Chapter 14
"Raul.." He just smiled showing his perfect teeth. Oh! Paano ko nga naman malilimutan ang lalaking unang minahal ko?
"Hi.." he greeted and hugged me. Natulala ako sa pag dating at pag yakap niya. Hinawakan niya ako sa balikat ko at hinarap sa kaniya. "Oh? Bakit parang hindi ka makapaniwala na andito ako ngayon ha?!" he smiled at tiningnan ang kabuohan ko at umaktong parang nag-iisip, “There’s something new to you. Tell me, anong skin care ang gamit mo?” napangiti ako sa tanong niya.
"Boss..." tawag ni ugly-bossy. Napatingin kami sa kaniya at nakita ko siyang nag bow. Boss nila si Raul?! Tiningnan ko si Raul sa tabi ko."Akala namin ang ama niyo po ang pupunta dito." nakayukong sabi ng ugly-bossy. Napatingin si Raul sa kaniya.
"Si dad? Sinabihan ko na siya tungkol dito. Stop this transaction! Now!"
"But--"
Nagulat ako ng biglang humugot ng baril si Raul at tinutok ‘yun sa sentido ng ugly-bossy. Wow! Di ito ang Raul na kilala ko. Siguro may hindi pa ako nalalaman tungkol sa pagkatao niya. Maybe, just maybe, he’s one of my enemy.
"Obey or Die." yumuko lang si ugly bossy. Binitawan nang mga kasama nila si Jilton. Napatingin ako sa harap ko. Nakangiti lang si Raul sa akin na para bang nakakita siya ng isang treasure. I rolled my eyes.
"Marami kang e-kukwento sa akin!" madiing sabi niya at hinila ang kamay ko. Narinig ko pang tinawag ni ugly-bossy si Raul pero hindi niya man lang ito nilingon. Nakita ko rin ang kasamahan namin pati rin si Jilton na sumunod sa ‘ming dalawa.
**
"Trust me, Jilton. Okay lang ako dito!" kanina pa ako kinukulit ni Jilton at kanina pa masama ang tingin niya kay Raul. Alam kong wala siyang tiwala at kahit ako ay wala ring tiwala rito but I need an information. Kailangan kong makasagap ng panibagong impormasyon tungkol sa Green Palace bago ko masagawa ang mission ko.
"Pero Dee--"
"Oo na, itetxt kita mamaya. Mag uusap lang kami. Papasundo nalang ako mamaya sayo." Deretsang sagot ko.
"Pero gabi na." Aish! Ang kulit! Tiningnan ko siya ng deretso na para bang kinakausap ko siya gamit ang mata ko. I need space from all of his sh*t. Alam kong may issue siya dahil kasama ko ngayon si Raul but the hell I care? Kung kinakailangang dumaan sa butas ng karayom ay gagawin ko.
"Please." I pleaded to him. Ayoko rin makipag-away sa kanya o ano, ayokong may masabing masama kay Jilton na ikakasama ng loob niya.
"Fine! Pero itetext mo ako sa oras na may gawin siya sa ‘yo! Okay?!" tumango lang ako bilang sagot.
Nag usap lang kami ng nag usap ni Raul tungkol sa anim na taon na umalis siya. Nalaman ko na sa anim na taon na ‘yun ay di pa siya natatali. Nakakatawa nga at bumabanat pa. Akala ko magiging awkward ang pagkikita namin pero hindi. Napatawad ko na rin siya. Napawi nang panahon ang mga kasalanan niya. Parang bumalik ako sa dati. Ang dati bilang ako, bilang si Dolly Fiona Ferrer. Ang babaeng walang alam sa pagkatao niya, ang babaeng walang pinoproblema at ang babaeng hindi na kailangan pang lumaban lumalaban para sa may maprotektahan.
"Marami na rin akong balita tungkol sayo ah." Binalik ko ang atensyon ko sa kanya. Kanina pa kasi siya kwento nang kwento tungkol sa nangyari sa kaniya. Ewan ko, pero magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan?! Parti rin naman siya ng buhay ko dati na malayo na sa katotohanan ngayon.
"Really, Raul? Well, I'm multibillionaire now, Raul! I'm the heirness of Amazons!" pasimple akong napangisi sa naging reaksyon niya. Akala niya ba wala akong maipagmamayabang? Kung may natamo siya sa buhay, lalo naman ako. Psh! Kulang na nga lang tanongin niya sa ‘kin na, ‘Ano, Dolly? Sising-sisi ka na ba sa pag-iwan mo sa ‘kin noon?’ Childish! *Rolled eyes*
"Good for you,” mahinang sagot niya kaya napakunot ang noo ko, “Ang dating iyakin na Dolly na kilala ko, hito na sa harap ko! Masaya at.........malakas! Sing tibay ng bato!" unti-unting napalitan ang kanya ngiti ng isang seryosong titig. Masaya? MASAYA???? Talaga lang Raul ha? Talaga lang ha?! HA!
Tiningnan ko rin siya ng seryoso at ininum ang alak sa harap ko. Wala siyang alam. Wala siyang alam. Paulit-ulit kong sinabi sa utak ko na wala siyang alam at gusto niya lang ring sumagap ng impormasyon sa ‘kin.
"You never know how strong you are, until being strong is the only choice you have." seryoso kong sagot. Masiyadong plain at wala naman akong gustong ipahiwatig sa kaniya. Gusto ko lang malaman niya na mas malakas at matapang na ako kumpara noon. Naging mahina lang naman ako dahil nabulag ako sa pag-ibig. Pag-ibig at pagmamahal ang nagdala sa akin rito. Sana lang.... pag ibig rin ang maging daan para matapos ang lahat ng ito.
Tumahimik lang siya at ramdam ko ang titig niya.
"Di naman ako sing lakas ng iniisip mo Raul, babae pa rin ako..." tiningnan ko siya. "May kahinaan din ako." tuloy ko. Totoo naman. Inaamin ko na malakas at matapang na ako kompara dati pero may kahinaan at kinakatakutan pa rin ako. Tao pa rin naman kasi ako, may nararamdaman at nasasaktan pa rin naman ako
.
Tumawa naman siya. "Yeah! Yeah! No matter how strong you are sweetheart, you always has a breaking point!" tiningnan ko lang siya ng masama! Sweetheart my butt! "Oh! Oh! Chill babe!"
"Stop flirting with me, Raul! Di na ‘yan tatalab sa akin." malamig kong sabi. Totoo naman. Hindi ko na nga alam kung kailan ko naranasan ang kiligin ng dahil sa tinatawag nilang pag-ibig. Ngayon napapaisip ako kung kinilig ba talaga ako noon o sadyang marupok lang ako? Ano bang pinagkaibahan nila? Napailing na lang ako. Ang laki naman yata ng problema ko? Psh!
"Ang ginaw." pang-aasar niya. "Aray! Brutal nito!" inis na sabi niya nang sinipa ko siya sa paa. Napangiti ako sa inakto niya. Hanggang ngayon mapang-asar pa rin ito.
Kung hindi lang sana ito lumandi sa iba dati malamang kami pa rin hanggang ngayon. Nag tagal rin naman kasi kami dati. Napakasimple lang ng buhay ko dati, halos di ko na alam kung pano ako na padpad sa sitwasyon na ‘to.
"So?! Boss ka ng organisasyon na ‘yun?" pag iiba ko nang usapan. Gusto ko rin naman malaman baka si Raul lang ang tulay para masagot ang mga katanungan na matagal ko ng hinahanap.
"Bakit ka sumusulong sa laban na walang kasamang back up? Ganiyan ka na ba talaga ka tanga?" sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya ng sobrang lapad. Psh! He’s trying to change the topic. Ngayon ay mas pinapalaki niya lang ang duda ko sa kanya.
"Alam mo ba kung ano Green Palace?" tiningnan niya lang ako na parang nagugulohan."‘Di ba ikaw ang boss ng mga ‘yun?" napabuntong hininga siya sa tanong ko.
"Anak nang boss nila!" sagot niya. "Kilala bilang PAIN ang ama ko. Hindi ako kasali sa kanila. Di rin ako nakikialam sa kanila kaya wala akong alam tungkol dyan sa Green Palace. Narinig ko lang ‘yan dati pero wala akong ibang impormasyon tungkol dyan." Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Meron ba siyang pinoproteksyonan? I can’t trust his words.
"Pero Raul, pwede ko bang malaman ang nalalaman mo? Kailangan ko lang talaga to. Ito nalang ang natitira sa listahan ko!" I’m trying to use my luck. Kung sasabihin niya sa ‘kin ang tungkol sa Green Palace ay mas mapapadali ang lahat sa ‘kin.
"Bakit mo ba to ginagawa Dolly?" malamig na tanong niya. Hindi ako sumagot. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Kahit maingay dito sa loob ng bar ay parang may sarili kaming mundo na hinihintay lang na may isang magsalita sa amin. Napabuntong hininga siya. "Just trust me, Dolly." alam kong seryoso siya sa sinabi niya. 'Trust me.'? Kelan ba ako huling nag tiwala sa iba?! Nung huli akong nagtiwala sa isang tao ay nasaktan lang ako.
Nanatili akong nakatitig sa kanya at nang sa tingin niya ay hindi ako susuko basta-basta sa pangungulit sa kanya ay doon pa lang niya sinabi sa ‘kin ang nalalaman niya.
"Okay, fine!" sabi niya, tiningnan ko siya. "Sasabihin ko na ang alam ko Dol--Dee! Pero ito lang talaga ang nalalaman ko. Di ako mahilig makialam sa transaksyon ng ama ko sa ibang grupo kaya kung ano man ang sasabihin ko ngayon, di ako sigurado kung tama ba o totoo." tumango lang ako sa kaniya at humarap sa direksyon niya para makinig. Kating-kati na ako sa katotohanan, gustong-gusto ko ng matapos ang lahat ng ‘to."Tinayo ang Green Palace ng dahil sa pag-ibig." tiningnan niya ako.
"Tinayo ito dahil sa bawal na pag-ibig. Ang babaeng kasal na sa isa sa Mafia Family ay nag mahal sa kabilang grupo. Ang karibal ng Mafia Family at ang mortal na kalaban nang pamilya nito ang nagustohan ng dalaga--"
"--Lagi silang nagkikita ng lalaking kalaban ng pamilya nila kaya nang nahuli silang dalawa ay pinagbawalan na sila na magkita. Mula noon, nabuo na ang organisasyon Green Palace. Gusto nito na sakupin ang buong bansa pati ang buong mundo. Ang huling ginawang project ng presidente ng Green Palace ang pinaka makapangyarihan sa lahat.--" Gusto kong matawa. Nasaang Fantasy ba ako? Ang presidente ba nang organisasyon na ‘yun ay si Mojojojo ng PowerPuffGirls? O si Preza ng Dragon Ball? Napailing na lang ako sa aking naisip.
Sino bang mag-aakala na dahil lang sa pag-ibig kaya nabuo ang isang krimen ng isang organisasyon?
"Natigil lang ito ng namatay ang babaeng pinag-aawagan nila. Basta ‘yun ‘yung nangyari." ’yun lang? ‘yun lang talaga? Napanganga ako habang nakatitig kay Raul. Alam kong may tinatago siya pero hindi niya masabi. Siguro may alam siya pero hanggang doon na lang ang kwentong kaya niyang ibigay sa ‘kin. Ngayon napapaisip ako kung papaano ko sosolusyonan ang problema ko at mas lalong nagulohan lang ako sa kwenento ni Raul.
"Ang boreng mo naman mag kwento." sabi ko saka ko ininum ang alak. Tumawa naman siya.
"Babalikan mo rin ang kwentong ‘to, Dee. Malalaman mo rin ang lahat. Buksan mo ang puso mo. Makinig ka at malalaman mo rin lahat." makahulugang sabi niya. Tinitigan ko siya at alam kong seryoso siya sa sinabi niya.
"Ano pa bang alam mo ha Raul?! Lalo mo lang ginulo ang isip ko! Tell me. Tell me the whole story of that drugs and about the former-president of Green Palace." Anong koneksyon nila?
"The former-president of Green Palace was the ex-lover of the wife of the Mafia Family." Natahimik ako sa sinabi niya. May kwento pala lahat nang ‘to? Parang Romeo at Juliet? O baka naman Probensyano ni FPJ? Psh! Ano ba tong naiisip ko?
Bawat pangyayari may dahilan at kwento.
After everything he said about the story, parang nawala na ang urge kong hanapin pa siya. Napakamakapangyarihan talaga ng pag-ibig. Kaya nitong gawin ang lahat, pero kapalit nito ay buhay ng isang tao.
Ako, ano bang kaya kung gawin para sa pag-ibig? Naramdaman kong uminit ang gilid ng mata ko. Napatingala ako ng maramdaman kong may namumoong luha sa mata ko. Sa likod ng maskarang to ay ang kwentong di ko alam kung totoo bang nangyayari sa akin.
"So.................. Para kanino mo ba to ginagawa?" Napatingin ako sa kaniya, Tiningnan niya ako na parang sinasabing sabihin ko sa kaniya lahat ng iniisip at plano ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at mas piniling di sumagot rito. Kahit ako hindi ko na alam ang sagot sa mga tanong sa buhay ko. Napaisip tuloy ako.
'Para kanino ba?'