.
"Kenji!" naramdaman niyang may umalog sa kanya.
"Kenji!" May tumatawag ba sa pangalan ko? Bakit sobrang dilim?
"Kenji!" Minulat niya ang mga mata niya nang marinig niyang tinatawag siya ng pinsan niya. "Binabangungot ka, bro!" wika sa kaniya ni Keir.
Napaupo siya habang sunod-sunod ang habol hiningang ginawa niya. Pawis na pawis pa siya na para bang ilang metro ang tinakbo niya dahil sa sobrang kaba at pagod. ‘Yung pakiramdam na natutulog lang naman siya pero pakiramdam niya ay gising siya buong oras. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari.
'Panaginip? Sana nga . .Sana nga panaginip lang.' bulong niya sa kanyang sarili.