CHAPTER 2

1830 Words
"So, you're the woman that my grandfather wanted me to marry, huh?" she immediately stiffened in her seat when she heard a familiar voice that she once dreamed of hearing again. Kinabahan man pero lumingon pa rin siya sa kanyang likuran. Napakurap pa siya and praying that what she saw wasn't true. But reality strike her. She was shocked. Ang lalaking minsan na niyang hinangaan ang siyang lalaki rin palang papakasalan niya. Akala niya magka-apelyedo lang ang matanda at ang lalaking una at huli niyang hinangaan nang una niya itong nakita sa kasal ng kanyang best friend na si Sapphire. "I-Ikaw," she uttered the word almost in a whisper but she doubt it if he won't heard it. He's wearing a fitted white-fitted long sleeves polo shirt na itinupi lang nito hanggang siko. Kita niya ang mabalahibo at maputing braso nito na namumutok dahil sa suot nitong fitted polo. And God knows! what's inside of that polo shirt. Shocks! she's towering the living human greek god! "And I won't be surprised why you know me," he said mockingly. At doon lang siya natauhan. Umaayos siya mula sa pagkakaupo. Sobrang lakas ng pintig ng puso niya at sa sobrang lakas ay halos marinig na niya ang tambol niyon. God! Give me strength to face this arrogant man. Ani ng kanyang isip. Kinukurot na rin niya ang kanyang kanang hita sa sobrang kaba nang tuluyan na itong umupo sa kaharap nang kanyang silya at ang tanging nakakapaghiwalay sa kanila ay ang mesang nasa pagitan nilang dalawa. Sa isang cafeteria malapit sa De Sandiego Hotel niya napiling makipagkita sa lalaki. Nang tanungin niya ang Mama niya kung saan niya makikita ang lalake ay binigay lang nito ang calling card ni Bradden na binigay rin ng lalake sa Mama niya nang pumunta ito sa bahay nila. Tinanong pa siya ng Mama niya kanina kung gagawin ba niya ang kasunduan pero hindi siya sumagot. Ayaw niya itong saktan sa naging desisyon niya. Ilang oras lang ang naging tulog niya kagabi dahil sa pag-iisip sa dapat niyang gawin. And now she made a decision na sana sang-ayunan nitong kaharap niya ngayon. "Now, tell me, what did you do to make my grandfather agreed and made that will, so that, I will marry you?" sarkastiko nitong tanong. Kumuyom ang dalawang kamay niya na nakapatong sa magkabilaang hita niya. Pinipigilan niya ang sariling magalit at singhalan ang lalaki. Tama nga ang sinabi sa kanya ni Sapphire noon. Take it from me, yes they are handsome and hot at tinaguriang the wealthiest bachelor in the country and abroad pero halimaw naman ang mga ugali ng mga iyan. Lalo pa't hindi ka nila kilala, iyon ang eksatong sinabi noon ni Sapphire sa magpipinsang De Sandiego noong hindi pa ito nagkaayos sa asawa nitong si Grayzon Isaac. "Look, Mr. De Sandiego, wala akong kinalaman kung ano man ang naging kasunduan ng lolo ko sa lolo mo," aniya sa mahinahon na boses. Gusto niyang ipaintindi rito na parehas silang biktima ng serkumstansya nang kasunduang ginawa ng mga lolo nila. Wala rin naman siyang mapapala kung pagsasampalin niya ito sa pagiging bastos nito magsalita dahil kung tutuusin ay may karapatan talaga itong magalit pero sana naman marunong din itong umintindi. "C'mon, Fatima, let's stop fooling around. I don't know how you manage to pull it off, as far as I know you are just working as a manager in Sapphire's Dress and Design owned by my cousin's wife." "Exactly, kaya sana maisip mo na hindi ko alam iyang mga pinagsasabi mo na may ginawa ako para pakasalan mo ako dahil personally hindi ko pa nakikita iyang taong sinasabi mo," napipikon nang sabi niya. She saw the corner of his lips rose and his eyes were deeply staring at her as if he was saying she can't fool him. Pero iyon naman talaga ang totoo. "Fine! Let's just say you don't know about it, but we still need to get married," "What? No!" kaagad niyang protesta na ikinataas ng bahagya ng kilay nito. "Kaya nga nakipagkita ako sa'yo para makiusap ako---" "To late Miss Anderson," putol nito sa sasabihin pa sana niya. "May mga kondisyon rin na ibinigay sa'kin ang lolo ko sa will. And marrying you is my last resort." anito kasabay ng pagtayo nito. "Here," napatingin siya sa papel na inilapag nito sa harap niya. "Whether you like it or not, diyan tayo magpapakasal. I'll send your bridal gown one of these days, and don't to think to scape our wedding because you knew already who suffered of your doings." dugtong pa nito bago naglakad palabas ng cafeteria. Inis at sama ng loob ang siyang nararamdaman kaya tuluyan na siyang napahikbi. Wala siyang pakealam kung naroon siya sa isang public area. Halos manginig ang kalamnan niya sa sobrang sama ng loob. How her lolo and mama did these to her? Pinilit niyang pinakalma ang sarili at pagkuwa'y pinahid ang mga luhang nasa pisngi pa niya. Bakit ba ito nangyayari sa kanya? She's still young! At wala sa plano niya na magpakasal at the age of 22. Can someone help her? Pero sino? Kung mismong pamilya niya ang gumawa nito sa kanya? Nanlulumong tumayo siya. Aalis na sana siya nang masulyapan niya ang papel na iniwan ng binata. Kinuha niya niya iyon at tuluyan ng umalis sa cafeteria. NAGISING siya sa tunog nang doorbell sa tinutuluyan niyang apartment. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mr. De Sandiego ay umuwi kaagad siya sa bahay ng mama niya at nagpaalam na babalik na siya ng Maynila. Ayaw pa sana ng mga ito pero dahil sa sobrang pagtatampo niya sa mga ito ay hindi na siya nagpapigil. Tatlong araw na ang lumipas na puro trabaho lang ang iniisip niya at sa tatlong araw na iyon ay hindi pa rin niya kinakausap ang mama niya kahit na araw-araw itong tumatawag sa kanya pero hindi niya iyon sinasagot. Bumuntung-hininga siya at tamad na bumangon at tinungo ang pinto at binuksan iyon. Nabungaran niya ang isang delivery boy ng isang kilalang air courier. "Yes?" tanong niya habang kinukusot pa ang mga mata. "Good morning, Ma'am. Sorry po at mukhang naistorbo ko yata ang tulog mo," apologetic na wika nito. "Ipapa-receive ko lang po sana ito." pagkuwaý iniabot ng lalaki ang isang malaking kahon sa kanya. Tumatambol sa kaba ang dibdib niya nang abutin niya ang malaking kahon at nanginginig ang kamay na pinirmahan niya ang delivery receipt. "Thank you, Ma'am." pasalamat ng lalaki bago umalis. Dinala niya ang box sa kanyang kwarto.Kahit hindi niya iyon buksan ay nasisiguro na niya kung ano ang laman n'yon. Matagal niya munang tinititigan ang kahon bago siya nagpasyang buksan iyon, at kahit may idea na siya kung ano ang laman ng kahon, pero halos himatayin pa rin siya nang tumambad sa kanyang paningin ang laman ng kahon. Inside was a designer wedding gown! Nanginginig ang kanyang kamay habang inilalabas ang damit mula sa kahon. It was a stunning, white tube knee-length bridal dress, studded with tiny diamonds. Sa tingin pa lang ay sobrang mahal na niyon. "He's really serious about the wedding," usal niya at nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kanyang kama. Napasulyap naman siya sa maliit na note na nakaipit sa may gilid ng kahon. Kaagad niya iyong kinuha at binasa. Wear this on our wedding day, June 25th , five P.M, Blue Castle, Garden. June 25th was a week away from today! Hindi pa man nagsi-sink in sa kanya ang lahat nang tumunog ang cellphone niya. Her mama Cynthia. Again. "H-Hello, M-Mama," aniya sa pumiyok na boses. "A-Anak, Fatima, pinadalhan kami lahat rito ng wedding invitation ni Mr. De Sandiego." ani ng ina sa kabilang linya. Kumuyom ang kamay niya at humigpit ang pakakahawak niya sa kanyang cellphone. Kung gano'n invited pala ang pamilya niya. So thoughtful of you, Mr. De Sandiego. Sarkastikong turan ng kanyang isip. "Fatima, please a-anak kausapin mo naman ako, oh?" tumulo ang luha niya nang marinig ang nagmamakaawang boses ng kanyang mama. "M-Mama," tuluyan na siyang napahikbi at ganun rin ito sa kabilang linya. Paulit-ulit itong humingi ng s-sorry. Pero pinilit na lang niyang tinanggap itong nangyayari. What's been done is done. Matapos niyang kausapin ang Mama niya at sinabing magpapakasal siya sa lalaki dahil wala naman siyang mapagpipilian pa ay bumalik siya sa kama at humiga roon. Nangako rin ang mga ito na luluwas ng Maynila the day before the wedding. When the whole thing was getting into her, naisip niya kung paano nalaman ng binata ang saktong tabas ng gown para sa kanya? Damn! Tingin pa lang ay alam niyang perpekto ang sukat ng damit sa kanyang katawan. She was still thinking boggling thoughts when Sapphire and Allaina arrived in her apartment. "Gosh!" bulalas kaagad ni Sapphire nang mabungaran ang malaking box sa kama. Nakabukas pa iyon kaya mabilis nitong nakita ang gown. "So, it's true. Akala ko nagbibiro lang si Gray nang sinabi niya na magpapakasal raw kayo ng pinsan niyang si Wyatt Bradden," namamanghang dugtong nito habang si Alaina ay mataman lang siyang tinititigan. Lumapit ito sa kanya at dahan-dahang inabot ang dalawang kamay niya. "Now, I know why so sudden," anito na ang tinutukoy ay ang biglang pagpapakasal sa kanya. Napayuko siya. 'Till now, she was still amazed of her gift given by God to her. "And you were crying," dugtong pa nito. "The will!" bulalas ni Sapphire na ikinaangat ng kanyang ulo. Uh! Natural na alam nito ang tungkol doon dahil pati ang asawa nito ay hindi rin nakaligtas sa will ng lolo ng mga ito at hindi rin biro ang mga pinagdadaanan ng mga ito. "Pero paanong nasali ka sa will ni lolo Clifford?" naguguluhang tanong ni Sapphire sa kanya. Si Alaina naman ay nanatili lang tahimik na nakaupo na ngayon sa gilid niya. Bumuntonghininga siya. "Dahil kay lolo Florencio. Naisangla kasi niya sa Banco De Sandiego ang hacienda Margarita at nanganganib na maremate dahil sa tagal nang hindi nakakabayad ng interes ang lolo kaya nakipagkasundo ito kay Attorney De Sandiego noon at ako ang naging collateral. Bata pa lang ako nang mangyari iyon at ngayon ay naniningil na ang matanda kaya heto," nadidismayang sinulyapan niya ang gown. Alaina hugged her tightly at gano'n din si Sapphire. "Lahat ng magpipinsang De Sandiego ay may hindi kaaya-ayang mga ugali pero deep down ay mababait sila lalo na sa taong mahal nila," maya-maya'y sabi ni Sapphire nang kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. "Ikaw na rin ang nagsabi na mababait sila sa taong mahal nila, but in Fatima's case wala silang ugnayan na dalawa sa isa't isa. Who knows kung oportunista na pala ang tingin ng lalaking iyon sa kaibigan natin?" Alaina sneered. Gusto niya tuloy sabihin na gano'n nga ang tingin sa kanya ni Bradden pero mas pinili niyang manahimik na lang at baka mas lalo lang gumulo ang isip niya kung makikialam itong dalawa. Ayaw rin niyang ma-stress si Sapphire. Buntis ito at bawal dito ang ma-stress. "I don't have a choice, do I?" aniya sa bigong boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD