Chapter 18
Di alam nang binata ang ibig sabihin ng dalaga noong huli silang mag kita. Nang gabing ‘yun ay umuwi siyang maraming tanong sa kanya isipan. 'Sinong HIM? Bakit ba mas pipiliin niya ang lalaking ‘yun? Sino ba siya?' tanong niya sa kanya isipan.
Sa pagkakaalam niya kasi at base na rin sa sinabi ng hinired niya na nag imbestiga sa dalaga ay wala naman itong kinakasama o kasintahan. Sinugarado niya ‘yun na walang lalaking naglalaman ng puso ng dalaga at napatunayan niya ‘yun ng nakasama niya ito kahapon. Alam niya at ramdam niyang may natitira pang pagmamahal sa kanilang dalawa at ang tanging kailangan lang ay mas intindihin niya ang dalaga.
‘Blood is thicker than water?’ Sino ba ang ibig niyang sabihin? Napailing ako. Pero papaano ko ba matutulongan si Dolly kung hindi ko naman alam ang pinagdadaanan niya? Tanong niya sa kanyang sarili.
Paano niya iintindihin ni hindi niya nga alam kung anong pinaglalaban nito? Di na ‘yun mahalaga. Ang importante ay makuha niya ulit ang loob at ang tiwala nito. He want to win her back. Gusto niyang ipaglaban ang babaeng mahal na mahal niya. Lumabas siya ng silid at pumunta sa kusina nila. Umuwi siya ng mansyon mula nung umuwi ang kuya niya. Di na sila masiyadong nag uusap ng mga magulang niya na para bang ang layo na ng loob nito sa kaniya. Di niya alam pero parang may mali sa paligid niya.
Sa kuya niya rin nalaman ang ibang detalye ni tungkol sa babaeng minamahal nito. Ang sabi ng kuya niya ay nakilala niya lang ito sa Japan. Napakaliit ng mundo, sabi ni Kentaro sa kanyang isipan. At ang mas kinagulat niya ay muntik pang magkaanak si Kenji at Dolly. Di niya inaasahan ‘yun. Parang pinaglalaruan ng kapalaran ang kapatid niya at ng babaeng si Dolly.
Alam ni Kentaro na imposible. Napakaimposible na magkatuluyan ang dalawa dahil sa lihim ng kwento ng Green Palace. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ni Kentaro sa dalaga ng malaman na ito pala ang minamahal ng kapatid niya. Alam niyang di niya kailangang maramdaman to pero naaawa siya para sa dalawa. Sa tingin niya ay mauulit na naman ang nakaraan.
"Oh! Can’t you sleep?" tanong ni Kentaro nang makalapit na siya sa kanya kapatid.
"Yeah. I'm just thinking." Sagot ni Kenji at dumeretso sa kwarto niya. Sumunod naman agad si Kentaro sa kanyang kapatid.
"Is it all about Dolly? I mean, Dee?" pangungulit ni Kentaro saka naman naghubad ng tshirt si Kenji at nagpalit ng damit. Tiningnan niya ang kuya niyang nakaupo sa sofa.
"Yea." napabuntong hininga siya.
"Alam ko may alam ka pa kuya. I need you. I want to know everything." Seryosong wika ni Kenji saka umupo sa harap ng kapatid niya. Nakapamulsa siyang nakatitig rito. Gusto niyang iparamdam sa kuya niya na seryoso siya lalo pa at involve ang babaeng mahal niya.
"‘Di ba may alam ka na?" inosenteng tanong ni Kentaro. Kilala niya ang kapatid niya, hind siya titigilan nito hanggang hindi niya naibibigay ang gusto nito.
"I think it's not enough! It looks like puzzle to me." he groaned. Napakasimple lang nang gusto niyang mangyari at ‘yun ay mahanap ang sagot kung bakit nagkakaganon si Dolly. Gusto niyang malaman ang sekreto nito at kung ano pa mga nangyari sa mga taong nagdaan na wala siya sa tabi nito. Maraming panahon ang nasayang at sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagka letse-letse ang buhay nilang dalawa.
Uminom ng alak si Kentaro bago kinausap ang kapatid. "You can't protect her everytime." Malabong mangyari ‘yun. Matagal na nila tong tinatago kay Kenji at hindi pwedeng malaman ng kapatid niya ang sekreto ng pamilya nila. Kung maari mananatili na lamang itong sekreto sa kapatid nila dahil paniguradong mas masasaktan ito pag nalaman ang puno’t dulo ng lahat.
"Why? I'm sure I can protect her. You know that." mas pinili nalang ni Kentaro ang hindi sumagot.
Sa oras na protektahan niya ang babaeng ‘yun, masasaktan ang ama nila. Naisip niya, kailangan ba talagang magkalapit ng dalawa ng walang nalalaman? O kailangan nilang malaman at labanan ang isa't-isa? Napaka komplikado ng lahat.
Ano nalang ang mararamdama ng kapatid niya pag nalaman niya na ang hinahanap ng babaeng mahal niya ay ang ama nila? Paano kung malaman ng babaeng ‘yun na ang bumuo ng Organisasyon na ‘yun ay ang ama nila? Paniguradong masasaktan ang kapatid niya.
Kahit mahigpit si Kentaro at walang pusong pumapatay, pag dating sa kapatid niyang si Kenji ay tiklop sila. Ayaw nilang malaman ni Kenji tungkol sa organisasyon dahil maaring ikapahamak niya lang ito. Lalo na kung ang kalaban nila ay ang buong angkan ng babaeng mahal ni Kenji.
"I don't understand her." napabuntong si Kenji at tumayo para pumunta sa gilid ng kama niya na kung saan nandoon ang isang maliit na ref saka siya kumuha ng dalawang beer para sa kanilang dalawa ni Kentaro.
Nakinig lang ang panganay sa kaniya. Alam niyang kailangan siya ngayon ni Kenji lalo na at tungkol sa pag ibig. 'Teka, ano bang alam ko sa pag ibig?' tanong niya sa kanya isipan. Kahit kailan di niya naranasang mag mahal. Di siya pwedeng mag mahal kaya nga malaki ang inggit niya sa kapatid nito dahil mula pagkabata ay talagang natuto na nitong mag mahal. Ang akala nila dati ay lilipas lang ang nararamdaman ni Kenji para kay Dolly pero nang tumungtong ito ng high school ay mas lalong lumala ang pagkagusto nitong makita ang dalaga. Hindi nga nila lubos maisip na nagkaroon na nga ng relasyon ang dalawa. Hindi man lang nila ito napigilan.
"Di ko alam kung para kanino siya lumalaban. Sinong him ang tinutukoy niya?” seryosong tanong ni Kenji at umupo sa kabilang upuan habang nakikipag-usap kay Kentaro. “Blood is thicker than water? So kadugo niya? Kadugo niya ang pinaglalaban niya. Ang Mafia family ba? ‘Yun ba? Pero hindi.” Napahinto ito habang nag-iisip. Nakatitig lang si Kentaro sa kapatid niya at inoobserbahan ang kakayanan ng kapatid niyang hanapin ang sagot sa mga katanongan nito. “Siya ang pinoprotektahan ng Mafia family. Kung ganun sino ang HIM na tinutukoy niya? Damn!" parang tanga niyang sinabunotan ang sarili. Napailing na lang si Kentaro habang parang tangang kinakausap ni Kenji ang sarili niya.
"I think you need to rest. Sige na matulog ka na. Matutulog na rin ako dahil maaga pa ang flight ko bukas." Aalis na kasi si Kentaro gaya ng napag-usapan nila ng dalaga. Medyo natagalan lang dahil gusto niyang itago si Dolly. Gusto niyang protektahan ang dalaga sa Pilipinas. Naisip niya na pag naprotektahan niya ang dalaga ay mapoprotektahan niya rin ang kapatid niya.
"Yeah..Yeah..Mabuti pa nga." Parang binagsakan naman ng langit at lupa ang kapatid niya saka tumayo. Hinawakan niya ito sa balikat kaya naman napalingon ang binata sa kanya, "Soon. Maliliwanagan ka rin. Hindi pa nga ngayon ang tamang oras Kenji."
--
Dolly Pov *
Ang sakit nang ulo ko dahil sa nakatambak na mga papeles sa opisina ko sa A.C! Pagod na nga ako sa gabi pati ba naman sa umaga papagorin pa rin nila ako?
Alam kong gusto lang nila akong pigilan sa mga ginagawa kong paghahanap sa taong hindi ko naman kilala. Gabi-gabi akong gumagawa ng dirty business pero di ko talaga siya mahagilap. Nung nakaraang gabi pa nga ay nahirapan akong taposin ang transaksyon dahil sa hindi pagkakaunawan at nahantong pa sa madugong barilan. Nalaman ko pa na may pomuprotekta sa ‘kin sa mga kalaban namin.
Pero sino?
Mafia Family?
Hindi.
Bilang lang ang mga kasama ko na alagad ng Mafia family at alam kong di sila, pero sino?
Sa gabi ko ginagawa ang dirty business sa umaga naman ay nasa A.C ako para sa kompanya. Minsan nga ay tumatanggi na ako sa trabaho dahil nagmumukha na akong ‘the walking zombie’ sa QC. Minsan pa nga dumalaw sa ‘kin si Jilton at tinanong kung kakainin ko na ba ang brains niya dahil mukha na daw akong zombie na walang kain. Sinagot ko naman siya na wala akong mapapala sa kanya dahil wala naman siyang brains. Natawa lang ang loko.
Nagtext rin sa ‘kin si Raul na nasa Guam siya at marami daw chiks doon. Psh! Hanggang ngayon ay playboy pa rin ang lalaking ‘yun. How I wish makilala niya na ang karma niya! Sinabi niya pa sa ‘kin na kung gusto kong takasan ang problema at trabaho ko ay tawagan ko lang siya then lilipad siya pabalik ng Pilipinas. Pero sana nga problema at trabaho lang ang maiiwan ko pag ginawa ko ang bagay na ‘yun.
Si Hermes, Chanel at Gucci naman ay wala na akong balita. Ang sabi sa ‘kin ni Jilton ay may ne-re-research daw. May kailangan daw silang imbestigahan. Ewan ko ba, gumugulo na ang buhay ko ngayon. Mas naging komplikado ang lahat lalo pa at parami nang parami ang mga taong lumalapit sa ‘kin. Mas marami tuloy akong props sa buhay at talagang mahihirapan ako pag nagkataon.
"Hi, sweetheart!" napalingon ako sa pinto ng pumasok na naman siya. Sa twing nag iisip talaga ako ay umiiksena ang lalaking ito. Feel at home pa talaga at umupo agad sa sofa at nilapag ang cake sa lamesa, "Let's eat cake!" dagdag pa nito. I rolled my eyes.
"Bakit ka na naman ba nandito?" tiningnan ko ang dala niya, “Baka naman may gayuma ‘to ha?” pasimpleng biro ko. Lagi niya nalang akong pinupuntahan mula nung gabing pumunta siya sa condo ko.
Ang alam ko busy siya at maraming ginagawa pero nagkakaoras pa siya para dalawin ako at dalhan ng cake at kung ano-ano sa opisina ko. Mag iisang linggo niya na tong ginagawa at inaamin kong nasisiyahan ako kahit na iba ‘yung pinapakita kong dating sa kaniya. Sa kaloob-looban ko ay iba ako umasta. Parang ayaw kumuwala ni Dolly sa katawan ko dahil mas malakas si Dee. Ang Dee na lumalaban at ang Dee na matapang.
"Common Sweetheart. I miss you." malambing na sabi nito at kumuha ng tinidor at plastic plate sa hawak nitong plastic bag. Always ready.
"‘Di ba kagabi lang tayo nag kita? Binulabog muna naman ako sa condo kagabi tapos miss me agad?" malamig kung sabi. Di naman sa ayaw ko na nasa condo siya ang totoo nga ay I found it sweet. Ibang iba siya sa Kenji na minahal ko. Naging sweet siya ngayon. Minsan nga tinatanong niya kung galit pa ba daw ako sa kaniya. Bakit naman ako magagalit sa kaniya? Tss. Nangyari na ang dapat mangyari at kung magagalit man ako sa kanya ay wala rin namang magbabago.
"Yea. I really miss you honey. Sana pumayag ka kagabi na dun ako matulog sa unit mo para kahit papano naman ay hindi kita mamiss ng ganito." pilyo itong ngumiti. Inirapan ko lang siya at lumapit rito para na rin makikain. Cheesecake! My favorite!
Narinig ko siya palihim na tumatawa. Di ko talaga mabasa ang lalaking to. Ayaw kong masanay na nandyan siya lage. Ayaw kong mapalapit sa kaniya pero sa ngayon...parang . . gusto ko munang . .maging selfish.
Kahit tinutulak ko siya palayo ang totoo eh gustong gusto ko siya na nasa tabi ko. Ewan ko lang pero para kaming bumabalik sa dati. Di ko man ipahalata at nananatiling pa ring malamig ang pakikitungo sa kaniya alam ko na ramdam niyang gusto ko pa siya. Siya ang mas nakakakilala at nakakaalam sa akin, sa akin bilang si Dolly, bilang tunay na ako.
"Anong nginingiti mo dyan? Kinikinilig ka na ba?" ngumiti ito habang pasimpleng kinikiliti ako. Siniko ko naman siya at inis na tiningnan. Tumawa naman siya ng malakas. Di ko nalang pinansin at umalis sa tabi nito para tawagan ang sekretarya ko para dalhan kami ng juice. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya na parang wala siyang ginawang masama. Psh! Nasasanay na siyang hawakan ako. May vibration pa namang nagaganap pag ginawa niya ‘yun. Er!
"Anyway, pupunta ako mamaya sa unit mo." he declared.
"Again??" he just smiled as a reply.
"Alam ko namang gustong gusto mo na nandun ako. Aminin muna kasi." umupo ako sa swivel chair at naramdaman ko siyang sumunod. Lumapit siya akin at nilapit ang mukha niya sa mukah ko kaya napaiwas ako ng tingin. "Kahit iba ang mga salitang binibitawan mo at kahit iba ang pakikitungo mo, alam ko.. dito.." tinuro niya ang may dibdib ko. "Ako pa rin ang laman nito. Ramdam ko ‘yun." ngumisi siya na para bang nanalo siya sa sabong. "Kaya sa ayaw at gusto mo, pupunta pa rin ako at ipagluluto ulit kita. Wait, anong gusto mo for dinner?" tanong nito.
I rolled my eyes. "You need to stop it Kenji."
"NO!" deretsong sagot nito at mas nilapit pa ang mukha niya. Konting konti nalang at mahahalikan niya na ako kaya umatras ako.
"Mawawala ako ng ilang araw." I said. Mabuti na lang at hindi ako nautal habang sinasabi ang linyang ‘yun. Napakunot ang noo niya at para bang may nakasulat rito na saang imperno ako pupunta? I rolled my eyes. Hindi ko pwedeng ipagpaliban ang lakad ko at kahit pigilan niya ako ay aalis pa rin ako. “May pupuntahan ako at importante ang taong pupuntahan ko.” pagdidiin ko bawat salita.
"What?! Bakit? Saan kaba pupunta? Sinong kasama mo? How about me? Iiwan mo ako mag isa?" sunod na sunod na tanong nito. Napairap ako. Parang siya pa yata ang babae sa ‘ming dalawa o sadyang nagpapa-cute siya? Psh! Dati-rati nga ay halos hindi lumalagpas ng sampong salita ang binibitawan niya at hindi rin siya mahilig magtanong ng kung ano-ano sa ‘kin tapos ngayon? Napangisi ako.
"Malaki kana. Kaya mo naman sigurong mag isa." Malamig kong sagot. Alangan namang sabihin ko sa kanya na sumama siya? Mas malaking problema ‘yun pag nagkataon.
"Bakit? Yang pupuntahan mo malaki naman siguro ‘yan. Kaya na niyan ang sarili niya. Malapit na ang bagong taon, love. I want you, beside me." malambing sa sabi nito at dinikit niya ang noo niya sa noo ko kaya napahinto ako.
Kung alam niya lang sana kung sino ang pupuntahan ko. Di ko to pwedeng ipagpaliban ang alis ko dahil sa isang taon ay isang beses ko lang to makikita at ‘yun ay tuwing bagong taon. Kailangan ko ng madaliin ang mission ko. Kailangan ko na tong matapos. Pagkatapos ng bagong taon ay itutuon ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko at sisiguraduhin kong matatapos na ito. Malapit na ako. Konting tiis na lang.
"Huli na to Kenji. Bagong taon bagong buhay. Mag kaniya kaniya na tayo. Nakakapagod nang lagi na lang ganito –“
"No! You can't do this." Putol niya sa ‘kin saka ako nakipagtitigan sa kanya na para ba kaming nagsusukatan ng mata. “You can’t do this to me, Dolly.”
"I can, trust me." Habang nakatitig ako sa kanyang mga mata ay tila may kung anong emosyon akong nakita ron. Lungkot? Galit? Nagulat na lang ako ng hinalikan niya ako sa labi at mas diniin niya pa ito na para bang gusto niyang lunokin pati ang ngipin ko. *Rolled eyes*
Hinawakan niya ako sa bewang at pinipisil ito na parang nanggigigil at mas diniinan pa ang halik. Halos di na ako makahinga. Di ako lumalaban ng halik sa kaniya pero mas diniinan niya pa lalo ang halik. Sa lalim ng halik niya ay para niyang pinapaliwanag sa ‘kin ang nararamdaman niya. Napapikit ako habang pinapakiramdaman ang bawat haplos niya sa bewang ko at ang pagdiin ng labi niya sa labi ko.
Naibalik ko ang atensyon ko sa pag bukas ng pinto at pagpasok ng sekretarya ko. Di pa rin siya bumitaw kahit anong tulak ko kaya tinapakan ko ng sobrang napakalakas ang paa niya. Agad naman siyang napabitaw.
"F*ck!" narinig kong mura niya.
"I'm s-sorry ma'am, sir." utal na sabi nga sekretarya ko na tila naiilang.
"Can you just leave this room?!" Maanghang na sagot nito sa sekretarya ko at naramdaman kong natakot ito sa inasta ng kaharap ko ngayon. Tinulak ko naman si Kenji para makatayo ako saka ako lumapit sa sekretarya ko. Kinuha ko ang dala nitong juice na hiningi ko kanina tapos nag 'Thank you.'
"It hurts!" naiinis na sabi nito bago umupo sa tabi ko. Tumayo naman ako at baka kasi ano na naman ang maisipan niyang gawin. Bigla-bigla nalang siyang humahalik sa ‘kin ng walang paalam at nakakasanayan niya na ang bagay na ‘yun dahil hindi naman ako pumapalag. Mas nahihirapan tuloy ako sa kaniya. Pero I found it sweet. The way he act, para siyang boyfriend ko. Ewan ko ba pero kinikilig ako sa mga ginagawa niya at sa pagiging possessive niya. I closed my eyes and smiled.
"You deserved that, sweetheart." hindi ko sinasadya na maging mapang-akit ang boses ko ng sinabi kong ‘yun. Oh-uhh! Napatingin ako sa kaniya at huli na ng marealized ko kung anong sinabi ko. Nakita ko siyang may ngiting aso sa mukha niya na para bang handa na naman siyang kagatin ako. Awwww! Stupid Dolly!