CHAPTER 17
Humiga agad ako sa kama ko pagkatapos kong maligo at maglinis sa CR. Sobrang sakit ng puson ko kaya napilitan akong umuwi at umabsent nalang. Ganito talaga ako pag unang araw ng dalaw ko. Sobrang sakit. Napatingin ako ng lumapit siya sa akin na may dalang gamot.
"Drink this. It can help you to heal the pain." napangiti ako. Kung may sagot na gamot sa lahat ng mga masasakit na naranasan ko sana matagal na akong uminom. Napailing na lang ako sa ‘king naisip at tumingin sa kawalan.
"No. I don't need that." Sagot ko sa kanya.
"Don't be stubborn, love. Drink this before you sleep." Pagmamatigas niya at inabot niya ang kamay ko.
"I said no. I don't believe in medicine. Tss. Water will do." kinuha ko ang tubig na dala niya at ininum ‘yun.
"Hanggang ngayon matigas pa rin ang ulo mo." I just smile. Natigilan siya bigla kaya napakunot ang noo ko saka nag-iwas ng tingin.
"This is the first time I saw your real smile." I rolled my eyes at tumalikod sa kaniya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito? The more I resist, the more I want him back. Oo inaamin ko na may kung ano akong nararamdaman sa ginagawa niya. Di ko alam pero..pero..pero... parang safe ako pag siya ang kasama ko.
Naramdaman ko na may naglagay ng kumot sa ‘kin kaya nilingon ko agad siya sa likod ko.
"Sleep well, love." then he kissed my forehead before he left. Parang huminto ang pag hinga ko. Seriously, Kenji? Mas lalo niya lang pinapagulo ang utak ko.
*
Nagising ako nang may naamoy akong masarap na pagkain. Wala pang isang minuto ay naidilat ko agad ang aking mga mata. Pagkain? Mabango? Ako lang naman mag isa rito ah?
Tiningnan ko ang orasan at 7:43pm na. Pumasok ako sa CR para mag ayos at inipit ko sa legs ko ang maliit na baril kung sakali mang merong bisita. Isa rin kasing mahaba na damit ang suot ko. Pag natutulog ako tanging bra at panty lang ang suot ko pero ngayong bago ako natulog ay may kasama ako kaya nag suot nalang ako ng mahabang damit na hanggang tuhod ‘yung haba pero manipis at komportableng suotin.
Pumunta ako sa kusina para makita kung anong nandun. Dahan-dahan akong naglakad para tingnan kung sino ang kasama ko ay napahinto na lang ako dahil kahit nakatalikod siya mula sa pwesto ko alam ko na kung sino ito. Kilalang kilala ko ang likod nito.
"Akala ko umalis ka na?" panimula ko bago umupo sa mesa.
"Oh! Andyan kana pala. Umalis lang ako para mag grocery tapos bumalik ako para ipagluto ka." tumingin ito sa akin bago ngumiti. "Why? You already miss me, love?" he teased.
"Of course NOT!" I replied. Tumango tango naman siya na parang di naniniwala. Pinabayaan ko nalang. Nilagay niya ang pagkain ang plato sa harap ko. Akmang aabutin ko na sana ang kanin ng nilayo niya ‘to bigla sa ‘kin.
"Hey! Ibalik mo sa akin yan. I'm hungry!" sita ko.
"Oh-huh! You wash your hands first." sabi niya. I rolled my eyes. Tumayo naman ako habang siya bumalik sa niluluto niya. Kung di ako nagkakamali nagluluto siya ng chicken curry, my favorite.
"Kanina mo pa ba ‘yan niluluto?" I asked habang naghuhugas ng kamay.
"Yup. Don't worry, malapit nato." he said and looked at me. Bigla akong kinabahan sa mga titig niya kaya naman dali-dali akong bumalik sa upuan ko. "My head hurts." parang batang sumbong niya. Agad akong tumayo at lumapit sa pwesto niya. "My head hurts, really." ulit pa nito habang hinahawakan ang sintido niya at ‘yung isang kamay ay nag hahalo ng niloloto niya. Hayyy! Nagpapalambing na naman to.
Pinahinaan ko ‘yung niluluto niya at hinanap ko ‘yung takip nito at mas nilapitan siya. Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin. Nilagay ko ang kamay ko sa sintido niya at hinilot ito gamit ang dalawa kong kamay. Una umaayaw pa siya pero nung alam niya na ang gusto kong gawin ay bumigay rin ito.
Hinihilot ko ang sintido niya at ramdam ko ‘yung mga titig niya sa akin. Tinitigan ko rin siya sa mata. Ewan ko pero parang may sinasabi ang mata niya. Lungkot? Pagkasabik? Saya? Awa?
Umiwas ako ng tingin. Sobrang lapit pala ng mga mukha namin. Naramdaman ko ang dalawa niyang kamay na nakawak sa bewang ko at mahina itong pinipisil. Napahinto ako sa pag hilot ng sintido niya dahil sa kabang nararamdamdaman ko ay baka narinig niya pa ang kalabog ng dibdib ko. Aalis sana ako ng mas hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko.
"I really miss you." sabi niya na nakatitig sa mga mata ko.
"Stop it." I said.
"Why?"
“Because I said so!" he just smile at me.
"You're still my Dolly." lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Napahawak naman ako sa dibdib niya. Inaamin ko na nararamdaman ko ang ...AHEM! Abs niya pero......Ano ba tong sinasabi ko?! Napapikit ako ng madiin. Tinulak ko siya ng bahagya. Inis naman siyang napatingin sa mga mata ko na kanina lang ay naka titig sa mga labi ko.
"Err. Ang niluluto mo." agad naman siyang natauhan at binitawan ako. Narinig ko siya mahinang nag cu-cussed kaya pasimple akong napangiti. Lumalandi ka na naman, Dolly! Minsan nagiging Dolly ako pagkasama ko ang lalaking to. Ang Dolly na mahina. Tumalikod ako at bumalik sa upuan ko.
Nag uusap din naman kami habang kumakain. Parang ito ang unang pagkakataon na nagkakilala kami at nagkausap. Ewan ko ba pero naging komportable ako sa kaniya ngayon. Parang nasa stage kami ng getting to know each other. Kumbaga back to zero ulit. Gaya ng dati.
"Hmm. Love, can I ask something." kanina ko pa siya sinasabihan na ‘wag na akong tawaging love pero love pa rin siya ng love. Napapangiti ako sa kaloob-looban ko. Oo, kinikilig ako at alam kong hindi ito ang dapat kong maramdaman ngayon. Ngunit gusto ko munang pagbigyan ang sarili ko ngayong gabi. Pagkatapos nito babalik nanaman ako sa dati..Bilang si Dee..
Tumango naman ako.
"Bakit ang weird ng condo mo?" napatigil ako sa pag nguya at napatingin ako sa kaniya. "Kasi napansin ko lang, puno ng pulang gamit. Parang apoy...It looks like hell." Biro niya kaya napangiti ako.
"Ako mismo ang nagsabi na ganitong design ang loob ng condo ko. Gusto kong maramdaman ang lugar na to na tirahan ko." makabuluhang sagot ko.
"A hell?" nagugulohang tanong nito.
"Yes. Puno ng galit, hinanakit at kasuklaman. Walang awa.. lahat..." I replied. Nawalan na ako ng ganang kumain. Patapos na rin naman ako. Tapos na rin siya. Kaya nag simula na akong mag ligpit. Biglang nawala ang mood ko sa tanong niya. May naalala tuloy ako.
"Hope." Biglang sagot nito.
"Ha?" I asked. Pero nakatuon lang ang atensyon ko sa hinuhugasan ko. Konti lang naman to kaya matatapos agad ako.
"You need hope. Hope for everything."
"Maybe." ’yun lang sinagot ko kasi di ko siya maintindihan. Natapos ako sa pag huhugas ng di pa rin siya nag sasalita. Pumunta ako sa living room at in-on ko ang flat screen na t.v. Sumunod naman siya sa akin at umupo siya sa tabi ko.
"I'm sorry for everything." he sincerely said.
I looked at him and smiled. "You know what, it takes a strong person to say sorry. You're strong Kenji, unlike me." napayuko ako. Gusto takasan lahat ng to. Gustong gusto ko. Matutulungan ba ako ni Kenji? Pero hindi... Ayoko! Ayokong masali siya sa kabaliwan ko.
"It takes a strong person to say say sorry, but I believe that it takes a stronger person to forgive." he said. Napatingin ako sa kaniya. Nagtitigan lang kami. May sinasabi ang mga mata niya. Kung alam mo lang sana. Ngumiti ako sa kaniya.
"Mga bata pa tayo noon. That's really the time of our life when we make a lot of mistakes and......choices. And loving you is my choice but living you.......was my mistake." napayuko ako. Ngayon lang kami nagkausap ng tulad nito. Ilang taon rin ang nagdaan mula nang maghiwalay kami at kung tatanungin niya ako kung napatawad ko na ba siya? Well, yes, simply because the time heals the pain, our pain. Kahit naman magalit ako sa kanya ay wala pa rin namang magbabago.
"No, love. Its my fault also. I hurt you. I cheated on you."
"Pero kahit ganun dapat di ako umalis." kasi nung umalis ako mas lumalala pa ang nangyari sa akin. Pero sabi nga ni dad....kapalaran ko to. Iwasan ko man, mangyayari at mangyayari rin ‘to.
"No. Look at me." tiningnan ko siya. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at ang isang kamay niya naman sa pisngi ko. Nakatitig lang kami sa isa’t-isa hanggang bumaba ang mga titig niya sa labi ko kaya napalunok ako. Hahalikan niya sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Err! Narinig ko na naman siyang nag cussed. Napangiti ako at kinuha ang cellphone ko.
"Sinong nag text sayo?" inis na tanong nito.
Tininan ko kung sino at si kuya lang pala. Matagal na kaming di nagkita nila kuya. Nung nalaman nilang buhay ako gustong-gusto nilang lumipad pabalik rito. We keep in touch to each other. Skype at minsan nag tatawagan. Napaiyak panga sila ng makita ako sa skype parang di sila makapaniwala.
Nalaman ko rin na na coma si lolo at nagpapagaling sa Paris kaya di sila maka alis dun. Napangiti ako sa text ni Kuya Madex. Kinukulit ako kung may bagong boyfriend ba daw ako. Tinatanong pa niya kung kami na ba daw ni Jilton. Tss.. Ang kulit talaga.
"Si kuya lang." binalik ko sa mini table ang cellphone ko at tumayo. Tahimik lang kami. Kumuha ako ng alak at sa mini table. Malamang siya ang uminum nito habang natutulog ako. Nilagyan ko ng konteng alak ang baso ko at diritsong ininum ito kahit walang ice.
"Dolly, we can escape. I can help you. Umalis tayo. Takasan natin sila." Biglang sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya. He’s looking at me intently habang hinihintay ang sagot ko. Napailing na lang ako sa inaakto niya. Hindi na kami mga high school para sa mga ganitong drama.
"Ano bang alam mo? Kung mag salita ka parang alam mo ang lahat ah." I rolled my eyes.
"Lahat? About the Mafia sh*t?! The Mafia of your family? That your well known DEATH, Mafia princess, and you're TOP FEMALE ASSASSIN?!!! I knew it, Dee! I knew that you have a dead list, you killed people. You're a killer! But I understand you. You deserve a revenge and they deserve to DIE!" napanganga ako sa deretsong sinabi niya.
"Ho-how?" di ko alam ang sasabihin ko. Ang background ko, ang mga iniingatan kong secreto ng pagkatao ko, nang pagkatao ni Dee. Hindi siya sumagot kaya naman nag iwas ako ng tingin. "There's nothing sadistic in my action." yumuko ako. Wala na ring akong magagawa kung ipagkakaila ko pa. May alam na siya. Ang kailangan lang ay hindi malaman ng iba na may alam siya. Kailangan siyang tumahimik dahil sabi nga ng mga kasama ko; pag nalaman na ng isa, malalaman na ng iba.
I sighed. "I have dead list five. After that I'm free. I swore revenge. I want revenge." nakayukong sabi ko.
"You killed the four, one left. You should stop this Dee. According to the person that I hired in Japan, the last person in the list was dangerous. I don't want you to...--"
"Stop it. No one can stop me, even you!" I said. Magkaharap lang kami kaya kitang-kita niya ang reaksyon ng mukha ko. Di ko pwedeng itigil ang nasimulan ko. Sabi ni dad pag tinitigil ko ang nasimulan ko, hahabulin at hahabulin nila ako. Di ako matatahimik. Ang inaasam kong katahimikan ng pamilya ko ay hindi ko na maaasam.
"Sa pamilya namin ako lang ang nag iisang babae kaya tinatawag nila akong Mafia princess. Halos lahat ng tao sa Japan alam ‘yun. Lahat sila may mga mission pero bawat mission may limitasyon, may mga ibat-ibang klase nang pag patay at ang iba ginagawang kasiyahan ang pag patay. Pero nung sinabi ko na gaganti ako ay hindi sila pumayag. They adore me, they treasure me. Ayaw nilang mawalan na naman ng babae ang pamilya namin." tumingala ako. Ayaw kong maalala pero kailangan. Gusto kong maliwanagan si Kenji na hindi ito tulad ng inaasahan niyang simpleng problema lang. At sa oras na makisawsaw siya, hindi na siya makakalabas pa.
"Nahanap nila ako sa panahong dinadala ko ang anak natin. Nalaman ng kalaban ng Mafia na buhay ako, ang kaisa-isang babae ng Mafia Family. Kaya naman wala silang pinalagpas at hinanap nila ako.” naalala ko pa ang mga nangyari sa nakaraan. Napapikit ako at nang minulat ko ang mga mata ko ay saka ko siya tinitigan ng para bang nais kong ipaintindi sa kanya kung ano ang pinasok ko, “Kulang na lang ay baliktarin nila ang mundo mahanap lang ako.” tuloy ko. Gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi isang biro ang pinasokan ko.
"Hanggang sa muntik nila akong mapatay. Isa sa myembro ng nasa huli sa listahan ko ang may sala nito. Pilit ko silang hinahanap. Kahit ang mga pinsan ko, hindi nila kami tinutulangan dahil sa simula palang ayaw nila ang ginagawa namin. I want a bloody revenge! A bloody satisfaction na di pinayagan ng nakararami." tumulo ang luha ko. "Kaya heto ako, lumalaban mag isa. Pinilit kong mag isa. Kailangan kong maging matatag, kailangan ko to." pinahid ko ang luha sa mga mata ko.
"You can stop it. You know that." Umiling ako sa sinabi niya saka pinahid ulit ang luha sa mga mata ko na walang tigil sa pagtulo. Hinarap ko siya at pilit na ngumiti.
"Yes Kenji. I can stop, but I won't." I said. Hindi basta-bastang tapusin ko na lang ang mga nangyari dahil lang sinabi niyang gusto niyang taposin ko ‘to. Kung sa simula pa lang ganon na lang pala kadali ang lahat sana sa simula pa lang ‘yun na ang ginawa ko.
"Damn! Why huh?! I'm here! I can protect you. Umalis tayo kung gusto mo." Umiling ako. Kahit pa umalis ako, babalik at babalik pa rin ako. May mission ako, may kailangan akong protektahan.
"No."
Galit niyang sinabunutan ang buhok niya at lumayo sa ‘kin saka umupo sa sofa. He looks frustrated habang hinihilot ang sintido niya. Umupo ako sa tabi niya.
"I know you still love me, Dolly." Tiningnan niya ako na para bang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya. "I want you to choose between me . . and that list." he demands. Kahit nagulat ako ay hindi ko pinahalata sa kanya. Ngumiti ako bago sumagot.
"I will always choose the dead list over you, Kenji." Nagulat siya sa sagot ko pero agad ring nag-iwas ng tingin, “I will always choose him,” bulong ko sapat lang para marinig niya.
"Him? Sino siya?!!" Natahimik kami pero ngumiti ako. Maiintindihan mo rin ako Kenji at darating ang panahon magiging okay rin ang lahat at magpapasalamat ka sa mga nagawa ko. “Sino siya at bakit mas pinipili mo siya kesa sa ‘kin o kesa sa sarili mo?! Tell me –“
"Between you and him, I would always choose him." ulit ko pa. Tiningnan ko ang mga mata niyang nagugulohan habang nakatitig sa ‘kin, "Because blood is thicker than water." I continued.