CHAPTER 3

1745 Words
TININGNAN ni Fatima ang suot na relo at saka siya huminga nang malalim. Mahigit isang oras na siyang nasa loob ng opisina ni Bradden pero hindi pa ito bumabalik mula sa meeting nito. Sinundo kasi siya ng driver nito sa building ng Sapphire's Dress and Design. Ang sabi, utos daw ng amo nito at kailangan ihatid siya sa De Sandiego Tower. Tumayo siya at lumapit sa bookshelf na naroon. Kakukuha pa lang niya ng isang libro nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang lalaking kanina pa niya hinihintay. "I told you to cancel that meeting!" ani Bradden nang tuluyan na itong nakapasok sa loob ng opisina. May kasunod itong dalawang empleyado. Isang lalaki na nakilala na niya kanina. Si Larry secretary ni Bradden at isang babae. "Sir, kapag ipina-cancel natin 'yon, mahihirapan tayong magpa-set uli kay Mr. Yap," katwiran ng lalaki. Hinarap ito ni Bradden. "Kaya kita pinapasweldo para gawan iyon ng paraan." sarkastikong sabi nito kaya lihim siyang napangiwi. He's ruthless and heartless. She wondered kung paano ito rerespituhin ng mga empleyado nito kung ganito ito kawalang puso kung magsalita? "Hindi pa nakahanda ang proposal na ipinapagawa ko kay Levi kaya paano ko haharapin ang Mr. Yap na iyon? Mag-isip ka nga, Larry!" Napayuko ang lalaki. "Okay, Sir. Ipapa-reset ko na lang ang meeting n'yo ngayong Friday." "Friday?! Engagement party ko iyon, di ba?" "Titingnan ko na lang po ang schedule---" "As my secretary, you should know my schedule by heart!" sikmat nito na ikinayuko ulit ng lalaki. God! This is not the man she dreamed to have as her husband. "Where's Alfred? Nasundo na ba niya si Fatima? I told him---" "Nandito a-ako," sabat niya kaya napatingin sa kanya ang tatlo. Nakita niya ang pagsasalubong ng kilay ni Bradden. His piercing eyes landed on her hand and that made her jump a little bit in nervousness. "Sino'ng nagsabi sa'yo na pakialaman mo ang gamit ko?" malamig na tanong nito. Tiningnan niya ang libro na hawak niya at saka tiningnan uli si Bradden. "I'm sorry. Naisip ko kasing magbasa habang hinihintay ka." "Hindi kita pinapunta rito para magbasa." anito at binalingan muli ang secretary nito. "Call Mr. Yap's office. Sabihin mo, ire-schedule ang meeting." sabi nito at tumango lang ang kaawa-awang sekretaryo. Bumaling naman ang tingin nito sa isang babae. "Samantha, dala mo ba 'yong mga itinawag ko sa'yo kanina?" "Yes, Sir." nakangiting tugon ng babae. Maganda ito, para itong modelo sa ayos nito. Naka-white dress ito na may black belt style sa may baywang at black high heels sandals. Pero may pakiramdam siya na hindi niya ito makakasundo. "Good. I---" natigil sa pagsasalita si Bradden ng tingnan nito si Larry. "Anong itinatayo mo riyan?" "Ito ho kasing mga ipinapahanda ninyong papers," mahinang sabi nito. Nagtagis ang mga bagang ni Bradden. "Do I need to tell you all of what you have to do? Put that on my table and leave!" Natatarantang sumunod naman kaagad si Larry habang nakasunod ang tingin ni Bradden dito. Nang dumaan si Larry sa harap niya ay nag-iwas ito ng tingin sa kanya. She felt pity on him. Upon seeing his situation, she realize na napakaswerte niya kay Sapphire dahil kahit ito ang boss at lumaking mayaman pero ni minsan ay hindi siya ipinahiya nito sa harap ng ibang tao. But a few more days from now ay baka mangyari rin sa kanya itong naranasan ni Larry dahil magiging asawa na niya itong demonyong nagkakatawang tao sa harapan niya ngayon. She silently sighed and pray to God that, that gonna happen. "I'm s-sorry, Sir." sabi ng lalaki kay Bradden bago ito lumabas. "Fatima," tawag ni Bradden sa kanya na nagpabalik sa diwa niya sa kasalukuyan. "This is Samantha. Siya ang organizer ng mga events ng company. She also works at Blue Castle Sports Club. Siya ang makakatulong mo sa pag-arrange ng engagement party at ng wedding natin," pakilala nito sa babae. "Samantha, this is Fatima Rae Anderson." "Hi, Ma'am," bati sa kanya ng babae. Matipid naman na ngiti ang kanyang iginanti rito at ibinalik ang paningin kay Bradden. She wants to talk to him in private. Gusto niyang linawin muna ang set-up nilang dalawa matapos ang kanilang kasal. Bago pa man kasi dumating ang driver nitong sumundo sa kanya kanina ay pinag-iisipan na niyang mabuti ang gusto niyang mangyari matapos ang kasal. "Bradden, gusto sana kitang kausapin tungkol---" "Samantha, ikaw na ang bahala sa kanya." anito sa babae nang hindi man lang siya pinatapos sa pagsasalita. Damn, this brute has a bad attitude in ignoring someone. Tinungo nito ang executive table habang siya ay nagngingitngit ang kalooban niyang tiningnan ito ng matalim. Naputol lang iyon nang maramdaman niyang hinawakan siya ni Samantha sa kanyang balikat kaya napatingin siya rito. "Let's go." anito at kaagad na siyang iginiya palabas ng opisina. "Papakasalan ka ni Sir Wyatt dahil sa last will and testament ng lolo niya, kaya wag kang umasa na tatratuhin ka niya ng maayos," walang prenong sabi sa kanya ni Samantha nang tuluyan na silang makalabas ng opisina ni Bradden. Ah! So, this beautiful maiden beside her has a demon attitude, eh? "May mahal siyang iba kaya 'wag ka na rin umasang mamahalin ka niya," walang hiyang dugtong pa nito na ikinataas ng kilay niya. Nasa tapat sila ng pinto ng elevator, naghihintay na bumukas iyon. "Kagaya mo?" tanong niya at sumulyap dito sandali. Pagkuwa'y ibinalik din niya ang tingin sa pintuan ng elevator. Wala rin naman kasing kainte-interesante rito at baka mas lalo lang siyang mainis sa babae. Hindi pa naman din humuhupa ang inis niya kay Bradden at dumagdag pa ito. "What?" Umismid siya. Maang-maangan, te? "Ikako, na kagaya mo na umaasa na mahalin ni Bradden," aniya at humakbang papasok sa loob nang elevator nang bumukas iyon. Good thing at wala pang ibang tao sa loob. "Yes." Samantha said, frankly. "At kailangan mong makipag-cooperate sa'kin dahil sa akin lang si Wyatt Bradden at gagawin ko ang lahat mamahalin lang niya ako," walang gatol na wika nito. She rolled her eyes in annoyance. And she has a desperate soul too. Noted. "Hmm? Anong klase naman na kooperasyon ko ang kailangan mo?" pakikisabay niya sa pagiging desperada nito. Wala rin naman kasi siyang mapapala kung aawayin niya ito. Might as well play with her pathetic game. NAPAHINGA siya ng maluwang at lihim na nagpapasalamat na natapos din ang diskusyon nila ni Samantha tungkol sa engagement party na kung tutuusin puwede rin naman na wala siya rito at si Samantha na lang ang magdedesisyon dahil useless rin naman na narito siya kung lahat ng sasabihin niya ay kinukontra nito at ang mga gusto pa rin nito ang masusunod. Para bang ito ang ikakasal at siya ang wedding coordinator. Leave him after the wedding. "Pathetic b***h," she murmured nang maalala niya ang sinabi nito sa kanya kanina. "Ano'ng sabi mo?" anito sa naniningkit na mga mata. Tinaasan niya ito ng kilay. "Nothing." labas sa ilong niyang tugon. "Well, tapos na tayo tungkol sa engagement, right?" Umirap muna ito bago tumango. "Yes," maarting sagot naman nito at itiniklop ang mga magazine. "Then, aalis na ako," aniya at inayos ang pagkakasukbit ng kanyang sling bag sa kanyang balikat. Mas gustuhin pa niyang magkulong sa apat na sulok ng kanyang apartment kaysa makipag-usap sa babaeng ito na nasubrahan yata sa confidence ang katawan. Akmang tatayo na sana siya nang dumating si Bradden. Isa pa itong lalaking ito, sarap kutusan. "Are you two done?" tanong kaagad ng binata nang tuluyan na itong makalapit sa kanila. "Yes, Sir." Abot-taingang ngiti ni Samantha. Lihim naman siyang napairap. Plastic talaga! Hindi na tuloy niya alam kung ilang beses na siyang umirap ngayong araw. "Alright, you can go home now, Samantha. May pag-uusapan pa kami ni Fatima." Maawtoridad na utos nito sa babae na kahit siya ay hindi nakahuma sa kinauupuan niya. Tumayo si Samantha at walang imik na sinamsam ang mga wedding magazines na ipinapakita nito sa kanya kanina. "Bye, Sir Wyatt. Ma'am Fatima," anito bago nag-martsa palabas ng visitor's lounge. Napatingin siya sa binata na parang haring umupo sa harap niya. He occupied the seat where Samantha seated awhile ago. "May sasabihin ka, 'di ba? Then, speak!" utos nito sa kanya na ikinatanga niya. Ah, so may natitira pa rin naman pala itong paki sa sasabihin niya. "Uh...about sa kasal---" "Kung bibigyan din ako ng choice, I will not f**king marry a stranger. But, Grandpa didn't gave me a choice. I don't want to lose Blue Castle Sports and Riding Club. Hindi ko man sariling pera ang itinayo n'yon pero dugo't pawis ko naman ang pinuhunan ko para lumago 'yon." anito sa nagtatagis na mga ngipin. Binabawi na niya. Wala pa rin pala itong pakialam sa gustong sabihin niya. "Nang dahil lang sa mana, magpapakasal ka sa babaeng hindi mo mahal?" she asked out of the blue. He tilted his head and eyed her intensely. Kinabahan tuloy siya. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang tanong niya. "Stop acting like you don't have an interest about that damn million dollar you get as my wife!" Naguguluhang napatingin siya sa lalaki. Anong million dollar ang pinagsasabi nito? "Anong million dollar ang pinagsasabi mo?" she asked confusedly. Mariin siya nitong tinititigan. Tila sinusuri nito kung nagsisinungaling lang ba siya na wala s'yang ideya sa mga pinagsasabi nito. "Kasama sa will ni lolo na bigyan ka niya ng million dollar matapos ang kasal." What the?! Is that for real? Hindi niya tuloy napigilang mapasinghap ng malakas sa sinabi nito. Now, it makes sense. Kaya pala gano'n na lang siya nito kung husgahan na isang oportunista. She stared at him equally. She want to defend herself. But how? Kung oportunista na talaga ang tingin nito sa kanya. "Sinabi ko na rin sa'yo na wala akong kinalaman sa mga pinaggagawa ng lolo ko at ng lolo mo, until recently. Kung wala ka ng iba pang sasabihin ay aalis na ako." aniya at kaagad ng tumayo. Nakatalikod na siya rito nang magsalita ito. "I assure you pagkatapos ng annulment ay may makukuha ka sa'kin bukod sa perang nakasaad sa will." Natigilan siya pero hindi na siya nag-abalang lumingon pa rito. Gusto niyang matawa. Hindi pa man sila ikinasal ay annulment kaagad ang iniisip nito. Ah, surely kapag nalaman ito ni Samantha ay sigurado siyang matutuwa iyon. "Hindi ko kailangan iyon." madiin niyang sabi at tuluyan ng umalis. Mahirap lang siya pero kaya niyang mabuhay nang hindi manlalamang ng tao. Bagay nga ito at si Samantha, isang mapanghusga ng kapwa at isang ilusyunada.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD